Showing posts with label typhoon. Show all posts
Showing posts with label typhoon. Show all posts

Sunday, 12 August 2012

BASURA: Ang Ugat ng Mga Delubyong Naganap

12:02 AM 08/11/2012 


Ika nga ng kasabihan, "Ang basurang tinapon mo, tiyak na babalik rin sa iyo."


Maliban sa tunog na kahalintulad ng karma, iyan din ang moral lesson kay Bessy Basura, isa sa mga antigo (at noong panahon na iyon ay sa Linggo ng gabi lang umeere) na episode ng sotry-telling program ng ABS-CBN na Wansapanataym. Kunsabagay, una ko yan napatunayan sa aking sarili iyan noong nanalasa ang bagyong Ondoy noong 2009, kahit sa totoo lang, hindi ako palatapon ng basura sa kung saan-saan lang.

Noong kamakailanlang, tone-toneladang basura ang naglutangan sa baybayin ng Manila Bay, at noong panahon nan iyun, nagmistulang extension ng dagat ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Aba, ilang trak din ang nagkarga ng mga iyan, no?

At sa dami ba naman ng naglipana sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga ilog, ang mga basura ang pinakapansinin sa lahat. Mula sa mga sanga ng puno, kahoy na natapyas na furniture, inanod na speaker, ayan, hanggang sa ultimo mga wrapper ng kendi, diaper ng batang may laman pa, at kung anu-ano pa na napakanibangan na natin, at kahit yung mga bagay na hindi na mapakinabangan pa matapos malubog ito sa pagbaha… kapag ito ay hindi naisalba. Wala na. basura na.

Sa dami ng tone-toneladang mga basurana tinatapon natin araw-araw, e may mapglulugaran pa ba kaya ang mga ito? Lalo na sa panahon na ang Payatas ay tila isang kommunidad na? o sa kabilang banda, sa totoo lang, ganun ba kawalanghiya ang karamihan sa atin? As in walang disipilina sa sarili?

Madaling sumagot, madaling mamintang, madaling manisi na balasubas at tarantado ang mga iyan. Yun nga lang, maihrap pangatawanan kahit napakadaling manghusga.

Pero iyan kasi ang realidad e. lalo na ngayon na unti-unti nang nagbabago ang klima ng mundo. Ang kawalan kasi ng disiplina sa ating sarili ay ang siya ding nakakapgpahamak sa ating mga sarili, lalo na sa mga panahon na sinisingil na ng Inang Kalikasan ang bawat isa sa atin.

Maaring hindi ito alam ng karamihan, pero ang simpleng bagay ngayon ay nagbibigay ng higit-sa-simpleng mga epekto. Ang simpleng pagtapon ng basura ay tila magdudulot ng isang napakalaking trahedya sa kapaligiran bilang kabayaran sa hinaharap. Ang simpleng wrapper ng kendi pag tinapon mo sa kanal, baka bumalik sa iyo yan pag baling araw binaha ka at naglinis ka ng iyong lugar na sinalanta ng masamang panahon.

Katulad ng pagputol ng puno, pagkakaingin, pagtatapon ng mga nakakalasong kemikal sa daluyan ng tubig at iba mga simpleng akto na posibleng magbigay ng malaking dulot sa ating kapaligiran.

Hindi natin mapipigilan ang climate change. Pero kaya pa natin na mapabagal ang paglaganap ng mga epekto nito habang may panahon pa. Kaya mabuti pa na ikabubuti ng ating kapaligiran. Ika nga ng kantang “Sala” ng Pupil na banda ni Ely Buendia: “Iisa lang ang iyong mundo. ‘wag mong tatapusin.”

Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay higit na makakatulong sa ating naghihingalong kalikasan.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Friday, 10 August 2012

Ang Mabigat na Bagahe ni Habagat Noong Agosto 7, 2012.

08/10/2012 | 3:41 PM

Minsan ko napagtanto ang mga linyang ito habang pinagmamasdan ang baha sa aming magkakapitbahay na tumataas sa halos lampas-tao na ang antas: “Hindi nga ‘to isang bagyo tulad ni Ondoy, pero grabe ang hagupit, kasing tulad na nito.” Bagamat ang nasa isip ko pa rin nun ay hindi na kasing-sama ni Ondoy ang magiging dala nito. Pero isang bagay lang ang sigurado: Nagbabago na talaga ang panahon. Aba, sino ang hindi mag-aakala na ang mga simpleng buhos ng ulan pala dati ay nakakapaghatid na ng isang malaking delubyo ngayon?

At hindi ito usapin ng bagyo, ha? O typhoon, tropical storm, tropical depression o kahit ultimo ang low pressure area. Ang nangyaring kalamidad sa Kalakhang Maynila at sa iba pang mga kalapit na lalawigan? Dala lang ng tinatawag na “hanging habagat.” Iyan ay ayon sa mga ulat-panahon. Southwest monsoon, o yung mga hangin na galing pa ng timog kanluran. Literal. Yung may dala ng mabibigat na ulap na papawirin na may dalang pagkulog at pagkidlat (tama ba?). Kadalasan ito tumatama sa ating bansa, mula kalagitnaan ng Mayo hanggang Oktubre kada taon. At sa panahon na din ito madalas tumatama ang bagyo sa ating bansa na isa sa mga tropical na lugar sa buong mundo.

Sa panahon na isinusulat ko ito, 49 na katao (26 sa National Captial Region) na ang kintil ng Habagat na iyan, isama mo na ang bilyong pisong danyos sa mga ari-ariang imprasraktura sa 80 lungsod at munisipalidad na apektado nito, agrikultura at iba pa, basurang naglipana sa nga lugar na binaha at 2 milyong kataong apektado ng sama ng panahon. At sa malamang, ang karamihan sa mga ito ay nawalan ng tirahan, nasiraan ng mga gamit sa loob ng bahay, may-ari ng tumaob na ilang mga sasakyan, nastranded sa biyahe, nalugi ang negosyo, hindi nakapasok sa klase’t trabaho, at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa mga pangyayari noong Agosto a-7, taong 2012 isama mo na dyan ang humigit-kumulang 580 libong katao na naging pansamantalang tirahan ang mga evacuation centers. Ayon iyan sa huling ulat ni Kim Patria sa Yahoo! News.

Sa sobrang kasalimuotan na dala ng hanging habagat dito sa nakaraan na mga araw, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas at pati na rin sa mga opisina ng pamahalaan at ilang mga kumpanya (depende sa diskresyon nila) noong araw na iyun sa NCR, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna. Idineklara iyan sa bisa ng Presidential Proclamation #33 madaling araw ng Agosto 7, 2012. buti na lang, nag-abiso kagad ang Malakanyang. Yun nga lang, isang linggong walang pasok ang mga estudyante nito, parang noong Ondoy lang. And not to mention, ilang Lunes na kaya na walang pasok ang mga bata sa nagdaang mga linggo, ‘no?

Makalipas ang ilang mga araw, idineklarang Stateof Calamity ang mga lugar sa NCR at ang mga apektadong lalawigan sa Luzon.

May mga naglabasan pa na spekulasyon. Coincidence nga ba ito sa berso ng Genesis 8:7-12? Ang nasabi kasi sa mga berso na yan sa bibliya ay ilan sa mga linya ukol sa arko ni Noah. At dahil nangyari ang nasabing delubyo sa Luzon 1 araw matapos ang nakatakda sanang delibersayon ukol sa RH Bill, bagay na tahasang tinututulan ng mga grupo ng Simbahang Katolika dito sa Pilipinas. Naku naman, wag nyo nang lagyan ng kulay ang petsa at ang mga pangyayari. Ika nga ni Fr. Melvin Castro, executive secretary of the Episcopal Commission on Family and Life of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi dapat mag-jump sa conclusion ang mga Pinoy. Ayan ha, respeto naman sa taas, oh.

Pero sigurado sertipikado, sapaw na naman ang isyu ng RH bill na iyan pati na rin ang pagpili sa susunod na uupo sa napatalsik na Chief Justice Renato Corona niyan.

Sa bigat ng debastasyong dala ni Habagat, halos kasingdami na o lagpas pa nga yata diumano ng ulang naibuhos nito ang nagawa ng Bagyong Ondoy nooong Setyembre 25-26, 2009. Aba, ilang araw din kaya ang walang tigil na pagbuhos ng ulan noon. Grabe lang.

Kaya nga naitala na naman ang isa sa mga pinakamataas na antas ng tubig na umapaw sa Ilog ng Marikina ng mga sumuod na araw. Pangalawa lang ang naitalang 21.5 meters noong mga nakaraang araw kung ikukumpara sa lebel ni Ondoy noon na umabot sa mahigit 23 metro. At ang basehan naman nun? Maliban sa mga naka-display na marka sa mga tulay ng ilog ay ang leeg ng statwa ni Marikit sa Marikina River Park, Sta. Elena ng nasabing lungsod. Pero either way, ang tindi ng epektong hatid nito. Nalubog ang mga kalsada sa tabi ng ilog, pati na rin ang mga kabahayan, halaman at kahit ang istatwa ng kalabaw sa tabi ng mall dun. Kung sa Marikina na kinatitirkan ko sa halos buong 22 taon ng buhay ko ay ganun ang inabot, e pano pa kaya ang ibang mga lungsod at probinsya? Mga salaysay ng mga nabiktima, litrato’t bidyo ng mga balita lang ang mga tanging saksi sa mga ganyan.

Sa sobrang lakas ni Habagat, naging instant swimming pool na naman ang underpass sa Quiapo, at isama mo na dyan ang Lagusnilad. At hindi rin madaanan ang ilang portion ng North Luzon Expressway. Aba, ang isa sa mga premyadong highway sa Pilipinas, binabaha ng ganun lang? Ang kalye ng EspaƱa? Aba, lagi naman dyan e. Hindi na ko magtataka.

Ayon sa mga ulat-panahon at balitang napanood ko sa TV at napakinggan ko rin sa radyo (kung tama nga ang pagkakaalala ko sa mga yun dahil pahapyaw ako makasagap e dala na rin ng pagkawala ng kuryente sa aming lugar) ay kaya ganun na lang ang mga nangyayari sa nakalipas na araw dahil sa mga ilang araw na bumubuhos ang ulan. Nagiging saturated na daw ang lupa, hindi na makasipsip ng mga tubig na binubuhos pa ng kalangitan. Ang iba, nagpakawala pa ng tubig ang mga dam. Nasaktuhan pa na umaapaw ang Laguna de Bay yata. Ayan na naman tayo e. Baka may mag-gigisahan pang magaganap sa Senado ‘to ha? Dapat nga natuto na tayo mula pa kay Ondoy e.

Isang bagay lang ang sigurado dito: NAGBABAGO NA TALAGA ANG PANAHON. Ang mga simpleng buhos ng ulan, hindi mo sukat akalain na grabe pala ang maidudulot nila sa ating paligid. Huwag sisihin ang PAGASA dahil sa mga hindi kongkreto ang mga pasintabi nila sa mga bagay-bagay (kaya nga may cellphone, media at internet naman, ‘di ba?) o ang mga pulitiko’t kumpanyang naghahatid ng relief goods kung bakit isang pakete lang ng biskwit o isang styro lang na ang laman ng lugaw ang kanilang dala-dala (aba, kayo pa ang may lakas na magdemand? Buti nga binigyan pa kayo e. Daig nyo pa ang pulubing humirit sa akin ng “pwede bang barya, kuya? Ayaw ko ng pagkain e.”). Pambihira naman oh.

Dahil hindi na talaga matantiya ang panahon, (at teka lang, kelan ba naging predictable ang mga ito anyway?) isang salita lang ang ating katapat: MAGHANDA.


Sources:

Narito ang ilang mga litrato na kuha ng inyong lingkod mula noong kasagsagan ng Habagat hanggang sa pagkatapos nito.



















(This article was published at Definitely Filipino dated August 10, 2012) 

Author: slickmaster  |© 2012 september twenty-eight productions.