12/25/2012 07:00 PM
(Alternate title: "Book Review: Stanley Chi's POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good")
DISCLAIMER: This blog is not directly promoting the book of Stanley Chi which is entitled POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good. The write-up actually is just a way of expressing the author’s great (as in super great) impact infused and influenced by the said book, just as similar to those “testimonial” remarks on advertisements and commercials.
Aminado ako na lately lang ako nahilig sa pagbabasa ng libro, at ang kadalsang tema na trip ko ay ang mga may halong kwela at may kaatorya-toryang mga nilalaman (o kung tawagin ay ang “may sense”), mula sa mga maiinit na pahayg ni Lourd de Veyra hanggang sa mga pagsagot ni Ramon Bautista sa mga tanong sa kanyang Formspring.
Ni hindi ko nga alam kung sino ba itong si Stanley Chi na ito e hanggang sa minsan napa-akyat ako sa stage sa isang book launch ni Ramon Bautista para sa isang patimpalak nun na sad to say e nanalo ako (pero siyempre, joke lang yun),
Hanggang sa inanunsyo niya pagkatapos ng event nay un na may book launch siya, at ang kanyang pinakalatest na akda? Ay ang POGI POINTS.
Teka, ano nga ba itong POGI POINTS na ito?
Ilang araw bago ang book launch niya (at sakto na payday ko nun) ay agad akong tumungo sa isang bookstore at bumili ng librong iyun.
POGI POINTS, the not-so-gentleman’s guide to looking good. Sapul ba ako, porket isa akong “not-so-gentleman” (baka mas akma pa sa akin ang terminong “gentle-mean” eh) na nilalang?
Isang upuan ko nga lang nito e tapos ko nang basahin nag mahigit isang daan (at something) na pahina ng naturang libro e. Basta, ang pagkakaalam ko lang nun ay halos ibang-iba ang dating niya kung ikukumapra sa kanyang mga naunang aklat na Suplado Tips.
Ang iilan na nakatulong sa akin actually ay ang mga sumusunod:
- Kung may nililigawan ka, huwag mo na siyang bolahin. Sabihin mo na yung totoo para hindo mo na sinasayang ang oras niya. Amtutuwa pa siya sa’yo!
- Kung may kasalanan ka sa kanya, aminin mo na! Mas mapapatwad pa ka pa niya!
- Kung hindi ka pogi, idaan mo sa bait!
- Kung hindi bagay sa iyo ang hairstyle, huwag mo nang pilitin. Baka magsisi ka lang!
- Kung hindi ka niya type, ok lang yan. Isipin mo na lang… “It’s her loss, not mine1”
- Ang mga salitang “Babe,” “Honey,” at “Sweetie,” ay makamandag. Use it wisely para iwasa paasa!
- Ang gwapo at pogi ay parang lalake at bading; parehong may etits kaso magkaiba pa rin.
- Hindi porket na-friendzone ka, magmumukmok ka na; isipin mo na lang, na tataba din siya!
- Being pogi isa a choice… kung ayaw mong maging pogi, eh ‘di huwag!
- Manyak – Manyakis; Gentleman – Mahiyain na Malibog; Gentlemanyak – maginoong Manyak
- Huwag mag-expect, para hindi ka magmukhang feeling!
Well, iilan lang yan sa sandamukal na nilalaman ng mga libro niya. Maliban pa diyan ang may mga nilalaman pa siya na sari-saring kwentong makwela, nilalaman ukol sa mga kalalakihan, at iba pa na nakaka-agaw ng pansin para sa mga babae, turn on man o turn off.
Sandali ko lang nakadaupang-palad ang awtor na si Stanley Chi sa kanyang book launch ng POGI POINTS noong Disymebre a-1 sa Shangrila-Mall branch ng National Book Store (sa dami ba naman namin na nagpa-autograph ng libro sa kanya e.); at naalala ko nga na ipi-feature ko sa mga blog ko ang mga librong tulad ito.
Kung ako ang tatanungin, ayos din ang nilalaman nito ha? Seryoso, ]walang halong biro. Pa’no nga ba naging malupit na libro ito para sa akin? Una, kung uunawain mo ang diwa ng mga binabasa mo. Kung tama rin at akma ito sa personalidad mo, e di sakto. Gamitin mo. Hindi siya parang “nagpa-impluwensya” o “nagpasakop” ang dating. Ganyan ang nangyari sa akin.
Basta, may matinding factor ang librong ito para sa akin. Maliban pa kasi dun e may dinate pa ako na babae kaya sakto ang timing para sa akin ang librong ito. Pero hindi “pretending” ang peg ha?
Nalupitan lang ako kay Stanley Chi. At dahil diyan, hindi man ako totally good-looking sa mata ng nakararami (unless kung nakilala mo ko sa personal tulad ng mga tropa kong blogger sa Definitely Filipino), e…. ayun na. Matindi lang ang naging epekto nito sa buhay ko. Parang naging matinong nilalang tuloy ako nito, lalo na pag kaharap ko ang mga tao (at lalo na ang babaeng dine-date ko dati na girlfriend ko na ngayon).
Ayun. so, saludo ako kay Stanley Chi para sa librong ito.
Final verdict: 4 and ¾ stars out of 5.
Stanley Chi’s book POGI POINTS is a book published by PSICOM Publishing, Inc.
All the mentioned bulleted excerpts in this blog are courtesy from the book of Stanley Chi which is entitled POGI POINTS.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment