Tuesday, 10 June 2014

Malaya Ka Nga Ba?

6/8/2014 12:27:48 PM

Gaano nga ba kahalaga para sa atin ang isang malayang bansa? Simple lang: mayroon tayong “araw ng kasarinlan,” o tinatawag na “Independence Day.”

Para sa mga hindi nakakalaam: noong Hunyo 12 taong 1898 ay ipinagdiwang ng arhipelagong ito ang araw ng ating pagkalaya mula sa tatlong dekadang pananakop ng bansang Spain (o Espanya) sa atin, ilang buwan matapos ang matindihang pagaklas ng mga Pinoy na karamihan ay galing sa walong lalawigan.

Pero naging malaya nga ba tayo? Actually, hindi rin eh. Dahil pagkatapos nun ay sinakop naman tayo ng mga alagad ni Uncle Sam. At naging July 4 ang Independence Day natin sa halip na June 12.

Sa isang batas lamang nung dekada 60 ito nabago, at naibalik muli sa June 12. At sa darating na araw na rin na ‘yun (na Huwebes) ay ika-116 na taon na pala n gating kasarinlan, no?

Ngunit,ano nga ba ang ‘malaya’ para sa atin? Isa ba itong titulo, karapatan, pamagat ng Diyaryo, ng kalye o isang payak na salita lamang na hindi natin talaga alam ang kahulugan.

Maraming nagsasabing malaya tayo dahil nagagawa natin ang mga gusto natin. Pero yung nga lang, sobrang absolute na dahil nakakatapak sila ng ibang tao, ke simpleng pangungutya man yan o pagkitil na ng buhay.
Maraming nagsasabing malaya din tayo dahil may angas tayong magngawa sa ating pamahalaan. Lalo na pag sila’y nakakagawa ng kasalanan.

Ngunit, malaya nga ba tayong maituturing kung tila nakakulong tayo sa isang bulok na sistema? Kung tila nilamon ba tayo nito, gaya na lamang ng lumang kanta ng yumaong Francis Magalona. Malaya nga ba tayo kung may hawak naman tayo ng mga tiwaling gago sa ating mga kwelyo?

Malaya nga ba tayong nakalagalaw kung may nakasunod na baril ang nakatutok sa ating mga kukote?

Malaya nga ba tayo mula sa mga lumang kaisipan na nagkukubli muli sa atin sa pamamagitan ng mga lumang sablay na tradisyon at mga tila misleading na relihiyosong gawain?

Sa totoo lang, hangga’t hindi tayo nagbabago mula sa mga nakagawian natin noong panahon na para tayong sinalpak sa isang koral, hindi taaga tayo malaya.

Tignan mo: isa tayo sa mga racist na bansa, pero hindi natin magamit ang bully instinct na ‘yan pagdating sa agawan sa teitoryo ang usapan. Hindi tayo malaya hangga’t hindi tayo nagtatanda mula sap ait at akit na ating naranasan noong nakalipas na kontrobersiya sa pulitika.

Hindi tayo malaya pagka’t iniisip natin na tayo ay isang ‘biktima.’ Low-profile kuno. Lagi tayong nag-paapi.
Tama ang nabanggit sa libro ng isang histroyador na si Gregorio Zaide: may cultural diversity tayo — at yan ang nagiging ugat kung bakit hindi tayo nagkakaisa para sa kalayaan natin. Pagkatapos ng isang pag-aaklas, balik tayo sa dating gawi. Parang wala lang. parang tayong mga gago ulit na magsasabi na “magsimula ulit tayo” hanggang sa wala namang nangyayari makalipas ang ilang araw.

Sana ngayong “Independence Day,” kung isa ka ngang tunay na makabayan, isipin mo: Malaya ka nga ba? Malaya nga ba tayo?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 9 June 2014

Bullying Daw

6/8/2014 12:56:03 PM

Masyado raw tayong bully? Aba, look who’s talking?!


Pambihira. Dalwang mallit na bansa nga lang maituturing ang Pilipinas at Vietnam eh.


Alam ba ng mga ‘to ang bullying? Alam ba ng mga ‘to ang pinagsasabi nila?


Pilipinas at Vietnam, binubully ang China?


HAHAHAHAHAHAHA! Ano to, gaguhan?


Sinasabi na binully raw natin ang China alinsunod sa usapin na agawan sa teritoryo. Yung mga isla na kung tutuusin ay pinagtutunggalian nga natin ng China, Vietnam at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya eh. Yung mga lupain na nakalutang sa tinatawag nilang South China Sea, o sa ating terminolohiya – West Philippine Sea.

Paano naman nangyari yun? Samantalang isang malaking bansa ang People’s Republic of China, ‘di ba? Sila ang pinakapopuladong bansa sa buong mundo (tinalo pa nga nila ang super-country na Estados Unidos, at ultimo ang pinakamalaking bansa sa buong mundo na Russia eh), kaya malakas rin ang kanilang pwersa sa larangan ng kanilang military na kapangyarihan. May mga bonggang-bongga pa nga sila na kagamitan na kayang ipansaag sa sinumang  babangga sa kanila.

Paano naman sila naging bully kung sila mismo ang nangeeechapwera sa mga fishing vessel ng Vietnam at ultimo ang Pilipinas para magtayo ng pasilidad sa mga pinagaagawang pulo.

Kasalanan rin kasi natin yan eh. Kung alam naman natin na sa atin yan eh di sana noon pa man ay naresolba ang sigalot na ito, lalo na’t matagal-tagal talaga ang kahabaan ng proseso nito. Lahat tayo, may kanya-kanyang ebidensya para sabihing “akin ang lupang ito.” Ang mga Tsino, ‘nine-dash’ line; samantalang tayo, basehan sa UN na 200 o 300-mile radius na ‘exclusive economic zone.’

Eh paano yan, kung tutuusin ay mas matanda ring bansa ang China kesa sa atin pagdating sa usapin ng soberenidad o sovereignty. Ano ipapanglaban natin? Dahil sa Palawan natagpuan ang isa sa mga unang klase ng tao na Taong Tabon? Eh di ba bago dumating ang mga mestizo mula sa kontinente ng Europa ay may mga Intsik na rin sa ating bansa?

Mahaba-habang away yan. Pero, para sabihin ng isang bully na binully sila? Wala itong pinagkaiba sa isang mokong na nambubully sa internet, tapos nakahanap siya ng katapat – hindi nga lang isa, kundi maraming nakabangga, at pagakatapos nun ay iiyak siya ng “cyber bullying.” Ganun? Gago pala ‘to eh.

Wala pa nga sa kalingkingan ang ginawa ng Vietnam eh, na maalalang nakaaway ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon (Vietnam war yun, pare). Patunay lamang na kahit sa huli ay sumuko sila sa powers ni Uncle Sam ay kaya nilang makipagbanggan sa kahit isa pang mala-Goliath na bansa.

Kami nambubully? Naku, seryoso k aba sa sinasabi n’yo, mga tol?

Hindi naman sa sinasabi kong “don’t play victim,” ha? Pero kasi kung ikaw yung nauna na naging marahas sa pagdispatsa sa karibal mo sa teritoryo, eh talagang may makukuha kang ganti sa ayaw at sa gusto mo. Yun lang. Kung seryoso talaga tayo pagdating sa pagresolba ng awayan sa ating mga lugar, tingin ko, hindi na solusyon dyan ang giyera. Masyado tayong medieval apra magresort sa ganyan. Isipin mo, dumarami na ang populasyon, tumitindi ang teknolohiya, nagbabago ang klima, tapos pasasakitin pa natin ang ulo’t kamalayan natin sa pamamagitan ng mga gulo? Hayaan n’yo na lang na ibaling yan sa mga action movies at WWE yan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 7 June 2014

NBA Finals Na! Eh Ano Ngayon? (v. 2014)

6/8/2014 11:03:32 AM

It’s that time of the year-slash-season again. NBA Finals na naman! I mean, for the 67th (?) time. At sa pagkakataong ito, rematch ang NBA Finals, dahil ang muling magtutuos sa hardcourt ay ang dalwang koponan na naglaban din sa NBA Finals last year. Tama, ang Miami Heat at ang San Antonio Spurs. Ang isa dyan na nagmula sa Eastern Conference Southeast Division ay nanaig at tinanghal na NBA Champions sa taon na rin na iyun; samantalang ang isa naman na nagmula sa Western Conference at Southwest Division ay naging runner-up sa liga matapos ang pukpukan sa Game 7 ng serye na ito.

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Ang mga tanong: sa ikalawang pagkakataon ay manaig kaya ang Miami Heat para masungkit ang ikatlong sunod na kampeonato – at ika-apat sa kanilang franchise history? O makakakganti ang San Antonio Spurs para kunin ang unang titulo sa nakalipas na pitong taon – at para na rin sa kanilang ikalimang kampeonato sa kasaysayan ng kanilang pagpartisipa sa pinakaunang play-for-pay basketball league sa buong mundo?

At kung sakali man isa sa kanila ang manalo, sino kaya ang magpapakitang gilas nang bonggang-bonga?

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Pustahan, yan ang usapan ng tao sa ngayon, mula sa mga kwentong tambay hanggang sa social media. Galit-galit muna ang mga tao dahil may papanigan sila sa puntong ito–bagay na ginagawa rin ng mga PBA fans pag game time na (“San ka? Kampihan na!”). Yan yung mga panahon na magiging aman ng news feedmo sa Facebook at Twitter ang mga laro ng NBA, mga naglalabang koponan, at samahan mo na rin ng mahaba-habang asaran at pikunan. Oo, pustahan tayo, madalas mangyayari talaga yan. Speaking of which…

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Pustahan. Oo, mauuso muli ang pustahan, na halos walang pinagkaiba kung ikukumpara sa ibang mga sporting events gaya ng UFC, WrestleMania, PBA Finals, UAAP at NCAA finals, at ultimong laban nila Pacquiao at iba pang boksingero. Siyempre, matik na yan. Depende pa yan kung sino ang mananalosa game na ito, o kung anong koponan ang makakasungkit ng kampeonato at kung ilang games lang itatagal ang serye na ito.

Yun nga lang, pustahanklang boys ha? Baka naman mauwi pa yan sa patayan na para kayong mga sinidkato o mafia.

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Mauuso ang mga viewing party sa mga piling venue tulad na lamang ng mga sports bistro, o ordinaryong restaurant. Minsan nga, kahit sa tinatambayan mo lang na tindahan eh; o sa main lobby ng inyong opisina (at yung chicks na nasa reception desk n’yo, makikiuso na rin tutal pansamantala lang naman yan eh at magkukunwaring fan ni Tony Parker o LeBron James yan); at ultimo sa mga eskwelahan.

Tama, kung may TV ang canteen n’yo, o kung mas galante pa ang paaralang pinapasukan n’yo—sa classroom, magiging instant viewing session yan. Gawain yan madalas ng mga nasa high school na; yung tipong makikiusap sa mga guro nila (at tipong magasasabi na “Ma’am, next eeting na lang quiz natin. NBA Finals na eh!” at aagree naman dito ang buong klase kaya wala nang magagawa pa si Madam kundi sumunod sa mga engot, este sa mga alipores niya). At bakit ganun? Siyempre, sila ang nagbabayad ng tuition sa school na ‘yan na pinapasweldo naman sa kanilang guro (maliban na lamang kung napakastrikto ng eskwelahan na ‘yan, kung wala talagang TV, at kung principal ang teacher n’yo).

Pero either way kasi, masarap manood ng isang malaking sporting event tulad na lamang ng NBA Finals kapag marami kayo. At hindi ko dini-diss ang channel 2 ukol dito. In fact, kung trip mo lang naman na manood sa bahay n’yo kahit walang cable, eh okay lang yan. Buti nga kahit papaano eh andyan sila, at least, nagprovide na matinong alternatibo kesa sa mga sobrang adbstract na cartoons at maaga-agang dramahan sa morning. Gawin naman nating mas exciting tulad nito.

At dahil NBA Finals na, at pagnanalo na ang panalong koponan, ay pustahan, lahat ay magiging instant sports analyst. Yung tipong naging matalino sila sa kung paano iexecute ang play. Oo, maraming ganyan, regardless kung nakapaglaro sila ng sport na yan o hindi. At may hindi sasang-ayon, d’yan magsisimula ang isang kumukulong debate na minsan ay mauuwi sa personalan na sumbatan, at kung minsan ay magkakasakitan pa na parang sa mga eksena ng mga lasheng mo lang nakikita. Ayos, ‘di ba?

O, tama na. Quit talking. Let’s do the watching na lang instead.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

The Finale Rematch

6/7/2014 10:57:36 AM

It’s on again, like an Alicia Keys and Kendrick Lamar soundtrack, as after one exhilarating season accompanied by tune-up changes in roster and several off-court controversies as well as shifting of records, statistical averages and awards garnered, it all comes down to one grand finale—two teams squaring off against each other once again.

Yes, sirs. The San Antonio Spurs and Miami Heat will clash for the second straight time; and the National Basketball Association (NBA) championship stage will feature a rematch for the first time since 1998.
Well, sounds new for the newbies out there, especially if you are younger than us 90s babies.

So it’s kinda a “rare phenomenon” to think about considering that the last time the NBA Finals ended up this way was during 1998–when the Chicago Bulls and the Utah Jazz fared up to each other one last time. Their first duel was in 1997, with the Bulls owning the homecourt advantage and dispatched the Jazz in five games. And on their second encounter in ’98? The four-game-home floor favour was on their side, but still it was the Bulls which prevailed in the end courtesy of the game-winning move by then sick-but-heroic superstar named Michael Jordan.

And if you’ll do your research, you’ll see that even before 1998, there were a lot of Finals rematches in the NBA, especially if we’re talking about “way back” to the past (I mean, literally).

Fast forward to two thousand thirteen first; the Spurs always won the odds (Games 1, 3, and 5), while the Heat were the ones always playing catch-up basketball to even their series (Games 2, 4 and 6).

Apparently, the Spurs were on the verge of pulling a Game Six victory on the American Airlines Arena in the South Florida beach when a sudden rally courtesy of LeBron James and Ray Allen was staged. Talk about pulling off a “never-say-die” spirit, huh? But talks from people will tell you that it was perhaps one of the greatest moments in the recent NBA Finals.

Turns out the Heat rally dictated the final days of the series in their hands when they pulled an improbable overtime win to even the series for the third and last time in the 2013 finale; as Miami went on to close out the duel and the title in their home on Game 7, 97-88; with then-Most Valuable Player (MVP) LeBron James nailing a much-needed, cold-blooded dagger, to avenge his personal Finals loss against Tim Duncan and company in 2007.

Well, let’s move on to 2014. Things have been working well for the Spurs. They won 19 straight contests during the regular season; they were the first-ranked team in the Playoffs; they shrugged off their perennial playoff and state rival Dallas Mavericks in seven games in the first round; they shut down Portland in five; and a massive turn-around clincher against the Thunder, the team that has this season’s scoring champ and MVP in Kevin Durant, and also the squad which owned San Antonio in their four regular season outings.
The Thunder could have even force a Game 7 only if they prevail in overtime. Prior to that, they even tied the series, 2-2, before San Antonio zoomed in to their crucial victories.

On the other hand, Miami Heat, the two-time (and three-peat seeking) defending champions were rolled with inconsistencies. Yes, they are the champions, but one thing poisoned their form—rebounding. They were the worst rebounding team for this season. Yet, they pulled more victories, however, not the same type as they were before. Come to think that Miami even loses to those “dropped” teams during the 82-game regular season.

Both teams got better bench players though. I mean those role key guys who usually came off the bench. Plus, they also had three-point shooters. San Antonio may be aging though, but like a Rowdy Piper sound byte goes, “Legends don’t get old, they just got better.”

Despite the huge disadvantage though, Miami managed to sweep their first round assignment against Charlotte. They also dispatched Brooklyn, the squad which owned Miami during the regular season, in six games; and last year’s rematch Eastern Conference finalist Indiana, in six games. That just proved that even if you won four games in a very close-contested result (how about a total of 12-point winning margin during those four games that the Nets won against the Heat), it doesn’t matter in the playoffs.

And also, looks like the Pacers will have to learn their sets of lessons during this adventurous ride for 2013-2014 wars. They were the first-seeded team in the East, only to get down to their heels for numerous times during the post-season party. In addition, they were better than ever on paper–they just failed to take advantage of it. And include their team chemistry issues right there.

This time around though, San Antonio was way better than Miami; though in their two regular outings, both teams pulled off marginal victories in their respective floors. And I think that will be the typical grind for them this season.

I’m seeing San Antonio will prevail in this rematch should they zoomed on to an early 2-0 lead and if they will win at least one game in the Florida beach come Games 3 and 4. And if that’s the case, the Spurs will be going 2-1 against LeBron, 1-1 against the Heat, and a guaranteed fifth NBA title over the last 15 years.

However, if Miami can get their players healthy, whether it’s Dwyane Wade or LeBron, they will remain dangerous. All it takes is to withstand everything, including the atmosphere whether it’s in the Alamo or in Miami. And possibly, Miami can take this thing in six; and in case they win and grab their fourth title in franchise history, they will join the Spurs and the Los Angeles Lakers as the other team to dominate the NBA in the last one and a half decade (come to think that if this will happen, all of them have at least four championship titles, with the Lakers earning five, and one apiece for the 2008 Boston Celtics and 2004 Detroit Pistons).

So expect (and I’ll quote Hulk Hogan’s adjectives for this) a “running wild” game ahead of you, accompanied by an even running wild fans which will make this finale the “talk-of-the-world.”

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions 

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 4 June 2014

Damo Pa!

6/4/2014 10:50:21 PM

Eh ano ngayon kung nagga-ganja ang mga mokong na ‘to?


Oo, ang mga miyembro ng sikat na pop music band na One Direction. Ano naman kung nakunan ng video ang dalawa sa mga miyembro nila na nagma-marijuana?

Hindi sa pambabasag ng trip, ano? Hindi ako fan ng alinmang artista sa mainstream (oh, please. Give me a break!), at pati na rin ng mga newscast sa mainstream media sa Pilipinas (as in – matapos nilang gawin headline ang mga serye ng kontroberysal-pero-walang kakwenta-kwentang isyu), at isa rin ako sa mga taong kumokondena sa mga labis-labis na pagfafanboy at pagpafan girl (grow up, people!).

Masyado ba itong kinondena ng publiko at media? Hindi raw huwarang modelo sa mga kabataan. Oo nga naman kasi – bawal yan eh. Hindi ko nga lang alam kung sa Peru ay legal na gamitin yan. 

Sa kabilang anggulo man, dahil sa ganja, masamang nilalang na ba sila kagad?  Masyado naman yata tayong mapaghusga. Baka magulat ka na maraming artista din sa Hollywood ay gumagamit ng drugs para lang maentertain ka.

At baka mas magulat ka lalo kung malamang ng iyong ignoranteng kamalayan na ang cannabis ay isang gamot sa mga piling sakit. At ano ang cannabis? Marijuana, o MJ, o ‘Mary Jane,’ o ganja, o “Happy 420,” o weed, o simply... damo. Yun nga lang, may diskresyon ito mula sa mga doktor, siytempre. As in yung nasa tama lang naman.


Yan kasi napapala mo sa pagpapaniwala sa mga nakikita mo at samahan pa ng katamaran mong magresearch sa internet (palibhasa kasi panay Facebook lang ang alam eh).

Ops, wag kang magpapakabalimbing (ay, sorry, hipokrito pala ang dapat na termino) at sasabihing hindi mo sila hinangaan ni minsan man lang.

Teka, sa panahon ba nagyon – umaasa ka pa bang magiging role model ang mga sikat na artista sa panahon ngayon? Sabagay, kasi sila nga naman ang nakikita at hinahangaan ng mga kabataan. Yan nga din sana ang paniniwala ko sa kanila (ngunit, wala eh. Iba na ang panahon noon sa panahon ngayon). 

Pero mangyayari lang yan kung hahayaan mong lamunin ng mainstream media ang kaisipan nila, gaya na lamang ng paglamon nila sa utak mo sa pamamagitan ng mga tabloid na newscast, at baduy na pautot tulad na lamang ng inyong paboritong teleserye.

Tama ang isang kumentarista at musikerong si Lourd de Veyra noong sinabi niya ito dati: “Kung mas malakas pa ang impluwensiya ng TV kesa sa iyo, anong klaseng magulang ka?” Ops. Huwag mong idahilan na kumakayod ka. Tol, may mga tulad mo na ganyan ang ginagawa at mayroon pa nga na mas higit pa kesa sa mga ipinapangalandakan mo. Pero kahit ganun, may time pa rin sila sa mga anak nila para makipagbonding.

Ito kasi yan eh: the mere fact na hindi mo na masyadong binibigyan ng atensyon ang mga anak mo sa panahong nangangailangan sila ng iyong tulong, kalinga at pagmamahal, sa kahit isang katiting na minuto lang (at ang exemption lang dito ay kapag kailangan mo siyang pagalitan dahil sa may nagawa siyang kalokohan tulad na lamang ng pagkain ng labis-labis sa ref, pagbabad sa TV, hindi gumagawa ng assignment o may binully sa eskwelahan), magbabago talaga ang relasyon ninyong dalawa – at mangyayari yan nang hindi mo basta-basta namamalayan. Malay mo, the next time around ay mas maniniwala pa sila sa mga artistang iniidolo nila kesa sa inyo na magulang nila mismo.

Dahil sa paghihithit, masamang ehemplo na nga ba sila? Oo na maituturing, lalo na sa lipunang nanghuhusga kahit mababaw na bagay pa lang ang tinitignan.

Kaya nga naman ganun na lamang ang pagkadismaya ng maraming tagahanga nila at pati ang kanilang mga magulang.

Yan pa kasi hinangaan n’yo eh. Sa totoo lang kasi, mga hija – atupagin n’yo na lang ang pag-aaral at makinig ng mas disenteng tunog kesa naman sa mga musika na magpapahiwatig sa ‘yo na okay lang maging tanga – YOLO! (Tanginang yan. YOLO-hin ko yang mukha mo eh.)

Okay na sana eh. Kaso, kung paniniwalaan ang mga news slugs ay nagmukha pa na ginatungan ng media ang walang kakwenta-kwentang balitang ito.

1Damo ba kamo? Wrong Direction? Bad Direction?

Tingin ko, mas kailangan pang maisupalpal ang dalawang statement d’yan sa mga network . As in kung papatol talaga ang mga ito sa kababawang news items, eh talaga naming magiging walang direksyon ang media.

Aba, nag-gaganja sila? Ano pa bang bago sa mga ganitong uri ng personalidad?

Sa totoo lang, may iilan rin kasing mga sikat na artista sa larangan ng pag-arte at pagkanta ang naiispatan ng media, particular ng mga paparazzi, na nasasangkot sa mga uri ng kilos na hindi akma sa mga pinapakita nila sa publiko. As in “unbecoming” lang, parang gaya nila Justin Bieber na palagian na lang nababalita dahil sa kung anu-anong katarantaduhan. Pati na rin ng dati kong crush na si Lindsay Lohan na suki na sa pagiging DUI.

Pero, dahil ba sa mga kung anu-anong pinagagawa nila sa buhay ay matuturing na ba silang siraulo o hindi magandang halimbawa sa lipunang ginagalawan? Kung sa pamantayan lang naman ang usapan, OO. Hindi talaga maganda.

Bakit? Dahil hindi ito maganda sa mata ng moralidad eh. Yun nga lang, masyado rin kasing “perpekto” ang tingin natin sa mga tulad nila na maituturing na isang “public figure.”

Sa sobrang perpekto nga lang ay nakakalimot din tayo na tao pa rin naman sila regardless kung bullshit man talaga ang minamarket nilang produkto, ayon sa taste buds natin.

Ika nga ng isang kasabihan, “The best artists are oftentimes inferior human beings.” Meaning, minsan, ang mga sikat na hinahangaan natin ay ang siyang may nuknukan ng  kahinaan sa buhay. Hindi naman obvious ang kahulugan nito kung tutuusin.

Ito lang siguro ano: Mali talaga ang pinakita nila. Pero ang realidad ay uso yan. Kaya nga may kasabihan na “hindi lahat ng uso ay magaganda.” At dahil public figure sila, talaga namang makukundena sila dyan.

Pero sa kabilang banda, hindi basta dapat husgahan ang isang pangalan base sa nakuha niyang bahid ng dumi. Hindi na bago ang gawaing yan kung tutuusin. Uulitin ko, hindi ako fan at isa rin ako sa mga tumutuligsa sa asta ng mga malalanding fan sa panahon ngayon.

Wala na dapat pagtalunan pa. May kasalanan kayong mga tagahanga, at magulang. Basta, yan ang napapala ng mga patron ng mainstream eh. Yan tuloy.

O siya, Masyado na tayong mapaghusga. Kala n’yo naman kung sinong malinis. Kung sinong malalanding fangirl. Akala mo kung sino at kung anu-ano pa.

Sige, damo pa. Namong ‘to!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 3 June 2014

Just My Opinion: WrestleMania XXX – Supreme Rising Against Conspiracy

5/22/2014 2:08:45 AM

Look, it may be Randy Orton versus Batista versus Daniel Bryan for that WWE World Heavyweight Championship belt. I mean, it appeared to be like a one-on-one-on-one clash, or simply let’s call it “triple threat.”

But as I watched the event thru both online live streaming and the television coverage (which, by the way, props to Fox Philippines for saving our raging sanity), I can only sense one thing… conspiracy.

Look, both Batista and Orton were heels (and I know, and you know that we loved seeing one heel clashing with another), but at the same time, they were both under the “Authority” and were up against similar familiar foe this time around: that is Daniel Bryan, especially if we’re speaking about roles here.

Just imagine if the Hunter won against then-contender Bryan, it could have been a hell boring match; and people would have tagged Brock Lesnar and the Undertaker’s duel as the “best in the evening” instead. And that could even drag down their overall perception in the WrestleMania 30.

But they had just done what’s best for business – and what are also the fans would want to get.
Bryan would have won the title; but this time around, the 32-year old superstar did not let another misery passed by (cause no one dared to interfere after Batista tapped out from his Yes! Lock).

Save this moment for last, though.

But again, you mean “B plus player” who? Yes! Yes! Yes!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions