Sunday, 12 August 2012

ADVICE BLUES

Isa sa mga one-liner na nabasa ko habang nagpunta ako sa isang monastery: “It is easier to preach ten sermons than it is to live one.”

Minsan ako napataka sa sarili ko. Hmmm… oo nga naman. Bakit nga ba ang lalaks ng loob natin na magbigay ng payo sa ibang tao, kung tayo mismo hindi natin magawa ito sa ating mga sarili kapag humaharap tayo sa sitwasyon na kapareho nila?

Mukha siyang simpleng tanong, pero napakakumplikado ng mga posibleng sagot. Wala nga yata akong nakuha ng mga lunas sa tanong na ito nung pinost ko ito sa formspring (which by the way, ang aking account dun ay askdslickmaster. Ayos sa pag-plug ang loko, e no? LOL.)

Sa ibang mga post na ganito sa mga social networking sites? Wala rin akong nakita na maituturing na sagot. Sabagay, hindi naman ako sikolohista para unawain ang lahat.

Hmmm… siguro, may mga pagkakataon talaga na at least matalino tayo sa mga bagay-bagay. Pero may mga panahon na nakakatanga din. Human nature ba ang usapan? Hmmm… siguro.

Pero pag natuto naman tayo sa ating mga kamalian at karanasan, pwede pang makunsidera. Charge it to experience, ika nga. Unless kung pag-aaralan mo talaga ang behaviour ng mga tao. Baka lamang ka na dun.

Ang tanong kasi na ukol sa mga payo o abiso sa ibang tao ay isa sa mga kumplikadong tanong na talagang mahirap makapagbigay ng sagot, tulad ng bakit ka nagmamahal, o bakit gusto mo ang trabahong ito o kurso na pag-aralan sa kolehiyo. Masyadong malupit ang ilang mga tao sa kakahanap ng mga sagot, kaya minsan hindi sila nakukuntento sa ano ang mga naririnig at nauunawaan nila. Hanggang sa kawalan na ang mga mga nilalaman ng utak at kamalayan.

Hanggang sa matapos kong isulat ito, walang katiyakan kung itatanong mo sa akin kung “bakit tayo nagbibigay ng mga advice sa ibang tao e tayo mismo hindi natin magawa iyun sa ating mga sarili?” siguro, human nature pa ang pinakamalapit. Isa pa, hindi naman kasi magkakapareho ang ating mga isip, emosyon, at pag-unawa. Kaya sa malamang, ganyan din ang pinakamalapit na sagot diyan. Ika nga ng kanta, “Tao Lang.”

Author: slickmaster | date: 08/09/2012 | time: 12:07 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment