7/29/2013 7:07:48 PM
Ang sanaysay na mababasa n’yo ay kathang-isip lamang.
Alas-diyes kwarenta’y singko na ng Linggo ng gabi. Last two minutes na yun sa fourth quarter. Tabla ang iskor sa 85. Umaandar ang orasan at ang possession ng bola ay sa mga nakapula. Mainit ang lugar kahit maulan noong gabing iyun. Hindi lang dahil sa matinding bakbakan, kundi dahil na rin sa tila blockbuster ang dami ng taong nanunood. Championship game na kasi yun at nasa sagad na ang serye ng kanilang best-of-three. Isa ang magwawagi habang ang isa nama’y masasawi.
Sa init nga lang ng pagchi-cheer, may nagkapikunan. Si Badong at si Aling Isha. Aniya ng binata “Sige, patayin na yan! Mananalo na tayo!” Ganti naman ng ale, “Talaga ha?! Matatalo yang team n’yo! Sige, depensa lang!”
Sumalsak ang isang manlalaro sa nakapulang koponan tatlo ang sumabay. Supalpal sana ang tiring yun nang pumito ang isa as mga referee. “Foul!” ang senyas ng ref sa committee, sabay dikta ng numerong 18 sa pamamagitan ng kanyang daliri. Si Tasyo’y di makapaniwala sa naturang tawag. Iyon na kasi ang kanyang ikalima’t huling foul sa liga. Tiyak na may kanyaw na diploma ang sinumang makaka-5 foul sa isang laro ng basketball.
Napasigaw si Tasyo, “BOLA YUN! BOOOLLAA!” Sabay panibagong piton a naman ang nairnig mula sa naturang referee. Technical Foul! Dito nag-ingay muli ang crowd. Sabay bulong na hirit ni Tasyo sa kanyang mga ksama, “bobo amputa.” Panibagong tawag na naman! Technical foul ulit! Hindi lang s’ya graduate, ejected na siya mula sa court.
Kasabay nang pangyayaring yun ay nagakainitan ang batang lalake at ang matandang babae, lingid sa kaalaman ng bata’y asawa pala ni Tasyo.
Badong: FOUL nga yun e. Sumabit ka sa kamay ni Anjo. Ano pang mairereklamo mo d’yan, sho?Aling Isha: Bakit, kitang-kita mo ba talaga? HA? Ikaw magreferee dun.B: Ikaw na lang tutal gusto mong manalo sila Tasyo ‘di ba? Lutuin mo pag ganun!A: (namula sa galit)B: O, bakit ka magagalit dyan?A: BASTOS KANG BATA KA HA?!
Sinabunutan na ng babae ang binata. Pero nakawala naman ito at inundayan nya ng suntok si Aling Isha bilang ganti. Nagsimulang magsigawan ang mga tao sa labanang ito. Ni wala man lang umawat sa away na ‘yun. At wala talagang nagtangka. Hanggang sa dumating ang lalakeng nabadtrip sa laro at ginulpi ang binata. “HUWAG NA HUWAG MONG SASAKTAN ANG ASAWA KO HA?!” Inuntog nga ni Tasyo sabakal na railings ang ulo ni Badong. Gulantang ang lahat. Ni ang mga tao sa committee ay walang nagawa.
Hindi natapos ang komosyon sa pagdurugo ng ulo ni Badong dahil noong akmang lalapitan ito ni Tasyo, nilabas naman nito ang patalim na nakaipit lamang sa kanyang short, at sinaksak sa tagiliran ang manlalaro.
Sa kabutihang palad nga lang ay daplis ang inabot nito. Pero dito ulit nag-init ang mga pangyayari. Saktong parating ang mga ramadong pulis ng baranggay nang magsitakbuhan ang dalawa; nagpang-abot sa isang nakaparkeng sasakyan at doo’y binugbog ulit ni Tasyo ang patakas noong si Badong. Matakin mong maraming tao sa paligid pero mga nagsilbing usisero lang ang mga ito na nakapaligid sa kanila.
Tinangka ni Badong na saksakin si tasyo para makawala subalit piniga ni Tasyo ang kamay nito at nabitawan ang hawak na sandata. Dito binugbog ng matanda ang bata, subalit nakatakbo ang binata at hinabol naan ito ng nag-init ng ulo na manlalaro. Ni isa’y walang nakinig sa mga salitang “Hoy! Awatin n’yo yun!”
Kung saan-saang sulok sila nagsitakbuhan, at hinabol din ito ng mga tao. Nadapa sa isang madilim na eskinita si Badong at nagpang-abot ulit sila. Wika ng nag-aalab na si Tasyo, “TARANTADO KA! KALA MO MAKAKATAKAS KA SA AKIN HA?”
Ngunit sa puntong ito, dumating ang ama ni Badong at tinulak palayo si Tasyo at siya nama’y bugbog sarado naging free-for-all ang mga pangyayari sa kalye na yun ng Esteban San Luis. “AKO HARAPIN MO! PAPATAYIN MO PA ANAK KO? E KUNG IKAW KAYA’Y TULUYAN KO DITO!?” Ang galit na salita ng ama ni Badong na si Samuel, isa sa mga siga a baranggay na yun.
Napigilan lang ang away noong dumating na ang mga kapulisan, kasama ang mga baranggay tanod na hindi nakaresponde kaagad dahil sa dami ng nakikiusyoso. Parehong lamog ang itsura ng dalawa na halos magpatayan na, nang dahil sa laro.
Nagsiuwian ang mga tao na tila lumabag na sa curfew. Mag-aalas-dose na ng hatinggabi pero nasa kalye pa rin ang mga ‘to. Pinag-uusapan ang nangyaring sagupaan sa labas ng basketball court. May nagtalo pa nga na fan ng magkabilang koponan. Sabi ko na nga lang na “Hoy! Easy lang. Baka matulad kayo kila Tasyo at Badong ha?” Mabuti nga, yun lang ang sinabi ko e. Kesa naman makabira pa ako ng… nah, ayaw ko mapagulo no.
Samantala, pansamantalang natigil ang championship game. Tabla pa rin ang iskor sa 85 at ang oras na nalalabi ay 1 minuto at 47 na segundo. Parang hindi na nga yatang pinagpasyahan na ituloy muli ang laro sa pagkakaalam ko e. Kawawa naman, walang kampeon.
Pero nakalulungkot lang, ano? Ito lang ang nagpapatunay na may mga mababaw na bagay na pinagpapatayan ng karamihan. BIG DEAL, ika nga. Kahit championship game yan, nakakalimot ang tao na sports pala ang paligsahang kinabibilangan nila. Nawawala tuloy ang elemento ng sportsmanship.
Minsan tuloy, napapataka pa rin ako sa kahinatnan ng resulta. Basta, alam ko, nasuspinde si Tasyo nang habang-buhay sa paglalaro. At wala na rin yatang ginanap na liga dun sa mga sumunod na buwan.
Hay naku. Hanggang sa muling pagpasada.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment