“Sa mata ng bata, ang maling halimbawa ay nagiging tama.” Yan ang isang makabuluhang kasabihan mula sa isang lumang kommersyal sa telebisyon. At hindi ito usapin ng moralidad, kung konserbatibo ba ang isang tao o malaya ang kaisipan.
Nagbabago na kasi ang panahon, kaya sa totoo lang hindi na rin kataka-taka kung bakit ibang-iba na ang mag kabataan ngayon sa mga nagdaaang henerasyon na sa ganyang kaedaaran pa lamang.
Sa tapat nga lang ng tindahan ng uncle ko, makikita ko ang mga batang naglalaro. Wow, parang dati lang. Kaya lang, pag may asaran at ma-pikon ang isa, aba e mas malulutong pa sa mga tumatagay na magkukumpare kung makapagmura! As in “TANGINA MO, BABOY KA!” sambit ng isang musmos sa kanyang ka-asaran na matabang bata. Wasak, ‘di ba?
Pero what went wrong nga ba? Hindi kaya dahil tayo din ang may kasalanan kung bakit ang mga akto ng bata ngayon ay… ewan. Pero ganun nga ba? Ika nga ng isang video, kung hahayaan mo lang ang mga material na bagay tulad ng intenet at media na mainupalhin ang isipan nila, anong klaseng magulang ka? At isama mo na pala dyan ang istilo ng pamumuhay na tila hindi na rin masisisi ng basta-basta.
OO, hindi rin masisisi, e kung may mga balahura din kasing mga magulang e. Isang simpleng pagkakamali o iyak lang, malulutong na mababahong salita na kaagad ang binibitawan nila. Yun nga lang, nahuhubog na sa ganyang persona sa madalas na pagkakataon ang mga bata lalo na kung hindi ipapaintindi ng mga magulang nila ang disiplina at kung bakit nila ginagawa iyun.
Kapag tambay ko sa isang computer shop, ang mga bata, nahawa na sa mga nakaktanda kung makapagtrash-talk sa kalaro sa DotA. Ayos, pre. Kung college lang at naka-uniform, pwede pa sana e. E kaso….
Alam kong uso na ang high school romance noon pa man. Hindi pwedeng wala kang girlfriend o boyfriend noon. Pero ngayon, hindi lang isa ang partner ni totoy at nene. Minsan, marami pa sa dalawa o tatlo pa iyan. Pag nagkasalubong ang mga boyfriend ni babae sa isa’t isa… tiyak isang malaking rambulan ang magaganap. Ang siste, hindi lang sa kaye ito ginagawa. Meron pa nga yata, sa mga pampublikong lugar pa talaga. Kung maka-trato nga sa syota e parang asawa na kaagad e. Minsan, naka-chat ko ang isang mas bata sa akin na online friend ko sa Facebook. Bago siya mag-out isa sa mensahe niya ay “ay, kuya. Out na po ako ha. Magkikita kami asawa ko e.” Parang nanlaki mata ko bigla. High school pa lang yan, ha? Anak ng pating.
Ang mga bata na wala pa sa tamang edad para makipagtext o makipag-chat, ayun… hindi mapigilan kahit ng mga magulang nila. Naging isa sa mga primerong pangangailangan ng bawat tao sa mundo ang cellular phone, Facebook account at iba pang modernong bagay. Well, tama lang sana. E kaso, kaya ba nilang isawalang-bahala na lamang ang mga nakikita nila doon? Mula sa gasgas na romantic quotes, sa mga viral videos na rated SPG pa para sa kanila, sa mga pipitusugi’t walang hanging musika sa popular na kultura, at kaya bang kontrolin at ipaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng sex? E baka pag minsan may nagpop-up na lang na isang pornography website lang e matignan lang nila yan ng ilang saglit e ma-aroused na kaagad?
At isama mo na dyan ang palpak na istilo ng programming sa telebisyon, mula sa jeskeng teenage love-team, kasakimang umeere sa mga romatic drama kuno, hanggang sa over-usage ng slapstick comedy sa mga variety shows, masamang balita (at oo nga pala, isama mo na diyan ang katagang tulad ng “naliligo sa sariling dugo”), kahit pa nga ang pagmumura sa ere, live man na palabas o canned. Malakas kasi ang hatak ng media sa tao e. Kayang-kaya nito impluwensyahan ang kahit sino, maliban na lamang kung ikaw yung tipong hindi basta-basta naniniwala sa nakikita mo.
Ang usapin sa sex ay hindi na pwede gawing taboo. Dahil mas nagiging curious ang mga inosenteng nilalang sa kada tanong na hindi masagot o ipinagdadamot. Yun nga lang, matinding pag-unawa ang kinakailangan, isama mo na ang pagpapasensya ng sobra-sobra.
Hmm…. Nagbabago na nga ang panahon. Pero sana ang kasabihang ito ay hindi mawawala sa sirkulasyon kahit ang TVC ng isang food company na nagdala ng aral na ito ay wala na sa sirkulasyon.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment