Showing posts with label faith. Show all posts
Showing posts with label faith. Show all posts

Saturday, 26 April 2014

Tunay Na Banal

4/27/2014 2:16:44 PM

Sana ang karamihan sa mga taong nagpapakita talaga ng TUNAY na kabanalan, ay tulad ni Pope John Paul II. Oh, correction, Saint John Paul II.

Sa totoo lang, hindi ako saradong Katoliko, at hindi rin naman ako nabuhay sa medieval ages (ni hindi nga ako nakapunta sa isang malaking event noong 1995 na tinaguriang World Youth Day).

Pero hindi naman sa pangungumpara, ano? Ang mga tulad ni Karol Wojytla – o mas kilala mula pa noong 1978 bilang si Pope John Paul II – ang isa sa mga taong kailangan ng Simabahan para mapalaganap ang dalawang bagay: una, ang pananamplataya; at pangalawa, ang asal ng katinuan.

Sinasabi na isa sa mga astig na santo papa si Pope John Paul II. Kaya siguro, sa kagasagan nung ng pagpapalit ng taon, dekada, siglo at milenyo, tinagurian siya bilang “The Millenial Pope.” Ayaw kong magspekula kung dahil ba ito sa pakikisabay niya sa agos ng nagbabagong panahon.

Bagkus, ay mas mabuti pa yatang isipin na isa siya sa mga tinatag na “catalyst” noong panahon na yun. At ano ang catalyst? I-Google n’yo ng malaman n’yo. Dahil maraming nagbago sa Simbahan sa panahon ng kanyang panunungkulan. Isa rito ay yung tila naging mas malapit sa tao ang Simbahan (o ang Simbahan sa tao o vice versa). At tila marami siyang binago na buhay sa parehong tao at bansa.

Yun nga lang, may mga pananw din siya na against sa mga isyu na taliwas naman sa konserbatibong pananaw ng yumaong Santo Papa. Isa rin sya sa mga tahasang kumontra sa death penalty at capital punishment.

At kinalaban diumano ang mga samu’t saring komunista ng mundo.

Dinayo niya ang mararaming lugar sa mundo. Nakisalamuha siya sa iba’t ibang uri ng klase ng tao. Hindi ito basta-basta mabibilang sa numero. At kahit may sakit, hindi niya hinayaan na hindi siya dumugin ng taong nagmamahal sa kanya at kahit nanghihingi lang ng kanyang “blessing.” Kahit na dalawang beses pa kamo siyang inattempt na i-assassinate.

Hindi man siya perpektong nilalang para maging pinuno ng Simbahan (after all, tao pa rin naman siya at marunong humingi ng paumanhin sa mga bagay na pagkakamali sa kanyang tenure), ay maituturing naman na isa siya sa mga mala-alamat na Santo Papa sa contemporary era. Tama lang din yung nagsabi na “John Paul The Great” ang maaring maitawag din sa kanya.

Dahil napapabihira lang sa mga Santo at mga potensyal pa na Santo ang mga kalidad at kwalipikasyon na mayroon siya.

Siguro, kung may susunod sa legasiya niya, yan ay si Pope Francis.

Ano kaya ang dapat matutunan ng mga tao – particular ng mga Katoliko – sa kaniyang pamamahala?

Maging matatag sa pananampalataya, lalo na sa Dakilang Maylikha. Maaring importante ang relihiyon dahil ito ay nagsisilbing instrument, pero dapat ay mas gamitin ito para maging malaipit sa Diyos at hindi para lang masabi na “relihiyoso ako.” (Sabihin mo lang yan sa harapan ko at isasagot ko lang naman sa’yo ay, “eh ano ngayon? Kailangan bang ipangalandakan masyado yan?”)

Maging bukas ang siiapn sa pagbabago – maaring kontra na ang turo ng yumaong Santo Papa sa napapanahon ngayon, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na aware. Maari pa rin naman tumayo at manindigan sa ganun, dahil natural pananaw mo yun eh. Yun nga lang, wag isarado ang pinto.

Matutong gumalang sa paniniwala ng iba. Bagay na hindi mo na yata makikita pa sa iba (and please, hindi isang lehitimong excuse ang sabihin na “sarado Katoloko” ka. Dahil meron nga d’yan na iba na kauri mo pero at least natututo naman na rumespeto sa tao na may ibang relihyon at pananampalataya – basta para sa tinatawag na "humanity’s sake").

Iba ang pagpo-profess mo ng faith sa pamamagitan ng pagkalat ng kanyang Salita; sa pagyayabang sa sarili mong relihiyon and at the same time, pangungutya sa iba. Magkaibang-magkaiba kahit isang payat na linya lang ang naghihiwalay sa kanila.

Maging malapit sa tao kung gusto mo ng pagbabago. Masaydo bang malalim? Kahit ako nalaliman eh. Pero maypagakatotoo naman eh. Kung gusto mong sabihin na “make peace and love, not war?” approach mo sila, at idaan ang lahat sa mabuti at masinsinang usapan.

Last but not the least, maging ehemplo para sa mga kabaro, at huwag maging panibagong taong tatawagin na “hipokrito.”


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Monday, 17 December 2012

The end? WEH.


Sinasabi na sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.

Hmmm.... ano na namang kabalbalan ito?

Kabalbalan ba kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.


Ayon sa mga propesiya ng mga Mayan, nakatakda na magtatapos ang kanilang kalendaryo sa ika-21 ng Disyembre 21, 2012. Pinag-aralan ng nasabing sibilisasyon ang mga bagay-bagay ayon sa siklo ng araw.
Isa naman sa mga prediksyon ay ang mga nagaganap na kalamidad. Mula sa hurricane sa bansang Amerika hanggang sa matinding pagyanig sa Japan, at sa mga matitinding pananalasa ng mga kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Isa pa? Ang mga prediksyon mula sa Merlin, ang libro ng Revelation sa Bibliya, at ang Chinese oracle na I Ching na nagpapahiwatig ng kung kelan magtatapos ang panahon ng sibilisasyon.

Hmmm... ganun?

Meron pa. Ang mga hula ni Nostradamus.

O, ano naman meron dun?

Marami kasing nagawa na mga propesiya si Nostradamus. Andiyan ang mga posibilidad ng mga paghhasik ng lagim, ke digmaan man at kalamidad ang usapan, ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan.**

Pero.... teka muna. Di ba dati may mga hula na rin na magtatapos ang panahon natin sa taong 2000? 1998? 

O kahit sa Mayo a-21, 2011?

E kung ganun... ANYARE?

‘Wag kasi magpapaniwala sa mga ganyan.

Una, kung may pananampalataya ka sa Dakilang Mayliha, Bathala, o Panginoon (o kung ano pa man ang tawag sa “supreme being” mo), siya lang ang tanging may alam kung kelan ang panahyon ng panghuhusga sa ating mga tao. Ibig sabihin? Gawin natin siyang bahagi ng ating buhay. Ano pang sdilbi ng relihyon natin kung wala tayong paininiwala sa kanya?

Una-punto-kalahati, kahit wala namang sinasambang relihiyon, wala pa ring nakakaalam kung kelan mangyayari iyun. Yung iba dyan, baka ginagawang gimik ang judgment day para lang may sumapi e. Wag naman po ganun.

Pangalawa, alagaan mo kasi ang kapaligiran mo. Tapon ka ng tapon ng basura sa kung saan-saan e ang lakas ng loob mo naming isisi sa gobyerno ang lahat pag binaha ang lugar na kinatitirikan mo. E kung sabihin ko sa iyo na “ULOL! Ikaw rin gumawa ng ikapapahamak mo. Anak ng putang ina naman oh!”

Pangatlo, huwag kasi masyado magpapadala sa mga nakikita sa mainstream media. Anong konek? Ito lang yan. Ano ang mga nakikita mo sa mga palabas ngayon, maliban sa mga walang kwentang telenobela na lagi na lang pinapaikot ang istorya, at mga nilalang na handang pumatay ng tao sa ngalan ng pag-ibig? Masasamang balita. Isama mo na rin pala ang mga sci-fi movies na sadayang ini-inform ka lang na ganyan ang posibilidad na mangyayari sa ating mundo kapag patuloy pa tayo magloko. Kaya pumapangit ang nasabing genre kasi hindi maintindihan ng mga mababaw na nilalang ang kanilang tinatangkilik e. Tsk.

Pang-apat... Magpakatino ka na kasi. Ika nga nila, “Magbago ka na!” Self-explanatory.

At pang-huli... It’s all in the mindset. Baka sa kaka-isip mo na magunaw ang mundo, para tuluyan nga itong mangyari sa iyo (oo, sa iyo lang at huwag mo kaming idamay). Dumating ang araw na mag-break kayo ng syota mo, nang dahil dun magiging depressed ka at maaksidente ka, mawalan ka ng malay, maging desperado sa kakaisip na “wala na akong silbi sa mundong ito,” hanggang sa ma-deads. E kung ganyan lang din naman e hindi na rin ako magtataka. Tignan mo yung tao na naaksidente sa plane crash sa pelikulang “the secret”  at maging halimbawa sana sa iyo yun na masarap pa ring mabuhay sa mundong ito kung magkakaroon ka pa rin ng positibong pananaw sa buhay na bigay sa iyo ng Diyos at ng magulang mo.

Kaya sa totoo lang... isang malaking palaisipan, este, kalokohan ang END OF THE WORLD.

Bakit kalokohan? Simple lang. HINDI KASI AKO NANINIWALA DUN.

10:10 a.m. 12/18/2012
Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions