Wednesday, 26 September 2012

Martial law in the cyberspace? (The Online Libel Story)

Noong Sabado, a-15 ng Setyembre, 2012 ay nilagdaan ng Pangulo ng bansa na si benigno Aquino III ang batas na susupil sa mga krimeng nagaganap sa internet. Ang Cybercrime Protection Act of 2012 ay may saklawa sa ilang mga kaso ukol sa child pornography, cyber-bullying, identity theft, fraud at online defamation o online libel, at ang mga parusa sa sinumang lalabag ay 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at may multa na hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalagpas sa P10 Milyon.

Bagamat may mga ulat na irerepaso ang ilang mga probisyon sa part eng online libel. Marami naman ang umaalma. Maari daw kasi nito masupil ang karapatan ng isang tao na maglahad o magsalita.

Parang ang dating ba ay pag nagsalita ang mga pulitko, wala nang karapatan ang mga mamayan na magreact. Sabagay may punto nga din naman, lalo na kung mga “epal” ang mga ito at ang sagot ng mga netizens sa kanila ay ang pamamraan ng pangba-bash.

Hmmm… masasagasaan nga. Kasi isa sa pinakaprimarong karapatan natin ayon sa mata ng batas ay ang maglahad. OO nga naman, bakit mo ko tatanggalan ng karapatan na maglahad. Marami ang maapektuhan nito, lalo na ang inyong lingkod na umiikot sa mga usapin sa lipunan madalas umikot ang mundo ng pagba-blog ko. Parang binigyan mo kami ng piring sa aming bunganga at maging piping saksi sa lahat ng kaganapan. Literally, it’s a big SHUT UP on me.

Pero sa kabilang banda tingin ko, may dahilan kasi kung bakit kailangan maghigpit ang batas lalo na sa ngayon. Pero duda ako na a la Martial Law ang dating nito, unless kung sobrang higpit talaga. At mahihirapan sila na supilin ito, hindi dahil a kung anu-anong mga teknikalaidad at terminolohiyang may kinalaman sa Information Technology ang kinakailangan, kundi dahil sa walang malinaw na level of tolerance. May mga bagay kasi na masasabi na libel ng isa pero hindi naman sa panig ng iba. At bilang tao, magkakaiba tayo ng pamantayan kung ano ang nakakatawa sa nakakaasar sa ating mga kanya-kanyang pananaw, lalo na sa mga social networking sites na ginagawang libangan ng karamihan, o panakas mula sa mga masasamang kaganapan sa realidad ng buhay. Ditto na lang nila nagagawang tawanan ang problema.

Pero… may rerepasuhin man o hindi, kailangan na rin kasi ng batas na ito e, kahit sa totoo lang ay mahirap sugpuin ang mga cyber crime, dahil sa sobrang daming mga terminolohiya at teknikalidad ang kinakailangan para maresolba ang krimen. Dumarami pa ang mga abusado, ke trip lang man yan o sadyang may layunin.

Matanong ko lang, yung totoo… labag ba talaga ito sa freedom of expression ng tao o dahil hindi lang ito matanggap ng mga asal-gago sa internet? Yung mga taong mapang-abuso. Mga siraulo kasi kung makapagkumento sa mga web sites, ke discussion forum man o sa isang simpleng Facebook post. Hindi pa ganap na nagpapakilala, madali lang kasi ang magpanggap sa harap ng computer e.

Isip-isip muna.

At isa pa, may manipis kasi na linya na naghihiwalay sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at sa tahasang pangungutya. Halos wala itong pinagkaiba sa aktwal na libel o defamation.

Alalahanin natin na sa kada salitang binibitawan natin, maliban pa sa ito ang maglalarawan kung anong klase tayo, ay may responsibilidad tayo na pinanghahawakan sa mga ito. Kaya mag-ingat palagi sa mga sasabihin at ipopost.

Huling bara: hati ang opinyon ko. Pabor ako, maliban lang sa mga probisyon sa libel. Kung kailangan man ito repasuhain, aba e dapat lang siguro. Dahil pare-pareho lang tayo talo dito. At nilalahad ko pala ito ng nasa ayos.

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time 12:04 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment