Showing posts with label local. Show all posts
Showing posts with label local. Show all posts

Wednesday, 9 January 2013

My pick (#12) – Pakipot.

10:16 a.m. 01/11/2013

Maiba naman tayo ngayong 2013. Kung dati ay panay hip-hop ang aking naitatampok sa segment na ito, ngayon naman ay kakaiba sa mga tipikal na pini-feature ang gagawin ko. Isang banda na kilala bilang All For Patricia at ang rapper na si Loonie Peroramas ay nagsanib pwersa para sa isang natatanging kanta na pinamagatang “Pakipot.”


Pasensya na panibago lang din kasi ito sa tenga ko e.




Ayos din naman,  yung babae eh parang may katunog siya na kanta mula sa mga nagdaang taon o nakalipas na dekada. Bagamat may mga letra at linya sa kantang ito na hindi ko pa lubusang naiintindihan. Well, try ko na lang i-put sa LSS playlist ko. LOL!

At ang angas lang ng dating ni Loonie dito. Mas naintindihan ko pa nga ang parte niya dtto e.  Not to mention, marami rin palang personalidad ang nakasama sa video an ito tulad nila Abra, Ron Henley, Miles, Cash Crew, at iba pa.

Worth it para suportahan ang bandang ito. Ayos rin ang timpla nila sa tenga ko ha.

Ang tanging masasabi ko muna for the mean time e suportahan natin ang local na musika. Tama, sariling atin namn diyan oh. Marami kayang magagandang musika sa Pilipinas, kung susubukan niyo lang na mag-YouTube.

Ang music video ng kantang "Pakipot" ay makikita sa Youtube.com/user/loonieversalstudios o tignan sa ityaas na bahagi ng blog na ito.. Ang mgamusika ng bandang All For Patricia ay makikita sa http://www.youtube.com/user/allforpatricia

author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 25 December 2012

Nakakabato.


Teka nga, teka nga… *handclap* Pusong bato ba o sadyang nakakabato lang ang kantang ito?

At teka ulit, bakit nga ba ulit nauso ang kantang ito? Ang daming matitinong musika sa lokal na kultura natin? Pero… pusong bato?

Ano ‘to? Maraming nagiging emotero sa panahon ngayon? Yan kasi dala ng panunood n’yo ng mga telenobela.

Manhid lang ba, o sadyang nakakabadtrip na lang nag paglipana ng ganyang kanta? Ay, ewan.


Nasobrahan na kasi sa romatisismo ang musika sa panahon ngayon e. Kapag walang halong pag-ibig ang tema ng awit mo, huwag kang umasa na bebenta ka kaagad maliban na lang kung ikaw ay katulad nila Gloc-9, Parokya Ni Edgar, at kung sinu-sino pa.

Na-associate na ang popular na kultura sa mga novelty na tema ng musika. Parang pag-ibig sa ideya ng komersyalismo.

Kung hindi ako nagkakamali, babae ang unang kumanta nito (si Aimee Torres ayon sa mga search results ng YouTube). Pero ayon sa mga nakalap ko, ang orihinal na kumanta nito ay Renee "Alon" Dela Rosa. Umeere ito sa halos kahit saan, mula sa istasyon ng radyo na pianpakinggan ng magkakapitbahay, sa mga piniratang (o pina-burn) na CD na tumutugtog sa mga dyip (o minsan pa nga e sa mga USB o mp3 player nila); mapa sa computer shop na tinatambayan; at kahit pagdating ng mga pagdiriwang, tulad nitong nagdaan na Pasko (kung hindi Pusong Bato ang kinakanta ng mga ‘to, e sinasayaw naman yung Gangnam Style). Kung hindi ang mga tulad ng pop at hip-hop genre, e ‘di ito. Oo, ang kanta ngang ito.

Nakaka-LSS ba? Ayos lang iyan. Pananaw mo iyan e.

Sinubukan kong suriin ang kantang ito. Ang magkaibang bersyon nilang dalawa. Well... maganda naman yung lyrics. Pero, with all due respect sa mga fans ng kantang ito, mas gusto ko pa rin ang version ni Torres. Yung pangalawa kasi e parang pang-jukebox ang dating, (kaya siguro patok na patok ito sa madla, hindi na rin kataka-taka) Perop... Naalibadbaran lang ako sa boses, lalo na sa chorus part. Parang pumiyok ang dating e. Nyay, inay kupo.

Ito ang dahilan kung bakit tila hindi ka-astig ang dating ng musika sa panahon ngayon. Kung hindi sa mga hindi-pa-hasang talento, mga nakakabatong mga record. Tsk.

Pero ano nga ba ang magagawa mo, kung nasa panahon na na tila deteriorated na ang kalidad ng media na nakikita mo? Pang-mababaw lang ba? Ala naman hindi mo tangkilikin ito, maliban na lang kung may alam ka na matinong choice.

05:59 p.m., 12/25/2012
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 29 September 2012

WHERE’S THE MESSAGE?


Lumaki ako na ang musikang madalas pakinggan ay ang mga may makabuluhan na nauuso pa kahit papaano noon. Iyan ay sa kabila ng mga naglalabasang mga mahahangin sa mainstream. Ngayon, napapatanong na lang ako. Nassan na kaya ang mga ganitong musika? Ito dapat ang mas pinapakinggang ng karamihan kesa sa mga halatang pasikat kahit hindi pa ganun kahasa e. Sensible music, ika nga. Ang art noon, hindi lang may commercial value, may moral value din. Kaya astig talaga kung maituturing. Iyun nga lang, mas madalas ito makita sa mga larangan na hindi na saklaw ng mga nauuso.

Pero alam ko na mayroon pa naman sa pop culture na may ganitong tema e. Yung mga may dating alaga. Hindi dahil sa mababaw na aspeto tulad ng astig na rhythm o beat, o ‘di naman kaya’y yung mga madaling kabisaduhin yung mga salita ng lyrics. Kundi dahil sa mga may mga magagandang kwento sa likod nito. Yung tipong may mapupulot ako na may kaututran at matututunan, kahit sa kabila ng mga katarantaduhang mga binibigkas ng mang-aawit. Yung talagang masasabi na may replay value.

Alam ko, meron pang mga ganitong klaseng bagay sa panahon ngayon. Though ang isa sa mga pinakapatok noon ay ang kanta ng Black Eyed Peas na “Where is the Love?” Akala ko nga nung una e, panay romantisismo na naman ito e (love e). Pero ‘tol, ‘wag ka.
Song with a message pala ito lalo na sa panahon noon na nagkakagiyera ang Estados Unidos ng Amerika at ang ilang mga bansa sa rehiyon ng Gitnang Silangan na sakop ng kontinente ng Asya. Kaya nga naging isa ‘to sa mga top hits sa mga music charts, at numero uno ito sa mga istasyon ng radio sa Kamaynilaan. Sa akin ngang pagsubaybay sa mga yearend countdown dito sa nakalipas na mga taon, parang ito lang yata ang number one hit na talagang “worth the slot.”

Kung pag-uusapan ang musika ngayon, well, hindi ko pa alam. I mean hindi ko tuluyang mahuhusgahan ang pangkalahatan pero kung sa mainstream lamang ang sentro ng ating talakyan, e unti-unti nawawala na ang mga ito e. Parang tama pa nga ang nabasa ko na isang tweet noon, na nagsasalaysay na halos lahat na ng mga kanta sa pop music ay may kinalaman sa sex. Kung hindi man ang akto ng pag-roromansa, e iyung mga romantikong pag-ibig naman ang tema, ke kasawian man yan o pakikipagsuyuan. Pero sa totoo lang, ganyan talaga ang environment ng pop culture e. Ika nga ng “Deep Black Lyrics” episode ng Word Of the Lourd, (hindi mans a eksaktong alita) sadyang pang-mababaw lang talaga ang pop culture. Instant satisfaction, maikli ang shelf-life, may expiration date na nilalaan bagamat hindi ito literal na makikita tulad ng mga tinatangkilik nating mga pagkain mula sa groceries. Kaya mabilis itong lilitaw at mabilis din itong lulubog.

Pero either way kasi magaganda talaga ang mag kanta dati sa larangan ng popular na kultura kesa sa ngayon e. At kung may mga pangalan man nag makakapagpatunay na maliang tweet na iyan (pati na rin ang paniniwala ko) e yun yung noong panahon na nakakapakinig pa ako ng mga kanta nila Rico Blanco, Raimund Marasigan, Francis Magalona, Gloc-9, at iba pa hanggang ngayon. Kung sa underground man, marami e bagamat hindi ko pa napapakinggan ang lahat ng puwede kong mapakinggan doon.

Kaya nga minsan, mas gugustuhin ko pa ang magpaka-aktibista sa musika kesa sa magpadala sa mga ligawing tugtugan. Hindi dahil sa nasusuraan na ako, kundi dahil sa tila wala nang kaaturya ang ilan sa mga ito. Kumbaga sa aktwal na pag-ibig, nasobrahan na. Obsessed na. Kaya kahit hindi ako talentadong mokong… este, tao pagdating sa musika ay isang bagay ang gusto kong mailahad. Suportahan ang mga may makuabuluhang musika. Oo nga. Support sensible music.