Tuesday, 28 August 2012

Battle Review: FlipTop Dos Por Dos Semifinals: Loonie-Abra vs. Shehyee-Smugglaz

08/02/2012 5:12 PM 



Dapat ito ang nagtuos sa Finals e, pero may magagawa ka ba kung ganun talaga ang bracket ng tournament nila? Battle of the heavyweight shit, ika nga. Pangalan pa lang, malaman na. alam mo na kung gaano kabigat ang laban na ito. Ang isang tanmdem ay magkatropa sa Konektado. Ang isa naman ay kalahating 187 Mobstaz at FlipMusic.

Isa nga ba sa maitututring na rap battle of the year ito? Hmm... ang pangalan nila, panghatak ng tao. Ang talent nila, another thing. Kaya nga sila nagkaroon ng magandang pangalan sa kultura nila e. Matindi sa matindi. 

Sa unang tingin, alam na kung sino ang mananalo. Pero pag napanood mo yung video, mapapapataka ka bigla. Lalo na kung maka-Loonie ka. Pero hoy, hindi ito “luto” tulad ng inaakala ng ibang mga bitter dyan, ha? 

Round 1, kay team S/S. Mabigat ang binitawang multi. Balance ng bars at entertaining factor. 

Round 2, slight advantage sa team S/S. Malupit din ang round na to para sa L/A. Yun nga lang, kung pabigatan ang usapan, lamang pa rin sila Shehyee at Sumgglaz. 

Third round was a killer. Mas mabigat ang mga bars. And most of them, personal lines. 

Ito lang siguro ang sa akin. Kung oobsrebahan mo ang mga laban nila Loonie at Abra prior to this one, laging biktima ng generic joke na bakla si Abra. Si Smugglaz naman, steady ang speed niya sa pagrarap. Si Shehyee, nag-iimprove like Abra. Loonie has a great individual talent. Kaya lang, pag tandem-wise ang usapan, medyo tagilid siya sa mga mabibigat din na names pero exceptional ang talent – usually, ang isa dyan ay mas maalam sa rebuttals at yung isa, literal na tirador. 

Overall, andun yung elements. Parehong binitiwan ng parehong partido, pero mas notable yung sa team S/S dahil sa bigat ng mga reference nila, wordplay, multi, punchlines, personals, at may audience factor pa. For a while, naging quotable quotes ang mga linya ng 4 na battle MCs na yan, particular sa mga fans nila at mga nakapanood nito sa YouTube. 

Individually wise, nag-stand out the most si Smugglaz. Si Shehyee, still a good job for the fella. Yan ang dapat na magkatandem. Kung hindi magkapatas pagdating sa performance, nag-aangkasan, nagtutulungan. Though ang L/A for some point naging ganun din, pero may parte na kinapos sila at kung ikukumpara, mas maganda ang chemistry kasi ng S/S partnership e. 

One hell of a fight. Kumpleto sa rekados. Kung vid-watcher ka, it’s really worth the playback value. Props to the four of them. 

Author: slickmaster | © 2012 septmeber twenty-eight productions

Tuesday, 21 August 2012

Social cyber-warfare.


Sa totoo lang, nagtataka din ako e. Akala ko ba... isang social networking site ang Twitter, pero bakit tila nagiging isang malaking battlefield ito?

Akala ko nga rin e.

Naku, kung inaakala niyo na sa mga boxing canvas, wrestling ring o ultimo nang mga trash-talk sa press conference ang mga lugar ng mga maangas na tao sa mundong ito... nagkakamali kayo. Ngayon, para makasaksi ka ng isang cyber war a la World War 3 wannabe, ang kailangan mo ay ang mga ito: computer, internet connection, at siyempre... account.

Pero hindi ba ang mga social networking account ay dapat ginagamit sa mga mabubuting bagay? Yung tipong mina-market mo ang sarili mo parang magakroon ka ng magandang rapport sa mga tao sa social network mo? Well, ganun sana. Pero actually, social networking pa rin naman e. Tun nga lang, sa kabilang banda. Kung panay himutok at negatibong mga bagay ang lumalabas sa profile mo, e asahan mo na ang akala ng tao nag alit ka sa mundo, o mas malala ay yung aawayin ka pa lalo. Dahil hindi lahat ng mga tao san internet ay matitino. Yung sa malamang ang iba diyan, sadyang trip ang mang-balasubas ng tao.

E ang sa lagay ba, may nangyayari ding gulo sa mga aktwal na aktibidad ng social networking. Oo, given na iyan, maliban sa mga brawl sa bar. Pero ibang usapan na iyun.

Pero bakit mas sikat pa ang Facebook kesa sa Twitter, e 140 characters lang ang kasya dun kung ikukumpara? Oo nga e. Hindi naman hamak na mas makakpaglahad ka ng maayos sa Facebook. Pero siguro, dahil mas sanay tayo maging usisero, lalo na ang mga prominenteng tao ang mas madalas na gumagamit ng Twitter. Ang mga “official” pages sa fb? Hindi lahat bdiyan ay garantiyang opisyal o lehitimo. Sa Twitter, kapag celebrity ka, verified ang account mo.

At dahil mas mariaming mga personalidad ang gumagamit ng Twitter kesa sa Facebook, diyan madalas nagkakaroon ng gulo. Mula sa artista-versus-fan-ng-isang-football player, sa artista-versus-politician, o kahit pulitiko sa pulitiko pa ang duelong nangyayari diyan, aty kung anu-ano pa. Sa Twitter ka mas madalas nakakakita ng mainit pero matinong argument. Sa fb? Asa. Pag natalo ang isa, namemersonal na e. Mas prangka nga, pero mas bastardo naman.

Pero either way, mas maganda pa rin siguro kung gagamitin natin sa kagandahang asal ang mga social networking sites. Ika nga, THINK BEFORE YOU CLICK.

Author: slickmaster
Date: 08/21/2012
Time: 07:25 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 19 August 2012

LOVE STARTS…

Ang pag-ibig, ‘pag minsan ay nagsimulang umusbong, mahirap pigilan kahit ano pa ang paraan para kitilan ang nararamdaman mo. At sa panahon ngayon na marami na ang paraan para makipag-ugnayan ang kapwa tao, imposible na wala ni isa sa mga ito ang paraan para ma-in-love ang isang tao.

Ang mga nilahad sa blog na ito ay iilan lang sa mga nakaenkwentro at naikwento sa akin ng mga tao ukol sa kanilang mga pagsisimula sa kanilang mga love story. Pero sila ang nag-open niyan sa akin, ha? Hindi ko kinulit ang mga iyan.

LOVE STARTS ON THE FIRST DAY OF CLASS. Kung mahiyain ka na makipagkilala sa kaklase mo, tiyak parang outcast ka sa madalas na pagkakataon. Pero kung isa ka sa mga tulad na may nararamdaman kagad… (hind iyan PBB Teens, no?) hindi lang siya ang kinikilig, pati buong klase. Alam mo naman ang tao.

LOVE STARTS ON A SIMPLE GET GET-TOGETHER. Yung tipong minsan mo lang siya nakasama, sa isang lugar man yan o sa kalsada, o kung saang byahe man yan (pero hindi biyaheng langit, ha?) yung tipong sa gitna ng mala-alamang usapan niyo, lumalim din ang pagkakakilala niyo. Yung feeling na andyan ang tawanan, seryosong usapan, pag kinilig ang ale, grabe kung makahampas sa iyo, hanggang sa makatulog siya at nakasandal siya sa tabi mo. As in, nag-eenjoy lang kayo, ang company niyo.

LOVE STARTS ON A SIMPLE “HELLO.” AND ALSO, WITH A SMILE. Tipikal na ba masyado? Sabagay, paano ka nga naman magsa-start ng isang conversation maliban sa mga usual na pagbati tulad ng Hi, Good morning/afternoon/evening/day, at iba pa? Ke personal man yan o sa modernong komunikasyon tulad ng telepono at maski na ang internet, basta may kakaiba lang na naramdaman mula sa impit ng tunog, intonasyon, kahit boses-ipis pa siya o sing bilog ng tulad kay Bossing o Rey Langit; hanggang sa kanyang intension na kausapin ka.

LOVE STARTS ON A TEXT MESSAGE. Parang yung previous lang ‘to e. Pero sa text kasi, depende kung ano ang pambungad mo. May mga pagkakataon kasi na magsisimula ka lang na maging close sa kanya kasi may kailangan kayong gawin at magkagrupo o magkapartner kayo. Pero may mga sirkumstansya na love starts on a simple text message dahil uso na rin lang naman ang mga cellphone (ke low-end man o yung mga high-tech), siyempre uso din talaga ang text messaging. Kahit sa mas modernong pamamaraan kaya ng pakikisalamuha tulad ng video call, social networking o mobile browsing, sadyang hindi makakaila na mas patok at mas epektibo pa rin ang text. It shows sa mga nagiging magkarelasyonsa text. Mas nailalahad ng maayos, at matipid. Kung suki ka pa ng mga unlimited services, e talagang sulit. Yun nga lang, easy lang ha? Baka kiligin ka masyado sa pagbabasa, at baka ma-wrong send ka (mas mahirap iyun). Pero may mga tao na tataliwas diyan dahil iba pa rin ang dating ng mga salita sa ma-boses na pamamaraan. Pero kanya-kanyang trip lang kasi iyan e. Perfect example diyan? Ang ilan sa mga tropa ko na jejemon, since sila lang naman ang madalas magtext sa ganyang pamamaraan. Aba, daig pa ang mga college friends ko pagdating sa itsura ng mga nauto, este, nakulimbat na tsikababes nila. Pero ibang usapan na iyun.

LOVE STARTS ON A NIGHT OUT. Sobrang tipikal na ang istorya ‘to, lalo na kung gimikero ka. Malamang dahil iyan ang pinaka-antigong aktibidad pagdating sa social networking. Makikipagkilalaka, aalukin mo na uminom, makikipagsayaw, and anything goes beyond… well, depende na iyan, lalo na kung may naispatan ka na kakaiba sa charm niya. After-party ba ang usapan?

LOVE STARTS ON A ONE-NIGHT STAND. May pagkakaiba iyan, ha? May mga nangyayari kasi matapos ang gimikan e. Pero, ops. X-Rated na iyan. Hehehe! Ano to?Parang ilan sa mga telenovela na ang ganitong tema ah. Unofficial yours ba ang kwento? Ewan ko. Pero mas madalas kong napapakingan yan sa Confession Session ng Boys Night Out.

LOVE STARTS ON A WEDDING RECEPTION. Parang peg lang ng parlor games lang ah. Yung tipong nakasalo ng bulaklak ng bride at yung lalake naman ang nagsusuot ng lace sa tinutukoy na babae (Teka, correct me if I’m wrong ha?). Hmm… may ganun pala?

LOVE STARTS AS... ENEMIES? Hindi ito usapin ng break-up o “cool off” ha? O lalo naman yung tipong muling ibalik. Hindi rin po iyun. Ito ang patunay na hindi lahat ng pakikipag-ugnayan ng tao ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan. Yung iba dyan, magka-away pa talaga. Pero ika nga ni Hesukristo, “love your enemies,” bagamat hindi sa lahat ng oras ay epektibo ang romantisismo bilang klase ng pag-ibig. Siyempre, pag hindi na talagang nag-work out, kelangang maghiwalay, pero yung iba dun, back to strangers again e.

LOVE STARTS ON BEING A LIFE-SAVER. Action-romance-themed-film ba ang peg? Minsan, isa yan sa mga senyales ng Pinoy na Pinoy ang isang pelikula. Niligtas mo ang buhay niya, ni-return niya ang favor sa pamamagitan ng pagmamahal niya sa iyo.

LOVE STARS ON A FRIEND REQUEST. O pwede ring chat message, like, comment, o wall post. Dahil usong-uso rin lang din naman ang online relationships. Sa internet, kahit mataas din ang tiyansa ng panloloko, hindi yan alintana para sa mga tao na ang tindi ng nararamdaman kahit sa computer lang naman ang pamamaraan. Mas tipid at convenient pa nga e. Mas publicized nga lang kasi pwedeng mahalintulad ang isang wall post na naka-set sa public ang view/privacy options sa isang akto ng PDA o public display of affection. At taliwas ang ilan sa ideya ng panliligaw sa mga tulad ng Facebook, Twitter o kung anu pa mang sites o internet-based-programs yan. Ke madali lang ang lokohan diyan, masyadong matipid… as in effortless, o ano pa man iyan. Pero sa panahon na naghihirap ang iilan para makaipon ng perang pambili ng rosas, pang-harana na gitara, tsokolate at iba pa... e nagiging mautak lang din naman at least ang tao. Praktikal nga ba ang usapan? Ewan. Pero ang pag-ibig kasi kahit sa salita, pero as long as nararamdaman mo ang intension niya para sa iyo, at naiintindihan niya, matindi pa rin.

LOVE STARTS ON A FIRST SIGHT. Lastly, and as usual, may mga ganyan pa rin. Nasa mata rin kasi malalaman kung nagpapakatotoo ba siya sa mga sinasabi o inaakto niya o hindi. Pero kungsi John Lloyd Cruz ka sa pelikulang My Amnesia girl, mas maniniwalaka pa sa second sight. Hmm, pwede.

Uulitin ko: iilan lang siguro yan sa mga talagang nagyayari sa lipunan. Meron pa siguro ako na hindi nababanggit diyan. Pero either way, LOVE STARTS in various ways we never know nor saw it coming.

Author: slickmaster | date: 08/12/2012 | time: 12:30 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

The Thin Line #2 - Tamang Reaksyon Lang o Sobra Na?

Uulitin ko ang sinabi ko sa Wanted: The Road Rager. Isa ako sa mga taong sumasaludo kay Saturnino Fabros at kumokondena sa marahas na gawain ni Robert Blair Carabuena. Ang ugali ng abusadong motorist ay hindi kainlamn dapat tularang ng sinuman. Bakit, ang tindi na ng karma ngayon. Hindi lang Diyos ang gumagawa, tao na mismo. At makikita ang mga iyan sa mga social networking sites.

Minsan napaisip ako. Tama lang ba ang paghihiganti ng mga tao para sa naagrabyadong si Saturnino Fabros o sobra na rin?

Sabagay, sa lipunang mahilig sumakay sa isyu, malalaman mo kung sino ang nakakaintindi sa hindi; at base iyan sa mga nilalaman na mga kumento nila. Yung iba, kinakastigo ang ginawa mismo ng tao. Hmm… oo nga naman. I mean, kelan pa naging tama ang tahasang pangtatampalasan ng isang mataas pero abusadong motorist sa isang alagad ng batas-trapiko na ginagawa lang ang kanyang trabaho?

Yung iba, halatang may masabi lang. kinakastigo ang itsura ng maangas na mama. Sabagay, sumakto ang kulay ng damit niya kay Barney. Nakakatawa din kung papansinin.

Yung iba, sakto lang. Parang oo nga naman din. Isa kang tao sa mataas na parte ng lipunan; isang executive sa HR ng Phillip Morris; nakatapos ng pag-aaral sa Ateneo, na kinikilala bilang isa sa mga pinakamataas na pamantasan kung sa edukasyon ang usapan. As in, ikaw na tila elitista ka, papatol ka sa isang pobreng traffic enforcer? Kinakaya mo? Anak ng pating naman oh. Tibay mo ha!

Sa sobrang init ng balita na ito, umaapaw ang mga nagbabagang reaksyon ng mga tao sa social networking sites.

Pero sa kabilang banda, hindi kaya cyber-bullying na rin ang ginagawa ng tao?

Mantakin mo ha? Ultimo ang mga contact details sa kanyang mga social networking profiles e walang pakundangan na nilalantad! Mula Facebook profile hanggang cellphone number hanggang sa address ng bahay niya? Hindi na kaya sobra naman yata yan?! Hindi naman kaya biktima na siya ng cyber bullying?

Hmm… possible, dahil sa tindi ng mga binabato ng tao laban sa kanya na tila out of hand na.

Pero sa kabilang banda, parang tama lang din ang ginawa ng tao. Maliban sa itsura ng tipikal na bully na nakita kay carabuena, e sobra-sobra din naman kasi ang ginawa niya kay Saturnino Fabros e. Kaya parang tama lang din. Balanse ika nga. Sobra ang ipinukol mo sa kanya, sobra din ang ibabato nila sa iyo. Ayan, gago ka rin kasi e. Tama lang yan. Karma, ika nga. Mas mabilis pa sa ngayon dahil sa advent ng social media.

Hmmm…. Pero ke tama lang o sobra na, magsilbi sanang leksyon sa atin ang mga nangyari dun. Una, maging kalmado lang. Alam ko nakakapang init ng ulo ang mga sitwasyon sa trapik lalo na sa oras ng nagiinit na tanghali pero walang mas titino pa sa matinong usapan. At, umintindi muna bago magreact. Que sa traffic man o mga sa social networking sites.

Author: slickmaster
Date: 08/19/2012
Time: 05:03 p.m.

Wanted: The Road Rager

08/19/2012  3:34 PM

Isang pasada sa isa sa mga maiinit na headline sa panahon na kahuhupa pa lang ng mga baha dito sa Kamaynilaan at mga kalapit na lalawigan na dala ng hanging habagat.

Isang video na naman ang kumalat sa internet, at ang nilalaman nito ay isang road rage incident na nakunan mismo ng isang crew ng media sa Quezon City.



Sa video makikita ang pamimisikal at tahasang pambabastos ng isang motorist na kinilalang si Robert Blair Carabuena sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer na si Saturnino Fabros.

Maraming salaysay ang naglabasan ukol sanasabing video. Ayon sa biktimang si Fabros, beating the red light na umano ang ginawa ng sasakyan ni Carabuena, habang sa panig naman nnila Carabuena, “tinapik” daw ni Fabros ang kanyang auto.

Hindi nagpaunlak ng panayam on-air si Robert Blair Carabuena sa programa ng TV5 na T3 noong umere ang segment na naglalaman ng video na ito mismo noong Martes, 14 ng Agosto, 2012. Pero sinabi niya na magsasampa siya ng kaso laban kay Fabros.

Naging Buena mano ang segment na ito sa pagbabalik ni Ben Tulfo sa nasabing palabas.

Dahil sa nasabing video, umani ito ng mga reaksyon sa mundo ng social networking sites. Simula sa artikulong may kinalaman dito sa news portal website ng TV5 na INTERAKSYON.com. Umani ng simpatiya, respeto at paghanga para kay Mang Saturnino ang mga tao habang sa kabilang banda, tahasang pambabatikos at pamababalasubas naman ang nakuha ni Carabuena. Aniya, sa kabila ng katotohanan na nasa otoridad ang pobreng traffic enforcer, hindi ito nanlaban sa pananapok ng abusadong motorista.

Ito lang siguro sa akin, ano? Hindi na bago ang mga kaso ng road rage sa bansa, mula kay Rolito Go (na by the way, “kinidnap” daw sa loob ng Bilibid) hanggang kay Jason Ivler hanggang sa kung anu-ano pang mga kasong ganyan ang nagsusulputan sa mga balita.

Sa mga tanging nakasaksi na motorista’t pedestrian na lamang ang makakapgsasabi ng iba pang nangyari sa insidenteng ito. Pero hindi mo itatanggi ang katotohanan na hindi nagsisinungaling ang video (scripted? Asus! Asa!) dahil biglaan ang mga nangyari, nagkataon na andun ang crew ng T3. At ang pambabastos ng isang Robert Blair Carabuena kay MMDA traffic enfocer Saturnino Fabros ay isang akto ng tahasang pang-aabuso ng mamamayan sa ating kalayaan. Hindi porket tayo ang nagdidikta ng kapangyarihan sa lipunang ito (demorkatikong bansa tayo e. Remember?) ay may karapatan tayo na kwelyuhan, sampalin at hampasin ng sombrero ang sinumang alagad ng batas. Tahasang pambabastos na iyan!

Mas sanay ang tao sa mga abusadong tao na nakauniporme sa kalye pero tila kabaligtaran ang tema ng insidenteng ito. Sa sobrang kakaiba ng pangyayari, kaya ito pinagpiyestahan sa internet. At sa tingin ko, hindi lang nag-iisa ang kaso nila Carabuena at Fabros sa ngayon. Kung magigiong mapagmatyag ang ibang tao sa mamamayan, marami pa siguro diyan ang kaso ng road rage.

Isa ako sa mga taong sumasaludo kay Saturnino Fabros at kumokondena sa marahas na Gawain ni Robert Blair Carabuena. Hindi ko sila hinuhusgahan na base sa mga nakikiusong reaksyon sa mga social networking site. Pero magsilbi sanang leksyon ito sa mga tulad ni Carabuena na maghinay-hinay sa pagrereklamo at huwag idaan sa marahas na pamamaraan ito. Dahil ang karma sa ngayton, hindi nakukuha sa taas, kundi pati na rin sa mga reaksyon ng tao sa mga social media.

Aanhin mo ang pagiging edukado mo kung mas malala pa yata sa hayop ang pag-uugali mo? Sa kasong ito mapapatunayan na ang edukasyon ay mas nakikita sa asal ng tao sa pagharap nito sa mundo.

Maaring lilipas din ang isyu na ito, pero hindi dapat makalimot ang tao pagdating sa pag-uugali sa mga sitwasyon na tulad nito.

Author: slickmaster  | © 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 15 August 2012

Playback: Wanted: The Road Rager

08/15/2012 | 10:47 AM

Another bad case of road rage was up in the air after the news and public service TV program T3 of TV5 aired on its first segment the video of what their crew witnessed at the intersection of Tandang Sora and Capitol Hill streets in Quezon City.

A certain Robert Blair Carabuena flared up and hit a traffic enforcer of the Metro Manila Development Authority by the name of Saturnino Fabros. All in that and more in this video, which is my pick for this week of August 12-18.

This was the very initial report of the said road rage case, which spared another wildfire of reactions all over the mainstream media and on the social media as well. Carabuena has been the main target of the raging comments on its article on INTERAKSYON.com (link: http://www.interaksyon.com/article/40433/caught-on-video--motorist-mauls-mmda-enforcer)


You'd be the judge, folks. I'll had already my take in The SlickMaster's Files. See the next post!

author: slick master |  (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 12 August 2012

BASURA: Ang Ugat ng Mga Delubyong Naganap

12:02 AM 08/11/2012 


Ika nga ng kasabihan, "Ang basurang tinapon mo, tiyak na babalik rin sa iyo."


Maliban sa tunog na kahalintulad ng karma, iyan din ang moral lesson kay Bessy Basura, isa sa mga antigo (at noong panahon na iyon ay sa Linggo ng gabi lang umeere) na episode ng sotry-telling program ng ABS-CBN na Wansapanataym. Kunsabagay, una ko yan napatunayan sa aking sarili iyan noong nanalasa ang bagyong Ondoy noong 2009, kahit sa totoo lang, hindi ako palatapon ng basura sa kung saan-saan lang.

Noong kamakailanlang, tone-toneladang basura ang naglutangan sa baybayin ng Manila Bay, at noong panahon nan iyun, nagmistulang extension ng dagat ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Aba, ilang trak din ang nagkarga ng mga iyan, no?

At sa dami ba naman ng naglipana sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga ilog, ang mga basura ang pinakapansinin sa lahat. Mula sa mga sanga ng puno, kahoy na natapyas na furniture, inanod na speaker, ayan, hanggang sa ultimo mga wrapper ng kendi, diaper ng batang may laman pa, at kung anu-ano pa na napakanibangan na natin, at kahit yung mga bagay na hindi na mapakinabangan pa matapos malubog ito sa pagbaha… kapag ito ay hindi naisalba. Wala na. basura na.

Sa dami ng tone-toneladang mga basurana tinatapon natin araw-araw, e may mapglulugaran pa ba kaya ang mga ito? Lalo na sa panahon na ang Payatas ay tila isang kommunidad na? o sa kabilang banda, sa totoo lang, ganun ba kawalanghiya ang karamihan sa atin? As in walang disipilina sa sarili?

Madaling sumagot, madaling mamintang, madaling manisi na balasubas at tarantado ang mga iyan. Yun nga lang, maihrap pangatawanan kahit napakadaling manghusga.

Pero iyan kasi ang realidad e. lalo na ngayon na unti-unti nang nagbabago ang klima ng mundo. Ang kawalan kasi ng disiplina sa ating sarili ay ang siya ding nakakapgpahamak sa ating mga sarili, lalo na sa mga panahon na sinisingil na ng Inang Kalikasan ang bawat isa sa atin.

Maaring hindi ito alam ng karamihan, pero ang simpleng bagay ngayon ay nagbibigay ng higit-sa-simpleng mga epekto. Ang simpleng pagtapon ng basura ay tila magdudulot ng isang napakalaking trahedya sa kapaligiran bilang kabayaran sa hinaharap. Ang simpleng wrapper ng kendi pag tinapon mo sa kanal, baka bumalik sa iyo yan pag baling araw binaha ka at naglinis ka ng iyong lugar na sinalanta ng masamang panahon.

Katulad ng pagputol ng puno, pagkakaingin, pagtatapon ng mga nakakalasong kemikal sa daluyan ng tubig at iba mga simpleng akto na posibleng magbigay ng malaking dulot sa ating kapaligiran.

Hindi natin mapipigilan ang climate change. Pero kaya pa natin na mapabagal ang paglaganap ng mga epekto nito habang may panahon pa. Kaya mabuti pa na ikabubuti ng ating kapaligiran. Ika nga ng kantang “Sala” ng Pupil na banda ni Ely Buendia: “Iisa lang ang iyong mundo. ‘wag mong tatapusin.”

Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay higit na makakatulong sa ating naghihingalong kalikasan.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Ang Lipunan at ang Lotto.

Ito ay base lamang sa obserbasyon ko habang inuutusan ng ermat ko na tumaya ng lotto.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin nito, pero nasa pagtaya ng lotto sumasalamin ang halos lahat ng klase ng tao. Depende sa pagdiskarte at ugali nito. Obviously, may mga matitino, at meron ding mga asal-gago.

Wala itong pinagkaiba sa mga sitwasyong tulad ng mga estudyanteng nagkukumahog sa pagreresearch para makasagot lang sa kanilang mga takdang aralin, sa mga player ng basketball kung paano makahanap ng mga plays o stratehiya para makaiskor lang sa laro, o ultimo ang mga lalakeng nagkakandarapa kung paano didiskartehan ang isang astig na tsikababe sa kabilang table sa isang gimikan. Sa madaling salita, ang mundong ito ay isang malaking kumpetisyon, at lahat tayo ay magkakakumpetensiya sa ilang mga bagay na pinaglalabanan talaga.

Sa pila ng lotto, makikita mo kung sino ang disiplinado, yung nasa pila palagi, nasa ayos at may haba ng pasensya na maghintay para sa kanyang turn para ipusta ang kanyang taya. At pagdating sa harap ng teller kung matiwasay ba ang kanyang pakikisalamuha sa kaniyang mga transaksyon.

Sa pagtaya makikita mo ang ilang natutuliro. Nag-aalangan sa mga taya. O yung mga tayong may sobra-sobrang planong pang back-up. Kaya kaming mga nasa likuran niya, inaabot naman ng siyam-siyam. Parang ganito…

Teller: Sold out na po ang taya niyo sir.
Customer: ah, 6-2.
T: Sold out din. Sorry.
C: Ahm… teka… (after 20 seconds na yata) ito, 9-5.
T: Sold out din po.
C: (and so on, and so forth)

Yung iba, hindi naman pahabol sa kanilang mga transaksyon, nagagawa pang manggulang at sumingit sa pila. Pero kapag umalma ka sa kanilang ginawa. Pambihira naman oh.

At yung iba, hindi ko alam kung may pagak-ignorante ab o ano. Kung first timer, baka maunawaan pa namin yan. Pero kung lagi naman na. Aba, teka lang, boss, mawalang galang po. Alam mon na may card, alam mo naman pung paanomarkahan yan. May panuto na nga na nakapasil dyan. Pero hindi mo pa rin ginagamit yan. Ay sows!

Pero… pagbigyan natin kung hindi talaga marunong. Pero alam mo, dapat din siya matuto e.

Uulitin ko: sumasalamin sa iba’t ibang klase ng antas ng tao base sa ugali at diskarte ang mga bagay tulad ng pagpila at pagtaya sa lotto. Kaya bago mo hilingin na sana manalo ka, ayusin mo na ang diskarte mo.

Author: slickmaster | date: 07/24/2012 | time: 03:46 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

1 A.M.

08/07/2012 01:22 AM 

Ika-unang tika ng oras sa madaling-araw. Ang dating panahon na tulog ang aking isipan at kamalayan ay nagising bigla nang dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Kung gising man ako ng ganung oras, hindi naman ito singtulad ng mga nararanasan ko na madalas. Nasasaktuhan ko lang nun ang programa ni Papa jack na Wild Confessions. Pagpatugtog lang ng intro ni Papa Jack at stinger ng Wild Confessions, sa nakakatakang pagkakataon lang, tila nagging alarm ring tone ko. Aba, ayos ah, kahit bata pa ko para unawaan ang mga ganyan. Pero wala na lang basagan ng trip, pwede?

Ala-una ng madaling-araw… nagigising lang ako nun dahil maliban sa WC, e ginigising ako ni ate para ihatid siya sa kanyang A-shift work sa Terminal 3.

Ala-una ng madaling araw… binabaybay ko ang C-5 at EDSA at ang sarap bumiyahe, makikita mo ang mga bus na nag-aala drag racing. Kaya ang daming balasubas sa kalsada e.

Ala-una ng madaling-araw… na-aalimpungatan lang ako para kumain at making ng radyo, as usual.

Ala-una ng madaling-araw… tumatambay sa malapit na burger stand para umorder ng pagkain.

Ala-una ng madaling-araw… pagkatapos ng gawain sa mga proyekto sa eskwela, nasa biyahe na ko o naglalakad papuntang bahay na. Kaya ito ang dahilan kung bakit mahal ko ang pagna-night trip.

Ala-una ng madaling-araw… nasa gimikan at nakikipaglandian kahit naiilang sa mga mga kasama. Kaya lesson learn para sa akin? Wag magbar-hopping na may kasama na tropang babae kung makikipaglandian ka sa mga makikilala mong mga babae.

Ala-una ng madaling-araw… inuutusan ako ng utol ko na umorder ng sisig at kumain kasama siya. At habang nanunood ako ng TV nun.

Pero, ang daming nagbago noong nakilala kita.

Ala-una ng madaling-araw… mas madalas pa kong mabusog nun sa pagkain, pero noong napaibig mo ako, nabusog ako palagi sa mga salita at lambing mo.

Ala-una ng madaling-araw… daig pa ang mga magpusang nagliligawan. Sa hindi malamang kadahilanan, bakit nung oras lang nun ako madalas kung bumanat.

Ala-una ng madaling-araw… damang-daman ko ang pag-ibig na alay mo kahit na telepono lang ang nag-uugnayan sa ating dalawa. Kung na lang, halikan kita diyan at yakapin. Pero… easy lang din. Baka may mangyari.

Ala-una ng madaling-araw… sobrang sweet nating dalawa, nakalimutan natin na boses lang ang magkalapit talaga, hindi naman tayo nagkasama sa iisang kama.

Ala-una ng madaling-araw… matapos ang pagtatalo, umaasa pa rin ako na maging magkaka-ayos tayo. Pero, tulog na ang mundo mo.

Ala-una ng madaling-araw… matapos ang pagtatalo, hindi na ako makatulog. Nasanay yata ang katawang-lupa’t isipan ko nang dahil sa iyo.

Ala-una ng madaling-araw… hindi nga naging tayo, pero mas masaklap lang kasi tila hindi na magiging tayo. Nanlalamig na ang pakiramdam pero pinagpapawisan ng batok. Tumitindi ang pintig ng puso kahit antok na nga ang katawan, pero ayaw pa rin matulog ng aking utak at ng dalawang mga mata.

Ala-una ng madaling-araw… nakatutok na lang sa harap ng laptop. Nag-aalala… namamahay pa. saklap lang ba?

Ala-una ng madaling-araw… kay sarap bumiyahe sana sa C-5 at EDSA, kaya lang mas masarap kapag kasama ka sana.

Ala-una ng madaling-araw… sobrang tahimik na. pati ang radyong binabantayan, inaaliwan, at tinatambayan… ang boring na.

Ngayon, dilat pa ang aking mga mata’t kamalayan habang nanunood ng basketball, kumakain ng noodles, at umiinom pa ng kape, kabado sa mga mga ulang nangyayari. Habang isinusulat ko ito… naalala kita. Ay, oo nga pala. Ala-una na naman.

Wala lang. Namimiss kita… lalo na sa ganitong oras.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

ADVICE BLUES

Isa sa mga one-liner na nabasa ko habang nagpunta ako sa isang monastery: “It is easier to preach ten sermons than it is to live one.”

Minsan ako napataka sa sarili ko. Hmmm… oo nga naman. Bakit nga ba ang lalaks ng loob natin na magbigay ng payo sa ibang tao, kung tayo mismo hindi natin magawa ito sa ating mga sarili kapag humaharap tayo sa sitwasyon na kapareho nila?

Mukha siyang simpleng tanong, pero napakakumplikado ng mga posibleng sagot. Wala nga yata akong nakuha ng mga lunas sa tanong na ito nung pinost ko ito sa formspring (which by the way, ang aking account dun ay askdslickmaster. Ayos sa pag-plug ang loko, e no? LOL.)

Sa ibang mga post na ganito sa mga social networking sites? Wala rin akong nakita na maituturing na sagot. Sabagay, hindi naman ako sikolohista para unawain ang lahat.

Hmmm… siguro, may mga pagkakataon talaga na at least matalino tayo sa mga bagay-bagay. Pero may mga panahon na nakakatanga din. Human nature ba ang usapan? Hmmm… siguro.

Pero pag natuto naman tayo sa ating mga kamalian at karanasan, pwede pang makunsidera. Charge it to experience, ika nga. Unless kung pag-aaralan mo talaga ang behaviour ng mga tao. Baka lamang ka na dun.

Ang tanong kasi na ukol sa mga payo o abiso sa ibang tao ay isa sa mga kumplikadong tanong na talagang mahirap makapagbigay ng sagot, tulad ng bakit ka nagmamahal, o bakit gusto mo ang trabahong ito o kurso na pag-aralan sa kolehiyo. Masyadong malupit ang ilang mga tao sa kakahanap ng mga sagot, kaya minsan hindi sila nakukuntento sa ano ang mga naririnig at nauunawaan nila. Hanggang sa kawalan na ang mga mga nilalaman ng utak at kamalayan.

Hanggang sa matapos kong isulat ito, walang katiyakan kung itatanong mo sa akin kung “bakit tayo nagbibigay ng mga advice sa ibang tao e tayo mismo hindi natin magawa iyun sa ating mga sarili?” siguro, human nature pa ang pinakamalapit. Isa pa, hindi naman kasi magkakapareho ang ating mga isip, emosyon, at pag-unawa. Kaya sa malamang, ganyan din ang pinakamalapit na sagot diyan. Ika nga ng kanta, “Tao Lang.”

Author: slickmaster | date: 08/09/2012 | time: 12:07 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 11 August 2012

ASAL SA INTERNET 101

“Think Before You Click,” ika nga ng GMA-7. Ginamit ng istasyon na iyan ang mga nasabing salita bilang slogan nito sa kanilang adbokasiya ukol sa internet etiquette – bagay na dapat gawin at hindi dapt gawin ng mga tao sa harap ng computer na naglilink sa kanila sa cyberspace.

Parang asta lang din ng tao yan sa kalye. Kung gaano ka magsalita ay kahalintulad sa kung gaano ka maglahad ng mga salita sa inyong mga tweet, status o ultimo mga blog. Kung ano ang iyong itsura sa kalye o mga pampublikong lugar ay ayon naman sa mga litrato mo, lalo na sa album mo na Profile Pictures. Kung may kwenta ba ang sinasabi mo o wala, kung pangit ba ang itsura mo o maganda, diyan ang basehan, lalo na kung asal-gago ka ba o sadyang matinong tao lang talaga.

THINK BEFORE YOU CLICK, o mag-isip bago mag-click.

Bago ka gumawa ng kung anu-anong mga account, siguraduhin mong naiitindihan mo ang mga ito. Parang kapag sumabak ka sa giyera, siguraduhin mo na alam mo ang pinapasok mong gulo. Sigurado ka ba na gusto mong magkaron ng Facebok account? Handa ka ba na tanggapin ang mga taong magmamahal sa iyo at yung mga taong makikipagplastikan din sa iyo sa lob ng social network mo? Handa ka ba sa mga kumento ng mga matitinong mambabasa at ng mga taong “may masabi lang” sa iyong mga blogs? O dapat alalhanin mo na ang Twitter ay parang isang battlefiel a la wannabe World War III. Lahat ng mga iyan ay maliban pa sa pag-tsek ng box na “I agree on the terms and conditions applied.” Diyan pa nga lang, malalaman mo kung sino ang malinis ang budhi sa ihindi. O mas maganda, kung sino ang sinungaling sa hindi.

Intindihin mo muna ang iyong mga sinusulat bago mo ito ipaskil. Halos katulad iyan ng isang kasabihan na “Wag magdedesisyon na ang basehan mo lang ay ang iyong pansamantalang emosyon.” Kung puwede nga lang e i-double-check, i-triple-check, quadruple-check o... basta, siguraduhin mo lang na tama ang mailalhd mo ayon sa kagustuhan mo. Ang dami pa namng superficial na tao sa mundo. Hindi lang sa sila ay hindi sumasang-ayon sa mga punto na ipinapahiwatig mo, kundi mga instant Grammar Nazi din sila. Ultimo ang spelling mo, pag na-typo ka kahit sa ni isang salita man lang, pinag-iinteresan na kaagad. Parang mga hindi makaintindi, e no?

Huwag ipost lahat ng mga bagay na sa tingin mo ay magpaphamak sa iyo. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Sa panahon na ang karamihan ay mga Photoshop lietrate na nasa wannabe-expert level, kay nitong manipulahain pa lalo ang mga litratong inupload mo. Kung mas mamalas-malasin pa, pagmumukhain ka pa na tanga. Ang lalakas manghusga, palibhasa hindi yata nila naranasan ang malagay sa kahihiyan dahil sila mismo ang nanghihiya sa kapwa nila.

Kung pa-cute ang post mo, well, siguraduhin mo na cute ka. Dahil kung hindi, alam mo naman ang karamihan, sadyang mapanglait sa kapwa.

Mag-tag lang ng litrato ng naayon sa kanyang kagustuhan o yung mga bagay-bagay ka kahit papano ay interesante talaga. Kung iyan pa ang mga litrato na wasak na wasak siya sa kalasingan noong nag-night out kayo e parang nilalaglag mo na rin ang pagkatao niya bilang kaibigan mo. Respeto lang, men.

Simple thought is better. Parang “less is more.” Ganyan din ang kadalasang istilo sa pagsusulat ng mga balita. Sa isang foreign news pa yata, pag zigzag ang istorya mo, may KISS ka... as in Keep It Straight, Stupid. Yun nga lang hindi sa laht ng oras ay applicable yan sa mga social networking sites dahil ang daming mga gunggong din dun. At hindi sa lahat ng mga blogs... aba, medyo taliwas sa istilo ko to ha? 'de. Ang punto lang nyan (at kung bakit may konek yan sa akda na ito) ay kung pwede naman ay gawing simple at straight na lang ang mga puntong gustong sabihin. Wala na sanng paliguy-ligoy pa. Kung magsasabi ng katotohanan, 'wag idaan sa panglalait. Gawin mong a la Simon Cowell. Pero be polite ha?

Kung hindi talaga mapigilan ang magpost ng mga matitinding bagay na ukol sa iyo, e siguraduhin mo lang na at least ang mga makakapansin na mga tao diyan ay yung mga taong mapapagkatiwalan lang. Siguraduhin mo na nasa tamang lugar yan. I-customize mo ang audience/privacy options mo sa mga taong may karapatan lang na makakakita ng mga sexy pose mong litarto, yung naka-2piece na bikini ka kahit may strechmarks ka, ang bidyo mo na panay prangkahan at mga gag ang nilalaman, ang cover mo ng paborito mong kanta na may pagaksintunado pa ang isang chorus o stanza, at ultimo ang scandal niyo ng iyong kasintahan. Libre lang ang mag-upload pero libre lang din ang manglait. Alalahanin mo iyan. Maaring magbigay sa iyo ng pansamantalang kasikatan o kahihiyan ang mga iyan pag nakita ng iba. Pero hangga't may privacy settings, gamitin mo.

Kung may gusto kang i-add na friend sa Facebok mo, e 'di i-add mo! Hindi yung ikaw pa ang magme-message sa kanya na “”uy, pa-add naman sa Facebok. Hehehe. Salamat!” Ano ka, Superstar? VIP ka ba? Kahit may pangalan ka sa world wide web e wala ka pa ring karapatan na magdikta sa kanya ang “first move” sa pakikisalamuha sa mundo ng social networking sites. Ganito lang, pre. Magpakita ka ng tamang motibo at intensyon na gusto mo siya maging parte ng social network mo, bilang Facebook friend man, Twitter follower, o kung ano pa man iyan.

Speaking of Private Messaging, e 'wag mag-PM ng “pakilike naman ng status ko please.” Anak ng pating, e pano na lang kung patama sa akin yang status na yan. Ano ako, tanga?

Magpost ng naayon sa tamang intensyon, magrespond ng mkaayos at naayon sa tamang approach. Dahil sa mundo ngayon, uso ang pamimilosopo na a la Vice Ganda o minsan si Papa Jack ang istilo (Ako ba? Hindi, hindi... Siya, pati yung kalabaw.). Akala mo ang tatalino na ng mga tao porket kaharap nila buong araw ang computer. Ika nga ng idolo kong si Lourd de Veyra, “Kung tarantado ang tanong, tarantado din ang sagot.”

'Wag magpost ng walang ka-kwenta-kwentang mga kumento. “FIRST” ka nga... e pucha, ano naman ngayon? Karerahan ba 'to? Pakibigyan na nga lang ng jacket ito!

Isa pa, kung alam mo na galit ang nilalman ng post na ito, bakit ka magpopost ng “U MAD?” Hindi siya galit, nagpapaliwanag lang. Tuwang-tuwa pa nga e! Lakas maka-tanga lang ah.

Kung admin ka ng isang page sa Facebok at may order na binigay ang owner nito, sumunod ka. Hindi porket ginawang admin ka ng page e kung anu-ano na lang ang gagawin mo diyan. Parang ganito. Kung inutos niya muna na “wag magpaskil ng mga bagay-bagay na ukol sa pag-ibig ngayong araw” e sumunod naman sana. Natiyempuhan niya na nagpaskil ka ng taliwas sa utos niya isang oras matapos nun, dinelete niya yun, at ikaw pa ang may ganang magreklamo? Kapal namn yat ng mukha mo. Magbasa ka kaya muna bago mag-rant, ano?

Kung liker ka ng mga page sa Facebok at may mga batas o rules sila, sumunod ka. Hindi yung magpapasaway ka pa na a la TROLLOLOL style. Kapag binan ka, ikaw pa ang may lakas ng loob na maghimutok. Gago ka rin kasi e. Yan tuloy.

Huwag masyadong gumamit ng mga pausong salita... kung sa mga jejemon e ang lalakas niyong mangastigo't magsalita! Shunga, muntanga lang? Halatang saby sa uso e 'no na parang gumagamit ng hashtag sa Facebok na dapat lang sana e sa Twitter lang iyun? Mas gugstuhin ko pa kay na gumamit ng kolokyal na wika kesa sa mga “makabago kuno” na lengwahe. DAFUQ did I just read? Oh, shut the fuck up, man. Sablay pa nga ang grammatika mo! The Fuck stil sounds better than that.

May mga bagay kasi na talagang nilulugar sa tama, joke time man o seryoso ang usapn. At ang pagme-meme, ayos lang yan, kung nasa wasto nga lang. Pero maraming kontra dyan sa malmang. Ang pag-to-troll kasi ay literally, wala sa lugar.

Huwag gawing chat box ang isang status lalo na kung wala na sa paksang nilalaman ang pinag-uusapan naman na. RH Bill lang ang pinagtatalunan kanina, naging personalan na? Pa-awat na nga kayo, hoy!

Ayos lang mag-share, wag nga lang mag-SPAM lalo na kung wala namang kabuluhan ang mga bagay-bagay na ikinakalat. Mabuti pa, kumain na lang tayo ng SPAM.

'Wag basta-basta magpost ng mga where-abouts mo. Kung saan ka ngayon, anong event ang pinapasok mo kasama ng iyong mga kasama. Maaring nagiging updated nga ang mga kaibigan mo ukol sa mga nangyayari sa iyo, pero dapat nasa tama lang din dahil baka hindi mo nalalman, napuput at risk din ang sarili mo kung seguridad ang usapan. Alalahanin mo, uso ang stalking kahit hindi ganun ka-astig ang iyong beauty.

'Wag basta-basta magtitiwala sa mga tao sa social network mo. Pakiramdaman mo muna. Mahahlata mo yan sa mga mangyayaring inetraction sa pagitan ninyong dalawa. Hindi kasi lahat ng mga kaibigan ay “kaibigan” talaga. Ganun din sa mga “followers,” at “likers.” Yung niba dyan, akala mo tao lanmg? Baka pakitang tao lang. Palihim na tumitira ng mga gawa mo. Binabalasubas ka pag offline ka. Niloloko ka sa ibang mga kaibigan mo sa wall, group man o sa chat room lang. Manggagantso pala. Pag nagpadala ka, olats ka.

Speaking of posts, kung orihinal na gawa niya ang gusto mong kopyahin at ikalat, humingi ka muna ng permiso o pasintabi. Kapag kinopya yan, paki-cite kung saan mo orihinal na kinuha iyan. Hindi yung angkinin mo pa. Kapal naman ng mukha mo kung ganun. Ikaw kaya ang maging manunulat? Tignan natin kung makakaisip ka ng mga ganyang klaseng bagay. Tigas, ha?

Huwag mong palitan kagad ang relationship status kung hindi pa naman ganun talaga ng sitwasyon ninyong dalawa ng partner mo. Nag-away kayo ukol sa napakababaw na bagay, palit na kagad sa “single” at pagkatapos ng ilang araw at nagkabati na kayong dalawa, “in a relationship” na ulit. Tapos, nangyari na naman yan sa mga sumunod na linggo, ganyang-ganyan na naman ang senaryo. Anak ng tokwa naman oh. Pinapahiya nyo lang ang sarili nyo kung halata naman mismo na on-and-off kayo base sa mga wall-to-wall posts niyo. Alam ko na ang pag-ibig ay isang napakakumplikadong isyu, sa sobrang kumplikado nito ang mga maliliit na bagay, nagiging malaki o big deal. Pero hindi iyan sapat na dahilan para palitan yan ka-agad-agad. At pwede ba, yung nasa wasto lang Mag-syota pa lang kayo, pero “married” na? Married your face. Panindigan mo iyan ha? Kapag naghiwalay kayo dapat ang makikita ko ay “seperated” o “widowed.”

Ang lawak kasi ng mga posibilidad ng internet. Puwede nitong -build ang reputasyon mo, o puwede ring ikasira nito ang buhay mo. Depende sa kung ano ang asta mo kung ang pagbabasehan ay ang mga bagay na pinagkaka-abalahan mo, kung kalokohan man iyan, kadramahan, o kung ano pa man iyan. Mag-isip muna bago gumawa ng mga pagpapaskil o mag-click sa mga sites sa world wide web.

Siya nga pala, bago ko tapusin ito, last tip. Huwag niyo kalimutang mag-log-out, lalo na kapag may ibang tao na gagamit sa PC na inupuan mo. Kasi ang dating niyan ay parang ganito lang. Instant hack kagad ang account mo (as in nakaw na), o hindi naman kay ay na-hack din pero palakasan ng trip yan. Parang mga status ng... ganito:

“I'm sexy and I know it.”
“In love ako kay **name censored**”
“Ang gwapo ni **name censored**”
“Bakla ako.”
“P******** ano ba naman klaseng grupo ito? Parang yung may-ari lang ang sarap ********.”
...at iba pa.



author: slickmaster | date: 08/11/2012 | time: 02:10 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Friday, 10 August 2012

Ang Mabigat na Bagahe ni Habagat Noong Agosto 7, 2012.

08/10/2012 | 3:41 PM

Minsan ko napagtanto ang mga linyang ito habang pinagmamasdan ang baha sa aming magkakapitbahay na tumataas sa halos lampas-tao na ang antas: “Hindi nga ‘to isang bagyo tulad ni Ondoy, pero grabe ang hagupit, kasing tulad na nito.” Bagamat ang nasa isip ko pa rin nun ay hindi na kasing-sama ni Ondoy ang magiging dala nito. Pero isang bagay lang ang sigurado: Nagbabago na talaga ang panahon. Aba, sino ang hindi mag-aakala na ang mga simpleng buhos ng ulan pala dati ay nakakapaghatid na ng isang malaking delubyo ngayon?

At hindi ito usapin ng bagyo, ha? O typhoon, tropical storm, tropical depression o kahit ultimo ang low pressure area. Ang nangyaring kalamidad sa Kalakhang Maynila at sa iba pang mga kalapit na lalawigan? Dala lang ng tinatawag na “hanging habagat.” Iyan ay ayon sa mga ulat-panahon. Southwest monsoon, o yung mga hangin na galing pa ng timog kanluran. Literal. Yung may dala ng mabibigat na ulap na papawirin na may dalang pagkulog at pagkidlat (tama ba?). Kadalasan ito tumatama sa ating bansa, mula kalagitnaan ng Mayo hanggang Oktubre kada taon. At sa panahon na din ito madalas tumatama ang bagyo sa ating bansa na isa sa mga tropical na lugar sa buong mundo.

Sa panahon na isinusulat ko ito, 49 na katao (26 sa National Captial Region) na ang kintil ng Habagat na iyan, isama mo na ang bilyong pisong danyos sa mga ari-ariang imprasraktura sa 80 lungsod at munisipalidad na apektado nito, agrikultura at iba pa, basurang naglipana sa nga lugar na binaha at 2 milyong kataong apektado ng sama ng panahon. At sa malamang, ang karamihan sa mga ito ay nawalan ng tirahan, nasiraan ng mga gamit sa loob ng bahay, may-ari ng tumaob na ilang mga sasakyan, nastranded sa biyahe, nalugi ang negosyo, hindi nakapasok sa klase’t trabaho, at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa mga pangyayari noong Agosto a-7, taong 2012 isama mo na dyan ang humigit-kumulang 580 libong katao na naging pansamantalang tirahan ang mga evacuation centers. Ayon iyan sa huling ulat ni Kim Patria sa Yahoo! News.

Sa sobrang kasalimuotan na dala ng hanging habagat dito sa nakaraan na mga araw, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas at pati na rin sa mga opisina ng pamahalaan at ilang mga kumpanya (depende sa diskresyon nila) noong araw na iyun sa NCR, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna. Idineklara iyan sa bisa ng Presidential Proclamation #33 madaling araw ng Agosto 7, 2012. buti na lang, nag-abiso kagad ang Malakanyang. Yun nga lang, isang linggong walang pasok ang mga estudyante nito, parang noong Ondoy lang. And not to mention, ilang Lunes na kaya na walang pasok ang mga bata sa nagdaang mga linggo, ‘no?

Makalipas ang ilang mga araw, idineklarang Stateof Calamity ang mga lugar sa NCR at ang mga apektadong lalawigan sa Luzon.

May mga naglabasan pa na spekulasyon. Coincidence nga ba ito sa berso ng Genesis 8:7-12? Ang nasabi kasi sa mga berso na yan sa bibliya ay ilan sa mga linya ukol sa arko ni Noah. At dahil nangyari ang nasabing delubyo sa Luzon 1 araw matapos ang nakatakda sanang delibersayon ukol sa RH Bill, bagay na tahasang tinututulan ng mga grupo ng Simbahang Katolika dito sa Pilipinas. Naku naman, wag nyo nang lagyan ng kulay ang petsa at ang mga pangyayari. Ika nga ni Fr. Melvin Castro, executive secretary of the Episcopal Commission on Family and Life of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi dapat mag-jump sa conclusion ang mga Pinoy. Ayan ha, respeto naman sa taas, oh.

Pero sigurado sertipikado, sapaw na naman ang isyu ng RH bill na iyan pati na rin ang pagpili sa susunod na uupo sa napatalsik na Chief Justice Renato Corona niyan.

Sa bigat ng debastasyong dala ni Habagat, halos kasingdami na o lagpas pa nga yata diumano ng ulang naibuhos nito ang nagawa ng Bagyong Ondoy nooong Setyembre 25-26, 2009. Aba, ilang araw din kaya ang walang tigil na pagbuhos ng ulan noon. Grabe lang.

Kaya nga naitala na naman ang isa sa mga pinakamataas na antas ng tubig na umapaw sa Ilog ng Marikina ng mga sumuod na araw. Pangalawa lang ang naitalang 21.5 meters noong mga nakaraang araw kung ikukumpara sa lebel ni Ondoy noon na umabot sa mahigit 23 metro. At ang basehan naman nun? Maliban sa mga naka-display na marka sa mga tulay ng ilog ay ang leeg ng statwa ni Marikit sa Marikina River Park, Sta. Elena ng nasabing lungsod. Pero either way, ang tindi ng epektong hatid nito. Nalubog ang mga kalsada sa tabi ng ilog, pati na rin ang mga kabahayan, halaman at kahit ang istatwa ng kalabaw sa tabi ng mall dun. Kung sa Marikina na kinatitirkan ko sa halos buong 22 taon ng buhay ko ay ganun ang inabot, e pano pa kaya ang ibang mga lungsod at probinsya? Mga salaysay ng mga nabiktima, litrato’t bidyo ng mga balita lang ang mga tanging saksi sa mga ganyan.

Sa sobrang lakas ni Habagat, naging instant swimming pool na naman ang underpass sa Quiapo, at isama mo na dyan ang Lagusnilad. At hindi rin madaanan ang ilang portion ng North Luzon Expressway. Aba, ang isa sa mga premyadong highway sa Pilipinas, binabaha ng ganun lang? Ang kalye ng EspaƱa? Aba, lagi naman dyan e. Hindi na ko magtataka.

Ayon sa mga ulat-panahon at balitang napanood ko sa TV at napakinggan ko rin sa radyo (kung tama nga ang pagkakaalala ko sa mga yun dahil pahapyaw ako makasagap e dala na rin ng pagkawala ng kuryente sa aming lugar) ay kaya ganun na lang ang mga nangyayari sa nakalipas na araw dahil sa mga ilang araw na bumubuhos ang ulan. Nagiging saturated na daw ang lupa, hindi na makasipsip ng mga tubig na binubuhos pa ng kalangitan. Ang iba, nagpakawala pa ng tubig ang mga dam. Nasaktuhan pa na umaapaw ang Laguna de Bay yata. Ayan na naman tayo e. Baka may mag-gigisahan pang magaganap sa Senado ‘to ha? Dapat nga natuto na tayo mula pa kay Ondoy e.

Isang bagay lang ang sigurado dito: NAGBABAGO NA TALAGA ANG PANAHON. Ang mga simpleng buhos ng ulan, hindi mo sukat akalain na grabe pala ang maidudulot nila sa ating paligid. Huwag sisihin ang PAGASA dahil sa mga hindi kongkreto ang mga pasintabi nila sa mga bagay-bagay (kaya nga may cellphone, media at internet naman, ‘di ba?) o ang mga pulitiko’t kumpanyang naghahatid ng relief goods kung bakit isang pakete lang ng biskwit o isang styro lang na ang laman ng lugaw ang kanilang dala-dala (aba, kayo pa ang may lakas na magdemand? Buti nga binigyan pa kayo e. Daig nyo pa ang pulubing humirit sa akin ng “pwede bang barya, kuya? Ayaw ko ng pagkain e.”). Pambihira naman oh.

Dahil hindi na talaga matantiya ang panahon, (at teka lang, kelan ba naging predictable ang mga ito anyway?) isang salita lang ang ating katapat: MAGHANDA.


Sources:

Narito ang ilang mga litrato na kuha ng inyong lingkod mula noong kasagsagan ng Habagat hanggang sa pagkatapos nito.



















(This article was published at Definitely Filipino dated August 10, 2012) 

Author: slickmaster  |© 2012 september twenty-eight productions.

Sunday, 5 August 2012

BAKIT BA HINDI MATAPOS-TAPOS ANG DEBATE SA RH BILL?


Bago po ang lahat, hinihikayat ko po ang lahat na maglahad ng opinyon sa isyung ito sa maayos na pamamaraan. Igalan po natin ang pananaw ng bawat isa at wag pong mamemersonal. Maraming Salamat po, mga tol.

Babala: Ang mga nailahad sa blog na ito ay pawang opinyon lamang ng awtor. Striktong Pag-unawa at pag-Galang ko ang kailangan. 

Reproductive Health Bill (Photo credit: kuro-kuro.org)
Ang tagal na nito ah! Ilang taon nang pinaguusapan to. Nagbago na rin ang mga pamagat at administrasyon. Nakatatlong SONA na ang kuya mo. Pero ang tanong, bakit hindi maipasa-pasa ang House Bill No. 4244 or An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes, o sa medaling salita, ang RH Bill?

Ang HB 4244 ay unang inilatag sa Kamara de Representantes ni Albay Congressman Edcel Lagman, habang si Miriam Defensor Santiago ay may Senate Bill  No. 2378 or An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development. Unang prinoposed ang RH Bill noong 1998 sa nasa panahon pa ng 15th Congressat ang mga taong nagpanukala nito ay sina House Minority Leader Edcel Lagman of Albay, HB 96; Iloilo Rep. Dale Bernard Tuddao, HB 101, Akbayan Representatives Kaka Bag-ao & Walden Bello; HB 513, Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon, HB 1160, Iloilo Representative Augusto Syjuco, HB 1520, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. **

Pero 1998 pa yun. Anong petsa na? nauna pa nilang iimpeach sina dating Ombudsman Merceditas Guttierez at ex-Supreme Court Chief Justice Renato Corona? Nakulong na nga ang kabaro nila at nakalaya na nga ulit lahat-lahat, natalo na si Pacquiao na isa rin sa mga colleague nila sa Kongreso. Pero itong isa sa mga dapat pinagtutuunan ng pansin na panukalang batas… PENDING pa rin? Anak ng pating naman oh.

14 years na naipanukala ito kaya sa malamang long overdue na rin ito kung maituturing. Halos walang pinagkaiba sa mga batas na napagiwanan na ng panahon at kung recent issues ang usapan, isama mo na ang National Artist Award para kay Comedy King (pero hindi na nila saklaw yun).

Buti na lang, isa ang Reproductive Health Bill sa mga top priority bills ngayong taon. Aba, dapat lang, ano. Pero yun nga lang, may bibira dyan, hindi kaya hinahapit na ang ganitong klaseng panukala? Sa lipunang napakalaya at iilang naghahanap ng butas, hindi na ko magtataka sa mga ganitong klaseng sentimiyento. Inunahan ko na lang.
Isa ang RH bill sa mga pinakakailangang batas ng bansa ngayon. Yun nga lang, kailangan itong maimplementa ng maayos at huwag san matulad sa pumaplya na tulad ng RA 9344 o ang batas ukol sa Juvenile Justice.

Maraming mga tinig na umalingawngaw mula sa magkakabilang panig ng nasabing isyu. Mula kay Carlos Celdran hanggang sa mga pari sa Catholics Bishops Conference of the Philippines, hanggang sa mga business groups, mga kilalang personalidad sa lipunan at pulitika, at pati na rin sa mga netizens sa mga social networking sites. Kung meron man walang pakialam dito,  yan ay yung mga taong salat pa sa isyung ito. (aray ko po!) Malamang, dapat asahan mo nay an, lalo na sa isang demokratikong lipunan tulad ng Republika ng Pilipinas. “It’s a free country, you can do whatever you want,” ika nga ng isang tanyag na noontime show.**

Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi madesisyunan ang RH Bill? Sa sobrang dami ng opinion, argument at nakikialam, e hindi makausad o masagot kung dapat ba itong ipasa o hindi?

Hindi rin e. dahil hindi naman lahat ay either YES or NO ang boses sa RH Bill. Yung iba dyan, katulad ng sinabi ko kanina, “wapakels.” (Aray na naman, double black eye na ha?) ‘de, ito yung sa akin. Hindi ko pa tuluyang mailalahad ang sagot ko. Noong una kong sumulat ng blog ukol sa batas na iyun, sa “neutral” side pa ako. Hindi naman saw ala akong pakialam. Pero aminado po ang inyong lingkod na bago ako ilahad ang pananaw ko ukol sa isyung ito e kailangan ko ng mabusising pag-aaral sa batas na ito. At kailangan ko din na timbangin ang mga opinion ng iba na posibleng makaimpluwensya rin. Kung rpo-choice ba, o pro-life.

Minsan, kinwestiyon ko ang pakikialam ng Simbahan ukol sa nasabing batas na ito. Ayon sa isa sa mga kaibigan ko na blogger din dito sa Definitely Filipino, hindi naman sa nakikialam ang simbahan pagdating sa teknikalidad, pero kapag moralidad na raw ang usapan, ditto na raw sila nanghihimasok. Hmmm… may punto rin pala. Pero saklaw pa rin ba kaya yun ng separation of the church and state? Hindi ko masasabi kahit napag-aralan ko ng husto ang Pol Sci noon. Nalalabuan pa rin ako parang mata ko lang sa isyung ito.

Sa pag-oobserba ko, ang mga kaibigan ko ay PRO sa RH Bill. At meron din naming ANTI, pero aabutin tayo ng siyam-siyam kasi sa pagbibilang ng mga dahilan nito e. Blog post lang ang kaya kong isulat sa oras na ito, hindi po chapter ng nobela. Hehehe! **

Isang magandang batas pala na pagtalunan ang RH bill, pero utang na loob, dapt matapos na ang pag-aaway ng mga tao ukol sa isyu na ito soon. Pero, isang magandang batas nga ba ito para sa bansa kung ganoon? Masasabi na rin na oo. Kaya lang, mahirap pumanig sa isang side nang hindi mo lubusang naiintindihan ang paksang pinagtatalunan. Napakasensitibo ang topic na ito, sa sobrang sensitive, yung iba, halos magpatayan na sa salita.

Kaya para sa neutral pa na tulad ko, ito na lang siguro.

Welcome po na sumagot kayo sa isyung ito, pero hinihinikayat kop o na walang personalan na mga tirada, ha?  Igalang po natin ang opinion ng bawat isa, que ANTI man kayo o PRO. Yun lang, maramaing salamat po sa mga sasagot, at Mabuhay po kayo.

Sources:
1 - http://en.wikipedia.org/wiki/Reproductive_Health_Bill
2 - http://www.youtube.com/watch?v=hDHSRYXn2PM
3 - https://www.facebook.com/photo.php?fbid=482895178387335&set=a.163406853669504.38385.163404643669725&type=1&ref=nf\
4 - https://www.facebook.com/antirhbill
5 - https://www.facebook.com/groups/196738137099371/
Author: slickmaster
Date: 08/06/2012
Time: 01: 25 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 4 August 2012

Playback: Loonie – Tao Lang (Official Music Video)

08/04/2012 08:30 PM

I haven't made any posts for the Video of the Week recently. But I'll have a lot of them soon, so better watch for that!

Since I've been digging the Internet for most of the recent times, I spotted a lot of things that suited my interests such as music, humor, news, and rap battles. So at this moment, I decided to take a pick on some mini-flicks that made it to my favorites.

For this week, I have the music video of Loonie's premier single Tao Lang.

This guy had been a notable figure since the days of the now-defunct Rap Public of the Philippines. Half-a-decade later, he's part of that sudden emergence made by a rap battle league in the country called FlipTop. Now, he's back on the mainstream shores, performing at selected TV guestings, and Tao Lang was now part of the playlist  of some radio stations here in the country.

Just asking: where do this type of songs have gone? This is one of the best goodies the present kiddos should listen. Oh, sorry... make it A "MUST!"

Tao Lang is Marlon "Loonie" Peroramas' single off the album I Am Normal (if Soulfiesta's download site serves me right). The single was released earlier this year. This track featured RNB artist Quest on the chorus.

On the other end, the music video featured several artists including Lyrically Deranged Poets (LDP)' Raymond Abracosa and Ogie Alcasid as one of the famous Bubble Gang characters' in "Boy Pick-Up." See my related post for more.


Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions