Wednesday, 4 June 2014

Damo Pa!

6/4/2014 10:50:21 PM

Eh ano ngayon kung nagga-ganja ang mga mokong na ‘to?


Oo, ang mga miyembro ng sikat na pop music band na One Direction. Ano naman kung nakunan ng video ang dalawa sa mga miyembro nila na nagma-marijuana?

Hindi sa pambabasag ng trip, ano? Hindi ako fan ng alinmang artista sa mainstream (oh, please. Give me a break!), at pati na rin ng mga newscast sa mainstream media sa Pilipinas (as in – matapos nilang gawin headline ang mga serye ng kontroberysal-pero-walang kakwenta-kwentang isyu), at isa rin ako sa mga taong kumokondena sa mga labis-labis na pagfafanboy at pagpafan girl (grow up, people!).

Masyado ba itong kinondena ng publiko at media? Hindi raw huwarang modelo sa mga kabataan. Oo nga naman kasi – bawal yan eh. Hindi ko nga lang alam kung sa Peru ay legal na gamitin yan. 

Sa kabilang anggulo man, dahil sa ganja, masamang nilalang na ba sila kagad?  Masyado naman yata tayong mapaghusga. Baka magulat ka na maraming artista din sa Hollywood ay gumagamit ng drugs para lang maentertain ka.

At baka mas magulat ka lalo kung malamang ng iyong ignoranteng kamalayan na ang cannabis ay isang gamot sa mga piling sakit. At ano ang cannabis? Marijuana, o MJ, o ‘Mary Jane,’ o ganja, o “Happy 420,” o weed, o simply... damo. Yun nga lang, may diskresyon ito mula sa mga doktor, siytempre. As in yung nasa tama lang naman.


Yan kasi napapala mo sa pagpapaniwala sa mga nakikita mo at samahan pa ng katamaran mong magresearch sa internet (palibhasa kasi panay Facebook lang ang alam eh).

Ops, wag kang magpapakabalimbing (ay, sorry, hipokrito pala ang dapat na termino) at sasabihing hindi mo sila hinangaan ni minsan man lang.

Teka, sa panahon ba nagyon – umaasa ka pa bang magiging role model ang mga sikat na artista sa panahon ngayon? Sabagay, kasi sila nga naman ang nakikita at hinahangaan ng mga kabataan. Yan nga din sana ang paniniwala ko sa kanila (ngunit, wala eh. Iba na ang panahon noon sa panahon ngayon). 

Pero mangyayari lang yan kung hahayaan mong lamunin ng mainstream media ang kaisipan nila, gaya na lamang ng paglamon nila sa utak mo sa pamamagitan ng mga tabloid na newscast, at baduy na pautot tulad na lamang ng inyong paboritong teleserye.

Tama ang isang kumentarista at musikerong si Lourd de Veyra noong sinabi niya ito dati: “Kung mas malakas pa ang impluwensiya ng TV kesa sa iyo, anong klaseng magulang ka?” Ops. Huwag mong idahilan na kumakayod ka. Tol, may mga tulad mo na ganyan ang ginagawa at mayroon pa nga na mas higit pa kesa sa mga ipinapangalandakan mo. Pero kahit ganun, may time pa rin sila sa mga anak nila para makipagbonding.

Ito kasi yan eh: the mere fact na hindi mo na masyadong binibigyan ng atensyon ang mga anak mo sa panahong nangangailangan sila ng iyong tulong, kalinga at pagmamahal, sa kahit isang katiting na minuto lang (at ang exemption lang dito ay kapag kailangan mo siyang pagalitan dahil sa may nagawa siyang kalokohan tulad na lamang ng pagkain ng labis-labis sa ref, pagbabad sa TV, hindi gumagawa ng assignment o may binully sa eskwelahan), magbabago talaga ang relasyon ninyong dalawa – at mangyayari yan nang hindi mo basta-basta namamalayan. Malay mo, the next time around ay mas maniniwala pa sila sa mga artistang iniidolo nila kesa sa inyo na magulang nila mismo.

Dahil sa paghihithit, masamang ehemplo na nga ba sila? Oo na maituturing, lalo na sa lipunang nanghuhusga kahit mababaw na bagay pa lang ang tinitignan.

Kaya nga naman ganun na lamang ang pagkadismaya ng maraming tagahanga nila at pati ang kanilang mga magulang.

Yan pa kasi hinangaan n’yo eh. Sa totoo lang kasi, mga hija – atupagin n’yo na lang ang pag-aaral at makinig ng mas disenteng tunog kesa naman sa mga musika na magpapahiwatig sa ‘yo na okay lang maging tanga – YOLO! (Tanginang yan. YOLO-hin ko yang mukha mo eh.)

Okay na sana eh. Kaso, kung paniniwalaan ang mga news slugs ay nagmukha pa na ginatungan ng media ang walang kakwenta-kwentang balitang ito.

1Damo ba kamo? Wrong Direction? Bad Direction?

Tingin ko, mas kailangan pang maisupalpal ang dalawang statement d’yan sa mga network . As in kung papatol talaga ang mga ito sa kababawang news items, eh talaga naming magiging walang direksyon ang media.

Aba, nag-gaganja sila? Ano pa bang bago sa mga ganitong uri ng personalidad?

Sa totoo lang, may iilan rin kasing mga sikat na artista sa larangan ng pag-arte at pagkanta ang naiispatan ng media, particular ng mga paparazzi, na nasasangkot sa mga uri ng kilos na hindi akma sa mga pinapakita nila sa publiko. As in “unbecoming” lang, parang gaya nila Justin Bieber na palagian na lang nababalita dahil sa kung anu-anong katarantaduhan. Pati na rin ng dati kong crush na si Lindsay Lohan na suki na sa pagiging DUI.

Pero, dahil ba sa mga kung anu-anong pinagagawa nila sa buhay ay matuturing na ba silang siraulo o hindi magandang halimbawa sa lipunang ginagalawan? Kung sa pamantayan lang naman ang usapan, OO. Hindi talaga maganda.

Bakit? Dahil hindi ito maganda sa mata ng moralidad eh. Yun nga lang, masyado rin kasing “perpekto” ang tingin natin sa mga tulad nila na maituturing na isang “public figure.”

Sa sobrang perpekto nga lang ay nakakalimot din tayo na tao pa rin naman sila regardless kung bullshit man talaga ang minamarket nilang produkto, ayon sa taste buds natin.

Ika nga ng isang kasabihan, “The best artists are oftentimes inferior human beings.” Meaning, minsan, ang mga sikat na hinahangaan natin ay ang siyang may nuknukan ng  kahinaan sa buhay. Hindi naman obvious ang kahulugan nito kung tutuusin.

Ito lang siguro ano: Mali talaga ang pinakita nila. Pero ang realidad ay uso yan. Kaya nga may kasabihan na “hindi lahat ng uso ay magaganda.” At dahil public figure sila, talaga namang makukundena sila dyan.

Pero sa kabilang banda, hindi basta dapat husgahan ang isang pangalan base sa nakuha niyang bahid ng dumi. Hindi na bago ang gawaing yan kung tutuusin. Uulitin ko, hindi ako fan at isa rin ako sa mga tumutuligsa sa asta ng mga malalanding fan sa panahon ngayon.

Wala na dapat pagtalunan pa. May kasalanan kayong mga tagahanga, at magulang. Basta, yan ang napapala ng mga patron ng mainstream eh. Yan tuloy.

O siya, Masyado na tayong mapaghusga. Kala n’yo naman kung sinong malinis. Kung sinong malalanding fangirl. Akala mo kung sino at kung anu-ano pa.

Sige, damo pa. Namong ‘to!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment