Thursday, 18 October 2012

Playing on a Throwback Mode: ‘Wag Mo Na Sanang Isipin.

At alam ko, hindi ito pangkaraniwan sa mga tulad ko na ipinanganak sa dekada ’90, at lalong hindi sa mga kahenerasyon ko na umiikot ang plaka at tainga sa mga makabagong tugtugin. Pero anyway…

Balik-tanaw sa dekada ’80. Panahon pa ‘to ng mga matitinding pasabog at kontrobersiya sa pamahalaan, at kasikatan naman ng mga lokal na musika sa kabilang banda. Sa malamang, umusbong na ang kantang ito noong bata pa lang ang mga nakakatandang kapatid ko. Ni hindi ko nga natanong kung kelan nabili ng aking erpat ‘tong 2-part album ni “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano. Basta, ang alam ko lang po ay ito ang isa sa mga naunang paborito ko lalo na noong pinapatugtog to sa CD counterpart ng aming Panasonic Karaoke.


Sa halos 30 mga kantang nilalaman ng Greatest Hits I & II ni Gary V., ilan sa mga ito ang nagustuhan ko, maliban sa ‘Di Bale Na Lang, itong “’Wag Mo Na Sanang Isipin” na ito.

Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at lagi kong nagiging ka-vibes ko ang mga tipo na musika na upbeat ang tunog, pero taliwas sa ritmo ang mga letrang nilapat o ang mga tinatawag na “lyrics.” Hindi siya as in na danceable funk ang dating e. Basta, pang up-beat lang. Pero kung pagsusumamuhin kasi ang mga salita, nanghihingi ito ng pagkakataon na… well, makipagbalikan muli. Kalimutan ang mga masasalimuot na nangyari kahapon. As in…. ‘wag mo na sanang isipin. Oo, second chance na pag-ibig nga. At alam ko naalibadbaran ako palagi sa mga gantiong tema, pero… ewan. Astig lang.

O siguro dahil napapaindak lang ang paa ko sa kaa pagkakataon napakikinig nito? Minsan kasi pag nagustuhan mo ang mga ganitong klaseng tugtugin regardless kung ano ang mensahe nito, basta mapapasayaw ka, well, talagang parang mapupunta ka sa ganoong mood e. Na parang gusto mong umindak na ewan. Kung pwede pa, kantahin mo na rin. Mag-ala Gary V lang.

Hindi ako ganap na panatiko ng artistang ito. Pero sadyang may mga kanta lang talaga siya na naging parte ng listahan ng mga paborito ko sa lokal na eksena. At sa panahon ngayon na dalawang dekada na mula nang ilabas ito sa merkado, pumatok sa mga record bars, sarap lang balikan lalo na kung hindi mo naka-catch-up ang mga throwback hits program sa radyo.

Basta, astig lang.

Author: slickmaster
Date: 10/18/2012
Time: 04:08 p.m.

© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment