Tuesday, 22 January 2013

ROMANTIC EH!


09:49 AM | 01/23/2012

Isang maikling patutsada lamang. Ayon sa isang pahayagan sa China, ang Pilipinas ay ginawaran nila bilang “The Most Romantic Destination.”

Ganun? Oo, binase ito sa isang consumer survey na ginawa ng Shanghai post. Binigay ng nasabing pahayagan ang parangal na ito sa Pilipinas noong Enero a-15, sa posh Shanghai Peninsula Hotel by the bund, ayon ito sa press relaease ng Department of Foreign Affairs.

Hmmm... sabagay, hindi na kataka-taka ito. Pa’no ba naman? E likas sa pagiging romantiko naman ang lahi ng Pinoy e, (oo, parte na ito ng ating kultura) at makikita ito sa panahon ngayon.


Lumabas ka ng bahay,  mapapakinggan mo ang tsismis ng kapitbahay, at ang isa sa mga paksang pinag-uusapan ng mga ‘to ay ang lovelife ng kung sinu-sino na kilala nila. Parang ganito...

“Uy, alam mo ba si Pareng Tonyo, nahuli sila sa kwarto ng kabit niya!”
“Si Mareng Virgie, hindi na siya virgin kasi binahay niya ang boylet niya kagabi!”
“Nagbreak sila Jona at Milo. Umiiyak nga ang lola mo dito sa amin kahapon e.”

Hay, naku. Mind your own lovelife na lang kaya, mga echuserang palaka?

Lumabas ka ulit, gumala ka sa isang parke, mall o saan mang mga pampbulikong lugar at kahit sa mga sasakayang pampubliko tulad ng jeepney, bus at tren, isa sa sampung beses at least makakakita ka ng isang magsyotang magla-akbay, nakaholding-hands o pagkamalas-malas mo pa... naglalaplapan. Wow, isn’t it romantic? Kulang na lang gawing motel ng mga hinayupak na ‘to ang kinalulugaran nila ha.

Pero kidding aside, maraming lugar kasi ang nagsisilbing dating place ng mga magsing-irog e. At hindi ito usapin ng date sa kama ha? Iba yun. I mean yung mga tulad lang ng parke, amusement park, mall, o ultimo ang simpleng kainan na ginagawa ring tambayan. Kung gusto mo ng mas astig, yung naglalako ng fishball. Mas sweet kaya ang nagkasama kayong  magkasama habang kumakain ng tusok-tusok na fishball.

At kung sadyang introvert ka at tamad kang gumala, e sit back, relax (?) and enjoy (“?” again?), dahil hindi mo kailangang lumayo para lang makakita ng romantisismo. Subukan lang manood ng TV andayn na ang telenovela na talagang nagpapakilig sa halos sinuman. Well, at least yung matinong type lang na palabas ha? Uso kasi ang selosan, nag-aalab na love scene, patayan sa ngalan ng pag-ibig at kung anu-ano pang “twist kuno” pero kung tutuusin ay mas magandang tawagin na “bullshit.”

Oo nga pala. Pansinin ang mga pumapatok na palabas sa takilya o kahit sa mga naglabasang mga piniratang DVD kung local na sinehan ang usapan. Kung hindi puppy love na love story, e mga affair. Halos tulad lang ng aking naunang nabanggit.

Sa mga libro... maliban pa sa mga tulad ng Twilight series (oh, please?! Not this type.) pahayagang tabloid at showbiz magazines, ang pinakapatok na babasahin ay ang mga pocketbook na naglalaman ng isang nagbabagang-pag-ibig ang tema ng nobela.

Kung nasusuraan ka sa sobrang kilig, making ka ng radio, yung masa type ha? Maririnig mo ang mga walang kupas na love songs. Ayos lang yan pag siesta, pero kung sadyang nakakabato na ang musika ng pag-ibig sa panahon ngayon...

Maglog-in ka sa iyong Facebook at Twitter account (kung meron man) at ano ang madalas mong nakikita na post maliban sa mga masasamang balita at jokes? Mga quotes, mula sa pick-up lines hanggang sa emo quotes (oo, romantic pa rin yan), hanggang sa mga patamang sumbat.

Kung di ka pa maging romantiko niyan, e di sa cellphone. Almost the same things sa inbox, either GM na iyan o PM lang mula sa iyong ka-text.

Pero seryoso ha? Marami naman mkasi talagang magagandang lugar sa Pinas na may romantic atmosphere. At hindi ito makikita sa motel, mall o kahit sa tagong parke. Ano ang tinutukoy ko? Tuklasin mo ang bansang kinatitirikan mo. Maraming mga magagandang tourist spots ba na akmang-akma para sa mga lovers. Ganun kasimple.

Ayan, romance is not just in the air... but everywhere!

Pero... ‘di ba ang romance ay ang shallowest type of love? So it means na “mababaw” talaga tayo? Hmmm... *sabay himas sa baba*

At pahabol na question. Hindi naman kaya binobola lang tayo ng China dahil ang init na kasi ng tensyon sa West Philippine Sea/South China Sea territory? Kumbaga, pampalubag-loob? Hmm, pero hindi nmaman tumalab ito kay Albert Del Rosario ng DFA e. In fact, inakyat na sa korte ang usapin ukol sa sigalot sa teritoryo sa pagitan natin at ng mga Intsik.

Ahh, ewan. Basta romantic tayo no?

(source: http://www.interaksyon.com/article/53195/philippines-wins-most-romantic-destination-award-in-shanghai)

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment