Tuesday, 10 June 2014

Malaya Ka Nga Ba?

6/8/2014 12:27:48 PM

Gaano nga ba kahalaga para sa atin ang isang malayang bansa? Simple lang: mayroon tayong “araw ng kasarinlan,” o tinatawag na “Independence Day.”

Para sa mga hindi nakakalaam: noong Hunyo 12 taong 1898 ay ipinagdiwang ng arhipelagong ito ang araw ng ating pagkalaya mula sa tatlong dekadang pananakop ng bansang Spain (o Espanya) sa atin, ilang buwan matapos ang matindihang pagaklas ng mga Pinoy na karamihan ay galing sa walong lalawigan.

Pero naging malaya nga ba tayo? Actually, hindi rin eh. Dahil pagkatapos nun ay sinakop naman tayo ng mga alagad ni Uncle Sam. At naging July 4 ang Independence Day natin sa halip na June 12.

Sa isang batas lamang nung dekada 60 ito nabago, at naibalik muli sa June 12. At sa darating na araw na rin na ‘yun (na Huwebes) ay ika-116 na taon na pala n gating kasarinlan, no?

Ngunit,ano nga ba ang ‘malaya’ para sa atin? Isa ba itong titulo, karapatan, pamagat ng Diyaryo, ng kalye o isang payak na salita lamang na hindi natin talaga alam ang kahulugan.

Maraming nagsasabing malaya tayo dahil nagagawa natin ang mga gusto natin. Pero yung nga lang, sobrang absolute na dahil nakakatapak sila ng ibang tao, ke simpleng pangungutya man yan o pagkitil na ng buhay.
Maraming nagsasabing malaya din tayo dahil may angas tayong magngawa sa ating pamahalaan. Lalo na pag sila’y nakakagawa ng kasalanan.

Ngunit, malaya nga ba tayong maituturing kung tila nakakulong tayo sa isang bulok na sistema? Kung tila nilamon ba tayo nito, gaya na lamang ng lumang kanta ng yumaong Francis Magalona. Malaya nga ba tayo kung may hawak naman tayo ng mga tiwaling gago sa ating mga kwelyo?

Malaya nga ba tayong nakalagalaw kung may nakasunod na baril ang nakatutok sa ating mga kukote?

Malaya nga ba tayo mula sa mga lumang kaisipan na nagkukubli muli sa atin sa pamamagitan ng mga lumang sablay na tradisyon at mga tila misleading na relihiyosong gawain?

Sa totoo lang, hangga’t hindi tayo nagbabago mula sa mga nakagawian natin noong panahon na para tayong sinalpak sa isang koral, hindi taaga tayo malaya.

Tignan mo: isa tayo sa mga racist na bansa, pero hindi natin magamit ang bully instinct na ‘yan pagdating sa agawan sa teitoryo ang usapan. Hindi tayo malaya hangga’t hindi tayo nagtatanda mula sap ait at akit na ating naranasan noong nakalipas na kontrobersiya sa pulitika.

Hindi tayo malaya pagka’t iniisip natin na tayo ay isang ‘biktima.’ Low-profile kuno. Lagi tayong nag-paapi.
Tama ang nabanggit sa libro ng isang histroyador na si Gregorio Zaide: may cultural diversity tayo — at yan ang nagiging ugat kung bakit hindi tayo nagkakaisa para sa kalayaan natin. Pagkatapos ng isang pag-aaklas, balik tayo sa dating gawi. Parang wala lang. parang tayong mga gago ulit na magsasabi na “magsimula ulit tayo” hanggang sa wala namang nangyayari makalipas ang ilang araw.

Sana ngayong “Independence Day,” kung isa ka ngang tunay na makabayan, isipin mo: Malaya ka nga ba? Malaya nga ba tayo?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment