10/21/2012 09:25 AM
Minsan, hindi ko na rin pinaniniwalaan ang bagay na naglalarawan sa mga tipo ng tao base sa kung gaano ito maglahad gamit ang kanyang mga cellphone. Ayon sa mga nababasa ko, mga single daw ay mahihilig mag-send ng group message, at ang pinakamadalang daw na magtext ay mga taong taken o in a relationship. Maliban diyan, mga walang load o sadyang anti-social lang ang trip.
Tama, hindi porket single ang isang tao ay mahilig na siya mag-send ng tinatawag na “group message.” E pano kung wala siyang cellphone in the first place? Mas maboka pa siya sa personal kesa sa maglapat ng letra sa mga telepono gamit ang kanyang mga daliri? O hindi naman kaya ay hindi lang nya trip ang nag-text?
E sa gusto niya, kahit hindi siya matalak. Walang basagan ng trip!
At hindi porket mahilig mag-GM ay single din. Oo, nagpapadaan nga ng text sa iyo, pero ang dami naman na pinapasadahang tao na akala mo ay bumabati lang on-air sa radyo. At meron pa dyan na talaganag nilalahad niya ang pagna-nag sa kasintahan nila, asaran at kung ano pa man iyan. Well, ayos lang yun, as long as alam naman nila ang mga bagay na pwedeng isapubliko sa mga kaisipan at kalokohan na dpaat ay isapribado.
Meron pa nga dyan, magpaparamdam lang sa iyo kapag may warla sila ng boyfriend nya. Ay, wasak lang. Ano ‘to? Kinalimutan mo pansamantala ang pagkakaibigan natin at saka ka lang mambubulabog sa amin kapag umiiyak ka na at winiwikang “nag-away kami ng boyfriend ko!!!!”
Pambihira. Lame excuse!
By the way, ang mga sinulat ko dito ay base lamang sa aking obserbasyon. Sa personal na pamamaraan man o bilang miyembro ng isang text clan (bagamat, dahil hindi naman araw-araw e may pang-text ako e matumal din ako kung maituturing e).
Ano ang napulot ko sa pag-oobserba na ito? Lahat ng tao ay magkakaiba ang pamamaraan ng paglalahad. May kanya-kanyang personalidad na ang kaakibat ay ang kanilang pamamaraan kung paano sila makikihalubilo sa kapwa. Wala sa civil o kahit sa relationship status kung gaano siya kadalas makipagtext sa kanyang mga kakilala.
Mayroon iba diyan, pag kinakailangan lang. well, tama lang. Yan ay kung tunay ka ngang kaibigan.
Meron din ang para may makausap lang. Pero siyempre, depende na rin sa mood ng parehong partido iyan.
At kahit ang inyong lingkod na single since birth ay madalang lang magtext, maliban na lang kung bibigyan mo ko ng load, o kung sadyang gusto lang kitang maging makapalagayan ng loob. (ops, wala nang hihirit ng “yihee,” ha?)
Uulitin ko for the nth time: Hindi porket single ay mahilig na mag-GM. ‘Wag manghusga kaagad kung katangahan naman ang magiging kalalabasan niyan.
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment