12:21 A.M. 01/22/2013
Isa sa mga nakakaurat na tanong sa realidad at panahon ngayon ay ang bakit ba ang hihilig magreact kaagad ng ilang mga tao kahit hindi pa man nila naiintihindhan o ni nabasa man lang ang kwentong pinuputakte nila?
Anak-ng-puta. Ang tatanga lang nila ha? Ayos na sana e.
“Don’t judge a book by its cover,” ika nga ng isang lumang kasabihan. Pero uso pa ba ito sa modernong panahon na halos kahit sino na lang e instant critic na, lalo na kung nakapagbasa ito ng isang artikulo na may matinding nilalaman? Ito lang naman ang napapansin ko sa halos isang buong taon na pagmamasid sa isang community blog page sa Facebook. Basta either isang kontrobersyal, napapanahon o minsan ay matinding pagtaliwas sa nakararami ang nakapaskil, pinuputakte ng sari-saring reaksyon. Okay lang sana e, halimbawa:
Nagpaskil ka ng isang anti-romantikong blog, “bitter” ang ibabato kagad sa iyo. Minsan pa nga ang sasabihin sa’yo e “Pakamatay ka na! Wala ka palang lovelife e.” E kung ikaw na lang gumawa niyan tutal ikaw rin naman ang nakaisip e.
Nagsulat ka lang ng opinyon mo ukol sa isang napapanahong isyu, at kontra naman ang mayorya sa mga pinunto mo, sige pa rin ang pagbibitaw ng kanilang kuro-kuro. Sabagay, sabi nga naman sa isang noontime show, “It’s a free country, you can do what you want!”
Kung matinding rant pa ang binitawan mo, expect a bunch of superficial fools ahead for you to react. Oo, maraming magrereact. Yun nga lang, karamihan pa sa mga ‘di sasang-ayon diyan e pustahan, hindi binasa ang kabuuan ng write-up mo. Parang mga gago na “may masabi lang” sila.
At kung kontrobersyal na paksa naman ang usapan tulad ng sex, prostitusyon at iba pang may kahalintulad sa mga nabanggit? Tahasang magrereact na ang mga ‘to.
Oo, lahat niyan, may masasabi na kaagad sila KAHIT HINDI PA NGA NILA NABUBUKLAT KUNG ANO TALAGA ANG NILALAMAN NG BLOG MO.
Maliban pa diyan, sa mga Facebook page din ng mga balita. Usong-uso din ang breed nila.
Hindi ko alam kung sila ba ang tinutukoy ni Mga-Sulat-Kamay sa kanyang “Anong Klaseng Blog Reader Ka?” na mga title-holder o may pagka-sadyang epaloids lang talaga.
As in grabe lang ang paglipana ng mga ito. Kala ko ba ginagamit ng mga ‘to ang internet para kahit papano e mahimasmasan naman ang utak at kamalayan nila? At hindi sa pagiging elitista ang dating ha? Pero... bakit naman ganun?
Ang excuse ng ilan ayon sa isa sa aking kaibigan sa pagba-blog, mobile users kasi sila e. Kaya minsan, nanghihingi sila ng buong artikulo na ilahad sa fb.
Ganun? Okay, considered excuse na iyan maliban na lang kung sandamukal naman ang load mo para makapagbrowse outside sa mga social networking account mo at may time ka naman makapag-internet talaga.
Ayos lang din sana kung ang kumento nila ay tulad ng “Teka, di ko pa nababasa ng buo ito (o di naman kaya ay “mamaya, babasahin ko ito...”). Pero ang masasabi ko ay...” Yan talaga kelangan pa ng kunsiderasyon. At least, responsable sila.
Yung iba, sadyang tamad lang talaga. Ugali na nga ng ilan yan e. Pucha, ano ba naman ang mahirap sa i-click lang ang artikulong babasahin para maintindihan mo ang lahat at hindi yung mga paunang salita, pangungusap o talata lang ang iyong nakikita sa halip? Mamamatay ka ba kung hindi mo ikahihiya ang pagpindot ng link o ng “read more?” Hindi naman siguro, ‘di ba?
Iba-iba kasi ang lebel ng pag-unawa ng tao e. May malalim at meron ding mga “skin-deep.” Sa madaling sabi, mabababaw. Superficial. At sad to say, karamihan yata ng sa ngayon ay nagpo-fall sa nabanggit na huling kategorya. Yun lang.
Kaya ano ang pinupunto ko dito? Magbasa kasi bago magreact. Intindihin ang kwentong binabasa o puputaktehin (oo, anudn rin lang naman kayo e sagarin niyo na). Minsan nga binibigay na sa inyo ng buong artikulo para lang makaintindi kayo e (Pasalamat pa kayo dahil hindi kayo sinisingil ng mga yan pero ‘wag din kasi aabuso o “asa sa libre” na attitude). Natuto naman siguro kayo sa mga comprehensive exams niyo noong nag-aaral pa kayo ‘di ba? O aminin niyo... natutulog kayo sa pansitan nun?
Ang paglalahad ay parte ng ating demokrasya. Karapatan natin ito bilang tao. Pero ang lahat ng kalayaan natin ay may kaakibat na responsibilidad na dapat maliban pa sa naipapakita natin kung sino tayo bilang isang indibidwal, ay ang pagkakaroon ng saktong lawak ng komprehensyon sa mga bagay na binibigyan natin ng kuro-kuro at pansin.
Kung ako lang ay magiging isang mambabatas, magpapanukala ako na dapat sikilin ang karapatan ng mga taong “may masabi lang.” Oo, wala silang karapatang magsalita hanga’t hindi nila naiintindihan ang mga bagay na pinupuna nila.
Masyado bang mapagmataas at malupit? Dapat lang. Hindi na dapat uso ang pagiging tamad no?
Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment