Mukhang kakaiba naman ang ating tatalakayin ngayon, mga pare’t mare. Kung dati kasi panay isyung pampulitika’t lipunan ang madalas laman ng tirada ko e pagbibigyan ko muna ang aking tropa na laging nangungulit sa akin na (please daw,) magtalakay naman ako ng usapin sa pag-ibig. Ang sarap lang kutusan ng mokong na ito. Hahaha! ‘de. Sige pagbigyan na natin, nakakaawa yung bata e.
Tunghayan naman natin ang istorya ng isang tao na itatago ko sa pangalang Jerry M. Maya tungkol sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig kamakailanlang dahil sa kanyang katorperhan. Ay, yan kasi! At sa totoo lang, bakit ba hihingi pa ng payo sa akin ‘tong lokong ito, e ako nga mismo hindi ko naranasan ang ganyan, ‘no? lakas maka-demand ha? HAHAHA! Anyway, ang kanyang pag-open up sa pinamagatang “I want to ask you sana .”
Ako nga pala si Jerry, 22 anyos, isang tambay na wala nang inatupag kundi ang mag-Facebook at magbasa ng blog. Sa isang pagkakataon na may nabasa akong artikulo na may kinalaman sa sex, isa siya sa numero unong kumontra sa pananaw ko. Nauwi kami sa isang mainit na argumento sa internet. Pero lingid pala sa kaalaman ko, nagmessage pala ang ale sa aking Facebook.
Nagpakilala ang babae na si Eunice. Humihingi siya ng tawad kung sakali man na nasaktan daw niya ang aking damdamin sa paglalah ng opinion. Pero sumagot ako, ayos lang iyun, basta nasa usapan pa rin naman ang paged-duelo namin e wala sa akin yun. Nginitian lang niya ako, at sabagy in-add sa nasabing social networking site.
Dumaan ang mga araw, lingo at ilang buwan na naging magkakontrapelo kami sa usapan. Pero wala sa aming dalawa yun dahil doon pa nga kami mas nagkapalagayan ng loob. Nauwi sa magdamagang pakikipagtext at tawagan pa nga ang uganayan namin e. Pero sa kabila ng lahat ng iyun, mayroon lang sana ako gusto pang mangyari: ang ayain ko siya na makasalamuha sa personal. Oo, gusto ko siya makita.
Minsan sa isa naming usapan…
Jerry: Do you like meeting with other people ba?
Eunice: What do you mean?
J: Yung makikipagkita ka sa mga tao na nakikilala mo sa internet tulad ng Facebook?
E: Ah, Oo naman! J Kaya lang sa pili lang din ako nakikipagkita e.
J: Bakit naman?
E: Marami rin kasi ang mga loko-lokong tao sa ngayon, minsan nga kamuntikan pa nga ako na gahasain matapos niya akong padaanin sa isang motel. At mayroon pa iba dyan na tinangka pa na nakawin ang cellphone ko. Snatcher pala ang naka-EB ko ang wala.
J: Ahh, I see. :-D
E: Kaya sa ngayon, kinikilala ko na muna ang mga taong sasamahan ko.
J: Ahh…
Halos napanghinaan ako ng loob dahil ilang lalake na rin pala ang naloko kay Eunice. Kaya ang unang pumasok sa isipan ko na “ay, Malabo na makipagkita ito sa akin.” Hanggang sa sumagot siya ng…
E: Don’t worry. Tingin ko kahit naman magkaaway tayo sa mga pinag-uusapan natin eh mas magiging close pa tayo. Inetersting kasi para sa akin ang personality mo e.
J: Talaga? Thanks, ha.
E: You’re welcome. :-)
Habang magtataype na sana ako na “gusto kita ayain lumabas minsan,” ay may pahabol siyang mensahe sa akin bigla.
E: Ngapala, I have to leave na. Thanks sa time, Jerry. Mwah! ;-)
At yung ipapadala ko sana sa kanya na linyang yun? Binura ko na lang.
Dumaan ang ilang mga araw at linggo. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag-aayos na siya ng kanyang mga papeles at gamit dahil tutulak siya papunta sa Doha .
Dito ako sumubok na maglakas-loob na ayain ulit siya na lumabas kahit sa huling beses na nasa Pilipinas siya.
Jerry: Wow, aalis ka na pala?
Eunice: Hindi. Gagala lang. HAHAHA!
J: Grabe ka naman, iiwan mo na ako dito? L
E: Haha! Hindi naman, magtatrabaho lang ako dun. Why sad face?
J: I have to be honest. I want to meet you sana e.
E: Aww. Teka, puwede mo naman ako kausapin thru fb at phone ha?
J: That’s not my point, Eunice.
E: Huh? What do you mean?!
Sa sobrang upset ko, hindi na ako nagpaalam na mag-log-out at umalis na lang muna sa bahay para makapagpalamig.
At kinabukasan, tanghali na ako nagising at doon lang ako nagbasa ng mga mensahe sa aking inbox. At nagulat ako dahil nagtext siya, “Jerry, let’s meet, please? Sa Airport Terminal 3. Bukas ng hapon, bago ang flight ko ng alas dos. My treat.”
Hala, yung bukas niya kahapon e mamaya na ngayon. And no to mention, mag-aala-una na sa orasan ko. Hindi na ako nagreply at agad na tumulak din sa paliparan bago mag-alas dos ng hapon. Hinanap ko siya, habang kinakausap ko ang gwardya sa isa sa mga entrance.
Guard: Sir…?
Jerry: (interrupting) I’m looking for a passenger named Eunice Baldemor.
Bago pa man nakasagot ang gwardya, may nag-approach sa akin na babae. Kinalabit nya ako sa likod hanggang sa tumumbad sa akin ang babae na hinahanap ko. Matangkad siya, mahaba ang buhok, morena, at mukhang medyo classy ang pananamit.
“Ikaw si Jerry Maya?”
“Ah… eh, ako nga.”
Ngumiti lang siya. Ang sumunod na eksena ay nagkausap lang kami saglit, nasabi niya na hindi ko lang alam kung kelan pa siya makakabalik. Kasi kung magustuhan nya ang trabaho niya dun, e di magse-stay na lang siya dun for good.
At tumika na ang oras ng alas-dos. Nagpaalam siya, hinalikan ako sa pisngi sabay sabi ng “Salamat ha? Buti naman dumating ka. Ito oh, may kape akong dala para sa iyo.” Hanep, sa Starbucks pa pala sumaan ang ale. “At, keep in toch with me sa Facebook ha? Take care.” Sabay niyakap ako ng ilang Segundo bago siya pumasok sa airport. Akala mong masayang masaya ako na kumaway sa kanya…
Bago ako umalis ay uminom muna ako ng kape na binigay niya at binasa ang isang mallit na note na nakadikit mula sa inorder niya nay un. Nakasaad: “Aminin mo, you want to ask me out, don’t you? Yan lang din ang inaantay kong tanong mula sa iyo e. I have to admit na hindi ko alam kung kelan pa ako makakabalik diyan sa Pinas if ever, but keep in touch with me na lang. Ayaw kong mawala ang closeness nating dalawa. Love lots, Eunice <3 u="u"> 3>
Parang gusto kong sumigaw ng “Syet! Yun namana pala, Eunice eh!” pero hagulgol na lang ng luha ang sumunod na naganap.
Ayun, naging balisa na ako madalas sa mga pagkakataon. Nagiging masyaa lang ako kapag nakakauspa ko si Eunice sa Facebook. Pero maliban dun, ay… ewan ko. Sige ‘tol. Salamat sa pagbabahagi ng kwento ko ha? P.S. Penge na ring advice, hehehe!
Yours truly the cutie,
Jerry Maya.
Yours truly the cutie pang nalalaman. Hoy teka, Jerry, akin yang linyang yan ha? Alam niyo mga ‘tol gusto ko rin sana magbigay ng payo pero sa totoo lang, hindi naman kasi nasusunod ang mga ito pagdating sa pag-ibig e. I mean, kahit naman sumangguni ka pa sa mga tulad ni Papa Jack, Joe D’ Mango, Dr. Love at iba pa eh at the end of the day kasi ikaw pa rin ang magdedesiyon kung susundin ang mga ito. E paano kung taliwas sa naiisip at nararamdaman mo ang mga pinayo nila?
Ito na lang siguro, tol Jerry, ano. Kung gusto mo ang isang bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan para makuha ito, ‘di ba? Ganiyan din sa pag-ibig. Kung magpapakatorpe ka na lang sa mga tulad ni Eunice, e wala kang magiging sariling lugar sa mundong ito na karamihan ay nanghahangad at nagpapakapal ng mukha para lang maging masaya sila. Kune lengwahe pa ng barbaro yan, nagpapakatanga ang tawag dyan. Kung napanghinaan ka ng loob dahil sa maraming nanloko sa kanya, e ‘di sana nagpakita ka ng motibo at pinatunayan mo na hindi lahat ng mga lalake ay ganun. Lalo na may gusto pala sa iyo ang ale. O, ano ka ngayon? Nakanganga?!
Siguro kung kaya mo talagang sumunod sa mga payo e, magsilbi sanang leksyon para sa iyo ang pakikisalamuha mo kay Eunice. Seryoso. Suriin mo ang sarili mo kung may nararamdaman ka pa bas a kanya? Kung meron, e di go ahead. Iyun nga lang, dahil wala na siya dito sa bansa, mas pinahirapan mo ang sarili mo na suyuin siya at mapalapit pa ng husto sa kanya. Kung hindi naman, e di simple lang: kalumutan ang lahat, at mag move-on ka na.
At simple lang, dyan nagtatapos ang lahat. Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng mga kwento sa pag-ibig ay may kaakibat na happy ending. Kung gusto mo maging masaya yun, e ‘di… ‘wag kang magpakatorpe. Ganun kasimple.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment