6/8/2014 11:30:12 AM
Nakarating na sa bansa si Andray Blatche, ang player ng Brooklyn Nets na magiging Pinoy kung sakali man na mapirmahan ng Pangulong Benigno Aquino ang kanyang papeles para maging opisyal na Filipino citizen at makalaro sa opisyal na koponan ng basketball na Gilas Pilipinas.
At kung maisakatuparan ito, ay buti naman kahit papaano ay nagbunga din ang mga ginawa nila Robbie Puno at Sonny Angara na nagsulong niyan sa kani-kanilang opisina sa Kongreso at Senado. Dapat lang din, no.
Bago ka humirit d’yan ng “Eh marami png mas mahalagang panukala kesa dyan eh,” ay isa rin sa mga dapat prayoridad ng pamahalaan ay ang sports (yung tunay na tranalsated meaning ng Pinoy na salitang “palakasan”). Mas okay pa nga yan kesa sa mga kung anu-anong kababawan na pautot na ipinapanukala din ng mga mambabatas eh.
Kung sakali man na maging parte na ng roster si Blatche, paano na kaya si Marcus Douthit? Hindi naman siguro siya maeechapwera. Siyempre, kelangan mo ring gumawa ng iba pang plano maliban pa sa mga lineup na nakuha mo ngayon. Pang-“long term” ba.
Ano nga ba ang maitututlong ni Andray sa Gilas? Siguro, experience na ring maitutring ito, dahil pagdating sa height ay aminin man natin – no match tayo kung ikukumpara sa ibang bansa. Pero dati, kahit height is might ang basketball ay isa ang bansa natin sa mga matatayog ang lipad sa basketball. Ngunit sa paglipas ng panahon, samahan mo na ng kaliwa’t kanang sitwasyon ng pulitika sa ating bansa, ay parang napag-iwanan na tayo. Oo, tayo nga ang tahanan ng pangalawang professional basketball league sa buong mundo (oo, pangalawa tayo sa NBA), kaso… eh ano naman na? Ang ibang bansa, ke maliit man o malaki, ay may player na sa NBA. Kunsabagay, tayo naman ay may coach din dun, at champion coach pa.
Pero, ‘di ba, parang mas okay kung iho-hone rin natin ang mga kasalukuyang talent ng ating local na manlalaro? Tama rin naman kahit papaano si El Presidente eh. Pero siguro, parte na rin ng palo ng Gilas yan. Of course, kaya ng asila nagte-train eh. Yun nga lang siguro, sa mga susunod na kumpetisyon ay baka mag-iba rin ang mga tao dyan. (I mean, may aalis at may papalit.)
Siguro, let’s hope na hindi lang magstay for World Cup alone si Blatche. I mean, talagang paninindigan niya ang pagiging naturalized player niya, tulad ni Douthit. Pero alam n’yo kasi, kahit parte na rin ng kalakaran sa mudo ng basketball ang pagnanaturalized ng mga player (gaya na lamang ni Jarvis Hayes na naging player na ng Qatar, Chris Kaman a Germany, atbp.), ay isa rin itong mahirap na parte para sa isang basketball player. Dahil siyempre, kailangan mo ring alagaan ang sarili mo, lalo na kung sa NBA ka mas kumikita (o sa Euroleague, CBA, ABL, at sa iba pang professional basketball league). Ang paglalaro para sa bansa ay isang malaking sakripisyo, kung tutuusin.
Well, wish you luck, Andray. Welcome to the Philippines. It’s more fun playing basketball here. Oo, sa tindi ng fun, tignan mo na lang ang litratong ito na pinost din ni Kevin Durant sa kanyang Facebook page noong 2012.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment