Monday, 28 January 2013

Mind Your Own Lovelife!



10:02 a.m. | 01/29/2013

Isa sa mga nakakabuwisit na pangyayari sa araw-araw ay ang pangingialam ng lovelife ng ibang tao sa lovelife mo. Well...

Walang sanang masama sa pakikialam sa buhay ng ibang tao. Pero maliban na lang kung ang usapan ay tungkol sa lovelife nito, at kung pribadong tao siya at isa yan sa mga paksang isinasapribado niya. Napapansin ko lang, dumarami na naman ang barabrong nilalang pagdating sa lovelife ha?


Palagiang tanong ng mga ‘to ay “Kumusta lovelife natin?” O kung alam na inlove na inlove ka, magtatanong pa rin ng mga “pa-obvious” (Gusto mo birahin kita ng snappy answer dyan?).

Ito pa ang hirap dyan e. Kapag nagbitaw ka ng sagot, hahalukayin pa ang topic na yan. At mas mangungulit pa sa iyo kapag sinabi mo na “Ayaw kong pag-usapan iyan. Period.”  Minsan pa nga e nahuhusgahan ng isa ang sekswalidad ng ibang tao depende sa lovelife nito. Kung ang isang tao ay pinili na hindi magkaroon ng karelasyon, iisipin ng mga kumag na bakla siya. Punyetang lohika yan!

Hindi sa pambabasag ng trip o pagiging bitter ha (Pero supot lang ang utak ng mag-iisip nung sinabi ko sa pangalawa)? Pero bakit nga ba ang daming makukulit na nilalang ang mahihilig pumutakte ng lovelife ng ibang tao?

Una, kung sino pa ang nakikialam ng lovelife ng ibang tao e sila mismo ang wala nito. Oo, sila nga ang mga walang lovelife. Mga inggitero at inggiterang palaka. Either curious sila o gusto lang nila mamutakte. Ah, so ang sa lagay ba e inaalam nila ang feeling na magkakaroon ng lovelife mula sa karanasan ng ibang tao? Maaring oo, at maari ring hindi.

Pwede rin ang pinakadahilan ay dahil gusto lang sila makaramdam ng kilig. Aba, kapal ng mga ‘to ha! Kayo ang kasintahan, mga ate’t kuya? Pwede naming umihi na lang sila diyan sa CR e.

Pangalawa, “concern” lang sila. Okay, given. Pero ang pagiging concern ay tulad din ng ibang bagay – dapat nilulugar. Hindi pwede sa lahat ng oras ay lagi dapat pupunahin ang mga kaganapan sa lovelife. Anong excuse? Dapat raw maging “open” ang tao pagdating sa usapang iyun?

Weh! Open mo yang mukha mo. Ang pagiging “open” ay may kaakibat na pagrespeto sa pananaw ng iba na isapribado ang mga bagay na tulad nito. Kung hindi mo ma-take yun, get off from him/her.

Pangatlo, wala lang silang mapag-usapan. Ang boring ng mga bagay na tulad ng asignatura sa klase, o mga nagbabagang balita para sa kanila, (at parte na rin ng pagiging demokratikong lipunan natin ang mga taong pinili na maghing parte ng mga salot na kung tawagin ay “walang pakialam.”) Mas interesado pa silang makialam sa lovelife ng iba kesa sa kung ano ang gagawin nilang diskarte para magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan. Tsismis, ika nga. Para may makwento lang ang mga mokong at loka sa iba. Sarap lang sabihan ng mga katagang “Pwes! Hindi ako sikat na tao para putaktehin ang lovelife niyo.” Baka showbiz pa yang sagot na iyan ha? Pektusan kita diyan e.

At oo nga pala, kung lovelife ang usapan e parte rin ako ng mga salot sa lipunan sa mata ng mga apaw-apaw-na-emosyonal at sobrang-romantiko. Oo, mga “walang pakialam” nga ang tinutukoy ko.
Pang-apat. Hindi sila marunong maghintay. Hindi lang sa paghihintay na dumarating ang lovelife sa kanila, kundi ang maghintay rin na ang pagkakataon na mag-open ang tao mismo sa usapan na iyun. Gusto nila, sila mismo ang mauuna na makikialam nang makikiaalam (kahit sa totoo lang e hindi naman talaga dapat ito pinapakialaman). Ke may nabasa lang sila na patamang status sa Facebook o sobrang nakakapagdamdaming mga kataga na tweet... hala sige, open forum na yan!

Ang pakikialam sa lovelife ay may tamang lugar at panahon. Hindi porket ayaw niyang i-open yun e sarado na ang utak niya. May mga taong likas na hindi binubuklat ang mga iyun sa publiko, lalo naman kung hindi naman kailangan talaga. At huli, dapat iginagalang din. Kung hindi niya trip na pag-usapan ang lovelife niya, irespeto niyo yun.

Kaya utang-sa-boundary naman, pwede ba... MIND YOUR OWN LOVELIFE!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 22 January 2013

ROMANTIC EH!


09:49 AM | 01/23/2012

Isang maikling patutsada lamang. Ayon sa isang pahayagan sa China, ang Pilipinas ay ginawaran nila bilang “The Most Romantic Destination.”

Ganun? Oo, binase ito sa isang consumer survey na ginawa ng Shanghai post. Binigay ng nasabing pahayagan ang parangal na ito sa Pilipinas noong Enero a-15, sa posh Shanghai Peninsula Hotel by the bund, ayon ito sa press relaease ng Department of Foreign Affairs.

Hmmm... sabagay, hindi na kataka-taka ito. Pa’no ba naman? E likas sa pagiging romantiko naman ang lahi ng Pinoy e, (oo, parte na ito ng ating kultura) at makikita ito sa panahon ngayon.


Lumabas ka ng bahay,  mapapakinggan mo ang tsismis ng kapitbahay, at ang isa sa mga paksang pinag-uusapan ng mga ‘to ay ang lovelife ng kung sinu-sino na kilala nila. Parang ganito...

“Uy, alam mo ba si Pareng Tonyo, nahuli sila sa kwarto ng kabit niya!”
“Si Mareng Virgie, hindi na siya virgin kasi binahay niya ang boylet niya kagabi!”
“Nagbreak sila Jona at Milo. Umiiyak nga ang lola mo dito sa amin kahapon e.”

Hay, naku. Mind your own lovelife na lang kaya, mga echuserang palaka?

Lumabas ka ulit, gumala ka sa isang parke, mall o saan mang mga pampbulikong lugar at kahit sa mga sasakayang pampubliko tulad ng jeepney, bus at tren, isa sa sampung beses at least makakakita ka ng isang magsyotang magla-akbay, nakaholding-hands o pagkamalas-malas mo pa... naglalaplapan. Wow, isn’t it romantic? Kulang na lang gawing motel ng mga hinayupak na ‘to ang kinalulugaran nila ha.

Pero kidding aside, maraming lugar kasi ang nagsisilbing dating place ng mga magsing-irog e. At hindi ito usapin ng date sa kama ha? Iba yun. I mean yung mga tulad lang ng parke, amusement park, mall, o ultimo ang simpleng kainan na ginagawa ring tambayan. Kung gusto mo ng mas astig, yung naglalako ng fishball. Mas sweet kaya ang nagkasama kayong  magkasama habang kumakain ng tusok-tusok na fishball.

At kung sadyang introvert ka at tamad kang gumala, e sit back, relax (?) and enjoy (“?” again?), dahil hindi mo kailangang lumayo para lang makakita ng romantisismo. Subukan lang manood ng TV andayn na ang telenovela na talagang nagpapakilig sa halos sinuman. Well, at least yung matinong type lang na palabas ha? Uso kasi ang selosan, nag-aalab na love scene, patayan sa ngalan ng pag-ibig at kung anu-ano pang “twist kuno” pero kung tutuusin ay mas magandang tawagin na “bullshit.”

Oo nga pala. Pansinin ang mga pumapatok na palabas sa takilya o kahit sa mga naglabasang mga piniratang DVD kung local na sinehan ang usapan. Kung hindi puppy love na love story, e mga affair. Halos tulad lang ng aking naunang nabanggit.

Sa mga libro... maliban pa sa mga tulad ng Twilight series (oh, please?! Not this type.) pahayagang tabloid at showbiz magazines, ang pinakapatok na babasahin ay ang mga pocketbook na naglalaman ng isang nagbabagang-pag-ibig ang tema ng nobela.

Kung nasusuraan ka sa sobrang kilig, making ka ng radio, yung masa type ha? Maririnig mo ang mga walang kupas na love songs. Ayos lang yan pag siesta, pero kung sadyang nakakabato na ang musika ng pag-ibig sa panahon ngayon...

Maglog-in ka sa iyong Facebook at Twitter account (kung meron man) at ano ang madalas mong nakikita na post maliban sa mga masasamang balita at jokes? Mga quotes, mula sa pick-up lines hanggang sa emo quotes (oo, romantic pa rin yan), hanggang sa mga patamang sumbat.

Kung di ka pa maging romantiko niyan, e di sa cellphone. Almost the same things sa inbox, either GM na iyan o PM lang mula sa iyong ka-text.

Pero seryoso ha? Marami naman mkasi talagang magagandang lugar sa Pinas na may romantic atmosphere. At hindi ito makikita sa motel, mall o kahit sa tagong parke. Ano ang tinutukoy ko? Tuklasin mo ang bansang kinatitirikan mo. Maraming mga magagandang tourist spots ba na akmang-akma para sa mga lovers. Ganun kasimple.

Ayan, romance is not just in the air... but everywhere!

Pero... ‘di ba ang romance ay ang shallowest type of love? So it means na “mababaw” talaga tayo? Hmmm... *sabay himas sa baba*

At pahabol na question. Hindi naman kaya binobola lang tayo ng China dahil ang init na kasi ng tensyon sa West Philippine Sea/South China Sea territory? Kumbaga, pampalubag-loob? Hmm, pero hindi nmaman tumalab ito kay Albert Del Rosario ng DFA e. In fact, inakyat na sa korte ang usapin ukol sa sigalot sa teritoryo sa pagitan natin at ng mga Intsik.

Ahh, ewan. Basta romantic tayo no?

(source: http://www.interaksyon.com/article/53195/philippines-wins-most-romantic-destination-award-in-shanghai)

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Monday, 21 January 2013

MAGBASA KASI!


12:21 A.M. 01/22/2013

Isa sa mga nakakaurat na tanong sa realidad at panahon ngayon ay ang bakit ba ang hihilig magreact kaagad ng ilang mga tao kahit hindi pa man nila naiintihindhan o ni nabasa man lang ang kwentong pinuputakte nila?

Anak-ng-puta. Ang tatanga lang nila ha? Ayos na sana e.

“Don’t judge a book by its cover,” ika nga ng isang lumang kasabihan. Pero uso pa ba ito sa modernong panahon na halos kahit sino na lang e instant critic na, lalo na kung nakapagbasa ito ng isang artikulo na may matinding nilalaman? Ito lang naman ang napapansin ko sa halos isang buong taon na pagmamasid sa isang community blog page sa Facebook. Basta either isang kontrobersyal, napapanahon o minsan ay matinding pagtaliwas sa nakararami ang nakapaskil, pinuputakte ng sari-saring reaksyon. Okay lang sana e, halimbawa:

Nagpaskil ka ng isang anti-romantikong blog, “bitter” ang ibabato kagad sa iyo. Minsan pa nga ang sasabihin sa’yo e “Pakamatay ka na! Wala ka palang lovelife e.” E kung ikaw na lang gumawa niyan tutal ikaw rin naman ang nakaisip e.

Nagsulat ka lang ng opinyon mo ukol sa isang napapanahong isyu, at kontra naman ang mayorya sa mga pinunto mo, sige pa rin ang pagbibitaw ng kanilang kuro-kuro. Sabagay, sabi nga naman sa isang noontime show, “It’s a free country, you can do what you want!”

Kung matinding rant pa ang binitawan mo, expect a bunch of superficial fools ahead for you to react. Oo, maraming magrereact. Yun nga lang, karamihan pa sa mga ‘di sasang-ayon diyan e pustahan, hindi binasa ang kabuuan ng write-up mo. Parang mga gago na “may masabi lang” sila.

At kung kontrobersyal na paksa naman ang usapan tulad ng sex, prostitusyon at iba pang may kahalintulad sa mga nabanggit? Tahasang magrereact na ang mga ‘to.

Oo, lahat niyan, may masasabi na kaagad sila KAHIT HINDI PA NGA NILA NABUBUKLAT KUNG ANO TALAGA ANG NILALAMAN NG BLOG MO.

Maliban pa diyan, sa mga Facebook page din ng mga balita. Usong-uso din ang breed nila.
Hindi ko alam kung sila ba ang tinutukoy ni Mga-Sulat-Kamay sa kanyang “Anong Klaseng Blog Reader Ka?” na mga title-holder o  may pagka-sadyang epaloids lang talaga.

As in grabe lang ang paglipana ng mga ito. Kala ko ba ginagamit ng mga ‘to ang internet para kahit papano e mahimasmasan naman ang utak at kamalayan nila? At hindi sa pagiging elitista ang dating ha? Pero... bakit naman ganun?

Ang excuse ng ilan ayon sa isa sa aking kaibigan sa pagba-blog, mobile users kasi sila e. Kaya minsan, nanghihingi sila ng buong artikulo na ilahad sa fb.

Ganun? Okay, considered excuse na iyan maliban na lang kung sandamukal naman ang load mo para makapagbrowse outside sa mga social networking account mo at may time ka naman makapag-internet talaga.

Ayos lang din sana kung ang kumento nila ay tulad ng “Teka, di ko pa nababasa ng buo ito (o di naman kaya ay “mamaya, babasahin ko ito...”). Pero ang masasabi ko ay...”  Yan talaga kelangan pa ng kunsiderasyon.  At least, responsable sila.

Yung iba, sadyang tamad lang talaga. Ugali na nga ng ilan yan e. Pucha, ano ba naman ang mahirap sa i-click lang ang artikulong babasahin para maintindihan mo ang lahat at hindi yung mga paunang salita, pangungusap o talata lang ang iyong nakikita sa halip? Mamamatay ka ba kung hindi mo ikahihiya ang pagpindot ng link o ng “read more?” Hindi naman siguro, ‘di ba?

Iba-iba kasi ang lebel ng pag-unawa ng tao e. May malalim at meron ding mga “skin-deep.” Sa madaling sabi, mabababaw. Superficial. At sad to say, karamihan yata ng sa ngayon ay nagpo-fall sa nabanggit na  huling kategorya. Yun lang.

Kaya ano ang pinupunto ko dito? Magbasa kasi bago magreact. Intindihin ang kwentong binabasa o puputaktehin (oo, anudn rin lang naman kayo e sagarin niyo na). Minsan nga binibigay na sa inyo ng buong artikulo para lang makaintindi kayo e (Pasalamat pa kayo dahil hindi kayo sinisingil ng mga yan pero ‘wag din kasi aabuso o “asa sa libre” na attitude). Natuto naman siguro kayo sa mga comprehensive exams niyo noong nag-aaral pa kayo ‘di ba? O aminin niyo... natutulog kayo sa pansitan nun?

Ang paglalahad ay parte ng ating demokrasya. Karapatan natin ito bilang tao. Pero ang lahat ng kalayaan natin ay may kaakibat na responsibilidad na dapat maliban pa sa naipapakita natin kung sino tayo bilang isang indibidwal, ay ang pagkakaroon ng saktong lawak ng komprehensyon sa mga bagay na binibigyan natin ng kuro-kuro at pansin.

Kung ako lang ay magiging isang mambabatas, magpapanukala ako na dapat sikilin ang karapatan ng mga taong “may masabi lang.” Oo, wala silang karapatang magsalita hanga’t hindi nila naiintindihan ang mga bagay na pinupuna nila.

Masyado bang mapagmataas at malupit? Dapat lang. Hindi na dapat uso ang pagiging tamad no?

Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions

Friday, 18 January 2013

Brainless TV.

01/19/2013 10:55 AM

 http://paulignatius.files.wordpress.com
Minsan ko lang nasubaybayan ang ilang mga programa tulad ng Digital LG Quiz at Battle of The Brains noong bata pa ako. At maliban pa sa eskwelahan, dito ako madalas nagpapakanerdo para lang matuto kahit ang majority sa mga napapanood ko nun ay akma sa mga nakakatandang mga estudyante. Naalala ko lang ang panunood sa Battle Of The Brains ng Channel 9 na ang host ay hindi ko kilala (hanggang sa nalaman ko na isang David Celdran pala iyun) habang nalatambay sa opisina nila nanay at tatay nun. Ang Digital LG Quiz (na naging Digital LG Challenge) ay tuwing Linggo ng umaga sa GMA at host nun ay sila Paolo Bediones at Regine Tolentino, pero madalas naman e sa bahay ko lang pinapanood ito n’on.

http://logothailand.tarad.com
Pero sa mga nakalipas na taon e unti-unti na ring nage-evolve ang programming ng television sa Pilipinas, partikular na sa primetime slot. Siguro dala na rin ito ng paglipana ng mga cable services at kung anu-ano pang nakapagpabago sa taste ng tao.


superhangin.tumblr.com
Pero ang mas masaklap ay tila bumabaw at dumausdos pa yata ito. Magmula na rin noong pinaunlakan ng media outlet ang lubos na kagustuhan ng tao. Siyempre, entertainment for audiences’ satisfaction’s sake. Wala sanang masama dun, maliban na lang sa katotohanan na ito na rin ang naging dahilan kung bakit dumarami ang mga tamad mag-aral at mga nagpapanggap na mangmang sa lipunang ito (yan, nasobrahan sa kaka-Facebook at pagdo-DoTA). Nagkaroon na yata tayo ng imbalance sa pagpo-produce ng mga palabas sa TV magmula siguro noong nag-fold ang mga palabas na tulad ng nabanggit ko sa itaas. Ewan ko lang kung may ganito pa ngayon.

reality-tv.findthebest.com
Sabagay, sa kabilang banda kasi hindi mo rin masisisi ang mga tao na nasa itaas na nagpapatakbo ng mga istasyon ng telebisyon. Hindi naman sila gagawa ng mga palabas na hindi sila magbebenefit in the end. Sa madaling sabi, it’s business. Sa madaling sabi, kelangan rin nilang kumita at ang mga palabas na nakikita mo ngayon (kahit nakakatanga na kung ikaw ay may parehong sentimyento tulad ng inyong lingkod) ay may sandamukal na ad placement (sa madaling sabi, commercials) kaya mabenta siya sa totoo lang.

Yun nga lang, ang labis na pagiging mabenta ay nakakasama din. At hindi naman lahat ng mabenta ay maganda. Lalo na sa panahon ngayon, ang mga maappeal sa mata ng tao? Asus, asa. Lumabis na yata sila sa mga bagay na tulad ng commercial value at entertaining factor to the extent na kulang na lang e yung tahasang ipagmukhang tanga ang mga manonood sa mga nakikita nila na sandamukal na segment na nagpapakita kung gaano ka magpapakatanga para lang sumikat sa TV tulad ng mga nasa variety at game shows. Isama mo na rin ang jeskeng telenovela na naging ugat ng pagiging sobrang emosyonal ng masa at maling pananaw nila sa pag-ibig.

At ang mga game show ngayon? May kwela factor nga, (which is good) pero hindi lahat ay may kakayahan na pakainin ang utak ng tao. Madalas lang d’yan ay parang pampagana ng kapraningan. (Buti pa ang Pinoy Henyo kahit papano e saka yung Pilipinas, GAME KNB?) Merong pang-tanga lang talaga, pero mas masaklap ay mas marami ang mga tulad niyan. Anong idadahilan? Ke dahil hindi naman lahat ng mga magagalingna tao ay nakatapos ng pag-aaral? Given, pero doon nga dapat pumapasok ang role ng media e – ang maliban sa mag-entertain, ang mag-inform (at hindi pagbabalita lang ang tinutukoy ko ditto ha? Isa pa yun e).

 khantotantra.blogspot.com
Tama si Jayson Benedicto noong binaggit niya sa kanyang unang libro (na may pagkahaba-haba ng title, at sa sobrang haba e nakalimutan ko na kung ano pamagat nito. ‘de ito pala...Top of Form) na may pinamagatang Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AKOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat,” na... “Less Drama. More informative segments. Less Drama. More time for news programs. Less Drama. More Batibot and Sineskwela. Less lang naman. Hindi none**”

Oo nga naman, ika nga ng isang slogan ng Net25 nun… “feed your mind.” Ang sama na nga ng reputasyon ng TV (ayon na rin sa ilang mga tao, “idiot box” kasi ang isa sa mga kilalang termino na inaassociate palag sa telebisyon) e pasasamain pa lalo ng mga programming ngayon? Kelangan na ulit ng mga ganitong palabas sa ngayon. Hindi excuse ang dahilan na “may internet naman e.” Oo nga, may internet nga pero tulad din ng mga nangyayari sa radio at TV, naglipana rin ang mga gunggong at ginagamit din ang internet sa katangahan at kababawan nila.
en.wikipedia.org

Baduy naman nun.

** http://definitelyfilipino.com/blog/2011/10/01/teleche-novelas-and-soap-choleras/

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 16 January 2013

Silang Mga "Baduy"

01/06/2013 08:51 AM 

Matagal nang nasa sirkulasyon ang JEJEMON. Pero 2013 na, at ang mga tanong ay: (1) bakit pa rin ba tayo naiinis sa kanila?; at (2) bakit kasi ang ba-baduy naman nila?

O sadyang mapanghusga lang tayo?


Nagmula sa Friendster at text, ang jejemon ay ang isa sa mga kinaiinisang bagay sa lipunan ngayon. Pa'no? Ang labo mag-text, ang init-init naka-varsity jacket, kung anu-anong kabaduyan at kababawan ang tinatangkilik mula sa mga "hip-hop" kuno na music hanggang sa ghetto fashion. Mga feelingero at feelingera na may "swag" daw sila. Ang tanong, e kaya ka bang isalba ng pagkakaroon mo ng swag sa panahon nakailangan mong magbayad ng bill ng kuryente ng bahay mo?

May kasabihan 'di ba? Having swag won't help you pay your bills. Teka, being cool yun 'di ba? Pero maituturing ba sila na "cool" in the first place?

Noong nagsimula pa na lalong umusbong ang populasyon ng mga Pinoy users sa Facebook noong 2010 e unti-unti ring lumipat sa naturang social networking site ang breed nila. Ang problema nga lang e tahasan silang itinatakwil ng mga "elitista." Hmm... bakit? Dahil mahahaluan na naman ang mga tipo ng tao sa fb? Parang diskriminasyon naman yata yun?

At kung hindi ako nagkakamali, dapat ay isa ito sa mga unang kaso ng cyber bullying sa Facebook sa Pinas. Oo nga naman ano? Kawawa naman 'tong mga to. Inaano ba kayo ng mga salita nila? Masakit ba sa mata? O talagang trip niyo sabihin na nababaduyan lang ako? Hmm...

Kunsabagay, wala naman na kasi sa hulog ang pinagagawa ng mga 'to e. Ang init-init na nga, naka-varisty jacket ka pa. Ano ka, rumorondang baranggay tanod? At iba ang tunay na gangster sa wannabe. Ang graffiti, mas maganda kung nilalahad sa blangkong pader, hindi sa screen ng cellphone. At oo, blangkong pader hindi sa pader ng katabing bakery o kung anong bahay o establisyamento pa iyan.

Pero, mabalik tayo sa mga tanong sa unang talata. Naiinis ba talaga tayo sa kanila o sadya lang tayo mapanghusga?

Oo nga naman, ano? Bakit, magiging angat ba tayo sa kanila sa pagpuna ng mga kabaduyang ginagawa nila. Aminin natin, lahat tayo ay minsan naging jejemon - o sabihin natin na mas matinong term - baduy, sa ating mga sariling karapatan at pagkakataon. Huwag tayo maging hipokrito. Mas baduy yun.

Kung alam naman natin na mas okay tayo sa kanila e 'di 'wag na lang natin masyadong pansin. Siguro minsan mo lang sila punahin na "tsong, pasensya na pero hindi ko talaga maintindihan tong text mo e, pakiayos naman oh." Baka sakaling matauhan.

At sa mga jejemon naman, maliban pa sa ayusin niyo ang porma niyo, e sa mga kapwa niyo na lang na jejemon din kayo magtext ng jeje-type. Kung matinong tao ang kausap niyo sa chat o text, mag-adjust kayo. Dahil wala nga tayong academia para maglagay ng pamantayan pagdating sa salita, pero dapat kasi e nasa sarili na natin kung paano tayo makikipag-talastan sa ating kapwa. Oo, disiplina lang, dre.

Sa bandang huli, Kanya-kanyang trip at istilo lang yan. Kung baduy man sila para sa atin, ang kaso ba e may magagawa pa tayo? 

Walang basagan ng trip na lang sa kanila kahit sa mata ko e may pagkabaduy na nga.

author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Monday, 14 January 2013

My take: Inuman Sessions Volume 2

09:11 PM | 01/05/2013

Sarap lang balikan ang mga kanta ng isa sa mga banda na nagpatanyag sa lokal na musika ng ating bansa. Ika nga ng rapper na si Gloc-9 "ang pinakamalupit na banda" - ang Parokya Ni Edgar.

Hindi ko nasaksihan ng live ang ikalawang inuman session nila (na sayang sa Eastwood Central Plaza pala ito ginanap - pucha, ang lapit lang mula sa aking bahay), o ni wala akong sariling kopya ng kanilang album (ke DVD man yan o orihinal na CD). Ang tanging basehan ko lang sa akdang ito ay ang ilang beses na pagpe-playback ng kanila video at kanta sa kanilang opisyal na YouTube channel.

17 tracks - 15 dun ay kanta. Magkahalo ang nilalaman ng rekord bagamat mas marami ang bago kung ikukumpara sa luma. May mga collaborations din tulad nung sa nauna.

Pero hindi ko siya ikukumpara sa unang inuman session. Hindi makakaila na matindi ang presensya ng mga tulad ni Jay Contreras ng bandang Kamikazee at ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona (na hangang-hanga pa rin ako sa huling bwelo niya sa kantang yes Yes Show nun) sa nauna. Phenomenal hit nga ang ginawa na yun ng PNE noong 2005 e. Akalain mo oh.

Pero ganun din naman ang dating ng Inuman Sessions Vol. 2, lalo na andun pa rin si Jay, samahan mo pa ng mga bagong henerasyon ng mga malulupit na musikero sa katauhan nila Miggy Chavez, anak ni Kiko na si Frank (pati si Gio, yung batang nag-intro sa Bagsakan noon sa kanilang Album na Halina Sa Parokya), si Yeng Constantino (na saktong-saktong alternatibo sa pwesto ni Hapee Sy sa kantang Pangarap Lang lKita), at ang isa sa mga kasalukuyang haligi ng rap na si Gloc-9.

Ang tindi lang. Ilan sa mga paborito kong kanta ay pinatugtog pala dito tulad ng Alumni Homecoming, Bagsakan, at The Yes Yes Show. Sa totoo lang, mas nagustuhan ko nga ang mga rendisyon ng mga kantang Akala, Pakiusap Lang (Lasingin Niyo Ako), Para Sa'Yo, Pangarap Lang Kita at one Hit Combo kesa sa mga nakalagay sa kanilang album e. Hindi naman sa ayaw ko sa mga canned version ng mga naturang kanta, ano? Pero astig naman kasi e.

Minsan nga solo lang ako sa bahay na pinapanood to sa internet at nagkaka-goosebumps ako sa ilang parte ng video.

Wow, sarap lang i-playback nito, mula sa unang bira nila na Mang Jose hanggang sa hindi ko lang alam kung pa'no tatapusin ang Yes Yes Show.

Astig lang. Maliban pa kaya sa Parokya, at mga tulad ni Gloc-9 at ibang mga banda sa mainstream at underground rock scene, e may inuman session din kaya ulit? Tingin ko alam mo naman ang tinutukoy ko sa puntong ito, 'di ba?

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Sunday, 13 January 2013

Sa akin ang almusal, sa iyo ang hapunan. (Just My Opinion: The "Kabit" Film Story)

07:49 AM | 01/06/2013
Kabit dito, kabit doon. Dinaig pa ang mga jumper o magnanakaw ng kuryente, telepono at internet connection kung maki-"kabit" sa ibang tao. Lagi na lang na may ganitong klaseng tema sa mga ilang mga naglalabasang pelikula at telenobela na pang-telebisyon sa ngayon.

Si lalake na CEO at married na, ka-affair ang kanyang secretary. O hindi naman kaya ay, si babae naman na may asawa (at housewife lang ata) e na-fall sa ka-flirtan niyang lalake sa bar. Hanggang sa nagkaroon ng hidwaan ang isa't isa. Iskandalo, matatalim na salita't mga linya, at ang siste pa kamo, minsan dumarating pa sa patayan ang eksena. At sa bandang huli, yung dalawang orihinal pa rin ang magkakatuluyan. At halos ganito na lang palagi ang istorya.

Pero nakakaburyong na sa mata, inaykupo. Sa sobrang tindi kasi ng mga ganitong pelikula e hindi na rin kataka-taka kung bakit nauuso ang mga tulad ng "third party," "affair," "love triangle," "nangaliwa," at iba pa na tumutukoy sa relasyon ng tatlong taong nagmamahalan. Oo, tatlo nga.

Sinasabing ang pag-ibig na ganito ay pang-dalawahan lamang. Pero bakit nga ba laging may sumasabit na extra? Ano 'to, sadyang may ganito sa mundo para maranasan ng tao kung paano masiraan ng relasyon? 

Hindi naman siguro, ano? 'Wag tayo mag-generalize sa panghuhusga. Bagamat karamihan sa mga "ikatlong partido" ay sadyang naninira lang ng buhay ng may buhay, mayroon din namang nagsisilbing tagapamagitan at tagapag-ayos sa dalawang nagmamahalan. Depende nga lang kung ano ang kanyang sadya sa buhay, kung magpapakasarili ba o magpaparaya. Take for example, ang isa sa mga kaibigan ko na kahit naging "kabit" siya e hindi niya hinayaan na masira ang pamilya ng minsa'y kinasama niya. Alam niya ang tama at sa huli, ang nararapat pa rin ang kanyang ginawa. (Saludo ako sa mga taong ganun).

Yun nga lang, dahil talamak talaga ang nanggagago sa kapwa nila sa ganitong pamamaraan, talagang hindi maiiwasan ng mga iba (wag na natin isamsa ang mga sawsawero't mga mangmang) na maging masama ang pananaw nila ukol dito.

Kaya maliban pa sa mga bagay na tulad ng jejemon, maagang nagkaka-pamilya (yung wala pa sa wastong edad ang tinutukoy ko ha?), mga kenkoy sa mainstream culture, at kung ano-ano pa... ang mga palabas sa telebisyon at pelikula na naglalarawan ng "relasyong threesome" ay ang pinakabaduy na bagay na nauso na sa ngayon. Hindi na 'ko magtataka. Maraming tao nag-aaway, maraming relasyong nasisira. May pang-aagawan, ahasan, awayan, gantihan, panibagong resbakan, at kung anu-ano pa. Basta, sa ngalan ng pag-ibig sa kanilang kasintahan o kinakabitan.

Kaya maliban pa sa mga overly-attached na partner (na obviously e "obsessed" na), ito pa ang isang bagay na nakakalungkot (pero... ganun talaga e, nauuso siya) ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sumasama ang impresyon at depinisyon ng salitang "pagmamahal" e.

At sino ang dapat sisihin dito? Aba, e sino pa ba ang gumagawa ng mga ganitong bagay sa parehong realidad at sa pinilakang tabing? Ikaw na lamang ang tanging makakasagot diyan.

Hindi porket may matinding emosyon na ang isang linya na naglalarawan ng agawan at pighati sa pag-ibig e ayos na o maganda na. For the sake of commercial value, mabenta nga. Pero morality wise speaking... e ano? May sense ba talaga? Kailan pa ba naging okay sa lipunang ito ang maglokohan sa pag-ibig? Ang mang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan? Ang maki-apid, o sa nasabing kahdahilanan ay makipagpatayan pa? Anak ng puta naman.

Ngapala, hindi rin siya maikaklasipika sa tinatawag na "high-class entertainment" para sa akin.

Kaya, anak ng puta naman ulit, tigil-tigilan na nga natin ang kabit na yan. Matuto naman tayo magmahal ng tapat at 'wag manood ng mga kabullshitan na ganyan.

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Saturday, 12 January 2013

Why Romantic Movies Should Not Be Part Of The "What-to-watch" List This 2013?

03:39 p.m. | 01/10/2013

Warning: This may be an anti-romantic post. Before you rant “bitter” on this, make sure you have read everything first.

Hindi sa pambabasag ng trip, ha? Pero isa sa mga nakakaurat na tanong sa realidad ngayon ay… bakit panay romantikong palabas na lang ang kayang gawin ng ating lokalidad sa panahon ngayon?

Maliban sa ilang mga tema at akda sa independent cinema, ha? Pero kung papansinin kasi ang mga nauuso sa mainstream, lagi na lang romansa. Kung hindi yun, komedya (pero mas okay naman ‘to dahil kelangan naman nating tumawa paminsan-minsan ah). Pero… romantic drama na naman? Mga love team na lagi na lang din umaariba sa mga primetime telenovela, samahan ng mga predictable na love story, kabit (o querida o third party), conflict at happy ending (as always)?

Anak ng pating. Halatang pangbenta lang sa takilya no? Parang halatang pang-uto na rin ang dating ng mga ‘to sa audience ha?

Pero bakit nga ba naging predictable ang mga bagay sa mga palabas na may kinalaman sa romantisismo sa panahon ngayon? Dahil sa wala na ring originality ang iilan sa mga ito? Tulad ng mga pelikulang gumaya sa screenplay ng mga tulad ng No Other Woman nun. At kung recent pa ang peg, ang One More Try daw na naging best picture sa Metro Manila Film Festival nitong 2012 lang. Ayon sa ilang mga nakapanood nito, kinopya lang daw ang kwento sa pelikulang In Love We Trust ng bansang China noong 2008. May mga balita raw na dapat 2010 ieere ang naturang pelikula eh.

Sa opinyon naman ni Jessica Zafra sa kanyang artikulo sa INTERAKSYON.com, “Would it kill them to say, "Based on the film…" or "Adapted from…"?”** 

Oo nga naman, ano? Mamamatay ka ba kung aaminin mo na hinalaw ito lamang ito mula sa isang pelikula na may kahalintulad na konsepto? Uso kasi ang mag-research. Kung magpapakamababaw ako, baka nga pamagat pa lang e halatang hinalaw din e. (May One More Chance noong 2010, remember?)

Pero kung tutuusin, matagal na rin naming naglipana ang mga ganitong tema ng pelikula sa Philippine cinema ha? Mula pa nga noong dekada ’50 pa nga yata e halos may ganito na eh (except siyempre sa mga elemento na considered na hindi pa masyadong liberated). Dumami pa nga ng husto ito noong dekada ’90. Pero bakit mas napapuna sa mga nakalipas na taon? Dahil sa lagi na lang ito ang ipinapalabas at ipinapauso? Ganun? Sabagay, napakabihira (kung hindi man wala) na ang mga pelikula na may sense at mula sa ibang genre tulad ng non-fiction documentary, sci-fi, action, horror, at iba pa.

At kung tutuusin, may mga bago pa ba sa mga palabas na ito? Parang wala naman e. Kung mga inosente na nilalang pa ang manonood nito (kalimitan ang MTRCB rating kung hindi naman masugpo ang piracy), e ‘di malayo na maiimpluwensyahan sila nito. Kaya ayun ang resulta sa iilang mga kabataan, bata pa lang, may syota na. Namulat nga sila sa kapusukan ng pag-ibig pero nagpadala rin sila dito. May nagiging bayolente dahil sa maling pag-ibig (at utang-sa-boundary, ‘wag n'yo nga isama sa bokabularyo ng pag-ibig ang pagiging TANGA.) Anyare?

Siguro, sa pananaw ng mga taong adik na adik sa showbiz at entertainment, hindi nakakasawa na panoorin ang paborito mong love team. Siyempre in fact, nakaka-entertain nga sila e. Kung mapares pa ito sa iba, daig mo pa ang manager nila kung maka-react (ke “Bakit pinares si Sarah kay Gerald? Dapat kay John Lloyd yan!”)

Pero sila at sila pa rin naman ang magkakatandem sa pelikula. Palitan lang ng pag-balasa sa artista an isasalang. At sa trailer pa lang, predictable pa rin ang love story. Asan ang twist? Teka, uso pa nga ba ang “twist?” Nakakabato lang. Parang usual plot nila ay…

Si girl mahuhumaling kay boy na nagpakilala naman sa kanya sa unang rolyo pa lang ng kamera; magkakamabutihan; susuyuin ni boy si girl; si girl naman sasagutin na siya; magkakamabutihan pa lalo; magtatalik pa nga sila e (bagamat hindi ito applicable sa ilang mga artista na pa-tweetumes lang ang gusting irate); may mamimeet ang isa sa kanila na kung tawagin ay extra o love-triange o kontrabida na rin; sila naman ang magkakamabutihan; habang balik sa orihinal na pares, sila naman ay magkakalabuan; magkakaroon ng matinding away; magkakatampuhan lalo ang mag-pares; biglang may turning point na predictable pa rin; si lalake ay magpapaka-superhero para lang mabawi si girl; habang si girl matapos nyang sampalin (o minsan, sabunutan pa o sapakin) si boy e maawa din pala sa sorry niya sa huli; hanggang sa maging reunited ulit sila (parang kantang “Together Again” nila Ate Guy at Pip); and they lived happily ever after, by… of course kasalan na yan;

Pucha, buti pa ang mga fairy tales nun e. Kahit parehong tema ang dulo at laging “once upon a time…” ang paunang salita e may pagkakaiba parin. E itong mga ‘to? *sabay turo sa mga movie poster ng mga romantikong pelikula* Predictable indeed.

At pagkatapos ng pelikulang ganyan ang tema, may susulpot na naman next month. Ano pinagkaiba? Maliban sa title, pamagat, character at synopsis? Halos wala.

Ngapala, bakit Ingles ang pamagat ng mga pelikulang iyun kung sa totoo lang e Filipino naman ang ginagamit na salita sa kada pag-uusap ng mga karakter nito? Ano 'to? Pa-conyo effect? O pang-agaw atensyon lang? Sabagay, ganito rin ang istilo ko sa blog na ito ngayon e. Pero... bakit nga ba ganun, ano?

Pero bakit nga ba panay romantikong pelikula na lamang ang uso ngayon sa lokal na sinehan? E kasi yun ang mabenta e. Oo, anumang mabagay na may commercial value e talagang tatangkilikin. Tulad ng mga kanta, libro at palabas sa TV. Pansinin, ano ang makakapagpapansin sa iyo pagdating as mga ito, maliban sa pag-ibig? Kontorbersyal na eksena, be it sex o violence.

At sa panahon kasi ngayon, magastos ang magproduce ng mga bagay tulad ng pelikula. Hindi kikita ang isang bagay kung sa art form lang tayo babase at yun ang masakalap na realidad. Kaya malamang goodbye muna talaga sa ibang genre ng pelikula. At kung hindi mo ma-take ang mga romantic films… e gumaya ka na lang sa akin na hindi nanunood ng mga ganyan at maghanap ka ng libangan na may katao-atroyang nilalaman. Baka sakaling sumaya ka pa.

Author: slick master | © 2013 september twenty-eighr productions

Wednesday, 9 January 2013

My pick (#12) – Pakipot.

10:16 a.m. 01/11/2013

Maiba naman tayo ngayong 2013. Kung dati ay panay hip-hop ang aking naitatampok sa segment na ito, ngayon naman ay kakaiba sa mga tipikal na pini-feature ang gagawin ko. Isang banda na kilala bilang All For Patricia at ang rapper na si Loonie Peroramas ay nagsanib pwersa para sa isang natatanging kanta na pinamagatang “Pakipot.”


Pasensya na panibago lang din kasi ito sa tenga ko e.




Ayos din naman,  yung babae eh parang may katunog siya na kanta mula sa mga nagdaang taon o nakalipas na dekada. Bagamat may mga letra at linya sa kantang ito na hindi ko pa lubusang naiintindihan. Well, try ko na lang i-put sa LSS playlist ko. LOL!

At ang angas lang ng dating ni Loonie dito. Mas naintindihan ko pa nga ang parte niya dtto e.  Not to mention, marami rin palang personalidad ang nakasama sa video an ito tulad nila Abra, Ron Henley, Miles, Cash Crew, at iba pa.

Worth it para suportahan ang bandang ito. Ayos rin ang timpla nila sa tenga ko ha.

Ang tanging masasabi ko muna for the mean time e suportahan natin ang local na musika. Tama, sariling atin namn diyan oh. Marami kayang magagandang musika sa Pilipinas, kung susubukan niyo lang na mag-YouTube.

Ang music video ng kantang "Pakipot" ay makikita sa Youtube.com/user/loonieversalstudios o tignan sa ityaas na bahagi ng blog na ito.. Ang mgamusika ng bandang All For Patricia ay makikita sa http://www.youtube.com/user/allforpatricia

author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 8 January 2013

Unsolicited advice 101: "Sumbat."


12:47 PM | 01/09/2012

Hindi ako isang love expert, bagamat alam ko na natural na sa isang relasyon ang nagkakaroon ng away. Pero moderation lang ha? Ang sobra pa naman na ay nakakasama. Lalo na kung ang salita na lagi mong binibitawan pag hindi niyo kaharap ang isa’t isa ay ang tinatwag na “panunumbat.” Wala itong pinagkaiba sa tinatawag na “backstab” na kadalasan ay ginagawa ng isang tao sa taong kinaiinisan lang niya, mortal na kaaway o kahit sa kaibigan lang pag nabadtrip siya.

Pero isa sa mga karaniwang kamalian ng tao pagdating sa away ay ang pagbibitaw ng mga bagay na as if na sila lang ang may nagawang matino sa pagsasama nila. Wag naman ganun, mga ‘tol. Ano kayo, Diyos? O superior? Dapat ba e ikaw lagi ang nagingibabaw sa relasyon niyong dalawa? E nagsama pa kayo kung ganun lang. Alalahanin niyo na “give and take” palagi ang isang relationship. At ang mga under de saya na yan? Mukha nyo! Pauso lang yan.

Madalas ko na itong napapansin sa mga babae kapag nag-oopen sila ng mga problema sa pag-ibig. Bagamat may mga lalake rin naman na nakararanas ng ganito. Ke siya lang daw ang gumagawa ng way para gawin ang ganito, ayusin ang ganiyan… anak ng pating naman oh. *sabay hampas ng kamay sa lamesa*

Kaya here’s a piece of unsolicited advice para sa mga taong mahihilig magdrama sa harap ng mga kaibigan nila dahil sa nag-away lang sila ng kanilang mga girlfriend o boyfriend . Bago kayo magbitaw ng mga tinatawag na "sumbat" sa partner niyo, gawin muna ang mga ito sa inyong mga sarili:


Una, isipin mo muna kung may nagawa ka ba na ikinasakit ng kalooban niya. Meron ba, aber? Nabadtrip ba siya sa iyo matapos mo siyang pakainin ng sinigang na baka na naglasa naman na may kahalintulad sa bulalo? O ‘di naman kaya ay ginastos mo ang pera niya na nakalaan sana para sa pag-aaral ngt kanyang kapatid?

Pangalawa, isipin mo muna kung may nagawa ba ang partner mo sa iyo na ikinasaya o ikinabuti mo.In short, ‘wag kang “nega” (o kung hindi mo yan maintindihan – negative thinker) na lagi mo lang pupunahin ang kanyang mga kamalian sa buhay. Ulit, may nagawa ka ba na ganyan? Natuwa ka ba noong  binigyan ka niya ng push-up bra para sa dibdib mo sing patag na ng mga pananim sa Bulacan? Kung sumaya ka ba dahil magkasama kayo buong araw habang nagwi-window shopping sa Mall Of Asia?

Kung isa sa dalawang naunang tanong ay may sinagot ka ng OO, ibig sabihin ay “ang TANGA mo!”Ngayon wala kang karapatan na manumbat sa partner mo, dahil ipinapakita mo lang sa mundo ang pagiging hipokrito mo. Tanong ika nga ng Black Eyed Peas sa kanta nilang Where Is The Love sa iyo, “Will you practice what you preach?”

At pangatlo... MAG-ISIP MUNA BAGO BUMITAW NG SALITA. Maaring nagdesisyon ka na maging kayo base lamang sa emosyon na nararamdaman mo, pero hindi yan excuse para magbitaw ng masasamang bagay sa kanya para lang mairaos ang emosyon mo. Alalahanin mo na sa 9 sa 10 beses na nagbibitaw ka ng desisyon mula sa iyong bugso ng damdamin e wala itong magandang naidulot sa iyo.

Sa madaling sabi.... MAG-ISIP MUNA BAGO GUMAWA NG HAKBANG O GUMAWA NG INGAY.

Yun  lang. Corny ba? Hindi. Mas corny ang mga tulad niyo na laging manunumbat sa partner niyo pagkana-bad trip na ng sobra-sobra. Leche! Mag-mature nga kayo! At P.S. Kung hihirit mo ay dahil emosyonal kayo... weh? Emotional your face. Hindi pa rin excuse yan. Tsk.

Author: slick master | © 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 2 January 2013

Ms. One-line-maker 2012.

11:27 p.m., 01/02/2013

WOTL: “Salamat, Senator Miriam Defensor-Santiago, ang boring ng Senado kung wala ka.”
This lady should deserve and award for this year. Like one of the best women personalities for the year 2012. No kidding.

You know, I’d rather hear her fiery statements than that of the other ladies who can blurted out the shit on-camera (like Mommy D’s rants when her son Manny Pacquiao lost against his Mexican rival Juan Manuel Marquez). Not because she is an educated or too vocal, but because she speaks with sense. Somehow, improving than what she may be before.


And during the advent of the Impeachment trial against then Supreme Court Chief Justice Renato Corona, she just proved herself worthy of being a judge (maybe because that’s her previous work before). And maybe that’s one of reasons why she deserved a lot at the International Criminal Court either.
Outside the senate, her mouth doesn’t stops from speaking. Be it flavoured words, or just for fun... well, like those pick-up lines and punch lines which she uses to throw on her speeches.
Sometimes, I wonder – is Senate hearing will be a boring one without a certain Sen. Miriam Defensor-Santiago on board?

Yes, uhmm... no? Or... maybe?

Well, on the other side, maybe the media just loved to scoop everything the hell out of her? Like...
“Waah!”
“Ang yayabang magsalita, e mga gago naman!”
“Justice delayed is justice denied. ‘Wag na tayong magpa-epal dito!”
... just to name a few of them.

And it all came... well, to the extent she is up against almost everybody in the Senate, be it the witnesses or even her fellow senator-judges.

But aside from throwing words and phrases with some kind of emphasized meanings and messages, what she had done for this year. She is actually the principal author for the one they called “Anti-EPAL bill.” And i think, we barely needed that one.

I also began to wonder. After the impeachment trial... anyare?  Is she talked lesser this time during the respective hearings for the Sin Tax and Reproductive Health Laws, or it’s just I turned out to be a less observant on the current issues’ side of life way back then?

Nah, all I can say is that she speaks with sense, at least. Forget that she may be tack-less, too intelligent or even bipolar (as what some people may say). Seriously, we need a bunch of lawmakers and public servants like her.

She may speaks very unusual, but at least it is worth a media’s soundbite anyway.


Author: slick master | (c) 2012 september twenty-eight productions

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.


Una, ang buhay ng isang tipikal na pamilya sa lipunan ngayon ay mahahalintulad sa isang telenobelang ipinapalabas sa telebisyon? Na laging may bida, kontrabida at sandamukal na mga extra? Isama mo pa ang pinapaikot na kwento (oo , lagi na lang). Dumarating sa punto na sobrang marahas na ang ginagawa ng mga taong ayaw sa bida, at ito naming si bida e pa-underdog effect? Maghihiganti nga pero kailangan pang masaktan ng matindi?

Mga Juan Tamad kung maituring. Nakatutuok na lang sa mga dramang palabas, imbes na tutukan ang sinasaing na bigas.

Mga Pilipino nga, pero mas tinatangkilik pa ang mga banyagang bagay kesa sa sariling atin. Mga self-proclaimed na Kayumanngi dati pero itinatanggi na para maging wannabe chinito at chinita. Akala mo namn, bagay sa kanilang itsura.

Mga tipong pumapasok na lang sa eskwelahan pero walang natututunan. Kaya ba madalas ito rin ang dahilan kung bakit tinatamad na ring mag-aral ang mga estudyante? Maliban pa sa “baon” na lang ang dahilan kung bakit kahit papaano e sumasaya sila?

Ni hindi na yata natin alam kung may linya pa ba na naghihiwalay sa magkaibang mundo ng showbiz at pulitika sa ating lipunan. Ang artista ay may kaakibat na okupasyon na pagiging “public servant (kuno)” pagdating ng pangangampanya at lalo na pag nanalo siya sa halalan. Meron din naming mga nakaupo sa pwesto na inookupa ang mga entablado na dapat sana ay nakalaan para sa mga taong umaarte dun.
Ito nga rin ang panahon na para ang isang tao ay sumikat e, ‘wag mong ipakita ang talent mo. Ano ang dapat gawin mo? Magpakita ng akto ng katangahan at pakapalin ang mukha (at patatgin ang loob) sa darating na batikos at pangungutiya sa iyong harapan. Uso kasi e.

Mas mahilig pa nga yata ang karamihan ng mga tao sa tsismis kesa sa atupagin ang mga takdang gawain sa kani-kanilang mga bahay at kaniya-kaniyang mga buhay, mula sa magkakapit-bahay hanggang sa mga balita sa showbiz, walang pinapalagpas. Mga naganap kina Aling Nena, pinag-uusapan nila Manang Sonya sa halip na pansinin ang kaniyang mga labada.

Tapos ang mga tumatangkilik naman ng mga nakakabobong palabas na ito e sumusunod na lang sa agos, kahit alam na nila na hindi na tama. Nagpapimpluwensya sa mga nakikita, kaya ayun. Sing-tulad ni Coco Martin at Marian Rivera (at kung sinumang aritsta pa iyan) kung makapagdrama sa harap ng magulang.

At saka mo lang naappreciate ang mga bagay-bagay sa ating kamalayan kapag maganda ang resulta nito. Parang nagiging proud to be Pilipino ka lang kapag nananalo si Pacquiao sa mga laban niya. Naku, sino kaya ang niloloko mo, ‘no? At pa’no yan kung natatalo na ang pride natin, katulad ng 0-2 win-loss record niya last year?

Sa kabilang banda, ikaw naman ay natatakot. Takot mag-tanong, magpaulit, sumagot sa pagsusulit. Dapat ka nga ba matakot na gawin ang mga ’to, e tao ka pa rin lang naman, at kahit papa’no e hindi nagmamarunong? Matututo ka pa, ‘di ba?

Maraming aral ang kantang ito, na kung inaakala mo sa unang pagdinig e dini-diss o kinamumuhian niya ang lahat-lahat ng nasa popular na kultura at mainstream media (well, mali ka sa unang impresyon mo, tsong.). At nasasaad ito sa ilang mga linya nito.

Hindi porket Tagalog o nasa lokalidad natin e baduy na kaagad. At lalo naman hindi ka itataas ng pagiging Inglisero mo. Feelingero ka na nga, mas baduy pa tignan.

Hangga’t wala kang nagagawang hakbang sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo, e talagang masa-stucked up sa mga bagay na sa tingin mo e nakakabobo. Ibig sabihin, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong landas, at kung hindi mo babaguhin iyan, ikaw mismo ang biktima ng sarili mong katangahan.

“‘Di naman importanteng magpakadalubhasa, ang sa’kin lang naman ikaw ay malinawan.” Ibig sabihin? Hindi mo kailangan alamin ang lahat. Ang importante e may alam ka. (Malabo ba? Intindihin mo kasi.)

“’Wag na ‘wag mong gawing dahilan ang kahirapan. Maniwala, pero ’wag umasa sa himala. Wala pang nananalo sa lotto na ‘di tumataya.” Sabagay, may kasabihan kasi na choice mo mamuhay sa kung saan mo gusto. Kung ginusto mo maging mahirap, e magiging mahirap ka talaga. At hindi ko tinutukoy dito ang mga materyal na bagay lamang ha? Okay, sabihin na natin na, “Oo nga naman, lahat naman kasi tayo ay naghihirap din e.” Pero huwag kang umasa na isasalba ka ng iyong panalangin kung wala ka naming ginagawang hakbang para mairaos ang iyong buhay. “Hindi porket mahirap ka e hanggang d’yan ka na lang.”

At walang masama magtanong (basta sensible na tanong ha?) kung ikaw naman ay namomroblema sa kung ano ang dapat gagwin mo? “Tandaan, Mas masahol pa sa bobo ang bobo(-ng) nagmarunong.” Magmamarunong ka pa, e bobo ka rin naman! “Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit,
Ibenta mo ang utak mo kung’ di mo ginagamit.”
Siyempre, gamitin kasi ang utak, no!

At hindi porket lahat ng mga nakikita mo sa TV e tama na rin para sa iyong kamalayan. Huwag kang magpadala sa mga bobong palabas, kommersyal, at ultimo ang mga personalidad na nakikita mo sa tinatawag na “idiot box.” Lalo na kung buong araw kang nakatunganga sa harap niyan.

Kung lahat na lang ng nakikita mo e nakakabobo… e di ikaw mismo gumawa ka na ng hakbang para baguhin ito. At least, simulan mo iyan sa sarili mong gawin sa buhay.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 1 January 2013

Playback: Ron Henley – "Biglang Liko "

 01/01/2013 11:27 AM 

Isa sa mga bagong kanta noong 2012 sa genre ng hip-hop dito sa Pinas ay ang single ng rapper na si Ron Henley. Ang kantang Biglang Liko ay isa sa mga kantang ginawa ng FlipMusic sa nakaraang taon. Kasama rito si Pow Chavez. Inuplaod ang music video nito sa YouTube noong Pebrero 14, 2012.

Ayos din ha? Sa sobrang patok kasi nito e naging parte ito ng mainstream music o sabihin na natin na popular na kultura. As in naging parte ito ng mga nirerequest sa music channel na Myx, at minsan narinig ko pa nga ito sa isa sa mga istasyon ng radyo. Well, pumatok din pala ‘to sa masa ha? Hindi na masama (pero mas okay sana kung maiintindihan naman talaga ng mga tao ang pinapakinngan nila, 'di ba?), bagay na kailangang bigyang pansin din sa ngayon ang mga bagay na may kinalaman sa rap at hip-hop lalo na’t parang nakilala lang ang mga ito sa dalawang lipunan: mga jejemon at mga taong nanunood ng mga rap battle sa YouTube tulad ng FlipTop at Sunugan.

Bago ako magbigay ng aking take sa kantang ito, maari na iba ang intepretasyon ng tao base sa lyrics at pamagat nito sa anuman ang nakikita ko. 

Medyo may pagkagreen lang ang iilang mga linya, at hindi mo siya mahahalata kung isang beses mo lang siya pakikinggan sa loob ng isang upuan. Try niyo na lang pakinggan ng ilang beses.

Pero ang astig lang niya. As in astig pa rin pakinggan. Siguro kasi sa skill din ng taong ito, na matindi rin mag-rap like anyone else ngayon na nasa hip-hop scene. 

Deretso lang eh.

Music video: (from http://www.youtube.com/user/batampasiggg)
Directed by: Jasper Salimbangon x Cristhian Escolano
Edited by: Jasper Salimbangon
Cinematography by: Cristhian Escolano x Elo Delenela x Paolo Magsino

Song produced by: Bojam of Flipmusic Productions
www.flipmusicproductions.com


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

First date.


12:49 p.m. 01/01/2013

Disclaimer: Isinulat ko ang akdang ito na may permiso mula sa babaeng naka-date ko nun. Pero pinili ko na hindi ilahad sa blog na ito ang litrato naming dalawa at ang tunay na pangalan niya bilang paggalang sa pagkakakilanlan niya.

Minsan, natutuklasan talaga ang pag-ibig sa first date. Wala nang ligaw-ligaw pa (anak ng pating, uso pa ba iyun?). Nasa uganayan lang yan kasi, bilang kapwa taong nagmamahalan at bilang kaibigan na rin kung magturingan.


Parang karanasan ko lang. Ika-1 ng Disyembre nun, isang maalinsangan na Sabado ng hapon. After lunch ang usapan naming nun sa isang mall sa lungsod ng Mandaluyong. Sa unang tingin nga e, nakakapagtataka lang nun. Dahil alam ko hindi naman siya interesado na mga bagay na gusto ko, tulad ng mga libro at may kabuluhan na kalokohan. At siguro, naiisip niya nun na sa dinami-dami ba naman ng babaeng nakasalamuha ko sa text, Facebook, Twitter at personal… e bakit siya pa daw?

Hindi ko mawari e, basta ang alam ko nun ay interesado ako na kilalanin siya. Bago ang lahat, siya si Ms. Whippedream, o mas tawagin na lang natin na Kablag. 21 anyos, isang registered nurse na naghahanap pa rin ng trabaho. Magkapareho kami ng eskwelahan noong kolehiyo bagamat magkaiba kami ng branch na pinapasukan. Ang nakakaloka lang nun ay may isa pala kaming kaibigan in common pero hindi naman yun ang naging pamamaraan para maging magkakilala kami (o nireto, ika nga). Sa totoo lang, nakilala ko lang siya sa pamamagitan ng isang text clan. At isang bagay pa ang common sa aming dalawa – pareho kaming blogger.

Pero fast forward tayo sa petsa ng a-uno. Nasa gitna na ako ng pagmamadali ko papunta sa mall na iyun. Nakakahiya, first date mo slickmaster, e na-late ka! E ikaw ba naman kasi ang mapunta kaagad sa isang photo studio para lang kunin ang soft copy ng mga litratong kinunan para sa iyong graduation pictorial noon.
Ala-una ng hapon nun nang makarating na ako sa destinasyon ko. Halos maligaw pa ako sa naturang mall (aba, e ikaw ba naman ang mapunta sa isang lugar na hindi pamilyar sa kamalayan mo e) habang katext siya kung saan siya eksakto. Pagbaba mula 4th floor papunta sa 2nd, sa may bandang fountain area, agad ko siya napansin. Pamilyar na ang kanyang itsura sa akin dahil sa kakatingin sa kanyang profile picture sa Facebook at Twitter. Pero bago ko man siya surpresahin e agad na rin niya pala ako nakilala (ayan, magte-text ka pa ng “look behind you,” ha?). Unang move kay Kablag, pahiya ka na, slick. LOL!

So, ayun na nga ang nangyari, nagkakilala kami. Agad hinanap ang book launching event na pupuntahan ko nun (dahil trip ko lang, maliban pa sa katotohanan na isa na rin sa mga iniidolo ko ang awtor ng Pogi Points na si Stanley Chi), nasa isang bookstore yun sa nasabing mall. E ang aga lang namin nun. Haha! Napabili lang kami ng libro nun, then trineat ko siya ng lunch sa isang fastfood na malapit lang sa bookstore na yun (sa loob ng naturang mall, siyempre).

Matapos ang book launch na yun (na tumagal ng 4 na oras pero astig lang ang hapon na yun dahil sa sobrang laughtrip na dala nila Stanley Chi, Ramon Bautista at Papa Dan ng Baranggay LS at kung anu-ano pang kamundohan nun), e para kaming ewan na hindi alam kung saan kami susunod na pupunta noong gabing iyun. Hanggang sa napagdesisyunan na magpunta sa kabilang mall. Mamasyal lang sa kung saan-saan, kumain ng pizza, magkwento ng kung anu-anong bagay lang, malalim na bagay man o mababaw. Kulang nga e manood kami ng sine nun kung maaga pa lang sana ang gabi nun. Hati na kami sa dinner namin na pizza (ako sana talaga ang sasagot nun e kaya lang mahirap na ang ma-short lalo na kakasweldo ko lang nun).

Ano pa ba ang mga naganap? Ayun lang naman. Sa madaling sabi, nagkamabutihan. Basta, sinigurado ko lang nung gabi na iyun na kahit papaano e magaanda ang impresyon ko sa kanya sa pamamagitan ng pagkakapataotoo sa aking sarili. At sa totoo lang nun e hindi ko na iniisip kung may susunod na date na magaganap pa sa pagitan namin ni Ms. Whippedream o wala. Nasa sa kanya na iyun.

Pero mali pala ako, dahil hindi ko inaakala na siya talaga ang magpapatibok ng puso ko nun. Siya ang tanging naging pinaka-kaibigan ko sa lahat ng aking mga kaibigan ko.

Namiss ko siya bigla. Sa sobrang pagkamiss e napagawa ako bigla ng one-liner.

“Just a second after we parted ways, I just realized something – I missed you already.”

Akalain mo yun oh. Matapos ko siya ihatid sa terminal ng FX nun, para lang akong batang naagawan ng lollipop (pero walang akto ng iyak, syempre) nung sinara na niya ang pinto ng naturang sasakyan at umalis na pauwi ng bahay niya. Ang naisip ko na lang, magtetext din yun pag nakauwi na siya. Hindi lang text pala, nagmissedcall. Aba. Ayos ah. Kala ko dito na lang matatapos ang first date na iyun.

Akala ko din e. Mali pala ako. :-)

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions