Friday, 13 June 2014

Away-Liga

7/29/2013 7:07:48 PM

Ang sanaysay na mababasa n’yo ay kathang-isip lamang.

Alas-diyes kwarenta’y singko na ng Linggo ng gabi. Last two minutes na yun sa fourth quarter. Tabla ang iskor sa 85. Umaandar ang orasan at ang possession ng bola ay sa mga nakapula. Mainit ang lugar kahit maulan noong gabing iyun. Hindi lang dahil sa matinding bakbakan, kundi dahil na rin sa tila blockbuster ang dami ng taong nanunood. Championship game na kasi yun at nasa sagad na ang serye ng kanilang best-of-three. Isa ang magwawagi habang ang isa nama’y masasawi.

Sa init nga lang ng pagchi-cheer, may nagkapikunan. Si Badong at si Aling Isha. Aniya ng binata “Sige, patayin na yan! Mananalo na tayo!” Ganti naman ng ale, “Talaga ha?! Matatalo yang team n’yo! Sige, depensa lang!”

Sumalsak ang isang manlalaro sa nakapulang koponan tatlo ang sumabay. Supalpal sanaang tiring yun nang pumito ang isa as mga referee. “Foul!” ang senyas ng ref sa committee, sabay dikta ng numerong 18 sa pamamagitan ng kanyang daliri. Si Tasyo’y di makapaniwala sa naturang tawag. Iyon na kasi ang kanyang ikalima’t huling foul sa liga. Tiyak na may kanyaw na diploma ang sinumang makaka-5 foul sa isang laro ng basketball.

Napasigaw si Tasyo, “BOLA YUN! BOOOLLAA!”  Sabay panibagong piton a naman ang nairnig mula sa naturang referee. Technical Foul! Dito nag-ingay muli ang crowd. Sabay bulong na hirit ni Tasyo sa kanyang mga ksama, “bobo amputa.” Panibagong tawag na naman! Technical foul ulit! Hindi lang s’ya graduate, ejected na siya mula sa court.

Kasabay nang pangyayaring yun ay nagakainitan ang batang lalake at ang matandang babae, lingid sa kaalaman ng bata’y asawa pala ni Tasyo.
Badong: FOUL nga yun e. Sumabit ka sa kamay ni Anjo. Ano pang mairereklamo mo d’yan, sho?
Aling Isha: Bakit, kitang-kita mo ba talaga? HA? Ikaw magreferee dun.
B: Ikaw na lang tutal gusto mong manalo sila Tasyo ‘di ba? Lutuin mo pag ganun!
A: (namula sa galit)
B: O, bakit ka magagalit dyan?
A: BASTOS KANG BATA KA HA?!
Sinabunutan na ng babae ang binata. Pero nakawala naman ito at inundayan nya ng suntok si Aling Isha bilang ganti. Nagsimulang magsigawan ang mga tao sa labanang ito. Ni wala man lang umawat sa away na ‘yun. At wala talagang nagtangka. Hanggang sa dumating ang lalakeng nabadtrip sa laro at ginulpi ang binata. “HUWAG NA HUWAG MONG SASAKTAN ANG ASAWA KO HA?!”  Inuntog nga ni Tasyo sabakal na railings ang ulo ni Badong. Gulantang ang lahat. Ni ang mga tao sa committee ay walang nagawa.

Hindi natapos ang komosyon sa pagdurugo ng ulo ni Badong dahil noong akmang lalapitan ito ni Tasyo, nilabas naman nito ang patalim na nakaipit lamang sa kanyang short, at sinaksak sa tagiliran ang manlalaro.

Sa kabutihang palad nga lang ay daplis ang inabot nito. Pero dito ulit nag-init ang mga pangyayari. Saktong parating ang mga ramadong pulis ng baranggay nang magsitakbuhan ang dalawa; nagpang-abot sa isang nakaparkeng sasakyan at doo’y binugbog ulit ni Tasyo ang patakas noong si Badong. Matakin mong maraming tao sa paligid pero mga nagsilbing usisero lang ang mga ito na nakapaligid sa kanila.

Tinangka ni Badong na saksakin si tasyo para makawala subalit piniga ni Tasyo ang kamay nito at nabitawan ang hawak na sandata. Dito binugbog ng matanda ang bata, subalit nakatakbo ang binata at hinabol naan ito ng nag-init ng ulo na manlalaro. Ni isa’y walang nakinig sa mga salitang “Hoy! Awatin n’yo yun!”

Kung saan-saang sulok sila nagsitakbuhan, at hinabol din ito ng mga tao. Nadapa sa isang madilim na eskinita si Badong at nagpang-abot ulit sila. Wika ng nag-aalab na si Tasyo, “TARANTADO KA! KALA MO MAKAKATAKAS KA SA AKIN HA?”

Ngunit sa puntong ito, dumating ang ama ni Badong at tinulak palayo si Tasyo at siya nama’y bugbog sarado naging free-for-all ang mga pangyayari sa kalye na yun ng Esteban San Luis. “AKO HARAPIN MO! PAPATAYIN MO PA ANAK KO? E KUNG IKAW KAYA’Y TULUYAN KO DITO!?” Ang galit na salita ng ama ni Badong na si Samuel, isa sa mga siga a baranggay na yun.

Napigilan lang ang away noong dumating na ang mga kapulisan, kasama ang mga baranggay tanod na hindi nakaresponde kaagad dahil sa dami ng nakikiusyoso. Parehong lamog ang itsura ng dalawa na halos magpatayan na, nang dahil sa laro.

Nagsiuwian ang mga tao na tila lumabag na sa curfew. Mag-aalas-dose na ng hatinggabi pero nasa kalye pa rin ang mga ‘to. Pinag-uusapan ang nangyaring sagupaan sa labas ng basketball court. May nagtalo pa nga na fan ng magkabilang koponan. Sabi ko na nga lang na “Hoy! Easy lang. Baka matulad kayo kila Tasyo at Badong ha?” Mabuti nga, yun lang ang sinabi ko e. Kesa naman makabira pa ako ng… nah, ayaw ko mapagulo no.

Samantala, pansamantalang natigil ang championship game. Tabla pa rin ang iskor sa 85 at ang oras na nalalabi ay 1 minuto at 47 na segundo. Parang hindi na nga yatang pinagpasyahan na ituloy muli ang laro sa pagkakaalam ko e. Kawawa naman, walang kampeon.

Pero nakalulungkot lang, ano? Ito lang ang nagpapatunay na may mga mababaw na bagay na pinagpapatayan ng karamihan. BIG DEAL, ika nga. Kahit championship game yan, nakakalimot ang tao na sports pala ang paligsahang kinabibilangan nila. Nawawala tuloy ang elemento ng sportsmanship.

Minsan tuloy, napapataka pa rin ako sa kahinatnan ng resulta. Basta, alam ko, nasuspinde si Tasyo nang habang-buhay sa paglalaro. At wala na rin yatang ginanap na liga dun sa mga sumunod na buwan.

Hay naku. Hanggang sa muling pagpasada.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Andray the Pinoy?

6/8/2014 11:30:12 AM

Nakarating na sa bansa si Andray Blatche, ang player ng Brooklyn Nets na magiging Pinoy kung sakali man na mapirmahan ng Pangulong Benigno Aquino ang kanyang papeles para maging opisyal na Filipino citizen at makalaro sa opisyal na koponan ng basketball na Gilas Pilipinas.

At kung maisakatuparan ito, ay buti naman kahit papaano ay nagbunga din ang mga ginawa nila Robbie Puno at Sonny Angara na nagsulong niyan sa kani-kanilang opisina sa Kongreso at Senado. Dapat lang din, no. 

Bago ka humirit d’yan ng “Eh marami png mas mahalagang panukala kesa dyan eh,” ay isa rin sa mga dapat prayoridad ng pamahalaan ay ang sports (yung tunay na tranalsated meaning ng Pinoy na salitang “palakasan”). Mas okay pa nga yan kesa sa mga kung anu-anong kababawan na pautot na ipinapanukala din ng mga mambabatas eh.

Kung sakali man na maging parte na ng roster si Blatche, paano na kaya si Marcus Douthit? Hindi naman siguro siya maeechapwera. Siyempre, kelangan mo ring gumawa ng iba pang plano maliban pa sa mga lineup na nakuha mo ngayon. Pang-“long term” ba.

Ano nga ba ang maitututlong ni Andray sa Gilas? Siguro, experience na ring maitutring ito, dahil pagdating sa height ay aminin man natin – no match tayo kung ikukumpara sa ibang bansa. Pero dati, kahit height is might ang basketball ay isa ang bansa natin sa mga matatayog ang lipad sa basketball. Ngunit sa paglipas ng panahon, samahan mo na ng kaliwa’t kanang sitwasyon ng pulitika sa ating bansa, ay parang napag-iwanan na tayo. Oo, tayo nga ang tahanan ng pangalawang professional basketball league sa buong mundo (oo, pangalawa tayo sa NBA), kaso… eh ano naman na? Ang ibang bansa, ke maliit man o malaki, ay may player na sa NBA. Kunsabagay, tayo naman ay may coach din dun, at champion coach pa.

Pero, ‘di ba, parang mas okay kung iho-hone rin natin ang mga kasalukuyang talent ng ating local na manlalaro? Tama rin naman kahit papaano si El Presidente eh. Pero siguro, parte na rin ng palo ng Gilas yan. Of course, kaya ng asila nagte-train eh. Yun nga lang siguro, sa mga susunod na kumpetisyon ay baka mag-iba rin ang mga tao dyan. (I mean, may aalis at may papalit.)

Siguro, let’s hope na hindi lang magstay for World Cup alone si Blatche. I mean, talagang paninindigan niya ang pagiging naturalized player niya, tulad ni Douthit.  Pero alam n’yo kasi, kahit parte na rin ng kalakaran sa mudo ng basketball ang pagnanaturalized ng mga player (gaya na lamang ni Jarvis Hayes na naging player na ng Qatar, Chris Kaman a Germany, atbp.), ay isa rin itong mahirap na parte para sa isang basketball player. Dahil siyempre, kailangan mo ring alagaan ang sarili mo, lalo na kung sa NBA ka mas kumikita (o sa Euroleague, CBA, ABL, at sa iba pang professional basketball league). Ang paglalaro para sa bansa ay isang malaking sakripisyo, kung tutuusin.

Well, wish you luck, Andray. Welcome to the Philippines.  It’s more fun playing basketball here. Oo, sa tindi ng fun, tignan mo na lang ang litratong ito na pinost din ni Kevin Durant sa kanyang Facebook page noong 2012.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 11 June 2014

Pambansang Kahibangan

8/13/2013 4:24:01 PM

Uso pa ba ang salitang “pambansa?” O may saysay pa ba ang kasaysayan, pati na rin ang mga bagay na nagsisilbing sagisang ng ating bayan? O baka hindi niyo rin alam ang salitang “sagisag?”

Kung tutuusin, nagbago na ang panahon. Kaya nagbago na rin ang mga bagay na nakasanayan ng karamihan sa atin. Ang mga pambansang bagay na yan? Asus, sa Sibika lang yan tinatalakay. Hindi naman yan na-apply sa ating buhay at sa ating bayan sa ngayon.

Pero nakakahibang lang din e. Tulad ng mga ‘to. Taob pa nga nito ang mga saigisang nila Allan K (bilang pambansang ilong) at Diego (bilang pambansang bading) eh.

Pambansang Bayani


Maliban kay “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao, sinu-sino pa ba ang tinatagurian nating pambansang bayani sa panahon ngayon? Sila Rizal pa ba, kasama sila Bonifacio, Mabini, at ultimong si Ninoy Aquino? O baka naman ang mga modernong nilalang sa panahon ngayon tulad na lamang ng iyong paboritong artista sa pelikula, telebisyon at musika? O baka naman ang mga OFW dahil may naiaambag sila sa ekonomiya ng ating kasalukuyang kabihasnan?

Pero kung tutuusin, hindi isyu dito kung sinu-sino ang mga katulad ng ating mga naituring na "patriot" or rebolusyunaryong tao. Kundi uso pa ba sa panahon ngayon ang mga gawain na nagsisilbing "makabayan" tulad ng ginawa ng mga nabanggit sa naunang talata?

At oo nga pala, kung olats si Pacuqiao sa mga natitirang laban niya, bayani pa rin ba kaya ang turing sa kanya ng karamihan? Malabo lang kasi alam mo naman ang mga tao sa ating bayan, ipagbubunyi ka pag nanalo ka; at lalaitin ka naman kung palagi kang umuuwing talunan.

Pambansang bulaklak


Sampaguita.

Sure ka? Eh pansabit lang naman kay Sto. NiƱo o sa kung kani-kaninong rebulto o mga pigura sa simbahan ang Sampaguita ha? At pati na rin sa mga graduate ng isang pamantasan sa Maynila na simbolo ng isang graduation ritual. Ganun?

Tingin ko, hindi na napapahalagaan ng tao ang sampaguita bilang isang pambansang bulaklak. Alanaman yan ang ibigay mo sa iyong sinisinta, ‘di ba? Eh di nadagukan ka pa ng babaeng yan dahil sa tanong niya na “Ano ako? Santo?!”

Hindi sampaguita ang ating pambansang bulaklak, kundi rosas. Dahil yan ang mabenta sa merkado. Yan ang mas pinipilahan sa Dangwa, sa halos kahit anong okasyon ng taon, rosas. Kung hindi rosas, marami pang iba, maliban nga lang sa sampaguita na afford na afford mo naman e. ‘Yan ay kung una ay palasimba ka; at pangalawa, kung mabait ka sa mga bata.

Pambansang sasakyan


Jeepney, yung pampasahero of course, gawang Pinoy eh. At revolutionized pa. May mala-boom box na super surround pa ang sound system niyan. Kahit mukha siyang scrap metal, go lang. At yan ang mas madalas mong makikita sa halos kahit saang lugar sa Pilipinas, lungsod man o munisipal. Nasa Kamaynilaan ka man, o nasa probinsya.

Pero maliban sa jeep, meron pa ba? Maliban sa kuliglig at… teka, phase out na yata ang Tamaraw FX e.

Pambansang trabaho


Dalawa ito: kung hindi tambay, call center. At bakit ganun? Dahil marami na rin ang mga tambay at marami-rami na rin ang mga call center sa ating bayan. Walang masama dun sa huling binanggit ko, dahil ang problema nga lang ay yung nauna. Lalo na kung ang bukambibig niya ay "hayahaaaaayyyy...."

Pambansang subject


Kung tutuusin, hindi na yata ang mga asignatura na Filipino o  Makabayan ang pinakapaboritong subject ng karamihan. Alam mo kung ano? Recess.

Bakit? Dahil mas masaya pang kumain kesa sa mag-aral.

Putek, may usap-usapan pa nga na ibaban ang Filipino sa curriculum sa kolehiyo.

Pambansang tambayan


Ang Facebook. Mas marami pang oras na ginugugol ng tao sa pagpe-Facebook kesa sa mga mahahalagang bagay tulad ng magtrabaho o mag-aral, magsimba, gumala at kahit ang mga pangunahing kailangan ng tao na tulad ng kumain, matulog, tumungga ng alak, tumae, at kahit ang magsarili. Kaya ito ang pambansang tambayan ng mga tao sa Pilipinas sa panahon ngayon.

Kahit mga sikat na personalidad, bago sila lumipat sa Twitter at Instagram, sa Facebook sila nagsimulang maging aktibo. Hindi na ba kataka-taka kung bakit numero uno tayo sa mundo kung paramihan ng mga user sa social networking sites ang usapan?

At hindi na rin kata-taka kung bakit mas marami pang tao ang tinatamad na umalis ng bahay o kung aalis man ay tatambay sa mga mall na may wi-fi at sa mga computer shop; oo, dun pa sila mas lulugar kesa sa mga opisina, paaralan at kahit sa mga basketball court.

Pambansang musika


K-pop (eh?! I doubt it) at ang mga kabaduyan sa mainstream. Isama mo na rin ang mga “tunog-jeepney na rap,” ayon sa mga kaibgan kong commuter. Walang masama dito, maliban na lamang kung magpapakasasa ka sa mga romantikong konsepto na tunog sa kahit anong genre pa yan.

Saka hindi patay ang OPM. Try mo kayang makinig ng indie. Speaking of which…

Pambansang usapin


Ay, matik na yan… lovelife na ang sagot d’yan. Ang daming problema ng Pilipinas, pero lovelife pa rin ang mas pinag-uusapan? Mabenta sa karamihan ng Pinoy e, may magagawa ka pa ba? Wala silang pakialam kung magtataas ng presyo ang mga bilihin (dahil “lagi naman eh” ang sagot ng iilan d’yan) o kung gaano ka-corrupt ang binoto mo noong nakaraaang eleksyon; dahil mas pinapansin ng mga Pinoy ang usaping lovelife, lalo na kung may koneksyon sa paborito nilang artista ang usapan.

Samahan mo pa ng kontrobersyal na bagay tulad ng away nila sa loob ng kwarto ng kanilang condo unit, o kahit ang sex scandal na inupload mula sa ninakaw na hard drive. Hay naku, may konek yan sa pag-ibig siyempre.

Pambansang palabas


Marami eh, may YouTube pa kung internet ang usapan natin dito. Marami kang pagpipilian, mula sa rap battle hanggang sa mga kontrobersyal na eksena, hanggang sa mga bulok na parody, hanggang sa mga sobrang gasgas na love story movie, at pati na rin ang mga replay clip, at music video ng mga baduy na mainstream artists.

Pero kung sa telebisyon lang ang sakop ng ating usapin ukol dito, wala nang tatalo pa sa mga teleserye. Oo, araw-gabi, panahon pa ng Hapon hanggang sa Panahon ni Macoy at mapahanggang ngayon, teleserye ang mas pinapatos ng karamihan sa atin. Kahit pinalitan lang naman ang mga artista, off-cam personnel at pamagat; at kahit pare-pareho lang naman ang mga commercial sa gap, mga anggulo ng camera, at generic na plotlines. Kumbaga sa Ingles, “same old shit.” Oo, parang tae lang.

Pambansang debate


'Di ko nga alam kung ano ang talagang isasagot dito e. Ang alam ko lang ay ganito: kapag pareho silang nagpapangalandakan ng kani-kanilang mga punto sa kanilang pinagtatalunang usapan, humahantong ito sa personalan na sumbatan tulad nito:
Pare A: “Tanga ‘pre. Hindi ganyan yan…”
Pare B: “Hindi, bobo ka e. hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko?”

Hanggang humantong sa isang pisikal (o kung mas malala pa, patayan) ang isang maintin pero maliit na argumento. Hay naku, sino ba namang nag-aakala na may magpapatayan pa pala dahil lang sa ga-pisong halaga ng pulutan, yosi, o kung ano pa man yan?

Pambansang krimen


Sa dinami-dami ng krimen sa ating bansa, yung "riding-in-tandem" ang mas naglilipana. Kahit saan, tumitira, basta may motorsiklo lang. At siyempre, dapat dalawa kayo. mahirap nga naman kung isa lang ang aatake, ‘di ba? Eh 'di natulad ka sa mga nabugbog ng mga biktima at taumbayan sa kanilang pagkasadista sa krimeng iyong ginawa laban sa kanila.

Pambansang himig


Pusong Bato, at yung iba pang mga kanta na lagi mong naririnig sa radyo. Oo, hindi na nga “Lupang hinirang.” Sino ba naman kasi ang kakanta ng national anthem ng Pilipinas sa isang videoke? Kung sa mata ng mga kabaro mo yan, masabihan ka pa ng “abnormal” o “ano ka, kakanta sa laban ni Manny Pacquiao?”

Pambansang salita


Ang sagot diyan ay kahit anong mura, at sa kahit anong lengwahe o dayalekto pa yan. Pansinin mo, hindi natatapos ang isang araw para sa isang tao kung hindi niya mabaabnggit ang mga “tarantado,” “gago,” “puntanginamo,” at kung anu-ano pang msasakit na salita. Minsan nga kahit sa TV ay nakakalusot pa yan e. Kahit may MTRCB pa (“ito ay rated SPG…”).

Maliban na lang siyempre, kung ikaw ay disiplinadong personalidad sa media at yung mga santo talaga na pare at madre sa ating lipunan.

Pambansang gamit


Cellphone. Mas hi-tech, mas okay. Sa halos bawat Pinoy yata ay may cellphone na silang hinahawakan kesa sa pitaka o pagkain.

Pambasang kaaway

Mga tiwaling tao sa lipunan. Kabilang na rito ang mga kawatan, mga gahaman sa negosyo, mga alagad ng batas na mapang-abuso at mga pulitiko.

Isama na rin pala natin dito ang mga kontrabida sa paborito mong palabas. Yung tipo na pag nakita mo siya off-cam, susugurin mo at bubuhusan mo ng asido o sasagasaan mo ng pison. Lalo na kung kabit pa yung role niya sa relasyon niyo ng jowa niyo.

At may addition pa dito: yung mga tao na nagpapahayag ng mga opinyon sa Internet. Pag ayaw ng marami sa sibabi mo, pustahan, d'yan nagsisimula ang mga personal na tirada laban sa 'yo at tinuturing ka na rin na public enemy number one hanggang 'di ka mamatay-matay o hangga't di nila maamin ang kanilang kabobohan sa pamamagitan ng pagmu-move on.

Pambansang laro


Mga online game, o ‘di naman kaya ay yung mga app sa gadget mo. Wala na sa radar ng sinuman ang Pinoy Henyo. 'Pag oras lang ng Eat Bulaga‘yun.

Wala ring sinabi ang basketball o boxing (dahil t’wing laban lang ni Pacquiao uso yun) sa mga online games. Daig nga rin nito ang chess e.

Mas napapansin ko pa nga yata na marami ang naglalaro sa computer o cellphone nila kesa sa mga tulad namin noon na ang hilig ay agawan base, piko, sipa at kung anu-ano pang mga larong pambata nun. Ni habulang-gahasa nga, walang sinabi sa mga modernong laro ngayon e.

Pambansang sakit


Pati ba naman ito? Oo, meron yan, at ang sagot d’yan ay “katamaran.” Iyan ang tunay na ugat ng kahirapan. Maraming tao ang tamad, mas piniling maging tambay, hindi mag-aral, at lumandi hanggang sa magkalaman ang sinapupunan.

Sa katamaran din nagmula ang sakit na pagiging ignorante, mangmang at arogante ng karamihan. Mangmang dahil pinili nila maging walang alam, at arogante dahil ipinapangalandakan ang kanilang ka-ignorantehan.

Sa totoo lang, ito ang dahilan ng mga tinatawag na “cancer ng lipunan.” Tulad ng trapiko sa kalye, pamumulitika, korpasyon, at ang pagiging walang disiplina ng ating mga kababayan.

Talo nito ang mga tulad ng cancer, ulcer, stoke, heart attack at kahit ang osteoporosis; dahil ang katamaran ay tulad nila, isang lifestyle disease din. Isang lifestyle disease na ang tanging gamot ay ang idisplina ang sarili.

Pambsansang inumin


Alak, at alak lang. meron nga diyan ginagawang tubig ang mga alcoholic drinks e. Daig pa ang softdrink at juice. Pansinin mo, may mga tao sa ating lipunan na walang ginawa kundi ang tumungga buong araw. Tapos 'pag nagkandaleche-leche na ang buhay nila, isinisisi sa alak.

Parang mga gago lang e no?

Pambansang hayop


Hindi na tamaraw ang pambsang hayop natin. Alam mo kung ano? Apat sila – kung hindi baboy, e di buwaya. Kung hindi buwaya, e di pagong. Kung hindi pagong, eh… mamaya ko sasabihin. Tignan mo na nga lang ang mga katabi mo dyan e parang baboy na kung umasta. As in ang “swapang” lang niya. Ganid ba. Kung kumain, akala mo mauubusan ng pagkain sa hapag? Kung makalabas ng bahay, putik yung pinanligo sa katawan.

Sa modernong bokabularyo ng mga pakelamaerong Pinoy, ang buwaya ay tumutkoy sa dalawang aspeto. Kung sa basketball ang usapan, yan ay yung taong swapang sa bola. Hindi namamasa sa kakampi, sa kalaban o kahit sa referee. At yung pangalawa naman ay tumtukoy sa mga tiwaling tao sa larangan ng pulitika.

Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit dinagdag ko pa ang pagong dito e. Siguro, dahil na sa pamabasag-linya na “Kwento mo sa pagong!”

Ay, may pang-apat pa pala no? Ano yung huling pambasang hayop? Yung ex mo. Kaya nga minsan nauso ang joke na ito e:
Tanong: Anong hayop ang nagsisimula sa X?
Sagot: eX-boyfriend!
Hay, naku.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 10 June 2014

Malaya Ka Nga Ba?

6/8/2014 12:27:48 PM

Gaano nga ba kahalaga para sa atin ang isang malayang bansa? Simple lang: mayroon tayong “araw ng kasarinlan,” o tinatawag na “Independence Day.”

Para sa mga hindi nakakalaam: noong Hunyo 12 taong 1898 ay ipinagdiwang ng arhipelagong ito ang araw ng ating pagkalaya mula sa tatlong dekadang pananakop ng bansang Spain (o Espanya) sa atin, ilang buwan matapos ang matindihang pagaklas ng mga Pinoy na karamihan ay galing sa walong lalawigan.

Pero naging malaya nga ba tayo? Actually, hindi rin eh. Dahil pagkatapos nun ay sinakop naman tayo ng mga alagad ni Uncle Sam. At naging July 4 ang Independence Day natin sa halip na June 12.

Sa isang batas lamang nung dekada 60 ito nabago, at naibalik muli sa June 12. At sa darating na araw na rin na ‘yun (na Huwebes) ay ika-116 na taon na pala n gating kasarinlan, no?

Ngunit,ano nga ba ang ‘malaya’ para sa atin? Isa ba itong titulo, karapatan, pamagat ng Diyaryo, ng kalye o isang payak na salita lamang na hindi natin talaga alam ang kahulugan.

Maraming nagsasabing malaya tayo dahil nagagawa natin ang mga gusto natin. Pero yung nga lang, sobrang absolute na dahil nakakatapak sila ng ibang tao, ke simpleng pangungutya man yan o pagkitil na ng buhay.
Maraming nagsasabing malaya din tayo dahil may angas tayong magngawa sa ating pamahalaan. Lalo na pag sila’y nakakagawa ng kasalanan.

Ngunit, malaya nga ba tayong maituturing kung tila nakakulong tayo sa isang bulok na sistema? Kung tila nilamon ba tayo nito, gaya na lamang ng lumang kanta ng yumaong Francis Magalona. Malaya nga ba tayo kung may hawak naman tayo ng mga tiwaling gago sa ating mga kwelyo?

Malaya nga ba tayong nakalagalaw kung may nakasunod na baril ang nakatutok sa ating mga kukote?

Malaya nga ba tayo mula sa mga lumang kaisipan na nagkukubli muli sa atin sa pamamagitan ng mga lumang sablay na tradisyon at mga tila misleading na relihiyosong gawain?

Sa totoo lang, hangga’t hindi tayo nagbabago mula sa mga nakagawian natin noong panahon na para tayong sinalpak sa isang koral, hindi taaga tayo malaya.

Tignan mo: isa tayo sa mga racist na bansa, pero hindi natin magamit ang bully instinct na ‘yan pagdating sa agawan sa teitoryo ang usapan. Hindi tayo malaya hangga’t hindi tayo nagtatanda mula sap ait at akit na ating naranasan noong nakalipas na kontrobersiya sa pulitika.

Hindi tayo malaya pagka’t iniisip natin na tayo ay isang ‘biktima.’ Low-profile kuno. Lagi tayong nag-paapi.
Tama ang nabanggit sa libro ng isang histroyador na si Gregorio Zaide: may cultural diversity tayo — at yan ang nagiging ugat kung bakit hindi tayo nagkakaisa para sa kalayaan natin. Pagkatapos ng isang pag-aaklas, balik tayo sa dating gawi. Parang wala lang. parang tayong mga gago ulit na magsasabi na “magsimula ulit tayo” hanggang sa wala namang nangyayari makalipas ang ilang araw.

Sana ngayong “Independence Day,” kung isa ka ngang tunay na makabayan, isipin mo: Malaya ka nga ba? Malaya nga ba tayo?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 9 June 2014

Bullying Daw

6/8/2014 12:56:03 PM

Masyado raw tayong bully? Aba, look who’s talking?!


Pambihira. Dalwang mallit na bansa nga lang maituturing ang Pilipinas at Vietnam eh.


Alam ba ng mga ‘to ang bullying? Alam ba ng mga ‘to ang pinagsasabi nila?


Pilipinas at Vietnam, binubully ang China?


HAHAHAHAHAHAHA! Ano to, gaguhan?


Sinasabi na binully raw natin ang China alinsunod sa usapin na agawan sa teritoryo. Yung mga isla na kung tutuusin ay pinagtutunggalian nga natin ng China, Vietnam at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya eh. Yung mga lupain na nakalutang sa tinatawag nilang South China Sea, o sa ating terminolohiya – West Philippine Sea.

Paano naman nangyari yun? Samantalang isang malaking bansa ang People’s Republic of China, ‘di ba? Sila ang pinakapopuladong bansa sa buong mundo (tinalo pa nga nila ang super-country na Estados Unidos, at ultimo ang pinakamalaking bansa sa buong mundo na Russia eh), kaya malakas rin ang kanilang pwersa sa larangan ng kanilang military na kapangyarihan. May mga bonggang-bongga pa nga sila na kagamitan na kayang ipansaag sa sinumang  babangga sa kanila.

Paano naman sila naging bully kung sila mismo ang nangeeechapwera sa mga fishing vessel ng Vietnam at ultimo ang Pilipinas para magtayo ng pasilidad sa mga pinagaagawang pulo.

Kasalanan rin kasi natin yan eh. Kung alam naman natin na sa atin yan eh di sana noon pa man ay naresolba ang sigalot na ito, lalo na’t matagal-tagal talaga ang kahabaan ng proseso nito. Lahat tayo, may kanya-kanyang ebidensya para sabihing “akin ang lupang ito.” Ang mga Tsino, ‘nine-dash’ line; samantalang tayo, basehan sa UN na 200 o 300-mile radius na ‘exclusive economic zone.’

Eh paano yan, kung tutuusin ay mas matanda ring bansa ang China kesa sa atin pagdating sa usapin ng soberenidad o sovereignty. Ano ipapanglaban natin? Dahil sa Palawan natagpuan ang isa sa mga unang klase ng tao na Taong Tabon? Eh di ba bago dumating ang mga mestizo mula sa kontinente ng Europa ay may mga Intsik na rin sa ating bansa?

Mahaba-habang away yan. Pero, para sabihin ng isang bully na binully sila? Wala itong pinagkaiba sa isang mokong na nambubully sa internet, tapos nakahanap siya ng katapat – hindi nga lang isa, kundi maraming nakabangga, at pagakatapos nun ay iiyak siya ng “cyber bullying.” Ganun? Gago pala ‘to eh.

Wala pa nga sa kalingkingan ang ginawa ng Vietnam eh, na maalalang nakaaway ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon (Vietnam war yun, pare). Patunay lamang na kahit sa huli ay sumuko sila sa powers ni Uncle Sam ay kaya nilang makipagbanggan sa kahit isa pang mala-Goliath na bansa.

Kami nambubully? Naku, seryoso k aba sa sinasabi n’yo, mga tol?

Hindi naman sa sinasabi kong “don’t play victim,” ha? Pero kasi kung ikaw yung nauna na naging marahas sa pagdispatsa sa karibal mo sa teritoryo, eh talagang may makukuha kang ganti sa ayaw at sa gusto mo. Yun lang. Kung seryoso talaga tayo pagdating sa pagresolba ng awayan sa ating mga lugar, tingin ko, hindi na solusyon dyan ang giyera. Masyado tayong medieval apra magresort sa ganyan. Isipin mo, dumarami na ang populasyon, tumitindi ang teknolohiya, nagbabago ang klima, tapos pasasakitin pa natin ang ulo’t kamalayan natin sa pamamagitan ng mga gulo? Hayaan n’yo na lang na ibaling yan sa mga action movies at WWE yan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 7 June 2014

NBA Finals Na! Eh Ano Ngayon? (v. 2014)

6/8/2014 11:03:32 AM

It’s that time of the year-slash-season again. NBA Finals na naman! I mean, for the 67th (?) time. At sa pagkakataong ito, rematch ang NBA Finals, dahil ang muling magtutuos sa hardcourt ay ang dalwang koponan na naglaban din sa NBA Finals last year. Tama, ang Miami Heat at ang San Antonio Spurs. Ang isa dyan na nagmula sa Eastern Conference Southeast Division ay nanaig at tinanghal na NBA Champions sa taon na rin na iyun; samantalang ang isa naman na nagmula sa Western Conference at Southwest Division ay naging runner-up sa liga matapos ang pukpukan sa Game 7 ng serye na ito.

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Ang mga tanong: sa ikalawang pagkakataon ay manaig kaya ang Miami Heat para masungkit ang ikatlong sunod na kampeonato – at ika-apat sa kanilang franchise history? O makakakganti ang San Antonio Spurs para kunin ang unang titulo sa nakalipas na pitong taon – at para na rin sa kanilang ikalimang kampeonato sa kasaysayan ng kanilang pagpartisipa sa pinakaunang play-for-pay basketball league sa buong mundo?

At kung sakali man isa sa kanila ang manalo, sino kaya ang magpapakitang gilas nang bonggang-bonga?

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Pustahan, yan ang usapan ng tao sa ngayon, mula sa mga kwentong tambay hanggang sa social media. Galit-galit muna ang mga tao dahil may papanigan sila sa puntong ito–bagay na ginagawa rin ng mga PBA fans pag game time na (“San ka? Kampihan na!”). Yan yung mga panahon na magiging aman ng news feedmo sa Facebook at Twitter ang mga laro ng NBA, mga naglalabang koponan, at samahan mo na rin ng mahaba-habang asaran at pikunan. Oo, pustahan tayo, madalas mangyayari talaga yan. Speaking of which…

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Pustahan. Oo, mauuso muli ang pustahan, na halos walang pinagkaiba kung ikukumpara sa ibang mga sporting events gaya ng UFC, WrestleMania, PBA Finals, UAAP at NCAA finals, at ultimong laban nila Pacquiao at iba pang boksingero. Siyempre, matik na yan. Depende pa yan kung sino ang mananalosa game na ito, o kung anong koponan ang makakasungkit ng kampeonato at kung ilang games lang itatagal ang serye na ito.

Yun nga lang, pustahanklang boys ha? Baka naman mauwi pa yan sa patayan na para kayong mga sinidkato o mafia.

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Mauuso ang mga viewing party sa mga piling venue tulad na lamang ng mga sports bistro, o ordinaryong restaurant. Minsan nga, kahit sa tinatambayan mo lang na tindahan eh; o sa main lobby ng inyong opisina (at yung chicks na nasa reception desk n’yo, makikiuso na rin tutal pansamantala lang naman yan eh at magkukunwaring fan ni Tony Parker o LeBron James yan); at ultimo sa mga eskwelahan.

Tama, kung may TV ang canteen n’yo, o kung mas galante pa ang paaralang pinapasukan n’yo—sa classroom, magiging instant viewing session yan. Gawain yan madalas ng mga nasa high school na; yung tipong makikiusap sa mga guro nila (at tipong magasasabi na “Ma’am, next eeting na lang quiz natin. NBA Finals na eh!” at aagree naman dito ang buong klase kaya wala nang magagawa pa si Madam kundi sumunod sa mga engot, este sa mga alipores niya). At bakit ganun? Siyempre, sila ang nagbabayad ng tuition sa school na ‘yan na pinapasweldo naman sa kanilang guro (maliban na lamang kung napakastrikto ng eskwelahan na ‘yan, kung wala talagang TV, at kung principal ang teacher n’yo).

Pero either way kasi, masarap manood ng isang malaking sporting event tulad na lamang ng NBA Finals kapag marami kayo. At hindi ko dini-diss ang channel 2 ukol dito. In fact, kung trip mo lang naman na manood sa bahay n’yo kahit walang cable, eh okay lang yan. Buti nga kahit papaano eh andyan sila, at least, nagprovide na matinong alternatibo kesa sa mga sobrang adbstract na cartoons at maaga-agang dramahan sa morning. Gawin naman nating mas exciting tulad nito.

At dahil NBA Finals na, at pagnanalo na ang panalong koponan, ay pustahan, lahat ay magiging instant sports analyst. Yung tipong naging matalino sila sa kung paano iexecute ang play. Oo, maraming ganyan, regardless kung nakapaglaro sila ng sport na yan o hindi. At may hindi sasang-ayon, d’yan magsisimula ang isang kumukulong debate na minsan ay mauuwi sa personalan na sumbatan, at kung minsan ay magkakasakitan pa na parang sa mga eksena ng mga lasheng mo lang nakikita. Ayos, ‘di ba?

O, tama na. Quit talking. Let’s do the watching na lang instead.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

The Finale Rematch

6/7/2014 10:57:36 AM

It’s on again, like an Alicia Keys and Kendrick Lamar soundtrack, as after one exhilarating season accompanied by tune-up changes in roster and several off-court controversies as well as shifting of records, statistical averages and awards garnered, it all comes down to one grand finale—two teams squaring off against each other once again.

Yes, sirs. The San Antonio Spurs and Miami Heat will clash for the second straight time; and the National Basketball Association (NBA) championship stage will feature a rematch for the first time since 1998.
Well, sounds new for the newbies out there, especially if you are younger than us 90s babies.

So it’s kinda a “rare phenomenon” to think about considering that the last time the NBA Finals ended up this way was during 1998–when the Chicago Bulls and the Utah Jazz fared up to each other one last time. Their first duel was in 1997, with the Bulls owning the homecourt advantage and dispatched the Jazz in five games. And on their second encounter in ’98? The four-game-home floor favour was on their side, but still it was the Bulls which prevailed in the end courtesy of the game-winning move by then sick-but-heroic superstar named Michael Jordan.

And if you’ll do your research, you’ll see that even before 1998, there were a lot of Finals rematches in the NBA, especially if we’re talking about “way back” to the past (I mean, literally).

Fast forward to two thousand thirteen first; the Spurs always won the odds (Games 1, 3, and 5), while the Heat were the ones always playing catch-up basketball to even their series (Games 2, 4 and 6).

Apparently, the Spurs were on the verge of pulling a Game Six victory on the American Airlines Arena in the South Florida beach when a sudden rally courtesy of LeBron James and Ray Allen was staged. Talk about pulling off a “never-say-die” spirit, huh? But talks from people will tell you that it was perhaps one of the greatest moments in the recent NBA Finals.

Turns out the Heat rally dictated the final days of the series in their hands when they pulled an improbable overtime win to even the series for the third and last time in the 2013 finale; as Miami went on to close out the duel and the title in their home on Game 7, 97-88; with then-Most Valuable Player (MVP) LeBron James nailing a much-needed, cold-blooded dagger, to avenge his personal Finals loss against Tim Duncan and company in 2007.

Well, let’s move on to 2014. Things have been working well for the Spurs. They won 19 straight contests during the regular season; they were the first-ranked team in the Playoffs; they shrugged off their perennial playoff and state rival Dallas Mavericks in seven games in the first round; they shut down Portland in five; and a massive turn-around clincher against the Thunder, the team that has this season’s scoring champ and MVP in Kevin Durant, and also the squad which owned San Antonio in their four regular season outings.
The Thunder could have even force a Game 7 only if they prevail in overtime. Prior to that, they even tied the series, 2-2, before San Antonio zoomed in to their crucial victories.

On the other hand, Miami Heat, the two-time (and three-peat seeking) defending champions were rolled with inconsistencies. Yes, they are the champions, but one thing poisoned their form—rebounding. They were the worst rebounding team for this season. Yet, they pulled more victories, however, not the same type as they were before. Come to think that Miami even loses to those “dropped” teams during the 82-game regular season.

Both teams got better bench players though. I mean those role key guys who usually came off the bench. Plus, they also had three-point shooters. San Antonio may be aging though, but like a Rowdy Piper sound byte goes, “Legends don’t get old, they just got better.”

Despite the huge disadvantage though, Miami managed to sweep their first round assignment against Charlotte. They also dispatched Brooklyn, the squad which owned Miami during the regular season, in six games; and last year’s rematch Eastern Conference finalist Indiana, in six games. That just proved that even if you won four games in a very close-contested result (how about a total of 12-point winning margin during those four games that the Nets won against the Heat), it doesn’t matter in the playoffs.

And also, looks like the Pacers will have to learn their sets of lessons during this adventurous ride for 2013-2014 wars. They were the first-seeded team in the East, only to get down to their heels for numerous times during the post-season party. In addition, they were better than ever on paper–they just failed to take advantage of it. And include their team chemistry issues right there.

This time around though, San Antonio was way better than Miami; though in their two regular outings, both teams pulled off marginal victories in their respective floors. And I think that will be the typical grind for them this season.

I’m seeing San Antonio will prevail in this rematch should they zoomed on to an early 2-0 lead and if they will win at least one game in the Florida beach come Games 3 and 4. And if that’s the case, the Spurs will be going 2-1 against LeBron, 1-1 against the Heat, and a guaranteed fifth NBA title over the last 15 years.

However, if Miami can get their players healthy, whether it’s Dwyane Wade or LeBron, they will remain dangerous. All it takes is to withstand everything, including the atmosphere whether it’s in the Alamo or in Miami. And possibly, Miami can take this thing in six; and in case they win and grab their fourth title in franchise history, they will join the Spurs and the Los Angeles Lakers as the other team to dominate the NBA in the last one and a half decade (come to think that if this will happen, all of them have at least four championship titles, with the Lakers earning five, and one apiece for the 2008 Boston Celtics and 2004 Detroit Pistons).

So expect (and I’ll quote Hulk Hogan’s adjectives for this) a “running wild” game ahead of you, accompanied by an even running wild fans which will make this finale the “talk-of-the-world.”

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions