Monday, 15 October 2012

Plastic ban?!

Noong mga nagdaang buwan, inimplementa na ng ilang mga lokal na pamhalaan sa Metro Manila (pati na rin yata sa ibang mga lalawigan sa Pilipinas) ang pagbawal sa paggamit ng isang materyal na nakakasama sa ating kapaligiran. Ang plastik.

May kanya-kanyang gimik na rin ang bawat negosyante, lalo na sa mga supermarket. Hinihikayat nila na gumamit ang mga mamimili ng mga reusable na bag. At naniningil sila ng karagdagang halaga sa kada supot o plastic bag na magagamit. Aniya, gagamitin ang anumang makokolekta sa mga proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa naghihingalong Inang Kalikasan.


Hmm… siguro, tama na rin na maisabatas ang pag-ban sa plastic dahil sa dumarami na rin ang tao sa Kamaynilaan, which means na marami rin ang mga nagtatapon ng basura kung saan-saan. At karamihan sa mga tinatapon na ito, plastik. Masaklap na hubo’t hubad na katotohanan nga lang, ano. At least, sananaman matuto ang mga tao. Maliban diyan, marami rin kasing hazard sa paggamit ng plastik sa ating kapaligiran e. nakakapahanak ba little by little. Isama mo na diyan na matagal-tagal-tagal na panahon ang aantayin mo bago matunal ito a la natural death.

Pero sa kabilang banda… err, sa totoo lang… tingin ko hindi dapat sisihin ang plastik dito e. Ano bang kinalaman nila, e ginagamit lang naman sila ng tao? May mga bagay kasi na mas mainam na ginagamitan ng mga supot o plastic bag tulad ng mga basang produkto, yelo, karne, pagkain na hinango sa wet section ng palengke o grocery, at iba pa.

Katulad nga ng sinabi ko kanina, marami rin kasi ang walang disiplina sa basura. Nasa paggamit din kasi yan e. Parang ugali lang ng iilan na maihahalintulad na sa… well, plastik.

Well, leksyon na lang sanasa atin ang mga ganyang bagay, na pangalagahan natin an gating kapaligiran. Maging maalam sa mga nangyayari at kung gaano katinding pinsala ang kaya nitong dalhin na makakapahamak sa atin.

Teka, plastik pa rin ba ang usapan ‘di ba? E di lubayan na sana ako ng iilan sa mga… alam niyo na, mga “plastic.”

Author: slickmaster | Date: 10/13/2012 | Time: 08:58 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment