Sunday, 30 December 2012

No New Year’s Resolution.


New Year’s Resolution?! Uso pa ba iyun?

Uso yan, kung ikaw ay estudyante ka pa lang sa elementarya, tulad namin noon. Kapag unang araw ng klase sa buwan ng enero nun, ang panuto ng adviser-slash-homeroom titser namin ay “get one whole sheet of paper, and write your new year’s resolution.”

Patay. Ako pa naman nun e speechless pagdating s mga new year’s resolution. E kung sa wala maisip e. besides, ano bang babaguhin ko sa sarili nun? Maliban pa sa matinong bata namana ko nung mga araw na iyun (pero average student nga lang)? Tsk.


At pagdaan ng taon, kung kelan naman may naiisip akong baguhin sa aking sarili nun, (yun ang tulad ng mga sumusunod: maging maangas, i-minimize kahit papano ang magmura, magtipid, kumain ng marami, manala ng kaibigan dahil naglilipanan sa network ko ang mga “plastik” na nilalang, mag-aral, huwag basta magpadala sa bugso ng emosyon, at iba pa) saka ko naman hindi naisusulat ang new year’s resolution ko. Nasa utak ko na lang ang mga iyan, pero mas naisasagawa ko naman kesa sa mala-planadong pagbabago.

Sa totoo lang, isa sa nakakatawang parte ng ating buhay ay ito – gagawa ang isang tao ng new year’s resolution para sa darating na bagong taon (siyempre), pero wala pa nga sa kagaitnaan ng taon e hindi naman niya naisasakatuparan ito. Hindi nasu-sustain o nagiging “inconsistent” ang mga salitang plinano. Anyare?

Kaya ang dating e parang hanggang plano lang ang karamihan sa mga tao na gumagawa nito. (Hindi naman siguro lahat ng tao ay ganyan ano? I mean may mga tao rin naman na nagagawa nila ang mga resolusyon nila.)

Siguro, bago nila alisin ang bisyo nila (legal man o bawal), magpayaman, magpa-sexy (o magpa-chubby), maging matinong kaibigan/asawa/anak/kapitbahay sa kanilang kapwa, e ito ang dapat nila maikunsidera bago gumawa ng new year’s resolution: DISIPLINA sa sarili. Dahil kung gusto nga ng pagbabago ng isang tao sa sarili niya e dapat matuto siya kung paano kumontrol sa kanyang sarili.

Maganda nga naman ang may plano ka sa iyong sarili sa mga bagay-bagay na may nais kang baguhin. At least may ideya ka kung paano mo siya isasagawa, ‘di ba?

Pero alalahanin mo – ang pagbabago ay mas maganda kung idinadaan ito sa gawa kesa sa salita. Oo, isinasagawa nga kesa sa tahasanag paglalahad tulad ng isinusulat lang sa papel, gini-GM sa text, tini-tweet o ginagawang status sa Facebook.

Dahil hindi mo ginawa ang mga yan at bagkus e wala naming pagbabagong naganap sa iyo sa paglipas ng taon, tatlong salita ang tiyak na possibleng tatama sa iyo pabalik: mayabang, hanggang salita, o hipokrito ka pala e.

Kaya… New Year’s Resolution? Tigil niyo na yan!

Pero kung gagawa ka pa rin niyan, e siguraduhin mo lang na magbabago ka talaga ha?

09:39 a.m., 31/12/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 29 December 2012

For Ligaw's Sake?


Panliligaw? Uso pa ba iyun?

Sa totoo lang, nagbago ang pananaw ko ukol sa bagay na ito. Ang pagkakaalam ko lang e para kang isang produkto at binebenta mo ang sarili mo para maakit siya at mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ihinahakbang mo ang iyong best foot pa-forward, ika nga. Yung tipong palapit sa kanya. Kung kelangan mo na gumastos ng pera at panahon, mag-effort mula bahay mo papunta sa bahay niya, o ultimo magpapansin sa text at Facebook, basta para lang makuha ang atenmsyon niya, gagawin mo. Oo ganun nga. Gagawin mo.

Ganun? LECHE! Tigilan na natin ito.


Sa totoo lang, hindi ko mawari ang mga nangyayari sa panliligaw ngayon? Yung tipong hindi dapat na maging pangkaraniwang para sa isang “manliligaw” lang.

Unang-una. Magtatanong kung “pwede bang manligaw?” Siguro bigyan natin ng benefit of the doubt na siguro ang taong iyun e takot ma-reject (sino ba naman sa atin ang gusto ma-turn down, ‘di ba?). Pero, pano kung ang prospect mo e yes lang ng yes? As in lahat ng taong nagtanong lang sa kanya na kung pwede daw ba siya ligawan e yun lagi ang sagot. Oo, yung nga – ang OO. Masasabi mo bang malandi siya kung ang intension niya ay mag-entyertain ng mga manliligaw?

O paano na lang kung talagang ayaw niya. May magagawa ka ba? BASTED! Kaya ang matinong tip dyan, ‘wag mo na lang itanong yun, gawin mo na lang.

Idagdag mo pa ang panahon na inaabot. Long courtship ba? Yung tipong pang-ubos ng kung anuman ang nasa kalooban mo. Ang hirap siguro nun no kung 2 years mo siya niligawan then all of the sudden, basted ka pala! Parang nasayang lang ang panahon na dapat sana e nilalaan mo para makaiskor ng Godlike game sa DoTA, maging susunod na NBA o UFC na superstar, na-promote na sa trabaho, maging cum laude sa pinapasukang eskwelahan, o tumira ng sandamukal na extra rice at bottomless iced tea.

Ito pa ang pangit dyan. Nagseselos na parang akala mo e boyfriend ka na niya, lalo na kapag kausap niya ang mga kasamahan niya sa work e obvious naman na ni yung mga lalakeng yun e hindi naman siya pinopormahan. Hoy, baka nakakalimutan mo na may linya na nagbibigay ng pagitan sa pagiging “suitor” sa pagiging “sweetheart,” ha?

Isa pa. Nanliligaw ka at ine-engage mo ang iyong sarili sa kanya at sa relasyong namamagitan sa inyong dalawa dahil sa nararamdaman mo sa kanya bilang taong mahal mo. Hindi para i-display mo siya bilang “trophy” (mas masaklap: collect and select), yung tipong may masabi ka lang na “uy, guys... girlfriend ko pala oh!” Iba ang mga akto ng nagmamayabang dahil “girlfriend” mo siya, sa nagmamayabang dahil sa “minamahal” mo siya.

At, ito pa. Hindi porket sinagot ka ng kasintahan mo e titigil ka na sa panliligaw sa kanya. Ika nga ni Papa Jack, tuloy-tuloy yan kahit maging mag-asawa na kayo. Bagay na hindi na yata nagagawa ng iilang mga tao sa kanilang partner. Baka naman t’wing montshsary lang magpakita ng lambing ‘tong mga to sa isa’t isa. Nagbago na ang mga lalake sa kanilang babaeng niligawan porket napasagot na nila.

Kaya what’s the point para manligaw pa?

For proper or “formality” ba? E una, kayong dalawa lang naman ang involved dyan, hindi ang sambayanan na usisero at tsismoso na makikibalita sa estado niyong dalawa? At huli, ang relasyon ay nagsisimula sa bagay na hindi kinakailangan ng kung anumang pormalidad na pamamaraan. Right timing and right place? Given, pero right manner to start it out? Weh.

Gayahin mo lang si Macoy (na base sa isang kumento na nabasa ko sa isang blog ukol sa panliligaw). Ansabe ng mga tao sa mga salita niyang, “I don't believe in courtship. It's a waste. If I love the person, I'll tell her right away. But for you I'll make an exception. Just love me now and ill court you forever.”

Sa madaling sabi, kaechosan lang daw ang panliligaw kung ang dating Diktador ang tatanungin. Kung gusto mo ng mas brutal na termino para dyan, give a big English word called BULLSHIT. Kung gusto mo sabihin na mahal mo talaga siya (pero siyempre, dapat totoo yang nararamdaman mo ha), e di gawin mo. Ipagtapat mo. At kung anuman ang mangyari pagakatapos nun, make sure na wala kang regret.

Minsan, mas naiisip ko pa na mas tama pa ang friendship bilang “getting-to-know-you” phase kesa sa panliligaw mismo e. May mga tao nga dyan e ilang araw na magkakilala, nagkaroon na ng aminan e. Gusto ni mokong ang loka. Ganun din naman ang ale sa manong. Then, nag-usap ukol sa estado nilang dalawa. Nag-agree na sila na pumasok sa isang relasyon. Hindi yung tipong nagpaliguy-ligoy pa.  At hindi “PBB Teens” yun, tulad ng mga sasabihin ng mga mababaw lang ang pag-unawa. (Siyempre, case-to-case basis naman yun bago mo husgahan no)

At ito nga pala... relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw.

Kaya… courtship stage? Asus. Tigil niyo na iyan.

03:13 p.m., 30/12/2012
Author: slick master| © 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 26 December 2012

Inside the mind of a straight-forward guy.

Sa panahon na marami na ang abusadong nilalang sa kanilang mababait na kapwa, mga tulad ko na lang yata ang tanging makakatapat sa mga ito. Oo…

“’di bale nang masungit o suplado, kesa naman sa laging inaabuso o naaagrabyado.”

Parang mas okay pa ang maging prangkang nilalang, straightforward, maangas na kala mo ay isang siga kesa sa pagiging anghel palagi (yung tipong “hindi makabasag-pinggan” ba),  o kung sa mata ng mga romantiko e “gentleman,” at underdog ang effect. At by the way, hindi ito usapin ng pagkakaroon ng “pleasing personality,” ha? Iba yun.

Bakit kanyo? Simple lang.
Nakakasawa na rin ang pagiging mabait e. Pakakasawa in a sense na mapapatanong ka na lang sa sarili mo habang nagmumuni-muni ka mag-isa sa isang sulok ng kwarto mo, o pag nakatingin ka sa salamin (na hopefully e hindi mabasag sa isang sulyap mo lang). Parang….
Bakit nga ba ganito ang iilang mga tao, ano? Kapag mabait ang nakakasalamuha nila, inaabuso ang kabaitan nila. Pero kapag sumabog ito (yung tipong napuno na. Come on, kala mo porket mabait e hindi siya nauubusan din ng tinatawag na “pasensya?”), parang lintik ang mga kumag na hahanap at gagawa ng butas para lang siraan siya. Palibhasa mas tumatatak pa sa isipan ng mga ‘to ang mga negatibong bagay kesa sa mga magagandang nagawa.
Ano ‘to? Ganito na ba kakakitid ang utak ng mga mokong na ‘to?

Sa totoo lang… ang inyong lingkod ay ilang beses nang nagging biktima ng ganitong pagkakataon. Pag nice guy ka, parang wala kang puwang sa mundong ito. Lagi kang nagiging butt ng jokes. In short, binu-bully. At bakit ganun ang nangyayari sa akin?

Wala e. Likas kasi na mabait ako e.

At maliban pa sa naranasan ko e ganyan din ang naoobserbahan ko sa lipunang ito. Madalas pa kamo nabibiktima ang mga taong walang kamuwang-muwang. Yung mga mukhang mabait. Kawawa naman tong mga ‘to, bagamat kung sa kabilang band aka titingin – yung tipong perfectionista ang punto de vista mo – e mabibira mo pa sila na mga “tatanga-tanga.” Oo, tatanga-tanga kasing yan.

Ito pa, kapag dinaan sa diplomasya, hindi ka pakikinggan. Pero 'pag dinaan sa dahas, sila pa ang may ganang magreklamo. Ni hindi sinubukan na intindihin ang mga bagay-bagay bago umangal? Sapatusin ko kaya ang mga bunganga nito?

Ang mas masaklap diyan, kung sa pag-ibig pa ang usapan, dalawang bagay lang yan: mape-friendzone ka dahil sa sobra mong kabaitan, o lolokohin ka lang ng jowa mo balang araw (oo, pag dating ng panahon na sa sobrang pagiging mabait mo e mauumay na siya) – well, maliban na nga lang kung sadyang matinong nilalang din ang partner mo.

Kaya minsan, sabi ko na lang ay “tama na ang pagiging ganito. Hindi tayo isasalba ng karma mula sa itaas kung tayo mismo e hindi rin matututo at magtatanda. Kung kailangang gumanti, e ‘di gawin!” At hindi ko sinasabi ‘to para magkaroon ng away, ha? Ang punto kasi dito e kelangan din malaman ng mga abusadong ‘to na hindi tayo basta-basta tao lamang. Oo, hindi nga ako ipinanganak para mangagrabya ng kapwa ko, pero hindi rin ako namuhay sa mundong ito para tapak-tapakan lang ng mga mukhang paa na mga asungot, este, abusadong nilalang na tulad ng mga ‘to.

At bakit ganun na lang ang pananaw ko, na alam ko may bibira dyan na sobrang taliwas sa nakararami ang anumang paniniwala ko sa puntong ito?

May kasabihan, “nice guys finishes last.” At uso kasi ngayon ang mga tipo na agresibong lalake. Aggressive in what? Well, alam niyo na yun, liberated na rin kahit papaano ang kaisipan ng mayorya e.

At ika nga ni Stanley Chi sa kanyang librong POGI POINTS, “Kung masaydo kang good boy, iisipin nilang nagpapanggap ka o madali kang mauto! Either way, talo ka.” Ano ibig sabihin nito? Ang sobrang kabaitan ay nakakasama rin pala.

Kaya minsan, pa entrance-exit na lang ang mga salita ng sermon ng ermat ko sa tenga ko kapag napansin niya na maangas na ako kung umasta. Katulad na nga lang ng sinabi ko kanina, ‘di bale nang suplado, kesa naman sa laging naagrabyado.

At how I wish na maintindihan ng mga tao yan mula sa akin.

Kaya kung napapansin niyo na ganito ako kaangas ang asta ko ke sa personal man o sa harap ng modernong teknolohiya (na minsan e napapagkamalan pa akong nawawalang utol ng Tulfo brothers ayon sa aking Ate Dhors sa DFBI), e at least alam niyo na ang dahilan.

02:58 p.m. 27/12/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 25 December 2012

Patutsada


Isang balik-tanaw sa ilang mga kaganapan ngayong taon ng 2012. Dito nasukat kung gaano katinidi ang isang salita na binitiwan sa live national television at kung gaano katalino at ka-insensitive ang mga taong nag-a la usisero sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter.

Sa kasagsagan ng kontrobersiya na kinabibilangan football team ng ating bansa na kung tawagin ay ang mga Philippine Azkals, isa sa maiinit na salitang umusbong at nagtrending ay ang patutsada ng brodkaster na si Arnold Clavio.


Umere sa isa sa mga episode noong Marso 2012 sa pambalitaan sa umagang palabas na Unang Hirit ang naturang remark ni Clavio. Ke “Hindi naman kayo Pilipino, nagpapanggap lang kayo na kayumanggi. Hindi ditto lumaki…” (hindi sa eksaktong paglalarawan ng mga salita)

Malamang, patama ito sa mga manlalaro ng Azkals na may halong ibang lahi.

At nagatong pa nga diumano ito sa isyu ng Azkals laban kay Christy Ramos, isang match commissioner.

Sa sobrang tindi ng impact ng nasabing remark, to the rescue ang girlfriend ni Phil Younghusband nun na si Angel Locsin, isang sikat na aktres sa isang TV network. Ayon kay Locsin (sa pamamagitan ng kanyang Twitter account), bagamat kinikilala niya ang opinyon ni Clavio bilang isang kaibigan mula sa network na minsan e pinagtrabahuan niya, e “foul” na maituturing para sa kanya ang mga salita na live on-air pa umano ito binitiwan ni Clavio.

Umani ng batikos si Clavio sa mga social networking site, ke ano daw ang karapatan niya magsabi nun e tila salita ito ng isang utak-talangka raw na tao at mukha lang naman daw siyang papet (bagay na sa tingin ko e out of hand na para sa sinumang mga nagreact nun).

Sa panig naman ng brodkaster ehumuhingi siya sa publiko ng matinding pag-unawa sa kayang nasabi na tila “offensive” na. Pero hindi siya nagbigay ng apology, at lumipas ang ilang mga araw, patay na ang isyung ito.

Kung hindi nga ako nagkakamali e pina-alis sa mga channel sa YouTube ang karamihan sa mga video na may kinalaman sa nasabing mainit na patutsada ni Arnold Clavio. Bagay na inalmahan na rin ng iilan.

Sabagay, uso kasi ang pangba-bash e. Lalo na kung against the flow ang mga binibitawan mong salita, lalo na ang lawak at ang tindi ng kapangyarihan ng interenet para sa sinuman, ke ordinaryong usisero ka lang o isa ka mang bigating personalidad.

Pero…racist nga ba? O saydang hard-hitting lang talaga?

Kung ako ang tatanungin, wala akong nakitang masama sa papanaw ni Clavio. Siya yan at sa kanya iyan e. Ika nga, “everyone is entitled on their opinion.” Yun nga lang sa kabilang banda, may pagka-racist kasi ang dating nito para sa akin e, bagamat tingin ko hindi niya ito intensyon. May mga bagay kasi na pwede mong ilahad sa ere at meron ding hindi mo na pwede pang sabihin, yung mga tipong “foul” na.

Siguro, ito lang, ano? Napakatindi man ng wika ni Clavio, e pasalamat na rin tayo na may naglalaro para sa ating bayan. Kung iniisip man natin na panay foreigner na lang ang nagpapakitang gilas sa palakasan e darating din ang panahon na matutunan din ng Pinoy na maglaro ng sports, at hindi yung ugali na “hindi sport.”

Kung kelan yun, hindi ko pa masasabi. Basta ang alam ko, recognized na ang football sa bansang Pilipinas.

Sources:

06:19 p.m. 25/12/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

How POGI POINTS Changed My Life

12/25/2012 07:00 PM

(Alternate title: "Book Review: Stanley Chi's POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good")

DISCLAIMER: This blog is not directly promoting the book of StanleyChi which is entitled POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good. The write-up actually is just a way of expressing the author’s great (as in super great) impact infused and influenced by the said book, just as similar to those “testimonial” remarks on advertisements and commercials.

Aminado ako na lately lang ako nahilig sa pagbabasa ng libro, at ang kadalsang tema na trip ko ay ang mga may halong kwela at may kaatorya-toryang mga nilalaman (o kung tawagin ay ang “may sense”), mula sa mga maiinit na pahayg ni Lourd de Veyra hanggang sa mga pagsagot ni Ramon Bautista sa mga tanong sa kanyang Formspring.

Ni hindi ko nga alam kung sino ba itong si Stanley Chi na ito e hanggang sa minsan napa-akyat ako sa stage sa isang book launch ni Ramon Bautista para sa isang patimpalak nun na sad to say e nanalo ako (pero siyempre, joke lang yun),

Hanggang sa inanunsyo niya pagkatapos ng event nay un na may book launch siya, at ang kanyang pinakalatest na akda? Ay ang POGI POINTS.

Teka, ano nga ba itong POGI POINTS na ito?

Ilang araw bago ang book launch niya (at sakto na payday ko nun) ay agad akong tumungo sa isang bookstore at bumili ng librong iyun.

POGI POINTS, the not-so-gentleman’s guide to looking good. Sapul ba ako, porket isa akong “not-so-gentleman” (baka mas akma pa sa akin ang terminong “gentle-mean” eh) na nilalang?

Isang upuan ko nga lang nito e tapos ko nang basahin nag mahigit isang daan (at something) na pahina ng naturang libro e. Basta, ang pagkakaalam ko lang nun ay halos ibang-iba ang dating niya kung ikukumapra sa kanyang mga naunang aklat na Suplado Tips.

Ang iilan na nakatulong sa akin actually ay ang mga sumusunod:

  • Kung may nililigawan ka, huwag mo na siyang bolahin. Sabihin mo na yung totoo para hindo mo na sinasayang ang oras niya. Amtutuwa pa siya sa’yo!
  • Kung may kasalanan ka sa kanya, aminin mo na! Mas mapapatwad pa ka pa niya!
  • Kung hindi ka pogi, idaan mo sa bait!
  • Kung hindi bagay sa iyo ang hairstyle, huwag mo nang pilitin. Baka magsisi ka lang!
  • Kung hindi ka niya type, ok lang yan. Isipin mo na lang… “It’s her loss, not mine1”
  • Ang mga salitang “Babe,” “Honey,” at “Sweetie,” ay makamandag. Use it wisely para iwasa paasa!
  • Ang gwapo at pogi ay parang lalake at bading; parehong may etits kaso magkaiba pa rin.
  • Hindi porket na-friendzone ka, magmumukmok ka na; isipin mo na lang, na tataba din siya!
  • Being pogi isa a choice… kung ayaw mong maging pogi, eh ‘di huwag!
  • Manyak – Manyakis; Gentleman – Mahiyain na Malibog; Gentlemanyak – maginoong Manyak
  • Huwag mag-expect, para hindi ka magmukhang feeling!

Well, iilan lang yan sa sandamukal na nilalaman ng mga libro niya. Maliban pa diyan ang may mga nilalaman pa siya na sari-saring kwentong makwela, nilalaman ukol sa mga kalalakihan, at iba pa na nakaka-agaw ng pansin para sa mga babae, turn on man o turn off.

Sandali ko lang nakadaupang-palad ang awtor na si Stanley Chi sa kanyang book launch ng POGI POINTS noong Disymebre a-1 sa Shangrila-Mall branch ng National Book Store (sa dami ba naman namin na nagpa-autograph ng libro sa kanya e.); at naalala ko nga na ipi-feature ko sa mga blog ko ang mga librong tulad ito.

Kung ako ang tatanungin, ayos din ang nilalaman nito ha? Seryoso, ]walang halong biro. Pa’no nga ba naging malupit na libro ito para sa akin? Una, kung uunawain mo ang diwa ng mga binabasa mo. Kung tama rin at akma ito sa personalidad mo, e di sakto. Gamitin mo. Hindi siya parang “nagpa-impluwensya” o “nagpasakop” ang dating. Ganyan ang nangyari sa akin.

Basta, may matinding factor ang librong ito para sa akin. Maliban pa kasi dun e may dinate pa ako na babae kaya sakto ang timing para sa akin ang librong ito. Pero hindi “pretending” ang peg ha?

Nalupitan lang ako kay Stanley Chi. At dahil diyan, hindi man ako totally good-looking sa mata ng nakararami (unless kung nakilala mo ko sa personal tulad ng mga tropa kong blogger sa Definitely Filipino), e…. ayun na. Matindi lang ang naging epekto nito sa buhay ko. Parang naging matinong nilalang tuloy ako nito, lalo na pag kaharap ko ang mga tao (at lalo na ang babaeng dine-date ko dati na girlfriend ko na ngayon).

Ayun. so, saludo ako kay Stanley Chi para sa librong ito.

Final verdict: 4 and ¾ stars out of 5.

Stanley Chi’s book POGI POINTS is a book published by PSICOM Publishing, Inc.

All the mentioned bulleted excerpts in this blog are courtesy from the book of Stanley Chi which is entitled POGI POINTS.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Nakakabato.


Teka nga, teka nga… *handclap* Pusong bato ba o sadyang nakakabato lang ang kantang ito?

At teka ulit, bakit nga ba ulit nauso ang kantang ito? Ang daming matitinong musika sa lokal na kultura natin? Pero… pusong bato?

Ano ‘to? Maraming nagiging emotero sa panahon ngayon? Yan kasi dala ng panunood n’yo ng mga telenobela.

Manhid lang ba, o sadyang nakakabadtrip na lang nag paglipana ng ganyang kanta? Ay, ewan.


Nasobrahan na kasi sa romatisismo ang musika sa panahon ngayon e. Kapag walang halong pag-ibig ang tema ng awit mo, huwag kang umasa na bebenta ka kaagad maliban na lang kung ikaw ay katulad nila Gloc-9, Parokya Ni Edgar, at kung sinu-sino pa.

Na-associate na ang popular na kultura sa mga novelty na tema ng musika. Parang pag-ibig sa ideya ng komersyalismo.

Kung hindi ako nagkakamali, babae ang unang kumanta nito (si Aimee Torres ayon sa mga search results ng YouTube). Pero ayon sa mga nakalap ko, ang orihinal na kumanta nito ay Renee "Alon" Dela Rosa. Umeere ito sa halos kahit saan, mula sa istasyon ng radyo na pianpakinggan ng magkakapitbahay, sa mga piniratang (o pina-burn) na CD na tumutugtog sa mga dyip (o minsan pa nga e sa mga USB o mp3 player nila); mapa sa computer shop na tinatambayan; at kahit pagdating ng mga pagdiriwang, tulad nitong nagdaan na Pasko (kung hindi Pusong Bato ang kinakanta ng mga ‘to, e sinasayaw naman yung Gangnam Style). Kung hindi ang mga tulad ng pop at hip-hop genre, e ‘di ito. Oo, ang kanta ngang ito.

Nakaka-LSS ba? Ayos lang iyan. Pananaw mo iyan e.

Sinubukan kong suriin ang kantang ito. Ang magkaibang bersyon nilang dalawa. Well... maganda naman yung lyrics. Pero, with all due respect sa mga fans ng kantang ito, mas gusto ko pa rin ang version ni Torres. Yung pangalawa kasi e parang pang-jukebox ang dating, (kaya siguro patok na patok ito sa madla, hindi na rin kataka-taka) Perop... Naalibadbaran lang ako sa boses, lalo na sa chorus part. Parang pumiyok ang dating e. Nyay, inay kupo.

Ito ang dahilan kung bakit tila hindi ka-astig ang dating ng musika sa panahon ngayon. Kung hindi sa mga hindi-pa-hasang talento, mga nakakabatong mga record. Tsk.

Pero ano nga ba ang magagawa mo, kung nasa panahon na na tila deteriorated na ang kalidad ng media na nakikita mo? Pang-mababaw lang ba? Ala naman hindi mo tangkilikin ito, maliban na lang kung may alam ka na matinong choice.

05:59 p.m., 12/25/2012
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Monday, 24 December 2012

PAALALA SA MGA INAANAK.

12/24/2012, 05:34 p.m.

“Paalala sa mga inaanak, HINDI PO KAMI NAGTATAE NG PERA AT NG ANUMANG MATERYAL NA BAGAY. Mag-ipon kayo ng karunungan, mag-aral ng mabuti at tigil-tigilan ang pakikipaglandian at ultimo ang pagiging ambisyosa’t ambisyoso na maka-iskor ng mga bagay na tulad ng iPad at mamahaling cellphone mula sa amin. Ang hirap na nga mamuhay, magpapaka-sosyal pa kayo d’yan!”

Una ko itong ipinaskil bilang isa sa aking hindi mabilang na mga status sa Facebook. Pero itutuloy ko na ito bilang isa sa aking natatanging blog post ngayon Pasko.

Hindi sa pambabasag ng trip o sa pagiging “scrooge”, ha? (kasi malamang, kapos sa pag-unawa lang ang magsasabi ng mga yun) Alam ko, namuhay rin ako sa panahon na nakakatanggap ako ng magagarbong laruan noong bata pa ako. Ang pera, makukunsidera pa.


Pero hindi ibig sabihin e, aasa tayo sa ganitong bagay twing sasapit ang kapaskuhan. Tumatanda rin tayo, sa ayaw man o sa gusto natin. At siguro bihira na lang ang mga tulad namin na sapat na ang pagbati ng minamahal bilang regalo sa naturang panahon. Ang sarap ng buhay nating tinatamasa, pansamantala lang yan, maliban na lang kung ikaw mismo ay magtatrabaho para makamtan ito. Hindi porket nakakuha ka ng limpak na salapi bilang aguinaldo mula sa kanila e gagastahin mo na. oo nga, lalo na ngayon na tila humihirap ang mga paraan para mamuhay mula sa paghahanap ng trabaho, hanggang sa usaping halaga ng sweldo, hanggang sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Pero ito kasi yan e. Hindi inimbento ang “godparents” – o sa ating lengwahe, “ninong” at “ninang” – para maging tagapag-provide ng anumang makamundong material na bagay. Take note, “godfather” at “godmother” sila, hindi “sugar mommy” o “sugar daddy” mo na may instant money from their pocket. Dahil katulad ng sinabi ko kanian… tumatanda rin tayo. Iba ang noon sa ngayon, lalo na sa advent ng mga naglalabsang problema sa ekonomiya na tulad na lamang ng halaga ng gasoline na may “domino effect” sa ating mga bilihin.

Kung sa aspeto ng mga relihiyong seremonyas ang usapan, ang mga ninong at ninang ay ang mga tao na gumagabay lamang sa kanilang ini-isponsor na tao na tatanggap ng sakramentong inaalayan mula sa kanyang relihiyon. Madalas ay ang mga hindi-materyal na bagay na tulad ng payo at pangaral ang kanilang dala-dala.

Halimbawa, kung si Ninong Johnny natin (co-incidence lang po ang paggamit ng naturang pangalan) ay isa sa mga matataas na opisyal at kumikita ng malaking pera na kayang ipamigay na lamang sa inaanak niya tulad ko, e pa’no na ngayon na retirado na siya? Wala nang pinagkakaabalahan sa buhay, o sa madaling sabi – “matandang batugan?” Kapag hindi na siya nakapagbigay sa iyo ng aguinaldo at ang tanging wika niya ay “pasensya na hijo. Ang tanging maiaalok ko na lang sa iyo ay ang mag-aral ka ng mabuti para sa kinabukasan mo…” ano, magmumukmok ka? Hindi niya maibigay ang inaasam mong high-end na gadget, isusumpa mo siya na “Pucha! Naging ninong pa kita!”

Tangina naman. Ang kapal naman yata ng mukha mo, tsong.

Nakakalimutan yata ng mga uhuging ito ang tunay na kahulugan ng ninong at ninang o ultimo ang tunay na halaga ng Pasko sa ating buhay.

Maliban sa pag-eemo a la SMP na pinapauso na matagal na ang nakalilipas (pasalamat sa mga tulad ng kantang “Miss Kita T’wing Christmas,” “Christmas Won’t Be The Same Without You,” o ultmo ang “All I Want For Christmas Is You”)… e ginagawang ideya na lamang ng kommersyalismo ang Pasko, ke may halong relihiyon man iyan o (ayon na rin sa ibang mga kaibigan ko,) may pagka-Paganismo ang naturang tradisyon.

Ito lang kasi iyan e. Ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan, na sama-sama ang mga tao bilang isang pamilya o komunidad, nagkakasiyahan, pagbibigayan, at kung ano pang kagandahang-asal na maari nating ipakita sa ating kapwa. Wala ito sa halaga ng ating mga hinahawakang material na bagay. Ito ay nasa ating diwa, bilang kapwa tao.

At diyan nagtatapos ang aking tirada ngayong kapaskuhan. Ulit, mga bata (at batang-isip…) pangaral ang kailangan mo, hindi iPad para makiuso ka sa iyong barkada. Sa mahirap na sabi… uultin ko ang binanggit ko sa pinaka-unang talata.

“Paalala sa mga inaanak, HINDI PO KAMI NAGTATAE NG PERA AT NG ANUMANG MATERYAL NA BAGAY. Mag-ipon kayo ng karunungan, mag-aral ng mabuti at tigil-tigilan ang pakikipaglandian at ultimo ang pagiging ambisyosa’t ambisyoso na maka-iskor ng mga bagay na tulad ng iPad at mamahaling cellphone mula sa amin. Ang hirap na nga mamuhay, magpapaka-sosyal pa kayo d’yan!”

Okay? Maligayang Pasko.

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

I Miss You LANG t’wing darating ang Christmas?


Warning: This may be an anti-romantic post. Strong Parental Guidance is advised for superficial and fool-minded readers. Read before you react.

Music, please!

(song playing) “Ang Disymebre ko ay malungkot…”

Ayun, hindi ko na alam kung ano ang kasunod ng kantang iyan. Pero kung hindi ako nagkakamali, ang pamagat ng kantang iyan ay “Miss Kita Kung Christmas.”


Tama. Ito ang isa sa mga kasuklam-suklam na realidad ng ating buhay. Namimiss lang ang isang taong minamahal kapag dumarating na ang Kapaskuhan. Hinahangad na makapiling o makasama siya. Siguro, applicable ito kung kayo ay mag-asawa na, or pwede ring LDR. Pero…

Teka, bakit ganun? Kalian pa ba naging big deal ang magkaroon ng karelasyon pag darating ang Christmas season? Pasko naman ang ipinagdiriwang ha, HINDI VALENTINES DAY! Buti sana kung wedding anniversary niyo yan o natapat sa 25 ang monthsary niyo? At teka nga, sino bang hunyago ang nagpauso ng salitang “monthsary?”

Panahon kasi ng pagmamahalan ang Pasko. Pero ang pagmamahal na ito ay hindi intended para sa magkasintahan lamang (o sa ibang mabababaw na akso, sa mag-M.U. lang) kundi ito ay para sa mga magkakapamilya at magkakabarkada, at kung sarado Katoliko o Kristiyano ka pa e sa isang espesyal na nilalang ito nilalaan… sa nagsilbing tagpagligtas ng sangkatauhan.

O, yun naman pala eh! Dapat nga sa kanya natin sabihin ang “miss kita.” ‘di ba, Bro?

Pero, miss mo lang siya ‘pag Christmas? E paano kapag ibang araw na ang lumipas? Hindi mo na siya mamimiss? Ganito na ba kagago o kagaga ang iilang tao pagdating sa usapin ng minamahal? Kapag may espeysal na okayon na lang kayo nagkaka-miss-an sa isa’t isa? Oo, sa okasyon na lang ba? Pambihira naman oh.

Sabagay, uso kasi ang timing sa lahat ng bagay. Hindi naman pwede magsabi ng “miss na kita” araw-araw, unless kung talagang namimiss mo siya. Nakakakuliling naman kasi sa tenga yun kahit baka maempatso na rin sa sobrang katabaan ‘yang puso mo nang dahil sa sobrang kilig na nadarama mo.

Pero ‘tol, nagmamahal ka e. Kung tutuusin sa panahon ngayon, hindi na pwedeng gawing uso ang mga salitang “I miss you kapag Christmas” or hindi na rin pwedeng twing Christmas mo na lang sasabihin ang nararamdaman mo sa kanya. Oo, hindi na pwedeng i-trending pa ang mga yan dahil ano na lang ba ang silbi ng Skype at ibang mga modernong bagay tulad ng internet? may mga tulad pa nga ng Viber e.
O magpakatotoo ka. Hindi ganun katindi ang nadarama mo kaya bihira ka lang magparamadam ng pagkamiss sa kanya? Auun lang.

Iba pa rin kasi ang personal e. Yung may hawak, yakap, halik at lambing niya. Yun malamang ang mamimiss mo dahil sa lamig ba naman ng panahon e, kailangan ang mga bagay na yun para magkaroon ng init ang nararamdaman mo (ops, yung cleaner side ha? Wag dirty-minded), lalo na ng puso mong nanlalamig sa simoy ng hanging amihan. Pero hindi lang sa romantisismo umiikot ang salitang pag-ibig. Which means (and I quote again) na hindi lang sa boyfriend o girlfriend lang umiikot ang salitang pagmamahal at ang araw mismo ng Pasko.

Miss mo lang siya kapag Christmas? PUCHA, nagmahal ka pa!

11:39 a.m. 11/13/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Does the world really need LOVE?


Sarap lang minsan makinig ng lumang kanta, lalo na papalapit na ang pasko, parang itong mga kataga mula sa Jackson 5 na “Give Love on Christmas Day.”

“But the world needs is love, yes the world needs your love…”

Isang tanong na napakadaling sagutin, pero mahirap ding patunayan (sa madaling salita, KUMPLIKADO pa rin). Kailangan ba talaga ng PAG-IBIG sa mundong ito?

Parang mas naiisip ko pa na ang pinakahiling ng karamihan sa mundo, maliban pa sa mga bonggang-bagong mga imbensyon, ay ang kapayapaan. Ika nga, What is my wish for Christmas… is world peace.

Pero… Pag-ibig? Kailangan ba talaga natin niyan?


Sa panahon ngayon na nagkakagiriian ang ilang mga bansa, nagkakawatak-watak ang mga samahan, nasisira ang relasyon (ke lovelife man yan o hindi), nagbabago ang kutura ng pamumuhay… OO naman. Kailangan talaga ng pagmamahal sa sinuman.

Pero ‘di ba, ang pag-ibig din kasi ang nagiging ugat kung bakit may mangilan-ngilan na kaso ng karahasan? Kung bakit marami rin ang naiispoiled na bata, imbes na mag-aral sa eskwela, e pinag-aaralan ang mga laro at application sa iPad at kung ano pang mga modernong makamundong bagay pa na iyan.

Kunsabagay, kapag lumabis kasi ang tao sa isang bagay, kahit anong kagandahan pa ang nilalaman at intension nito, nagiging masama pa rin. Oo, kahit sa apeto pa ng pag-ibig. Yan rin kasi ang hirap sa tao na hindi marunong makuntento sa isa, matuto sa kanyang mga tiwala’t salita, at kung ano pa na sumosobra na.

Yun nga lang, hindi ganun kalinaw ang pamantayan dyan. Kung kelan nagiging obsessed ang tao sa isang bagay na mahal niya.

Pero, does the world really need love? Oo naman, isipin mo kung walang pag-ibig sa mundong ito. Panaymasasama at makamundong bagay na lang ang namamayagpag. Ewan ko lang kung mabubuhay ka pa sa dami ng mga gahaman at insekyurang mga nilalang diyan.

Isipin mo na lang kung ang mundo ay puno ng pagmamahal sa kapwa. Lahat ay at peace, nagkakaunawaan. Nag-aaway man sa pagkakaiba ng mga interes, pero sa bandang huli, nagkakasundo. Parang gusto mo na lang na humiga sa langit dahil sa sobrang kumportable.

Madaling humiling at magsabi ng mga bagay na kailangan natin ‘no? Kung masali lang sana natin maabot iyan.

11/11/2012, 09:52 a.m.
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions
Follow slickmaster on Twitter at http://www.twitter.com/slickmasterph
Like him up on Facebook at http://www.facebook.com/theslickmaster28

Monday, 17 December 2012

The end? WEH.


Sinasabi na sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.

Hmmm.... ano na namang kabalbalan ito?

Kabalbalan ba kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.


Ayon sa mga propesiya ng mga Mayan, nakatakda na magtatapos ang kanilang kalendaryo sa ika-21 ng Disyembre 21, 2012. Pinag-aralan ng nasabing sibilisasyon ang mga bagay-bagay ayon sa siklo ng araw.
Isa naman sa mga prediksyon ay ang mga nagaganap na kalamidad. Mula sa hurricane sa bansang Amerika hanggang sa matinding pagyanig sa Japan, at sa mga matitinding pananalasa ng mga kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Isa pa? Ang mga prediksyon mula sa Merlin, ang libro ng Revelation sa Bibliya, at ang Chinese oracle na I Ching na nagpapahiwatig ng kung kelan magtatapos ang panahon ng sibilisasyon.

Hmmm... ganun?

Meron pa. Ang mga hula ni Nostradamus.

O, ano naman meron dun?

Marami kasing nagawa na mga propesiya si Nostradamus. Andiyan ang mga posibilidad ng mga paghhasik ng lagim, ke digmaan man at kalamidad ang usapan, ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan.**

Pero.... teka muna. Di ba dati may mga hula na rin na magtatapos ang panahon natin sa taong 2000? 1998? 

O kahit sa Mayo a-21, 2011?

E kung ganun... ANYARE?

‘Wag kasi magpapaniwala sa mga ganyan.

Una, kung may pananampalataya ka sa Dakilang Mayliha, Bathala, o Panginoon (o kung ano pa man ang tawag sa “supreme being” mo), siya lang ang tanging may alam kung kelan ang panahyon ng panghuhusga sa ating mga tao. Ibig sabihin? Gawin natin siyang bahagi ng ating buhay. Ano pang sdilbi ng relihyon natin kung wala tayong paininiwala sa kanya?

Una-punto-kalahati, kahit wala namang sinasambang relihiyon, wala pa ring nakakaalam kung kelan mangyayari iyun. Yung iba dyan, baka ginagawang gimik ang judgment day para lang may sumapi e. Wag naman po ganun.

Pangalawa, alagaan mo kasi ang kapaligiran mo. Tapon ka ng tapon ng basura sa kung saan-saan e ang lakas ng loob mo naming isisi sa gobyerno ang lahat pag binaha ang lugar na kinatitirikan mo. E kung sabihin ko sa iyo na “ULOL! Ikaw rin gumawa ng ikapapahamak mo. Anak ng putang ina naman oh!”

Pangatlo, huwag kasi masyado magpapadala sa mga nakikita sa mainstream media. Anong konek? Ito lang yan. Ano ang mga nakikita mo sa mga palabas ngayon, maliban sa mga walang kwentang telenobela na lagi na lang pinapaikot ang istorya, at mga nilalang na handang pumatay ng tao sa ngalan ng pag-ibig? Masasamang balita. Isama mo na rin pala ang mga sci-fi movies na sadayang ini-inform ka lang na ganyan ang posibilidad na mangyayari sa ating mundo kapag patuloy pa tayo magloko. Kaya pumapangit ang nasabing genre kasi hindi maintindihan ng mga mababaw na nilalang ang kanilang tinatangkilik e. Tsk.

Pang-apat... Magpakatino ka na kasi. Ika nga nila, “Magbago ka na!” Self-explanatory.

At pang-huli... It’s all in the mindset. Baka sa kaka-isip mo na magunaw ang mundo, para tuluyan nga itong mangyari sa iyo (oo, sa iyo lang at huwag mo kaming idamay). Dumating ang araw na mag-break kayo ng syota mo, nang dahil dun magiging depressed ka at maaksidente ka, mawalan ka ng malay, maging desperado sa kakaisip na “wala na akong silbi sa mundong ito,” hanggang sa ma-deads. E kung ganyan lang din naman e hindi na rin ako magtataka. Tignan mo yung tao na naaksidente sa plane crash sa pelikulang “the secret”  at maging halimbawa sana sa iyo yun na masarap pa ring mabuhay sa mundong ito kung magkakaroon ka pa rin ng positibong pananaw sa buhay na bigay sa iyo ng Diyos at ng magulang mo.

Kaya sa totoo lang... isang malaking palaisipan, este, kalokohan ang END OF THE WORLD.

Bakit kalokohan? Simple lang. HINDI KASI AKO NANINIWALA DUN.

10:10 a.m. 12/18/2012
Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 11 December 2012

Bentahan. (Everyone’s A Salesman)


Tama nga ang sabi sa akin ng trainor ko sa sales department ng isang kumpanya… na bawat isa sa atin ay involved sa kada transaksyon na may kinalaman sa slaes. Ke tayo man ang nagbebenta o tayo ang binebentahan.

E teka, ‘di ba laging may kalakip na halaga ng salapi ang usapang sales?


Actually, hindi sa lahat ng oras. Yan ay kung malalim kang mag-isip sa mga bagay-bagay.
Bakit ganun? Kung papansinin mo ang lahat ng mga pangyayari, ang mundo ay maihahalintulad sa isang malaking palengke o “marketplace.”  At bawat tao ay binebenta ang sarili (sa hindi-singtulad-ng-dumi-ng-utak-mo na pamamaraaan nga lang) sa kada araw na lumilipas. At kada kilos natin ay may kaakibat na kahulugan sa mala-komersyong aspeto ng ating buhay. At respnsable ang tinatwag na “marketing” sa mga ito. Kung bakit tayo tumatangkilik ng mga bagay-bagay mula sa mga produkto hanggang sa serbisyo at ultimo ang mga alok na hindi naman monetary o material ang kapalit at maging ang mga ipinapakita, ipinaparinig o binabasa, mapa personal na pangangailangan man hanggang sa kagustuhan lamang natin.

Oo, halos lahat nga. Mula sa simpleng gawain lang sa merkado hanggang sa mga propesyon, lehitimo man o hindi. Halimbawa?

Mga abogado. Hindi lang dahil sa nag-aalok sila ng serbosyo sa mga kliyente kundi dahil sa mga pahayag na maaring makapagpadsesisyon sa paglilitis ng naturang kaso.

Guro, dahil sa kada kaalaman na ibinabahagi nila sa kanilang mga estudyante, at sa tindi ng pagpepresenta para maintindihan ang mga ito (inisip ko ang terminong “pagpapaniwala” pero malamang hindi ito aakma).
Magulang. Siyempre, yan ang pinakaprimero sa lahat, mula sa utos sa bahay, regulasyon na dapat sundin ng bawat anak, hanggang sa matinong usapan, at kung anu-ano pa.

Pagdating sa panliligaw, ibinibigay ng lalaki ang anumang higit na makakaya niya para lang makamit ang matamis na “oo” ng babae. At ’pag napasagot niya ito, na parang tinamaan ang jackpot sa lotto ang feeling ng mokong, e para rin siyang nakabenta.

Sa mga panayam o interview, pag humaharap ka sa HR o Boss ng kumpanyang inaapplyan mo, minamarket mo ang sarili mo sa totoo lang. Kailangan mong ibenta ang sarili mo sa pamamaraan na pagsagot sa mga katanungan nila, lalo na kung “bakit kailangan ikaw ang aking i-hire dito,” kung bakit sa tingin mo e mas lamang ka kung ikukumpara sa ibang mga aplikante, at iba pa na kailangan mong ipaliwanag at ipakumbinse sa kanila.

Ang mga tagapagtanghal sa entablado man o sa harap ng kamera. Pag nadala ka sa akting niya, nabentahan ka. At hindi madali yun kung ikaw at isang aktor na humaharap sa publiko para lang mag-perform o i-portray bilang trabaho.

At kahit sa mga hindi lehitimo o illegal na business, pag nabiktima ka ng modus, dalwang bagay lang yan. Unang panig, napaniwala ka sa kalokohan niya, at sa kabila naman, bumenta ang gawain ng dorobo.
Marami pang mga gawain sa ating buhay na maihahalintulad sa isang transaksyon ng tinatawag na “marketing.”

Hmm…  basta, tama nga siya. O nabentahan lang din ako ng mga ideolohiya niya?

Pero either way, yun pa rin ang dating e.

11:15 p.m. 12/11/2012
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Monday, 10 December 2012

Just My Opinion: Mocks, Bashes, and Reactions - featuring Justin Bieber, Manny Pacquiao, and the Raging Netizens

12:03 p.m., 12/11/2012

I'm not surprised if some of the kids nowadays would disrespect people whom were known as "legends" at present time.

Take the case of Justin Bieber's bunch of memes for an example.




As shown on his Instagram account, 2 photos were exhibited. First, displaying the late King Of Pop Michael Jackson and then-knocked out Manny Pacquiao both leaning. And second, The Lion King's Simba was attached in that screenshot where the pound-for-pound was knocked down in his recent clash with his Mexican nemesis Juan Manuel Marquez and with the caption "Dad wake up."

And the photo draw the ire of reactions, especially for the Filipinos whom were badly hurt after seeing Pacman lost the fight that way.

And in fact, #RespectThePhilippinesBieber was one of the trending topics at the social networking site Twitter last night.

Now, my take.
It's easy to say to condemn what Bieber had done. And true enough, even yours truly did not found this funny at all.

Somebody might say "Okay, give the kid the benefit of the doubt that maybe he was just trying to lighten up the situation that the world (since not all of Pacquiao's fans are Filipinos alone)." But, he'd done that on a wrong timing basis. Indeed, not a very good timing.

Or somebody might react that "Filipinos are so insensitive! They should accept defeat, and with defeat comes an array of jokes." Well, this actually is nothing new on our culture. Some people used to react properly and some may not. And that's the hardest and saddest part.

I guess, those were another bunch of reasons why Justin Bieber was always bashed, aside from those controversies he had went through on his career. Not for the music he is making for the youngsters and the crap-contented "pop culture," but for the matters off the music charts.

Now after reading the thread of those controversial posts on his Instagram, I ended up with these statements.

Is he racist? No, I think he just hates Pacquiao. And he is just expressing his opinion in boxing, like any one of us who digs and still digging on Pacquiao-Marquez IV even if it's already 2 days after that shocking upset.

But too bad.

Photo credit(s): http://www.interaksyon.com/entertainment/justin-bieber-mocks-manny-pacquiao-on-instagram-draws-ire-of-boxers-fans/

This article was published at the community blog site Definitely Filipino dated Dec. 11, 2012 (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/12/11/just-my-opinion-the-mocks-bashes-and-reactions-featuring-justin-bieber-manny-pacquiao-and-the-netizens/)

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

My pick #10 – Mash-up: Gangnam Style/2 Legit 2 Quit

Well, last month over at the American Music Awards, this was the hell of the moment. One Black American Hip-hop artist in the late 80s-slash-early90s and one rapper from the known Asian country named South Korea collaborated for an epic ending.


Here’s the footage from the said event.


And here’s the actual track ripped at YouTube. 



By the way, this mash-up song can be downloaded via iTunes. As far as I remember this was one of the top tracks at iTunes. Well, was not sure if the time frame will be the one I’m pertaining into.

I’ll give my word here: Epic mixture, considering MC Hammer was one of the notable names in the rap industry way back then complimented with those moves that can hype anyone whose been getting addicted into it. And Psy, who was been working on the Korean music for some time and his Gangnam Style actually took a hit thru wide-scale in just a short span of time after uploading that one in YouTube to the extent that almost everyone in the world has been got into the craze. 

Well, wow.

10:53 a.m. 12.11.2012
Author: slick master | (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 9 December 2012

OLATS!

12/10/2012 10:54 AM

Si Manny Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito, baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa larangan ng boxing.

Sa kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga tinaguraing pound-for-pound fighter  sa kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona, isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na lang?

Maraming factor kung bakit ganyan ang nangyari. May isa nga akong nakita na link na sinend via comment sa aking huling post so far na “Controversial the Fourth Time Around.”  Nagpapakita ito ng ”stepping on the opponent’s foot” bago ang tinaguriang “lucky punch” ni Manila Mayor Alfredo Lim. Sa totoo lang, matagal nang uso ang mga tinaguraing “dirty tactics” sa boxing pero on the other side, baka coincidence lang din at hindi sadya yun. Mahirap manghusga.

Sa unang round pa nga lang e nakita ko na kung gaano niya gusto manalo sa laban na ito, kahit napatumba pa nya si Pacquiao, ilang round pa lang ang nakalilipas, at kahit namamaga na ang mukha niya matapos mapatumba siya ng Pambansang Kamao sa round 5.

Maari rin na dahil sa likas na drive ni JuanMa para manalo laban kay Pacquiao, as in para maka-isa lang siya. Matanda na rin ang mama (nasa 39 ayon sa Tale of the Tape ng laban na ito), at ikaw kaya ang mabaon sa rivalry niyo? Alalahanin – si MP may hawak na 2 wins at 1 draw na record bago siya na-olats kay JMM. At makikita mo naman yan sa mga pinakitang agresibong galaw ni Marquez sa ika-apat na duelo nila.

Habang Si Pacman naman? Ayun, katulad ng mga sinabi ko sa huli kong post – humina na. Naging subpar ang performance niya sa kanyang mga huling laban (at nagresulta na nga ito sa kanyang dalawang sunod na pagkatalo). Actually pwedeng ganun nga o sadyang malalakas na rin ang mga kalaban niya na tila isang dobleng-tibay na pader na ang kanyang binabangga.

At not to mention, katulad nga ng mga blog na nabasa ko sa DF ukol sa kahalinutlad na paksa , marami na rin kasi siyang pinasok na linya – pamahalaan, showbiz, at ultimo relihiyon. Aagree ako sa blog na iyun at sa mga nagkumento dun na “You cannot serve two masters at the same time.” Kasi naman, kung sa boxing ka nakilala e dun ka pwede mag-focus. Hindi sa sinasabi ko na pwede siyang sumabak sa showbiz, pero tol, kung kailangan mong magfocus sa isang bagay, mas maganda kung dun ka na lang total doon ka na rin lang lubos na nakilala.

Pero parang sisihin ang mga pastor dahil sa pagkatalo ni Pacman, e parang hindi na makatarungan iyun. Alam ko, hindi na ganun kaganda ang performance ni Manny sa ring mula noong lumipat siya ng relihiyon, at laging may halaga na kasama ang pakikipag-anib (ayon sa kanyang ina) pero para sisihin ang relihiyon sa naganap? HINDI NA YATA TAMA IYAN, ‘OY!

At kung hindi matanggap ng tao ang pagkatalo ni Pacquiao... e talaga bang mga boxing fans kayo? Dapat alam niyo na ang anumang tao – kulelat man o alamat sa larangan ng pampalakasan – ay nakararanas ng dalawang matitimbang na bagay – ang panahon na sila ay nananalo at ang kanilang pagkatalo. Parang yin at yang, up and down, kasiyahan at kalungkutan at kung anu-ano pang mga magkakakontradiktong mga bagay na nangyayari sa ating buhay.

Kung tunay nga na isa kang tagahanga ni MP, tatanggapin mo ang kanyang pagkatalo gaya ng ginawa mismo ng iniidolo mo. Dapat nga ke manalo siya o hindi e dapat may hero’s welcome pa rin ang mga Pilipino pagdating niya sa bansa e. E hirap kasi sa atin, pag natatlo, magiging hater na tayo. Pag nanalo ulit, dalawang bagay “chamba lang yan,” o sasabay ka sa agos ng tinatawg na “bandwagon.” Hay, mga tao nga naman, ano? RESPETO NAMAN!

May nagsabi nga na hindi na para sa bansa ang kanyang ginawa sa pagkakataong iyun – yun ay para na sa ego niya bilang isang boksingero. Well, tama lang din. May punto ba. Ke para maisalba ang kanyang naghihingalong reputasyon nun dahil sa dismayado na rin ang ilang mga fans o kung ano pa iyan.

Maganda at napakaganda ang ipinakita ni Juan Manuel Marquez sa labang ito, at talaga naming pinatunayan sa sarili niya at sa lahat ng nakasaksi sa duelo nila ni Pacquiao.

Para  sa akin, manalo o matalo, si Manny Pacquiao ay isa pa ring kampeon para sa mga Pinoy. Isang malaking PINOY PRIDE. Sa totoo lang, hindi makikilala ng mga tao ngayon ang larangan ng boxing kung hindi dahil sa kanya. Oo, as in hindi siya dadagsain ng mga advertisers para lang makabenta sa mga laban niya (na sobrang tagal na ang pag-aantay mo para sa isang round dahil sa sandamukal na mga commercial gap).

As in hindi ito makikilala ng mayorya, makakapanood sa isa sa mga malalakas na TV network sa free TV ng Pilipinas. Hindi ito magiging laman ng balita sa kada sports newscast at pahayagan. Hindi rin mauuso ang mga live streaming sa internet at mga venue kung sakaling maiinip ka kung aasa ka sa terrestrial TV. At isama mo na rin ang katotohanan na hindi magiging super light traffic at zero crime rate ang bansa kung hindi dahil sa mga laban niya. Alalahanin mo, mga tao mula sa elitista hanggang sa masa, sibilisado man, rebelde o alagad ng batas, nagkakasama-sama sa isang natatanging kaganapan. 

Kaya para kay JuanMa, you have proved yourself enough. Good job, very well said statement. Saludo ako.
At para naman kay Manny, you still have my respect. Pinakita mo na isa ka talagang kampeon kahit ala-planking nga ang bagsak mo sa round 6. Hindi biro ang mag-train at lumaban para lang kumita ng pera at iahon sa hirap ang buhay mo na tinatamasan (yun naman talaga ang pakay diba?) pero nevertheless, saludo ako sa ginawa mo.

Hindi ako isang sports analyst – pero tingin ko, high time na, Manny. Kung pagbabasehan ang sinabi ng isang sportscaster na si Ron Delos Reyes, “marami ka pang gusting patunayan sa buhay sa labas ng boxing ring. I think it’s time for you to hang up that glove.”

Author: slickmaster | © 2012 september twenty eight productions

Saturday, 8 December 2012

Controversial the fourth time around?


Sa pang-apat na pagkakaton sa kasaysayan ng boxing, dalawang mama na naman ang makikipagtunggalian sa isa’t isa. Isang parte na naman ng epiko ito dahil sa, as usual na rivalry sa pagitan ng bansang Pilipinas at Mexico – ang labananang Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez 4.

At sa halos lahat ng mga karibal ni Pacman sa boxing rin, ito ang isa sa mga pinakamatimbang sa lahat – dahil ito ay laging nagiging parte ng maiinit na balita. Oo, kontorbersyal nga.

Pero bakit nga ba naging ganun?


Dahil umangal ang Mehikanong boksingero matapos siyang matalo sa pambansang kamao? Not just once, but twice?

Dahil din ba naging draw ang resulta ng isa sa mga laban nila nun kahit ilang beses na napatumba ni Manny sa canvas si JuanMa?

Hmm... sa kartada bago ang ika-apat na duelo ng dalwang ito e, may dalawang panalo kay Pacquiao, habang hindi pa nakakaiskor ng panalo sa nasabing trilogy si JuanMa. Pero sa kabilang banda, ang draw ang nakapagpasira ng record ni Pacquiao sa tunggaliang ito.

At take note, sa huling laban ng dalawang ito, nanalo si Manny Pacquiao – kahit taliwas ito sa nakikita ng karamihan. Kung maalala niyo kasi e hindi rin maitatanggi na mas lumabas ang kalakasan ni Juan Manuel Marquez sa labang ito via majority decision. Pero bakit nga ba siya nanalo? At sa mala-kontrobersyal na pamamaraan na naman ito naganap?

Hindi ba tanggap ng tao ang kartada ng mga husgado? (114-all kay Robert Doyle, 115-113 at 116-112 mula kila Dave Moretti at Glenn Throwbridge – in favour kay Pacman)

Kung ang sports media kasi na nagcover ng laban ang pagbabasehan, dapat daw ay si Marquez ang panalo.
Sa sobrang badtrip nga ng nakararami e naging trending ito sa Twitter. At ang mga Meksikanong mamamayan na nanood sa Las Vegas nun? Ayun, sobrang badtrip lang nila na winagayway pa nga ng isa ang kaniyang gitnang daliri sa harap ng press.

At kahit ang ilang mga Pinoy na nakasaksi sa laban na yun ay hindi makaget-over sa resulta nito. Aniya, dapat raw nanalo si Marquez nun.

At diyan din na-uso ang pagiging instant sports analyst ng karamihan. Nagiging aware sila sa mga naganap nun. Sobrang awareness nga lang kasi kahit tapos na ang isyu e pilit pa rin nilang pinag-uusapan ito. Ke... “Luto raw ang laban.”

Ganun? Sabagay, noong mga nagdaang taon din kasi e nasanay tayo sa mga laban ni Manny Pacquiao na panay pabor na pabor sa kanya ang resulta? Yung tipong nagnanaknak na ang mukha ng kanyang mga kalaban. Yung tipong nanana-knock-out niya tulad ng ginawa niya kila Miguel Cotto, Oscar Dela Hoya at Ricky Hatton. Noong panahon na bato-bato na ang mga nakakabangga ni Pacquaio tulad ni Joshua Clottey hanggang sa kontrobersyal na pagkatalo kay Timothy Bradley e parang unti-unti nang lumamya ang performance ni Pacquiao para sa atin.

Hmm... ganun? So ang lumabalas e tumaas na rin ba ang ekspektasyon natin sa mga laban ni Pacquiao, tama ba? Kaya tulad ng kasabihan na “too much expectation can lead to disappointments,” e ganun nga ang nangyari sa malayang demokratikong lipunan na sumusubaybay sa laban ni Manny?
Kaya ito lang naman ang mga napapansin ko na katanungan pagdating bukas, a-9 ng Disyembre, 2012 oras sa Pilipinas:

Titigil na naman ba ang takbo ng mundo ng karamihan sa mga Pinoy, mula sa mga trapiko sa kalsada hanggang sa mga crime rate?

Magiging “instant boxing analyst” na naman ba ang mga tao nito? (sabagay, walang masama dun. In fact, ito ang kagandahan sa isang demokrasya. Ika nga ng isang EP ng Word Of The Lourd, “lahat may kanyang kuro-kuro.")

O magiging interesado pa ba ang taumbayan sa kabila ng mga naglalakihang streamer at pakulo na may kinalaman sa labanang Pacuqiao-Marquez IV? Kung papansin kasi e hanggang trilogy lang tumatagal ang karamihan sa boxing. Ilang dekada na nga yata mula noong huling nakasaksi ang mundo ng matinding rivalry sa boxing. Kung hindi pa ako nagkakamali nun ay 5 serye pa ito umabot.
Ay, ewan ko lang ha.

07:44 p.m., 12/08/2012
Author: slick master | (c) 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 1 December 2012

IGMG.


Hindi sa pagiging suplado at perfectionista ha?

Sa panahon ngayon na nag-uumapaw na ang mga bagay na nagbibigay kaalaman sa halos bawat tao, wala na yata tayong excuse na maging mangmang o ignorante pa. Halos accessible na kasi para sa sinuman ang internet, napadali na ang mga gawain natin sa buhay nang dahil dito lalo na sa panahon na kailangan mong pag-aralan ang iilang mga bagay-bagay, mula sa makalumang desktop hanggang sa mga magagarbong laptop, at ultimo sa isa sa mga paboritong hawakan ng tao – ang cellphone, pwede ka nang mag-internet.

Maliban sa mga nabanggit, andyan pa rin ang mga diksyunaryo, iba’t ibang klase ng libro, plaka (o CDs), Encarta kung uso pa ba iyan sa PC mo, at iba pa.

Kaya ano pa ang excuse mo para magtanong at magtanong ng mga… well, tanong? Lalo na kung…

Una, andun na yung sagot? (maliban na lang kung mahina ang kukote mo pagdating sa pag-intindi)

Pangalawa, kung ayaw mong maniwala sa mga sagot ng kausap mo?

At pangatlo, kung tamad ka na mag-search sa internet? Oo nga naman, ano. May Yahoo! na nga, Google, ASK.com, Wikipedia, at kung anu-ano pa ang mga website na pwedeng makasagot sa mga tanong na nakapaloob sa mga takdang-aralin mo. (Wag kasi atupagin ang social networking at pornography web sites kung dapat may mahalaga ka pang gagawin.)


Unless kung nerdo o “walking encyclopedia” ang kausap mo diyan e, IGMG na lang yata ang pinakaprangkang sagot na mabibigay ng tao sa iyo at nauuso sa panahon ngayon.

Una itong lumabas bilang isa sa mga pahina ng librong Suplado Tips 2 ng isang komedyanteng si Stanley Chi. May slightly sarcastic version pa nga ito e, ayon sa naunang version ng kanyang libro (ang Suplado Tips book 1)…

SUPLADO TIP 6: Kung panay ang tanong sayo ng kakilala mo, hiritan mo ng “Don’t ask me, ask Mr. Webster!”

Sa sobrang tindi ng mensahe nito, ginamit ni Lourd de Veyra ang terminong IGMG sa kanyang speech na pagcongratulate sa mga graduate ng UP Diliman nitong taon lamang. Ang nilalaman kasi ng naturang speech ni de Veyra ay may tema na kinalaman sa pag-iwas sa pagiging ignorante at mangmang ng isang tao.

At maliban pa dun, isa rin ito sa mga signature shirts na binebenta ni Stanley Chi. Pati pa nga ang maliit na manika may ganitong nakalagay e.

Tunog perfectionista ba? O sobrang angas, suplado o kung ano pa man iyan?

Teka, ano nga ba ang IGMG?

Para masagot mo ‘yang tanong mo na iyan… I-GOOGLE MO, GAGO!

Oo, I-Google mo. Hanapin mo! Alamin mo!

11:21 A.M., 12/02/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 27 November 2012

Filipinos - The Very Emotional Ones?!


Kamakailanlang ay naglabas ang isang research study na Gallup, at lumabas na ang Pilipinas ay ang pinaka-emosyonal na lipunan sa buong mundo.

Una ko itong napansin noong pinaskil ng isang istasyon ng radio ang isang wall photo sa kanilang Facebook page na naglalarawan ng ganitong balita. Habang inulat na rin ito sa ilang mga palabas sa telebisyon.
Ayon sa panayam ng ANC’s Dateline Philippines sa isang psychologist na si Dr. Randy Dellosa, mayroon daw tinatwag na “teleserye mentality” ang mga Pinoy.
"Meron tayong teleserye mentality e na dapat palaging may drama, palaging may nangyayari, kasi nagiging boring yung show ng buhay natin." - Dr. Randy Dellosa
Base naman sa For Your Information segment ng November 27, 2012 episode ng Reaksyon kasama si Luchi Cruz-Valdes, may kasama rin itong posibong epekto, tulad ng naiulat sa website na upi.com.

Ayon sa naturang website, sinuri ang limang positibo at negatibong emosyon na kadalasan na nararamdaman ng tao noong nakaraang araw. Kung nakapagpahinga ba sila ng maayos, nakakangiti ba sila, naisestress sa trabaho, nag-aalala, nakakagawa ng mga bagay na nakakapgbigay ng interes sa kanila, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang bansang Singapore ay tinaguiang most emotionless country dahil sa mababa nitong rating na 36% sa lahat ng 151 na bansa na sinuri ng natuerang US-based na kumpanya.

Bakit tayo ang pinakamataas? Nakakuha kasi tayo ng 60% rating e.


Para sa akin, hindi ito masamang balita, at alam ko na taliwas ito sa mga inuulat ngayon sa mainstream media. Kung pupunahin kasi ang artikulo sa website na Rappler, magandang bagay ito sa atin na madalas nag-lalahad ng ating emosyon ke positibo man o negatibo.

Kung may negatibong bagay man akong nakikita dito, yun ay yung katotohanan na nao-obsessed tayo sa mga nakikita natin sa ating “idiot box.” Kaya ba nagging “senitibo” ang ating character? Maari.

At isa sa mga pangkaraniwang misconception sa buhay natin ay kapag sinabing emosyon, lagi itong may kaakibat na negatibong bagay o kung tawagin man ay “stigma” sa ating kamalayan. Dapat alalahain din natin na ang kasiyahan ay isang ring pakiramdam katulad ng kalungkutan, tulad ng pagiging excited kung ikukumpara sa mga tulad ng galit, poot, at iba pa.

Yan kasi, masyadong nagpapadala sa mga nakikita mo e – masamang balita man o mga madamdaming eksena sa telenovela iyan. Kaya ang mindset ng tao, naapektuhan na rin. At isa ring misconception ito – hindi lang sa puso ang pinakabasehan ng emosyon ng isang tao dahil may parte sa ating utak na responable rin sa ating mga nararamdaman. At hindi lahat ng emosyon ay nakabase rin sa relasyon at pag-ibig lamang. Maraming factor iyan, magtanong ka na lang sa tropa mong may alam sa sikolohiya o kung matigas ang ulo mo, iko-quote ko si Idol Stanley Chi dito – IGMG – short for “I-Google Mo, Gago!”

Basta, para sa akin... kahit taliwas ito sa mga nababalita sa nakararami, hindi ito ganap na masamang balita. Yun lang. Mas okay na nga na kahit papano ay maging emosyonal ang isang tao. Pero huwag nga lang tayo sosobra ha? Dahil totoo pa rin ang payo ng karamihan na “wag kang gagawa ng aksyon habang ikaw ay nasa height ng iyong emosyon.”

Kaya ang mabuti na lang gawin natin ay... just spread the good vibes!

10:31 a.m. 11/27/2012
Sources:

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Monday, 26 November 2012

Book Review: Ramon Bautista’s "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?"

11/27/2012 | 10:08 AM


balat14.blogspot.com
Isa sa mga bagong libro na panay magkahalong komikal at realidad ang tema ay ang isang babasahin na may kinalaman sa… well, payo sa buhay lalo na sa mga suliranin sa pag-ibig. Ang akda ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Well, matanong talaga ang librong ito. As in maraming tanong at sagot ang tinalakay dito mula sa kung bakit hindi ka crush ng crush mo (oo, yung eksaktong pamagat mismo); kung paano mo sasabihin sa magulang mo na bagsak ka sa studies mo; bakit ayaw na ayaw ni Monra ang LDR o kung tawagin ay Long Distance Relationship; kung bakit ka dapat maging proud kahit NBSB (o No Boyfriend Since Birth) ka; paano magmumove on sa mga sitwasyon na may nahuli ka na may ka-kerngkeng siya na iba o kahit ultimo ang na-friendzone ka; at kung anu-ano pa.

Ang halos lahat ng nilalaman ng librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” ay ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa formspring account ni Ramon Bautista mismo. Tanong ng kung sinu-sino, sinasagot niya sa paraan na alam niya, ke may natutunan ang sinumang magbabasa niyan o katuwaan lamang.

Dito mo rin makikita ang komprehensibong kahulugan ng mga terminong ginagamit ni RB sa kanyang palabas sa internet na “Tales From The Friend Zone.” Kung ano ang mga pananaw niya na nais ilahad sa sinumang magbabasa ng librong ito.

Maliban pa diyan ay may notebook pa ito na libre.

Hmm, ang aking opinyon ng paghuhusga sa librong ito? (tutal nakailang beses ko na nga ito binasa, at in fact e wala pang isang araw bago ko matapos bahain ito sa kauna-unahang pagkakataon) Ang tindi ng aliw factor ng akdang ito. Ito yung tipong mag-aakala ka na magsasawa ka sa halangang isangdaan at animnapung piso, yun pala… hindi. Oo, hindi talaga. Maraming tanong at sagot na ang sarap lang balikan dahil hindi lang sa hindi naman tayo ay natututo overnight e. Maliban pa sa dahilan na iyun e talagang nakakaaliw lang. Sa sobrang nakakaaliw niyan mapapatawa ka na lang habang kaharap nmo ang pahinang binabasa mo.

Pero ang mas okay pa sa ganito e, nakaka-entertain na, may sense pa ang sinasabi niya, kahit actually… mababaw lang ang mga yan. At ‘yan ang patunay na pwede mong tawanin ang problema kahit gaano pa kabigat ito.

Final verdict: 2 thumbs up! Sa aking account sa Goodreads, 5 stars siya.

Bago ko tapusin ang blog na ito, narito ang ilan sa mga nilalaman ng libro.
Q: Ano ang best way to get over a break-up? Nanghihinayang ako, 3 yrs din yun. 
A: 3 years versus the rest of your life. Ano mas sayang kung di ka magmu-move on?
Q: Sir, anong gamot sa tanga? 
A: Wala p*cha! Prevention na lang...Huwag ma-inlove. 
Q: Sir Mon, anong payo mo sa mga estudyanteng tamad mag-aral like me? 
A: Wala akong payo sa mga tamad mag-aral. Pananakot meron.

Q: Idol, for you..what is the key to happiness? 
A: Lowering your standards.
“If you can't move on. Move on some more.”  
“90 percent ng problema mo ay imbento lang.”
"Huwag mag-BF for the sake of having one."
"Study hard kung ayaw mong maging taong grasa." 
"Your mind is your weapon. Pagyamanin natin ito at magiging handa tayo sa gulo na dulot ng paghihimagsik ng puso at bird."
www.tumblr.com

www.tumblr.com
Iilan lang yan sa mga kawasakan na nilalaman ng librong ito. Ano pang inaantay mo? Basa na!

Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? is a book written by Ramon Bautista, printed and published by PSICOM Publishing.
See Ramon Bautista’s Q&A at http://www.formspring.me/ramonbautista
Book details and reviews can be seen at http://www.goodreads.com/book/show/16005699-bakit-hindi-ka-crush-ng-crush-mo

(This article was also published at Definitely Filipino dated November 27, 2012; URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/11/27/the-review-ramon-bautistas-bakit-hindi-ka-crush-ng-crush-mo/)

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions