Showing posts with label lipunan. Show all posts
Showing posts with label lipunan. Show all posts

Tuesday, 20 November 2012

KKK (Kapabayaan, Kamangmangan, at Katangahan)

11/21/2012 01:20 AM 

Tama si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto Suansing na 3 bagay ang kailangan ng tao para makaiwas sa mga sakuna sa kalye, lalo na yung mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo. Anu-ano ang mga ito? Disiplina, respeto at kurtesiya (o courtesy). 

Kung sa news item na binalita ni Shalala yan sa kanyang programa na Todo Bigay noong madaling araw ng Miyerkules, a-21 ng Nobyembre, taong 2012, ito ay pag-iwas sa Kapabayaan, Kamangmangan at Katangahan.

Tunog Katipunan a la “KKK” ba?

Actually, tama lang din e. Sino ba naman ang hindi mababahala o ni mauurat man lang sa mga balita na laging nagkakaroon ng aksidente sa daan?

At sa totoo lang, hindi lang sa kaso ng motorcycle-related and road accidents ito applicable. Maging sa pangakalahatan na aspeto ng buhay natin sa kasalukuyan. Oo lalo na ngayon, na usong-uso ang anumang kalokohan at kababawan sa lipunang ito, na repleksyon ng mundo sa pangkalahatan na aspeto.

Kapabayaan. Sa konteksto kasi ng aksidente sa kalye, marami ang mga harabas kung magmaneho, kaya laging nagkakaroon ng kaso na "reckless imprudence" eh. 

Isa pa - Maraming tao ang nagiging iresponsable sa kanilang ginagawa, mula sa trabaho, sa relasyon, sa mga sitwasyon na kinakailangan ng agarang lunas at aksyon, at ultimo pagdating sa sex. Isa sa mga pinakamalala at pinakamalaking kasalanan na nagagawa ng tao. Nang dahil sa kapabayaan, maraming bagay ang nasisira, buhay na napupunta sa alanganin, at kung mamalas-malasin pa – namamatay. Kaya, maging maingat sa mga kilos na ginagalawan.

Kamangmangan. Sa dami rin kasi ng motorista, hindi nila alam ang mga traffic signs, kung ano ang gagawin mo pag nag-dilaw na ang traffic light, at kung anu-ano pa. E teka, bakit nbga ba nagkaroon ng prebilehiyo ang mga bwakananginang mga mokong at lokang ito na magkaroon ng lisensya para magmaneho? Pambihira naman oh. 

Kamangmangan... oo, dapat iwas-iwasan na natin ang pagpapahalata na salat tayo sa kaalaman, maliban na lang kung talagang hindi mo alam ang gagawin. Ika nga ng kasabihan, “ignorance of the law excuses no one.” Ibig sabihin? Kahit sinong tao na mahina ang kukote pa yan, walang lusot pagdating sa batas. 

At lalo na sa panahon ng internet na mas pipiliin pa yata ng mga bata ang mag-dota o magbrowse sa internet sa umaga kesa sa mag-almusal at pumasok sa eskwela. Ika nga ni Lourd de Veyra sa klanyang congratulatory speech na dineliver nya para sa mga graduates ng UP Diliman noong Abril 22 nitong taon lang, “BAWAL MAGING TANGA. Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon.” At ito pa, “Sa mundong umaapaw sa datos, wala na tayong excuse maging mangmang.” 

Kung panay tanong ka na lang palagi dyan ng tanong pero wala ka namnag ginagawang hakbang pagakatapos, ito na lang ang tanging sagot naming dyan: IGMG. Ano ‘yan? I-Google Mo, GAGO! (Pero ‘wag magagalit kagad, kasama kasi talaga yan sa kanyang graduation speech at yan ang kahulugan ng acronym na iyan)

Katangahan. Kailangan pa bang i-memorize... este, i-esplika yan? Basic road safety at courtesy lang. Kung maiba naman ang usapan, eh... ‘tol, matanda na tayo. Alam na natin ang tama sa mali. 

Kung tutuusin nga, dapat self-explanatory na nga ito e. at kahit pa sa numero unong paksa ng usapan – ang pag-ibig. Sa totoo lang, hindi ako ganap na nainiwala na nagiging tanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig. 

At pwede ba, huwag niyong isisi sa pag-ibig ang anumang kagaguhang nagawa mo? Nanahimik ang malinis na reputasyon nito oh, sipain kita diyan e. At oo nga pala, ito pa - hindi porket uso ang katanagahn e makikiuso ka na rin.

Hindi sa pagiging perfectionista ha? Ito lang kasi ang hirap diyan e, ika nga ni de Veyra, “iba ang impormasyon sa karunugan – ganap na talino at dunong.”

Pero sa kabilang banda, hindi na po uso ang dahilan na parang kanta lang ni Marlon Loonie Peroramas – Tao lang. Alam ko nagkakamali tayo ng ilang beses sa ating buhay, pero ika nga rin ng isang kasabihan, minsan ka magkamali ay ayos lang, pero kapag umulit ka pa sa parehong pagkakamali, e kapabayaan na, kamangmangan at kanatangan na iyan sa parte mo. Hindi mo kailangang magpakadalubhasa para at elast ma-minimize mo ang kasablayan mo sa buhay, ang pinakakailangan mo lang ay ang tinatawag na “sentido kumon.” Kung ‘di mo magets, nasa common sense lang yan.


Sources:


Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Thursday, 27 September 2012

ANG MAPAGHUSGANG LIPUNAN.


Sa panahon ngayon, hindi natatalab ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Bagama’t may mga matitinong kritiko naman sa mundong ito, e marami naman ang mga superficial, yung skin-deep lang ang pag-unawa. Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin mo ang mga bagay-bagay sa lipunan, sa mga news feed mo sa Facebook, at diyan mo makikita ang mga sagot, tulag ng mga ito:

Itsura o pananamit ng tao. Sa mata ng iba, diyan mo makikita ang personalidad ng isa. Kung anong klaseng tao ka.
  • Kapag magandang lalake ka, dalawang bagay: sa matitino at sa mga babae, gwapo; at sa mata naman ng mga insecure, bakla, lalo na kung may pagkabanidoso ang mga ito.
  • Kapag hindi kaaya-aya ang panlabas na anyo, ineechepwera ng karamihan. Wala na silang pakialam kung mabait naman ang kalooban nila sa kabila ng kanilang itsura.
  • Kapag naka-make-up masyado si ate, dalawang bagay: sobrang kaartehan, o isa sa mga prosti. Yun lang ang panlaban niya kahit laspag na talaga pag nahubaran e.
  • Kapag corporate ang attire, mataas na ang katungkulan ang tingin nila sa kanya. Teka, hindi ba pwedeng uniform nila ang ganyan?
  • At kapag kulot ang buhok, parang yung usong kasabihan… salot.

Sa pagsasalita naman nalalaman din ang ugali ng isa.
  • Kung matiwasay, mahinhin ka.
  • Pero kapag balahura ang dating, e parang ganun nga.
  • Kapag may slang, sosyalera na daw o maarte.
  • Kung loudmouth masyado, parang nagger.

Kapag may kasama ka sa isang lugar, pampubliko man o bahay, may masasabi din sila depende nga lang sa mga kasama mo.
  • Kapag ang dalawang babae ay magkasama, ayos lang yan bagamat may iba diyan bumibira na “ay, sa malamang ang isa diyan ay tibo o lesbian.”
  • Kapag ang isang babae at isang lalake naman lalo na kapag magkaedad lang sila sa itsura, ang unang impresyon ng ilan? “ay, mag-syota ‘to” kahit sa totoo lang, puwedeng mag-utol o magkatropa lamang sila o kahit wala naming akto ng PDA na nagaganap.
  • Kapag dalawang lalake ang magkasama, dalawang bagay: magtropa o yung isa diyan, bakla.
  • Kapag may kasamang bata, “ay, may anak na” ang sambit nila, kahit sa totoo lang e inaanak mo lang o pamangkin o kung ano pa iyan.
  • Kapag ang isang pangit at maganda ang nagsama, “ginayuma” daw ni pangit. Ngek! Grabe naman iyan.

Sa isang simpleng post ng Facebook natutukoy din ang personalidad ng tao. At sa mga kumento ng ilan mo mahahalata kung nakakintidi ito sa binasa nilang post o hindi. Ilang bese na ko nagmamasid at ito ang mga nakita ko… kasarap lang bigwasan ang iilan.
  • Pag nagpost ang user ng isang mala-ampalayang mga salita at may babala ito, may magkukumento pa rin ng “Ang bitter mo, gago!” Ay, ang tanga lang.
  • Kapag nagpost ng isang tirada o nagaalab na saloobin ang isa, may nagkukumento ng “hoy, sino na naman ang kaaway mo?” o ‘di naman kaya ay “U MAD?” Ay, hindi! Proud ako, tanga!
  • Kapag nag-post ang isa ng isang mala-kesong linya, dalawang bagay: sweet o in love, o corny/ gasgas na. kapag maraming sinasabi, ano ka? Ernie Baron? Ang dami mong alam, dre. Sorry ha? Inggit kasi ang mangmang na tulad mo e.
  • Kapag may nilalamang maselan na salita, malibog na kaagad. Weh?
Ang mga nabanggit ko ay iilan lang sa mga bagay-bagay na naka-agaw ng pansin sa akin. Ayun pa pala, kapag napuna mo, masasabihan ka pa na “pakealamero.” Sabagay, kung may mga kapuna-punang mga bagay ba naman e. At may pagkadepende ang pagiging pakialamero at tsismoso ng isa. Siyempre, nilulugar din iyan. May mga bagay na pwedeng pansinin at may mga bagay din na off-limits na.

Sa wall photos nga lang e pag may napansin lang kukunan na kaagad ng litrato e regardless kung worth it ba ng attensyon ang bagay na iyun o hindi. At mahahalata mo din kung gaano kababaw ang panghuhusga ng ilang mga tao. Pustahan, kapag ito ay nabiktima ng ibang tao sa ganyang gawain din na tulad nila e diyan lang sila matatauhan. Nakakahiya kaya ang pagtripan ka sa social media.

Sa balita, pag nahagip ka lang ng lent eng kamera e akala ng iba laman ka na rin ng balita mismo. Yung iba nga pag nadyaryo e, akala nila masamang balita na ang kinasangkutan.

Pag na-typo ka nga lang sa ilang mga post, may mga aaribang mga “Nazi” diyan. Lalo na siguro kung palyado pa ang pag-i-Ingles mo. Grammar Nazi ang aatake sa iyo.

Sa sobrang marami ring mga perpeksyonista sa mundo, nakalimutan yata ng mga ‘to na hindi sila angat kahit ilang beses sila mamuna at makisawsaw. Yan, ang hihilig kasi makiuso e.

Marami pang mga tanong. Parang mga ito:
  • Pag may litratong magkasama, magka-date na kagad?
  • Kapag siya ang last touch, siya na kaagad ang nagnakaw?
  • Kuapag nakashoot a la Kobe moves, superstar na kagad?
  • Kapag mabilis mag-rap si Loonie na kagad?
  • Kapag mga ganitong linya, si Vice na kaagad? (Sabagay, siya ang nagpauso niyan e.)

O ewan… ang dami.

Isang bagay lang ang sigurado. Mapanghusga tayo sa sariling karapatan at pamamaraan sa ayaw o sa gusto natin. Pero pustahan ang iba, magdedeny, at yung iba na maghuhugas-kamay, mabibira pa ng “ipokrito” ng iba. ay, naku. Ayos lang maging kritiko, pero sanalaliman naman natin. Hindi yung “may masabi lang.”

Author: slickmaster | Date: 08/03/2012 | Time: 09:39 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Rumorondang Kawatan. (The Riding-in-tandem story)


Isa sa mga bagay kung bakit tila nababalot na sa takot ang ilang mga kababayan sa ilag ng mga lugar ditto sa Kamaynilaan ay ang mga taong mapagsamantala sa kapwa. Yung mga tao na kayang tumakas ng basta-basta ang mga modus na kanilang pinagagagawa. Sila ay kilala sa terminong “riding in tandem.”

Karamihan sa mga nagsitaasang kaso ng krimeng naganap sa Metro Manila ay kinakasangkutan ng dalawang tao na nakasakay sa motorsiklo. Pagnakakaw man, holdap, o ultimo ang pagpatay. Wala silang sinasanto, walang delikadong lugar o ras para sa mga ito, dahil nga kaya nilang takasan ang mga otoridad at mamamayan, basta may sandata lang sila ‘pag nagkasalubungan.

Dahil una, hindi sila basta-basta nakikilala ng sinuman, biktima o saksi. Palagi silang nakatago sa kanilang mga bonnet o helmet, jacket. As in ang tanging palatandaan lang na makikita mo sa kanya ay ang hugis ng katawan niya at ang suot na damit na ginamit niya sa panahon na iyun.

Pangalawa, kapag nagkataon na walang plaka ang motorsiklo na ginagamit nila. Aanhin mo ang kulay o tipo na motor nay an? Walang eksaktong pagkakakilanlan, o baka tinatanggal nila yan bago sila rumonda sa kanilang mga kalokohan.

At pangatlo, praktisado na sila sa mga istilo at galaw. Hindi sila sasabak sa giyera na wala sila ni kaalaman man lang.

Kaya siguro, ito rin ang ilans a mga dahilan kung bakit hidi masawatan ang mga dorobo sa mga panlalamang nila. Idagdag mo na diyan ang realidad na dumarami na rin ang bilang ng mga motorcycle riders sa bansa. Mahahalintulad na nga yata tayo sa isang basa ditto sa Asya na hari na rin ng dalawang gulong. Maliban sa mga motorcycle lane at checkpoint tuwing gabi, ano pa ba ang laban ng mga alagad ng batas?

Well, in fairness naman, ang ilan sa mga kaso ay nahuhuli sa akto gamit ang closed circuit television camera o CCTV. Ayun naman pala e, kahit papano ay may ebidensya. Siguro, hasain pa ang pangil ng mga batas na may saklaw sa mga krimeng nagaganap ang kailangan.

Maaring nakakatakot na tila baliw na ang mundo dahil lang sa mga material na yaman ng isang tao, ay gagawa ng hakbang ang mga halang ang bituka, makuha lang iyan mula sa mga taong lubos na pinaghirapan nito. Mag-ingat na lamang ang tanging babala na puwede kong iwanan sa puntong ito.


Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 09:27 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 26 September 2012

Silang mga balasubas…


Tila hindi na sila mawawala sa sistema. Kumbaga sa sakit, pang-terminal na ito. Parte na kasi ito ng pang-araw-araw na buhay ng ilan. Hindi na bago ang mga pangyayari dahil noon man o ngayon, nariyan pa rin ang mga taong ito. Sa ngalan ng material na yaman, manlalamang sila, at minsan pa nga e handang makipagpatayan makuha lang ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga halang na sikmura, isipang kinakalawang at pusong mas matigas pa sa pader na gawa sa  pinaghalong semento at bakal.

Sa kada pagkakataon ng pakikipagsaparalan ko sa lungsod, nakikita ko ang mga ito. Akala mo mga patpating tambay, yun pala ay magnanakaw ng pitaka. Sa kalye man o sa mala-Sardinas na pampasaherong sasakyan, umaatake sila nang hindi mo nalalaman. At ika nga ng kasabihan, “malalaman mo lang ang halaga ang isang bagay kapag wala na ito…” sa tabi mo. As in literal.

At sa gabi naman, ang akala mong simpleng madilim na espasyo, may kahiwagaang nagaganap. Dalawang bagay lang, may naglalampungang mga puta o may tumitimbreng kawatan. Mga nag-aantay na may mabiktima. Kapag pumalag, patay na kung patay. Parang hindi man lang naisip ng mga ito kung gaano kahirap ang bumuhay ng isang tao tapos kikitilan na lang sa isang iglap gamit ang makalawang na lanseta o ng tinggang may pulbura.

Sa kabilang dako naman, malulutong na murahan ang eksena. May kamuntikan na magbanggaan kasi na mga sasakyan sa isang interseksyon doon. Hindi pa nakuntento, nagmaanagas pa ang parehong kanto sa gitna ng kalye. Ay, kasarap sagasaaan ang mga bwakananginang mga ‘to. Pwede bang magsitabi kayo? Hindi lang kayo ang hari ng kalsada, alam nyo po.

Sa simpleng pagpila nga lang e pakapalan na ng mukha, makasingit lang. Kapag sinita mo, wala! Babaligtarin ka pa. Ikaw pa ang maeechepwera. Mas makapal pa sa isang ream ng papel ang mga pangit na pagmumukha nila.

Yung mga taong gumagawa ng tama sa lipunan ngayon, ewan ko kung bakit pa sila pa ang mas naagrabyado? Kung bakit sila pa ang mas hindi nagagantimpalaan? Ang simpleng pamamaraan yata na magsabi nga lang ng katotohanan e pinapatay na, kung hindi man e hinaharass. At ang mga tumatanggap ng lagay dyan e sila pa ang mas nangingibabaw. Sabagay, pera-perahan e. Samahan mo pa ng palakasan sa tao. Ang magandang budhi sa panloob at panlabas na anyo? Asus, asa.

Kaya minsan, hindi ko masisisi ang mga taong pumili na tumahimik na lang at maging pipi’t bulag na saksi sa mga kaganapan. Mga lumugar sa “walang pakialam,” kahit ang ilan sa kanila ay ilang beses na binabastos, sa likuran man o harap-harapang ginagawa.

Ang buhay kasi ng isang tao ngayon ay nakadepende na sa diskarte nito. Kapag wala siya nito, ano na lang ang kakainin niya pagdating na lang ng dapit-hapon?

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Friday, 21 September 2012

40 YEARS AFTER MARTIAL LAW…


September 21, 1972, araw ng Huwebes… sa bisa ng Proclamation #1081, idineklara ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinad Edralin Marcos ang Martial Law. Ang pinakapangunahing dahilan sa pagdeklara nito ay ang labis na karahasang nagaganap sa kanyang panunungkulan. Ayon naman sa ilang mga kritiko niya, ito ay naisabatas para magtagal siya sa kanyang kapangyarihan. Tuluyang naimplementa ang batas-militar nang alas-9 ng gabi ng Setyembre 22, araw ng Biyernes; at inanunsiyo niya ito sa lahat ng istasyon ng radio at telebisyon na umeere sa buong bansa sa oras na alas-7:30 ng gabi noong Sabado, a-23 ng Setyembre, 1972.

Nagtagal ang Martial Law ng 8 taon at halos 4 na buwan. Sa panahon na naging isang panibagong republika ang Pilipinas, nagkaroon na maraming mga pangyayari, ke masama man o maganda, tulad ng: **
  • Nakontrol ng gobyerno ang laranagan ng pamamahayag sa pamamagitan ng Oplan Saguitarrius,
  • Ipinagbawal ang pagkakaroon nga mga anumang uri ng kilos protesta,
  • Pati ang ilang mga pampulikong utilidad at industriya tulad ng Meralco, Iligan Inntegrated Steel Mining at PLDT ay napasakamay ng pamahalaan,
  • Nagkaroon ng curfew na nagbabawal sa sinumang mga mamamayan na lumabas mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga,
  • Na-amyendahan ang saligang-batas  (1973 constitution), at ilang beses na inamiyendahan ito,
  • Binuwag ang mga private army
  • Naitatagag ang ilang mga ahensya tulad ng National Economic for Development Authority, Metropolitan Manila Development Authority, at iba pa.
  • Nagkaroon ng travel ban sa lahat ng mga mamamayan, maliban na lang kung mahalaga ang pupuntahan abroad.
  • Nagkaroon ng mas malawak na relasyon diplomatika ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asya,
  • Nagkaroon ng mga reporma sa aspeto ng edukasyon, sa lupa, sa pakikipag-ugnayan sa mga kababayan na Muslim, atbp.
  • Nagkaroon ng mga bagong imprastraktura ang Pilipinas tulad ng Pan-Philippine Highway, San Juanico Bridge, mga geothermal energy plants, at iba pa…
  • Special mention: nagkaroon ng unang professional basketball league sa Asya ayt yan ay ang Philippine Basketball Association.
  • Special mention (ulit) nagkaroon ng kabuluhan ang ibang mga palabas, mulas a mga pelikula ni Lino Brocka hanggang sa John En MAsrsha series na tinaguriang all-time longest running situational comedy (sitcom) show sa ating bansa.
  • Special mention for the third time. Nauso pa rin naman ang mga patawa e. Tulad ng mga parody ng triumvirate nila Tito, Vic and Joey, ang Student Canteen, Champoy, Goin’ Bananas, at iba pa.
  • At kung anu-ano pa na… hindi ko naibanggit o nang mga libro nila Teodoro Agoncillo at Gregorio Zaide at sa iba pang mga historians.

Naging maganda raw ang epekto ng Martial Law sa unang 5 taon na pagkakaimplementa nito. Aniya, naging mas progresibo ang bansa. Ngunit matapos ang Proclamation No. 2045 na nilagdaan din ni Pangulong Marcos noong Enero 17, 1981… ano na nga ba ang nangyari?

4 na dekada na ang nakalipas at ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko…nakalaya nga ang bansa mula sa diktadurya, pero ano naman pagkatapos? Naging mabuti ba ang mga sumunod na namuno sa bansa? Naiwaksi ba talaga natin ang korapsyon sa lipunan? Naging mas progresibo ba ang ating bansa? Tumino ba ang mga mamamayan? Ang daming tanong no? Pero mahirap hanapan ang sagot sa kahit isa man lang diyan.

Sa totoo lang, ito pa ang mahirap dyan e. Kung papansin pala at titimbangin ang mga bagay na dapat timbangin, e kahit papano may mabubuti pala na nagawa si Marcos. Pero bakit ganun na lang kasukdulan ang galit ng karamihan sa kanya? Bakit pawing mga taga Ilocos region na lang yata ang nakakaalala ng birthday niya? Bakit hindi siya pwedeng ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani kung maituturing din pala na nagsilbi sa bayan ang dating diktador?

Marami daw kasi ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao e. pero kung ganun na lang ang usapan, mapa-noon hanggang ngayon (at huwag naman po sana hanggang bukas), e lagi na lang ba magkakontrapelo ang ngipin ng batas sa mga taga-human rights? Matagal ko na napapansin iyan e.

Kung dati isa ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa pinakamalaking kontinente sa mundo… ngayon, sila pa rin naman ang isa sa mga nangunguna e… sa downside categories tulad ng pinak-corrupt, pinaka-traffic, at iba pa. Teka, ang sa lagay ba e, nag-turn up-side-down ba ang mga pangyayari para sa atin? Ganun na lang ba? Ang dating tinitingala sa Asya, ngayon binubully na lang? Binubugbog ng kaliwa’t kanang mga travel ban? Sinisindak ng mga Intsik sa isyu ng Spratly group of Islands?

O masyado lang tayo nasobrahan sa pagpapakain sa atin ng media ng mga masasamang balita? Ang labo.

Sigurado naman ako na marami pang mga magagandang bagay ang nangyari sa ngayon e. Kaya lang, kung tayo ay magpapakabitter sa nagdaang kontrobersyal na rehimen, e sa tingin mo ba magiging malaya ba talaga tayo? Isipin mo na lang kung hanggang ngayon ay batas-militar pa rin ang pinapairal at ganung alintuntunin pa rin ang mga iniimplementa. Baka hindi ka makapag-Facebook ngayon dahil sa malamang ipagbabawal, kung hindi ireregulate ang internet (pero tingin ko sobra na iyun). Baka wala kang mapag-gimikan na singdami ng mga lugar na mga ‘to ngayon. Baka nga hindi ka pa maka-order ng buy 1 take 1 sa pinakamalapit na Angel’s Burger sa dis oras ng gabi (siyempre, may curfew e, at baka magsara din ang mga iyun sa ganung oras), baka nga hindi ka makabasa o kami mismo ay hindi makakapagsulat ng mga ganitong-tema na blog. At kung anu-ano pa.

Dapat nga matuto tayo sa kasaysayan, pero tulad ng usaping relasyon, matuto din sana tayo mag-accept, let go and move on.... parang mas magandang term dun ay mag-move forward.
Additional sources:
** The Philippines: A Unique Nation Second Editon by Sonia M. Zaide
1999, All Nations Publishing
Author: slickmaster | Date: 09/21/202 | Time: 12:27 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions


Sunday, 12 August 2012

Ang Lipunan at ang Lotto.

Ito ay base lamang sa obserbasyon ko habang inuutusan ng ermat ko na tumaya ng lotto.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin nito, pero nasa pagtaya ng lotto sumasalamin ang halos lahat ng klase ng tao. Depende sa pagdiskarte at ugali nito. Obviously, may mga matitino, at meron ding mga asal-gago.

Wala itong pinagkaiba sa mga sitwasyong tulad ng mga estudyanteng nagkukumahog sa pagreresearch para makasagot lang sa kanilang mga takdang aralin, sa mga player ng basketball kung paano makahanap ng mga plays o stratehiya para makaiskor lang sa laro, o ultimo ang mga lalakeng nagkakandarapa kung paano didiskartehan ang isang astig na tsikababe sa kabilang table sa isang gimikan. Sa madaling salita, ang mundong ito ay isang malaking kumpetisyon, at lahat tayo ay magkakakumpetensiya sa ilang mga bagay na pinaglalabanan talaga.

Sa pila ng lotto, makikita mo kung sino ang disiplinado, yung nasa pila palagi, nasa ayos at may haba ng pasensya na maghintay para sa kanyang turn para ipusta ang kanyang taya. At pagdating sa harap ng teller kung matiwasay ba ang kanyang pakikisalamuha sa kaniyang mga transaksyon.

Sa pagtaya makikita mo ang ilang natutuliro. Nag-aalangan sa mga taya. O yung mga tayong may sobra-sobrang planong pang back-up. Kaya kaming mga nasa likuran niya, inaabot naman ng siyam-siyam. Parang ganito…

Teller: Sold out na po ang taya niyo sir.
Customer: ah, 6-2.
T: Sold out din. Sorry.
C: Ahm… teka… (after 20 seconds na yata) ito, 9-5.
T: Sold out din po.
C: (and so on, and so forth)

Yung iba, hindi naman pahabol sa kanilang mga transaksyon, nagagawa pang manggulang at sumingit sa pila. Pero kapag umalma ka sa kanilang ginawa. Pambihira naman oh.

At yung iba, hindi ko alam kung may pagak-ignorante ab o ano. Kung first timer, baka maunawaan pa namin yan. Pero kung lagi naman na. Aba, teka lang, boss, mawalang galang po. Alam mon na may card, alam mo naman pung paanomarkahan yan. May panuto na nga na nakapasil dyan. Pero hindi mo pa rin ginagamit yan. Ay sows!

Pero… pagbigyan natin kung hindi talaga marunong. Pero alam mo, dapat din siya matuto e.

Uulitin ko: sumasalamin sa iba’t ibang klase ng antas ng tao base sa ugali at diskarte ang mga bagay tulad ng pagpila at pagtaya sa lotto. Kaya bago mo hilingin na sana manalo ka, ayusin mo na ang diskarte mo.

Author: slickmaster | date: 07/24/2012 | time: 03:46 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions