Friday, 19 October 2012

OVER-DEVELOPMENT KILLS?


Yan ang patunay sa isang kasabihan na “lahat ng sobra ay nakakasama na.” Oo, kahit sa lebel ng mga gusali’t iba pang imprastraktura ang usapan.

Ewan ko lang ha. Pero sa panahon na umuusbong ang kaliwa’t kanang mga proyekto sa Kamaynilaan, mapa-skyscraper man o flyover, parang luamala din ang epekto ng kalamidad ditto. As in, nag level-up din ba, baagy na talaga naming hindi maganda. Nagsulputan na parang kabute ang mga gusali na nilaan apra gawing mga unit ng condo, nagkaroon din ng mga magagandang alternatibong ruta para kahit papaano ay maibsan ang nakakabadtrip na heavy traffic. Pero dahil sa mga tulad ni Ondoy noong 2009 at noong Agosto, ang isang simpleng sama ng panahon na kung tawagin ay Habagat, tila na-negate nito ang mga pagusbong ng mukha sa Metro Manila. Saklap.

Kaya minsa, naisip ko, deklikado nga pala ang pagiging labis na developed ang isang lugar. Sabagay, sa nasabing termino nga naman na “labis,” e matik na masama na rin e, kahit gaano pa kaganda ang layunin.


Pero masisi mo ba ang mga real estate developer, contractor, at mga inhinyero ukol dito? Hindi totally. Dahil nga sa kanila kahit papaano ay nagkakaroon ng matinong itsura ang Metro Manila. Mas matino kesa sa mga kinunan na video sa pelikulang the Bourne Legacy. Yun nga lang, syempre, kailangan may kaakibat na responsibilidad ang kada proyekto. Hindi lang pangtirahan lang.

Una kong napansin ito sa ulat sa isang newscast ilang lingo mula noong naghasik ng lagim si Ondoy sa Marikina. Aniya, sabi ng isang inhinyero nun na nasira ang flow ng tubig dahil sa nakatayong mall sa tabi ng Marikina River.

Ayon naman sa isang artikulo na nabasa ko ilang araw matapos ang delubyo ni Pareng Habagat, nakasama pa raw yata ang”urbanization” sa klima ng Kalakhang Maynila. Mas naging mainit kesa sa tipikal ang panahon ng summer, pero mas naging flood-prone sa panahon ng tag-ulan, dulot ng mga pagkaunti ng mga punong nakatanim at halos lahat na yata ng lupa dito ay nababalot na ng semento, kaya paano pa makokontrol o makakasipsip ng tubig ang mga puno’t lupa ang pagbaha sa Kamaynilaan? Isama mo na ang palyadong urban planning, o yung tinatawag na zoning, nagbabarang drainage system at illegal squatting sa ilang mga estero. The bottomline? Tayo-tayo rin ang may kasalanan.

Oo nga naman, ano. Parang ilang minuto lang ang buhos ng ulan, may baha na kaagad. Kung ikaw ay isang commuter at sumasampa na sa gutter ng sidewalk ang tubig-baha, good luck kung maarte ka pa at hindi tumatawid sa tubig baha.

Parang ang dating tuloy nito sa akin ay isang masamang kaso ng hindi balanseng ecosystem. (Pakitama na lang po ang punto ko po kung mali man)

Nagbabago na talaga ang panahon. Ke taste man yan ng tao, klima at pati na rin ang kapaligiran mo. Maaring uunlad ang isang lugar sa naglalakihang mga gusali, nagtataasang mga overpass, pero kung hindi naman natin aalagaan ang kapaligiran at magplano sa mga proyekto ng maayos, tayo rin ang magiging kawawa sa dulo.

Author: slickmaster
Date: 10/06/2012
Time: 11:39 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment