Showing posts with label freedom. Show all posts
Showing posts with label freedom. Show all posts

Tuesday, 10 June 2014

Malaya Ka Nga Ba?

6/8/2014 12:27:48 PM

Gaano nga ba kahalaga para sa atin ang isang malayang bansa? Simple lang: mayroon tayong “araw ng kasarinlan,” o tinatawag na “Independence Day.”

Para sa mga hindi nakakalaam: noong Hunyo 12 taong 1898 ay ipinagdiwang ng arhipelagong ito ang araw ng ating pagkalaya mula sa tatlong dekadang pananakop ng bansang Spain (o Espanya) sa atin, ilang buwan matapos ang matindihang pagaklas ng mga Pinoy na karamihan ay galing sa walong lalawigan.

Pero naging malaya nga ba tayo? Actually, hindi rin eh. Dahil pagkatapos nun ay sinakop naman tayo ng mga alagad ni Uncle Sam. At naging July 4 ang Independence Day natin sa halip na June 12.

Sa isang batas lamang nung dekada 60 ito nabago, at naibalik muli sa June 12. At sa darating na araw na rin na ‘yun (na Huwebes) ay ika-116 na taon na pala n gating kasarinlan, no?

Ngunit,ano nga ba ang ‘malaya’ para sa atin? Isa ba itong titulo, karapatan, pamagat ng Diyaryo, ng kalye o isang payak na salita lamang na hindi natin talaga alam ang kahulugan.

Maraming nagsasabing malaya tayo dahil nagagawa natin ang mga gusto natin. Pero yung nga lang, sobrang absolute na dahil nakakatapak sila ng ibang tao, ke simpleng pangungutya man yan o pagkitil na ng buhay.
Maraming nagsasabing malaya din tayo dahil may angas tayong magngawa sa ating pamahalaan. Lalo na pag sila’y nakakagawa ng kasalanan.

Ngunit, malaya nga ba tayong maituturing kung tila nakakulong tayo sa isang bulok na sistema? Kung tila nilamon ba tayo nito, gaya na lamang ng lumang kanta ng yumaong Francis Magalona. Malaya nga ba tayo kung may hawak naman tayo ng mga tiwaling gago sa ating mga kwelyo?

Malaya nga ba tayong nakalagalaw kung may nakasunod na baril ang nakatutok sa ating mga kukote?

Malaya nga ba tayo mula sa mga lumang kaisipan na nagkukubli muli sa atin sa pamamagitan ng mga lumang sablay na tradisyon at mga tila misleading na relihiyosong gawain?

Sa totoo lang, hangga’t hindi tayo nagbabago mula sa mga nakagawian natin noong panahon na para tayong sinalpak sa isang koral, hindi taaga tayo malaya.

Tignan mo: isa tayo sa mga racist na bansa, pero hindi natin magamit ang bully instinct na ‘yan pagdating sa agawan sa teitoryo ang usapan. Hindi tayo malaya hangga’t hindi tayo nagtatanda mula sap ait at akit na ating naranasan noong nakalipas na kontrobersiya sa pulitika.

Hindi tayo malaya pagka’t iniisip natin na tayo ay isang ‘biktima.’ Low-profile kuno. Lagi tayong nag-paapi.
Tama ang nabanggit sa libro ng isang histroyador na si Gregorio Zaide: may cultural diversity tayo — at yan ang nagiging ugat kung bakit hindi tayo nagkakaisa para sa kalayaan natin. Pagkatapos ng isang pag-aaklas, balik tayo sa dating gawi. Parang wala lang. parang tayong mga gago ulit na magsasabi na “magsimula ulit tayo” hanggang sa wala namang nangyayari makalipas ang ilang araw.

Sana ngayong “Independence Day,” kung isa ka ngang tunay na makabayan, isipin mo: Malaya ka nga ba? Malaya nga ba tayo?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 26 September 2012

Martial law in the cyberspace? (The Online Libel Story)

Noong Sabado, a-15 ng Setyembre, 2012 ay nilagdaan ng Pangulo ng bansa na si benigno Aquino III ang batas na susupil sa mga krimeng nagaganap sa internet. Ang Cybercrime Protection Act of 2012 ay may saklawa sa ilang mga kaso ukol sa child pornography, cyber-bullying, identity theft, fraud at online defamation o online libel, at ang mga parusa sa sinumang lalabag ay 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at may multa na hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalagpas sa P10 Milyon.

Bagamat may mga ulat na irerepaso ang ilang mga probisyon sa part eng online libel. Marami naman ang umaalma. Maari daw kasi nito masupil ang karapatan ng isang tao na maglahad o magsalita.

Parang ang dating ba ay pag nagsalita ang mga pulitko, wala nang karapatan ang mga mamayan na magreact. Sabagay may punto nga din naman, lalo na kung mga “epal” ang mga ito at ang sagot ng mga netizens sa kanila ay ang pamamraan ng pangba-bash.

Hmmm… masasagasaan nga. Kasi isa sa pinakaprimarong karapatan natin ayon sa mata ng batas ay ang maglahad. OO nga naman, bakit mo ko tatanggalan ng karapatan na maglahad. Marami ang maapektuhan nito, lalo na ang inyong lingkod na umiikot sa mga usapin sa lipunan madalas umikot ang mundo ng pagba-blog ko. Parang binigyan mo kami ng piring sa aming bunganga at maging piping saksi sa lahat ng kaganapan. Literally, it’s a big SHUT UP on me.

Pero sa kabilang banda tingin ko, may dahilan kasi kung bakit kailangan maghigpit ang batas lalo na sa ngayon. Pero duda ako na a la Martial Law ang dating nito, unless kung sobrang higpit talaga. At mahihirapan sila na supilin ito, hindi dahil a kung anu-anong mga teknikalaidad at terminolohiyang may kinalaman sa Information Technology ang kinakailangan, kundi dahil sa walang malinaw na level of tolerance. May mga bagay kasi na masasabi na libel ng isa pero hindi naman sa panig ng iba. At bilang tao, magkakaiba tayo ng pamantayan kung ano ang nakakatawa sa nakakaasar sa ating mga kanya-kanyang pananaw, lalo na sa mga social networking sites na ginagawang libangan ng karamihan, o panakas mula sa mga masasamang kaganapan sa realidad ng buhay. Ditto na lang nila nagagawang tawanan ang problema.

Pero… may rerepasuhin man o hindi, kailangan na rin kasi ng batas na ito e, kahit sa totoo lang ay mahirap sugpuin ang mga cyber crime, dahil sa sobrang daming mga terminolohiya at teknikalidad ang kinakailangan para maresolba ang krimen. Dumarami pa ang mga abusado, ke trip lang man yan o sadyang may layunin.

Matanong ko lang, yung totoo… labag ba talaga ito sa freedom of expression ng tao o dahil hindi lang ito matanggap ng mga asal-gago sa internet? Yung mga taong mapang-abuso. Mga siraulo kasi kung makapagkumento sa mga web sites, ke discussion forum man o sa isang simpleng Facebook post. Hindi pa ganap na nagpapakilala, madali lang kasi ang magpanggap sa harap ng computer e.

Isip-isip muna.

At isa pa, may manipis kasi na linya na naghihiwalay sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at sa tahasang pangungutya. Halos wala itong pinagkaiba sa aktwal na libel o defamation.

Alalahanin natin na sa kada salitang binibitawan natin, maliban pa sa ito ang maglalarawan kung anong klase tayo, ay may responsibilidad tayo na pinanghahawakan sa mga ito. Kaya mag-ingat palagi sa mga sasabihin at ipopost.

Huling bara: hati ang opinyon ko. Pabor ako, maliban lang sa mga probisyon sa libel. Kung kailangan man ito repasuhain, aba e dapat lang siguro. Dahil pare-pareho lang tayo talo dito. At nilalahad ko pala ito ng nasa ayos.

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time 12:04 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions