10/18/2012 | 12:28 a.m.
Oo nga naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o kung anupaman iyan.
At teka nga:
Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?
Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?
Ang inyong lingkod ay ilang beses na naging biktima ng ganitong klase ng istupidong panghuhusga. Maraming mga tanong, marami rin ang mga pahabol na pasakalye kapag nalaman na single ka. Lalo na sa panahon ngayon na marami na ang nagiging batang ama, nag-aasawa, nagasasawa nagiging babaero, at kaunti naman ang nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakakuha ng trabaho na nais nila. Que...
- “Bakit single ka pa rin? Magpapari ka ba?” Actually, minsan ko na naisip yan. Pero dahil nagging pasaway na bata na rin ako, sa malamang, ilang sungay pa ang masusunog sa akin bago ko ituloy yan kung sakali. Pero katulad ng mga naglabasang kontrobersiya dati e may mga pari rin na may-asawa.
- “Bakit wala ka pang girlfriend? Sayang iyang kagwapuhan mo.” At sa 5 taong nagsabi sa akin niyan, 4 dun, babae, at 3 dun, kaedad ko pa. On a flattering note... (sabay facepalm) oo nga naman, ano. Saying naman kung walang susunod sa lahi ko. Pero mawalang galang po –hindi naman po ako pogi ha. Anong saysay ng kasabihan na iyan? Minsan mas maniniwala pa ako sa kasabihan ni Choppy ng Porkchop Duo, na “pangit man at dukha sa paningin, naklabubuntis din.” At kung may pogi man para sa pananaw ko, iyun yung idol kong si Ramon Bautista, (ayon na rink ay Lil Coli, RA Rivera at sa brand na Nivea).
- “Wala ka pang napupusuan ha. Baka naman bakla ka?” PUTANGINANG TARANTADONG ‘to. Kalian pa naging sukatan ng sekswalidad ng isang btao ang pagkakaroon ng partner sa buhay, aber?
Maliban pa dyan, may mga senaryo pa na tulad nito...
- “Single ka? Ang boring naman ng buhay mo.” Mas malala pa kung malaman nila na sa haba-haba ng panahon na nabuhay ka mapahanggang ngayon, hindi ka lang single, virgin ka pa. Ang sa lagay ba e peer pressure?
- Kapag wala ka ngang gurlaloo, e di masasabihan ka pa ng isa dyan ng “'tol, ang dami mong tsiks, wala ka man lang dun nadagit?” Yun nga e. Sa dami nga nila hirap akong pumili. Ha! Ha! Ha!
- Siyempre, ‘pag wa-partner, “try mo naman magka-girlfriend, bro.” Eh pa'no kung ayaw ko? Trip ko lang mambabae? O ‘di naman kaya ay wala talaga akong maramdaman. Maipipilit mo ba iyun sa akin?
- At kapag nagka-girlfriend ka naman, sasabihin nila ay “mag-asawa ka na.” Pucha, naintindihan ba ng mga putok sa buhong 'to ang mga pinagsasabi nila? Akala ba ng mga mokong at lokang ito na madali ang buhay mag-asawa?
- At kapag kinasal ka naman, lalo na kung bago-bago pa lang, may bibira naman ng “Bigyan mo naman ang magulang nyo ng apo.” Putragis yan. Ano kala niyo sa amin, henerasyon ng baby-maker lang? Hoy, ang pagpapamilya ay panghome-makler na task. Hindi sa offspring lang, ha? Kayo na lang ang bumuo kung gusto niyo. Pft! And take not – lahat ng mga bagay sa pagpapamilya – mula sa family planning at sa proper sex positioning – ay may tamang lugar at panahon para gawin.
At iyan ang hirap kapag binubugbog ka ng mga ideya ng peer pressure, romansa at machismo. Hindi ito usapin kung single by choice o dahil no choice. Basta, walang masama sa pagiging single. May karelasyon nga, hindi naman masaya. May partner ka nga, under de saya ka naman. May katuwang ka nga sa buhay, kabit naman. At it’s complicated na nga ang buhay mo, wala ka mang ginagawa para ayusin yan. Hoy, gising!
Walang masama sa pagiging SINGLE. Kung may masama man sa mundong ito, yun yung mga maruruming utak na siraulo na mapanghusgang tanga. (best with sound effect of gunshot a la Isumbong Mo Kay Tulfo)
(This blog entry was also published at the community blog site Definitely Filipino dated 10/18/2012. URL : http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/18/walang-masama-sa-pagiging-single/)
Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions
Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment