Monday, 14 January 2013

My take: Inuman Sessions Volume 2

09:11 PM | 01/05/2013

Sarap lang balikan ang mga kanta ng isa sa mga banda na nagpatanyag sa lokal na musika ng ating bansa. Ika nga ng rapper na si Gloc-9 "ang pinakamalupit na banda" - ang Parokya Ni Edgar.

Hindi ko nasaksihan ng live ang ikalawang inuman session nila (na sayang sa Eastwood Central Plaza pala ito ginanap - pucha, ang lapit lang mula sa aking bahay), o ni wala akong sariling kopya ng kanilang album (ke DVD man yan o orihinal na CD). Ang tanging basehan ko lang sa akdang ito ay ang ilang beses na pagpe-playback ng kanila video at kanta sa kanilang opisyal na YouTube channel.

17 tracks - 15 dun ay kanta. Magkahalo ang nilalaman ng rekord bagamat mas marami ang bago kung ikukumpara sa luma. May mga collaborations din tulad nung sa nauna.

Pero hindi ko siya ikukumpara sa unang inuman session. Hindi makakaila na matindi ang presensya ng mga tulad ni Jay Contreras ng bandang Kamikazee at ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona (na hangang-hanga pa rin ako sa huling bwelo niya sa kantang yes Yes Show nun) sa nauna. Phenomenal hit nga ang ginawa na yun ng PNE noong 2005 e. Akalain mo oh.

Pero ganun din naman ang dating ng Inuman Sessions Vol. 2, lalo na andun pa rin si Jay, samahan mo pa ng mga bagong henerasyon ng mga malulupit na musikero sa katauhan nila Miggy Chavez, anak ni Kiko na si Frank (pati si Gio, yung batang nag-intro sa Bagsakan noon sa kanilang Album na Halina Sa Parokya), si Yeng Constantino (na saktong-saktong alternatibo sa pwesto ni Hapee Sy sa kantang Pangarap Lang lKita), at ang isa sa mga kasalukuyang haligi ng rap na si Gloc-9.

Ang tindi lang. Ilan sa mga paborito kong kanta ay pinatugtog pala dito tulad ng Alumni Homecoming, Bagsakan, at The Yes Yes Show. Sa totoo lang, mas nagustuhan ko nga ang mga rendisyon ng mga kantang Akala, Pakiusap Lang (Lasingin Niyo Ako), Para Sa'Yo, Pangarap Lang Kita at one Hit Combo kesa sa mga nakalagay sa kanilang album e. Hindi naman sa ayaw ko sa mga canned version ng mga naturang kanta, ano? Pero astig naman kasi e.

Minsan nga solo lang ako sa bahay na pinapanood to sa internet at nagkaka-goosebumps ako sa ilang parte ng video.

Wow, sarap lang i-playback nito, mula sa unang bira nila na Mang Jose hanggang sa hindi ko lang alam kung pa'no tatapusin ang Yes Yes Show.

Astig lang. Maliban pa kaya sa Parokya, at mga tulad ni Gloc-9 at ibang mga banda sa mainstream at underground rock scene, e may inuman session din kaya ulit? Tingin ko alam mo naman ang tinutukoy ko sa puntong ito, 'di ba?

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment