Sa panahon na ang mga modernong pamamaraan ng komunikasyon ay nagsulputan, ito lang yata ang hindi mawawala sa uso. At totoo naman, hindi ito puwedeng mawala sa sirkulasyon. Ang pakikipagtext. Siyempre, mas madali, epektibo, matipid… ano pa ba ang hahanapin mo?
Lalo na sa panahon ngayon na usong-uso ang mga plan sa postpaid, at unlimited services naman sa prepaid. Ultimo ang mensahe sa text, pwede na gawing access sa mga online social networking accounts mo, tulad ng Facebook status messages, tweet sa Twitter, o ultimo chat message sa Yahoo! Messenger.
Anuman ang hindi mo naiintindihan sa tawag niya, maiintindihan sa text. Anuman ang nabibitin sa pakikipagchat sa internet, pwedeng ituloy sa pakikipagtext. At kapag meeting adjourned na ang barkada, “text-text” na lang ang bitaw ng karamihan bago magsipag-alisan.
Pero… “text-text na lang?”
sabagay, uso na talaga ang makabagong ekspresyon tulad ng mga salitang paulit-ulit, ano? Pero sa panahon ngayon, ayos na lang yatra ang mga ganitong termino sa pakikipag-usap kesa naman magpanggap na kunwari taga academia de lengwahe at husgahan ang nasabing salita na isa sa mga “pausing nakakabobo” na ang pinakaprimerong halimbawa sa lahat ng mga ito ay ang katagang “epic fail.”
Text-text na lang? ano’ng ibig sabihin nun? E ‘di siyempre, sa text na lang itutuloy ang suapan niyo. Magtext ka sa kanya, at magtetext din siya pabalik sa iyo, kaya… text-text!
Kung sadyang perfectionista ka, may mga bagay na alam ko na ibibira ka, tulad ng:
“Text-text? Unli ka ‘te? Paulit-ulit?”
O hindi naman kaya ay…
“Teka. ‘di ba ‘text’ lang ay pwede na?”
Oo nga naman, kung magpapaka-formal ka, “magtext” ka. Pero hindi naman kaya ay masabihan ka na “manong” dahil sa sobrang pormal naman ng approach mo sa mga bagay-bagay, lalo na sa panahon ngayon na uso ang pagiging prangka at balahura?
Pero nevertheless, ayos lang yan. Walang basagan ng trip. Basta, astig pa rin ang pamamaraan ng pakikipagtext. Kaya…
Kung may lakad o inuman mamaya, text-text na lang.
Anuman ang update sa mga chikang balita, text-text na lang.
Kung may iuutos ka sa akin, text-text na lang.
Call me maybe? Wala akong load na pantawag e. Text-text na lang, pwede?
Kung wala kang makausap, kawawa ka naman. Text mo ako, este, text-text na lang.
At kung love mo talaga siya, e ‘di i-text mo siya. Text-text na lang tutal uso naman ang pakiramdaman gamit ang text messaging at uso rin naman ang ilahad ang anumang nararamdaman mo sa kanya sa isang text message. Oo, lalo na kung mas maingay pa ang tunog ng mga cricketkesa sa mga bibig niyo kung personal na nakikipag-usap kayo.
Kaya… text-text na lang, ha? ;-)
Author: slcikmaster | Date: 10/06/2012 | Time: 08:10 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment