Sunday, 19 August 2012

Wanted: The Road Rager

08/19/2012  3:34 PM

Isang pasada sa isa sa mga maiinit na headline sa panahon na kahuhupa pa lang ng mga baha dito sa Kamaynilaan at mga kalapit na lalawigan na dala ng hanging habagat.

Isang video na naman ang kumalat sa internet, at ang nilalaman nito ay isang road rage incident na nakunan mismo ng isang crew ng media sa Quezon City.



Sa video makikita ang pamimisikal at tahasang pambabastos ng isang motorist na kinilalang si Robert Blair Carabuena sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer na si Saturnino Fabros.

Maraming salaysay ang naglabasan ukol sanasabing video. Ayon sa biktimang si Fabros, beating the red light na umano ang ginawa ng sasakyan ni Carabuena, habang sa panig naman nnila Carabuena, “tinapik” daw ni Fabros ang kanyang auto.

Hindi nagpaunlak ng panayam on-air si Robert Blair Carabuena sa programa ng TV5 na T3 noong umere ang segment na naglalaman ng video na ito mismo noong Martes, 14 ng Agosto, 2012. Pero sinabi niya na magsasampa siya ng kaso laban kay Fabros.

Naging Buena mano ang segment na ito sa pagbabalik ni Ben Tulfo sa nasabing palabas.

Dahil sa nasabing video, umani ito ng mga reaksyon sa mundo ng social networking sites. Simula sa artikulong may kinalaman dito sa news portal website ng TV5 na INTERAKSYON.com. Umani ng simpatiya, respeto at paghanga para kay Mang Saturnino ang mga tao habang sa kabilang banda, tahasang pambabatikos at pamababalasubas naman ang nakuha ni Carabuena. Aniya, sa kabila ng katotohanan na nasa otoridad ang pobreng traffic enforcer, hindi ito nanlaban sa pananapok ng abusadong motorista.

Ito lang siguro sa akin, ano? Hindi na bago ang mga kaso ng road rage sa bansa, mula kay Rolito Go (na by the way, “kinidnap” daw sa loob ng Bilibid) hanggang kay Jason Ivler hanggang sa kung anu-ano pang mga kasong ganyan ang nagsusulputan sa mga balita.

Sa mga tanging nakasaksi na motorista’t pedestrian na lamang ang makakapgsasabi ng iba pang nangyari sa insidenteng ito. Pero hindi mo itatanggi ang katotohanan na hindi nagsisinungaling ang video (scripted? Asus! Asa!) dahil biglaan ang mga nangyari, nagkataon na andun ang crew ng T3. At ang pambabastos ng isang Robert Blair Carabuena kay MMDA traffic enfocer Saturnino Fabros ay isang akto ng tahasang pang-aabuso ng mamamayan sa ating kalayaan. Hindi porket tayo ang nagdidikta ng kapangyarihan sa lipunang ito (demorkatikong bansa tayo e. Remember?) ay may karapatan tayo na kwelyuhan, sampalin at hampasin ng sombrero ang sinumang alagad ng batas. Tahasang pambabastos na iyan!

Mas sanay ang tao sa mga abusadong tao na nakauniporme sa kalye pero tila kabaligtaran ang tema ng insidenteng ito. Sa sobrang kakaiba ng pangyayari, kaya ito pinagpiyestahan sa internet. At sa tingin ko, hindi lang nag-iisa ang kaso nila Carabuena at Fabros sa ngayon. Kung magigiong mapagmatyag ang ibang tao sa mamamayan, marami pa siguro diyan ang kaso ng road rage.

Isa ako sa mga taong sumasaludo kay Saturnino Fabros at kumokondena sa marahas na Gawain ni Robert Blair Carabuena. Hindi ko sila hinuhusgahan na base sa mga nakikiusong reaksyon sa mga social networking site. Pero magsilbi sanang leksyon ito sa mga tulad ni Carabuena na maghinay-hinay sa pagrereklamo at huwag idaan sa marahas na pamamaraan ito. Dahil ang karma sa ngayton, hindi nakukuha sa taas, kundi pati na rin sa mga reaksyon ng tao sa mga social media.

Aanhin mo ang pagiging edukado mo kung mas malala pa yata sa hayop ang pag-uugali mo? Sa kasong ito mapapatunayan na ang edukasyon ay mas nakikita sa asal ng tao sa pagharap nito sa mundo.

Maaring lilipas din ang isyu na ito, pero hindi dapat makalimot ang tao pagdating sa pag-uugali sa mga sitwasyon na tulad nito.

Author: slickmaster  | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment