Tuesday, 21 August 2012

Social cyber-warfare.


Sa totoo lang, nagtataka din ako e. Akala ko ba... isang social networking site ang Twitter, pero bakit tila nagiging isang malaking battlefield ito?

Akala ko nga rin e.

Naku, kung inaakala niyo na sa mga boxing canvas, wrestling ring o ultimo nang mga trash-talk sa press conference ang mga lugar ng mga maangas na tao sa mundong ito... nagkakamali kayo. Ngayon, para makasaksi ka ng isang cyber war a la World War 3 wannabe, ang kailangan mo ay ang mga ito: computer, internet connection, at siyempre... account.

Pero hindi ba ang mga social networking account ay dapat ginagamit sa mga mabubuting bagay? Yung tipong mina-market mo ang sarili mo parang magakroon ka ng magandang rapport sa mga tao sa social network mo? Well, ganun sana. Pero actually, social networking pa rin naman e. Tun nga lang, sa kabilang banda. Kung panay himutok at negatibong mga bagay ang lumalabas sa profile mo, e asahan mo na ang akala ng tao nag alit ka sa mundo, o mas malala ay yung aawayin ka pa lalo. Dahil hindi lahat ng mga tao san internet ay matitino. Yung sa malamang ang iba diyan, sadyang trip ang mang-balasubas ng tao.

E ang sa lagay ba, may nangyayari ding gulo sa mga aktwal na aktibidad ng social networking. Oo, given na iyan, maliban sa mga brawl sa bar. Pero ibang usapan na iyun.

Pero bakit mas sikat pa ang Facebook kesa sa Twitter, e 140 characters lang ang kasya dun kung ikukumpara? Oo nga e. Hindi naman hamak na mas makakpaglahad ka ng maayos sa Facebook. Pero siguro, dahil mas sanay tayo maging usisero, lalo na ang mga prominenteng tao ang mas madalas na gumagamit ng Twitter. Ang mga “official” pages sa fb? Hindi lahat bdiyan ay garantiyang opisyal o lehitimo. Sa Twitter, kapag celebrity ka, verified ang account mo.

At dahil mas mariaming mga personalidad ang gumagamit ng Twitter kesa sa Facebook, diyan madalas nagkakaroon ng gulo. Mula sa artista-versus-fan-ng-isang-football player, sa artista-versus-politician, o kahit pulitiko sa pulitiko pa ang duelong nangyayari diyan, aty kung anu-ano pa. Sa Twitter ka mas madalas nakakakita ng mainit pero matinong argument. Sa fb? Asa. Pag natalo ang isa, namemersonal na e. Mas prangka nga, pero mas bastardo naman.

Pero either way, mas maganda pa rin siguro kung gagamitin natin sa kagandahang asal ang mga social networking sites. Ika nga, THINK BEFORE YOU CLICK.

Author: slickmaster
Date: 08/21/2012
Time: 07:25 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment