Showing posts with label reaction. Show all posts
Showing posts with label reaction. Show all posts

Saturday, 19 April 2014

Vindication?!

4/20/2014 1:37:45 PM

Noong nakalipas na linggo, nasaksihan natin ito.

wiznation.com

Tama, ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Pero may nakakagulat pa nga sa pagkapanalo nito?

Maari, dahil iba na ang panahon noon sa panahon ngayon. Hindi na ito ang panahon na may killer instinct pa si Pacman (yung tipong kaya pa nyang ipatumba ang mga kalaban niya sa lona).

Kung may natitira pang hindi akakiba sa kilos ni Pacquiao, ito ay yung pagiging agresibo niya. As in mabilis na kilos ng mga suntok at depensa na rin. At walang masama dun tutal nagbabago naman talaga ang panahon eh nagbabago rin naman din ang mga istilo ng pakikidigma ng bawat boksingero.

Siguro, kung may nakakagulat man dito, dahil yun sa kauna-unahang pagkatalo ni The Desert Storm sa kanyang professional boxing career.

At alam ko, napakasakit palagi ng first time. Mas lalo na kung sa usapan pa ito ng sports, bugbog-sarado ka na nga, napuruhan ka na nga lahat-lahat, tapos okats ka pa.

Ang saklap naman nyan, ‘di po ba?

Ano kaya maaring matutunan ni Bradley mula dito? Balita raw ay naghahamon pa yata ng pangatlong pagkakataon (aba, seryoso?).

Siguro, kailangan nyang mag-adjust din ng fighting style pag kaharap ang mga matitinding southpaw fighter tulad ni Pacquiao. Sinasabing nakakaturn-off daw ang fighting style ng Kanong boxer. Oo nga naman kasi, suntukan ang usapan, ‘di ba? Hindi yakapan. Saka parang hindi bagay tignan, kung magpapaka-racist ka sa tingin (kaya, di ko na rin dudugtungan ang statement na ito. Bad yun. Sige ka).

Pero para naman sa parte ni Pacman, sinasabing magtatagal pa raw siya sa loob ng ring ng at least, dalawang taon. Sabagay, walang masama dito. Yan ay kung magpo-focus siya sa mundo ng boxing.

At yan ang problema. Hindi lang isang atleta ang tinagurian nating pambansang kamao. Isa rin siyang entertainer (kaya sa totoo lang, hindi lang sa professional wrestling, football at ultimong basketball applicable ang katagang “sports entertainment”), at kongresista. Maliban pa yan sa pagiging endorser, asawa, ama, at anak. Sa madaling sabi, all-around ang lolo mo.

Mas okay rin pala kung isama mo ang ermat mo sa laban. Moral support, ika nga. Never mind her antics. Sino ba naman ang gusting Makita na natatalo ang anak nila. Kaya nga andyan sila sa ringside para mag-cheer eh.

Yun nga lang, sa panahon na masyadong maputakte ang mga netizens, eh good luck na lang kung sa ssusunod na araw ay mapag-usapan ka. Either laman ka ng isang internet meme o topic sa mga discussion forums at Facebook pages.

Ika nga, “IKAW NA!!!!” (with matching Boy Abunda voice).

Pero, masasabi bang final answer na ang laban na tinaguriang “Vindication?” Oo. Yan ay kung gusto na nila makamove on. At isama mo na rin ang mga fans na pustahan ay nagsawa na ring pag-usapan ang paksang ito bago mag-Semana Santa.

Tama yan. Tutal alam na rin ng mundo kung sino talaga ang matibay, sino ang nanalo at kung sino ang mas mayabang pagdating sa trash-talkan.

O ano? Move on na ha?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 9 December 2012

OLATS!

12/10/2012 10:54 AM

Si Manny Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito, baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa larangan ng boxing.

Sa kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga tinaguraing pound-for-pound fighter  sa kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona, isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na lang?

Maraming factor kung bakit ganyan ang nangyari. May isa nga akong nakita na link na sinend via comment sa aking huling post so far na “Controversial the Fourth Time Around.”  Nagpapakita ito ng ”stepping on the opponent’s foot” bago ang tinaguriang “lucky punch” ni Manila Mayor Alfredo Lim. Sa totoo lang, matagal nang uso ang mga tinaguraing “dirty tactics” sa boxing pero on the other side, baka coincidence lang din at hindi sadya yun. Mahirap manghusga.

Sa unang round pa nga lang e nakita ko na kung gaano niya gusto manalo sa laban na ito, kahit napatumba pa nya si Pacquiao, ilang round pa lang ang nakalilipas, at kahit namamaga na ang mukha niya matapos mapatumba siya ng Pambansang Kamao sa round 5.

Maari rin na dahil sa likas na drive ni JuanMa para manalo laban kay Pacquiao, as in para maka-isa lang siya. Matanda na rin ang mama (nasa 39 ayon sa Tale of the Tape ng laban na ito), at ikaw kaya ang mabaon sa rivalry niyo? Alalahanin – si MP may hawak na 2 wins at 1 draw na record bago siya na-olats kay JMM. At makikita mo naman yan sa mga pinakitang agresibong galaw ni Marquez sa ika-apat na duelo nila.

Habang Si Pacman naman? Ayun, katulad ng mga sinabi ko sa huli kong post – humina na. Naging subpar ang performance niya sa kanyang mga huling laban (at nagresulta na nga ito sa kanyang dalawang sunod na pagkatalo). Actually pwedeng ganun nga o sadyang malalakas na rin ang mga kalaban niya na tila isang dobleng-tibay na pader na ang kanyang binabangga.

At not to mention, katulad nga ng mga blog na nabasa ko sa DF ukol sa kahalinutlad na paksa , marami na rin kasi siyang pinasok na linya – pamahalaan, showbiz, at ultimo relihiyon. Aagree ako sa blog na iyun at sa mga nagkumento dun na “You cannot serve two masters at the same time.” Kasi naman, kung sa boxing ka nakilala e dun ka pwede mag-focus. Hindi sa sinasabi ko na pwede siyang sumabak sa showbiz, pero tol, kung kailangan mong magfocus sa isang bagay, mas maganda kung dun ka na lang total doon ka na rin lang lubos na nakilala.

Pero parang sisihin ang mga pastor dahil sa pagkatalo ni Pacman, e parang hindi na makatarungan iyun. Alam ko, hindi na ganun kaganda ang performance ni Manny sa ring mula noong lumipat siya ng relihiyon, at laging may halaga na kasama ang pakikipag-anib (ayon sa kanyang ina) pero para sisihin ang relihiyon sa naganap? HINDI NA YATA TAMA IYAN, ‘OY!

At kung hindi matanggap ng tao ang pagkatalo ni Pacquiao... e talaga bang mga boxing fans kayo? Dapat alam niyo na ang anumang tao – kulelat man o alamat sa larangan ng pampalakasan – ay nakararanas ng dalawang matitimbang na bagay – ang panahon na sila ay nananalo at ang kanilang pagkatalo. Parang yin at yang, up and down, kasiyahan at kalungkutan at kung anu-ano pang mga magkakakontradiktong mga bagay na nangyayari sa ating buhay.

Kung tunay nga na isa kang tagahanga ni MP, tatanggapin mo ang kanyang pagkatalo gaya ng ginawa mismo ng iniidolo mo. Dapat nga ke manalo siya o hindi e dapat may hero’s welcome pa rin ang mga Pilipino pagdating niya sa bansa e. E hirap kasi sa atin, pag natatlo, magiging hater na tayo. Pag nanalo ulit, dalawang bagay “chamba lang yan,” o sasabay ka sa agos ng tinatawg na “bandwagon.” Hay, mga tao nga naman, ano? RESPETO NAMAN!

May nagsabi nga na hindi na para sa bansa ang kanyang ginawa sa pagkakataong iyun – yun ay para na sa ego niya bilang isang boksingero. Well, tama lang din. May punto ba. Ke para maisalba ang kanyang naghihingalong reputasyon nun dahil sa dismayado na rin ang ilang mga fans o kung ano pa iyan.

Maganda at napakaganda ang ipinakita ni Juan Manuel Marquez sa labang ito, at talaga naming pinatunayan sa sarili niya at sa lahat ng nakasaksi sa duelo nila ni Pacquiao.

Para  sa akin, manalo o matalo, si Manny Pacquiao ay isa pa ring kampeon para sa mga Pinoy. Isang malaking PINOY PRIDE. Sa totoo lang, hindi makikilala ng mga tao ngayon ang larangan ng boxing kung hindi dahil sa kanya. Oo, as in hindi siya dadagsain ng mga advertisers para lang makabenta sa mga laban niya (na sobrang tagal na ang pag-aantay mo para sa isang round dahil sa sandamukal na mga commercial gap).

As in hindi ito makikilala ng mayorya, makakapanood sa isa sa mga malalakas na TV network sa free TV ng Pilipinas. Hindi ito magiging laman ng balita sa kada sports newscast at pahayagan. Hindi rin mauuso ang mga live streaming sa internet at mga venue kung sakaling maiinip ka kung aasa ka sa terrestrial TV. At isama mo na rin ang katotohanan na hindi magiging super light traffic at zero crime rate ang bansa kung hindi dahil sa mga laban niya. Alalahanin mo, mga tao mula sa elitista hanggang sa masa, sibilisado man, rebelde o alagad ng batas, nagkakasama-sama sa isang natatanging kaganapan. 

Kaya para kay JuanMa, you have proved yourself enough. Good job, very well said statement. Saludo ako.
At para naman kay Manny, you still have my respect. Pinakita mo na isa ka talagang kampeon kahit ala-planking nga ang bagsak mo sa round 6. Hindi biro ang mag-train at lumaban para lang kumita ng pera at iahon sa hirap ang buhay mo na tinatamasan (yun naman talaga ang pakay diba?) pero nevertheless, saludo ako sa ginawa mo.

Hindi ako isang sports analyst – pero tingin ko, high time na, Manny. Kung pagbabasehan ang sinabi ng isang sportscaster na si Ron Delos Reyes, “marami ka pang gusting patunayan sa buhay sa labas ng boxing ring. I think it’s time for you to hang up that glove.”

Author: slickmaster | © 2012 september twenty eight productions

Wednesday, 26 September 2012

Martial law in the cyberspace? (The Online Libel Story)

Noong Sabado, a-15 ng Setyembre, 2012 ay nilagdaan ng Pangulo ng bansa na si benigno Aquino III ang batas na susupil sa mga krimeng nagaganap sa internet. Ang Cybercrime Protection Act of 2012 ay may saklawa sa ilang mga kaso ukol sa child pornography, cyber-bullying, identity theft, fraud at online defamation o online libel, at ang mga parusa sa sinumang lalabag ay 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at may multa na hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalagpas sa P10 Milyon.

Bagamat may mga ulat na irerepaso ang ilang mga probisyon sa part eng online libel. Marami naman ang umaalma. Maari daw kasi nito masupil ang karapatan ng isang tao na maglahad o magsalita.

Parang ang dating ba ay pag nagsalita ang mga pulitko, wala nang karapatan ang mga mamayan na magreact. Sabagay may punto nga din naman, lalo na kung mga “epal” ang mga ito at ang sagot ng mga netizens sa kanila ay ang pamamraan ng pangba-bash.

Hmmm… masasagasaan nga. Kasi isa sa pinakaprimarong karapatan natin ayon sa mata ng batas ay ang maglahad. OO nga naman, bakit mo ko tatanggalan ng karapatan na maglahad. Marami ang maapektuhan nito, lalo na ang inyong lingkod na umiikot sa mga usapin sa lipunan madalas umikot ang mundo ng pagba-blog ko. Parang binigyan mo kami ng piring sa aming bunganga at maging piping saksi sa lahat ng kaganapan. Literally, it’s a big SHUT UP on me.

Pero sa kabilang banda tingin ko, may dahilan kasi kung bakit kailangan maghigpit ang batas lalo na sa ngayon. Pero duda ako na a la Martial Law ang dating nito, unless kung sobrang higpit talaga. At mahihirapan sila na supilin ito, hindi dahil a kung anu-anong mga teknikalaidad at terminolohiyang may kinalaman sa Information Technology ang kinakailangan, kundi dahil sa walang malinaw na level of tolerance. May mga bagay kasi na masasabi na libel ng isa pero hindi naman sa panig ng iba. At bilang tao, magkakaiba tayo ng pamantayan kung ano ang nakakatawa sa nakakaasar sa ating mga kanya-kanyang pananaw, lalo na sa mga social networking sites na ginagawang libangan ng karamihan, o panakas mula sa mga masasamang kaganapan sa realidad ng buhay. Ditto na lang nila nagagawang tawanan ang problema.

Pero… may rerepasuhin man o hindi, kailangan na rin kasi ng batas na ito e, kahit sa totoo lang ay mahirap sugpuin ang mga cyber crime, dahil sa sobrang daming mga terminolohiya at teknikalidad ang kinakailangan para maresolba ang krimen. Dumarami pa ang mga abusado, ke trip lang man yan o sadyang may layunin.

Matanong ko lang, yung totoo… labag ba talaga ito sa freedom of expression ng tao o dahil hindi lang ito matanggap ng mga asal-gago sa internet? Yung mga taong mapang-abuso. Mga siraulo kasi kung makapagkumento sa mga web sites, ke discussion forum man o sa isang simpleng Facebook post. Hindi pa ganap na nagpapakilala, madali lang kasi ang magpanggap sa harap ng computer e.

Isip-isip muna.

At isa pa, may manipis kasi na linya na naghihiwalay sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at sa tahasang pangungutya. Halos wala itong pinagkaiba sa aktwal na libel o defamation.

Alalahanin natin na sa kada salitang binibitawan natin, maliban pa sa ito ang maglalarawan kung anong klase tayo, ay may responsibilidad tayo na pinanghahawakan sa mga ito. Kaya mag-ingat palagi sa mga sasabihin at ipopost.

Huling bara: hati ang opinyon ko. Pabor ako, maliban lang sa mga probisyon sa libel. Kung kailangan man ito repasuhain, aba e dapat lang siguro. Dahil pare-pareho lang tayo talo dito. At nilalahad ko pala ito ng nasa ayos.

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time 12:04 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions