Showing posts with label timothy bradley. Show all posts
Showing posts with label timothy bradley. Show all posts

Saturday, 19 April 2014

Vindication?!

4/20/2014 1:37:45 PM

Noong nakalipas na linggo, nasaksihan natin ito.

wiznation.com

Tama, ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Pero may nakakagulat pa nga sa pagkapanalo nito?

Maari, dahil iba na ang panahon noon sa panahon ngayon. Hindi na ito ang panahon na may killer instinct pa si Pacman (yung tipong kaya pa nyang ipatumba ang mga kalaban niya sa lona).

Kung may natitira pang hindi akakiba sa kilos ni Pacquiao, ito ay yung pagiging agresibo niya. As in mabilis na kilos ng mga suntok at depensa na rin. At walang masama dun tutal nagbabago naman talaga ang panahon eh nagbabago rin naman din ang mga istilo ng pakikidigma ng bawat boksingero.

Siguro, kung may nakakagulat man dito, dahil yun sa kauna-unahang pagkatalo ni The Desert Storm sa kanyang professional boxing career.

At alam ko, napakasakit palagi ng first time. Mas lalo na kung sa usapan pa ito ng sports, bugbog-sarado ka na nga, napuruhan ka na nga lahat-lahat, tapos okats ka pa.

Ang saklap naman nyan, ‘di po ba?

Ano kaya maaring matutunan ni Bradley mula dito? Balita raw ay naghahamon pa yata ng pangatlong pagkakataon (aba, seryoso?).

Siguro, kailangan nyang mag-adjust din ng fighting style pag kaharap ang mga matitinding southpaw fighter tulad ni Pacquiao. Sinasabing nakakaturn-off daw ang fighting style ng Kanong boxer. Oo nga naman kasi, suntukan ang usapan, ‘di ba? Hindi yakapan. Saka parang hindi bagay tignan, kung magpapaka-racist ka sa tingin (kaya, di ko na rin dudugtungan ang statement na ito. Bad yun. Sige ka).

Pero para naman sa parte ni Pacman, sinasabing magtatagal pa raw siya sa loob ng ring ng at least, dalawang taon. Sabagay, walang masama dito. Yan ay kung magpo-focus siya sa mundo ng boxing.

At yan ang problema. Hindi lang isang atleta ang tinagurian nating pambansang kamao. Isa rin siyang entertainer (kaya sa totoo lang, hindi lang sa professional wrestling, football at ultimong basketball applicable ang katagang “sports entertainment”), at kongresista. Maliban pa yan sa pagiging endorser, asawa, ama, at anak. Sa madaling sabi, all-around ang lolo mo.

Mas okay rin pala kung isama mo ang ermat mo sa laban. Moral support, ika nga. Never mind her antics. Sino ba naman ang gusting Makita na natatalo ang anak nila. Kaya nga andyan sila sa ringside para mag-cheer eh.

Yun nga lang, sa panahon na masyadong maputakte ang mga netizens, eh good luck na lang kung sa ssusunod na araw ay mapag-usapan ka. Either laman ka ng isang internet meme o topic sa mga discussion forums at Facebook pages.

Ika nga, “IKAW NA!!!!” (with matching Boy Abunda voice).

Pero, masasabi bang final answer na ang laban na tinaguriang “Vindication?” Oo. Yan ay kung gusto na nila makamove on. At isama mo na rin ang mga fans na pustahan ay nagsawa na ring pag-usapan ang paksang ito bago mag-Semana Santa.

Tama yan. Tutal alam na rin ng mundo kung sino talaga ang matibay, sino ang nanalo at kung sino ang mas mayabang pagdating sa trash-talkan.

O ano? Move on na ha?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 23 June 2012

Sa sobrang luto ng laban....

(side A ng aking opinion ukol sa Pacquiao-Bradley series)

LUTO!!!!!


Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.

At walang kinalaman ditto ang pagkanta ni Jessica Sanchez sa panig ng Estados Unidos, ha? (wag shunga, mga pare)

Luto nga daw maituturing ang laban, e pano ba naman? Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng iskor na pabor kay Bradley, na tila taliwas ito sa mga nakapanood ng laban mismo. Mas lamang pa nga daw ang mga yakap ni Bradley kay Pacquiao. At sa majority ng mga parte o round ng laban e lamang daw talaga si Pacquiao. Ayon na rin yan sa iba’t ibang mga punch stats, pati na rin ang scoring ng media sa nasabing laban.

Teka, statistika ba ang usapan? Ba, ayon sa artikulo ng isa sa aking mga idolo ng si Quinito Henson, taliwas nga sa mga puntos ng hurado ang mga numerong lumabansa performance ng laban. Wala pa nga sa kalahati ng mga nagawa ni Manny ang kay Timothy, mula sa punches landed (253-139), percentage ng accuracy ng mga ito (34-19), more connected jabs (63-51) at power shots (190-108).
(source: Roach calls for investigation, pp. A-33 of the June 11, 2012 issue of The Philippine STAR)

Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.

Sa sobrang luto ng laban, ang unang hininging bagay ni Freddie Roach, ang coach ni Pacman? IMBESTIGASYON. Ayon kay manong Freddie, dapat daw ma-expel ang mga huradong humusga sa laban na tila bumura sa malinis na record ni Pacquiao sa nakalipas na 7 taon. Pero hind isinisisi ni Roach ang Kano dun.


Ang kontrobersyal na resultan ito ay maihahambing sa laban ni Erislandy Lara at Paul Williams noong nakaraang taon. Naging majority ang desisyon noon pabor kay Williams bagamat mas nagpakitang gilas si Lara nun.

Isa rin ang dating world champion nasi Roy Jones sa mga nakaranas ng pandaraya sa boxing noong 1988 Seoul Olympics. Natalo siya sa final match bagama tna-awardan siya bilang Best Boxer.

At di mo akalain, ang isa sa mga numero unong tagatuligsa ni Pacquaiona si Floyd Mayweather Sr., dismayado din! Ayon sa tweet ng ESPN correspondent na si Brett Okamoto, maganda ang ipinakitani Bradley pero ang panalo ay dapat daw kay Manny.

Pati si "Golden Boy" Oscar dela Hoya, hindi sang-ayon sa desisyon. Dapat daw binigay ni Bradley ang belt at iprinokalamang panalo si Pacquiao, ayon sa kanya.

Sa sobrang luto ng laban, si Mommy Dionesia, humihingi ng rematch! At iba ito sa mga nauunang litanya niya sa kada pagkatapos ng laban ng kanyang anak. Kung maalala mo, laging humihirit ang matandang Pacquiao na mag-retiro na sana siya. Ba, na iba yata ang ihip ng hangin.

Pero sa kabilang pagkaluto ng laban, si Pacquiao, dito kahahanga, ipinapasa-Diyos na niya ang lahat. Ba, yan ang dapat.

At ayon na rin sa review panel ng World Boxing Organization (WBO), dapat nga nanalo si Pacman. In fact, unanimous pa nga ang boto ng mga ito pabor sa pambansang kamao. Bagamat kahit ganun pa ang lumabas, isa lang ang maskalap na katotohanan diyan: hindi na mababawi pa ang resulta ng nasabing kontrobersyal na duelo noong Hunyo 9, 2012.

Ayon na rin sa ilang beteranong boxing analyst tulad nila Ronnie Nathanielsz, isa sa mga “worse boxing robberies of all-time” ang labanang Pacquiao-Bradley.

Well, let’s face it. Kahit sa sports, may pulitika. May dayaang naganap, nagaganap at magaganap.Mula game-fixing scandal sa basketball hanggang sa mga tulad nitong “nakaw na panalo.” Kung tatanungin mo ang inyong lingkod kung kelan mawawalaang mga ito, ah… ewan. Bagamat mas masaya pa rinsana kung malinis ang resulta ng mga laro, di ba?

Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 08:25 AM
© 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 10 June 2012

Why so upset on Manny’s loss, man?

Luto nga ang laban, kaso wala e. As in wala tayong magagawa dyan.

Alam kong sobrang badtrip ka nung natalo si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong nakaraang Linggo. Hindi masama ang madismaya, lalo na kung masugid ka na tagahanga ng isang atleta sa sports. Kaw ba naman ang makapansin na mas marami pa ata ang yakap ng Kanong boxer kesa sa mga suntok mismo niya e.

Sa sobrang “luto” nga ng laban, ang daming naglabas ng matinding sama ng saloobin nito sa mga social networking sites, at isama mo na dyan ang tweet ng batikang sportscaster na si Ronnie Nathanielsz na tila nagpoprotesta ito. Ayon sa kanya, kahit ang mga estudyante sa k-12 e alam na panalo si Pacquiao sa laban na iyan. Kaya nung lumabas ang resulta e parang ninakawan daw ang dating nito sa pambansang kamao.
Sabagay, hindi naman natin masisisi ang pananaw ni Manong Ronnie dyan. Pananaw niya yan e.

Ika nga ng isang TV commentator na si Teddy Atlas, boxing is a corrupt sport. Actually, sa kahit anong sport naman ay nag-eexist ang corruption e, by all means of dirty politics man yan, game fixing scandals, off-sport issues, etc. Hindi na bago ang mga ito. Kung aalamin mo ang mga ganitong bagay sa larangan ng pampalakasan, pustahan, marami kang matutuklasan.

Pero alam mo, dito ka rin hahanga kay Manny kahit sa mata ng karamihan sa atin e nalamangan siya. Ipinakita niya ang pagiging sportsmanship. Tila maluwag itong tinanggap ni Pacquiao. Nakakapanibago ba? Sabagay, nagbabagong buhay siya e.

Kaya siguro nauso ang hashtag nun na #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBest. Sabagay, marami naming napatunayan si Manny. Isa na siyang alamat sa larang ng pagboboxing. Aabutin pa ng siyam-siyam bago maalpasan ng sinuman ang record na ginawa niya. Dun pa lang, marami na siyang napatunayan. At ang mga talong tulad nito? Nah, maliit na bagay na lang yan. Pero sabagay, pride din kasi ng bansa ang isa sa mga nakataya din e. At, come on, either way naman kikita pa rin si Pacman e.


Losing is part of being a winner. Sa madaling salita, natural lang na natatalo ang magagaling na tao. After all, tao pa rin naman sila kahit sobrang taas na ng tingin at paggalang natin sa kanila. Halos wala yang pinagkaiba sa feeling ng natalo ang idol mong si Kevin Garnett sa mga tropa ni LeBron James, o di naman kaya ay…. (ito, para Pinoy naman ang dating) pag natalo ang paborito mong Brgy. Ginebra sa isang panibagong crowd favourite na B-Meg Llamados. Yan ay unless kung either iba ang kinakampihan mong koponan o di mo lang trip ang manood ng PBA.

O kung bibira ka pa na bakit ang mga tulad ni Bradley na ang linis ng record e tila wala naming beses na natatalo sila ah. Tol, hindi naman kasi lahat ng pagkatalo e magrereflect sa record mo. May mga pagkakataon na panalo ka nga sa ganito, e talo ka naman sa ibang aspeto ng buhay mo. Mas matindi yun. Talagang may pagdadaanan ka.

Kaya bakit nga ba tayo bibira sa Twitter na nahimatay daw si Mommy Dionesia dahil wala na itong Hermes na maiuuwi? Laughtrip ang dating, pero…easy, baka magalit ang ale, ha? Sabagay, lagi naman siyang laman ng ilang napapanahong jokes minsan e. Pero, tol, respeto pa rin.

And speaking of jokes, ba, tama din kayo. Idaan na lang sa laughtrip ang pagkabadtrip. Tulad ng mga ito.
photo courtesy of:  https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Laugh-Page/147338178666849   
photo courtesy of the watermark text displayed at the lower left portion of this photo
photo courtesy of 9GAG
Pero, tama na ang pagsakay sa bandwagon. Mag-move on na tayo. Tumunog na ang bell, inanunsyo na ni Michael Bufford ang resulta. Naka-wheelchair na si Bradley sa press con. Hindi ka pa kuntento? Mamamatay din yang isyu na yan. Kaya bakit ka pa maglulupasay at magrarant diyan sa Facebook at Twitetr mo?

Move on na kasi, parang hindi ka naman sanay sa mga heart-breaking moments oh!
author: slick master | date and time: 06/11/2012, 07:23 AM