Saturday, 2 February 2013

3 Things Why I Did Not Attend My Prom.


10:20 A.M. | 02/02/2013

Prom is so high school, just like the entire concept of romance. I never attended that once-in-a-lifetime highlight event of high school, as some people may proclaim.

And I never regret that either.


I just don’t like what kids are then up to during my ages. They dig too much on computer games, dating activities, social interactions (more than just logging into the social networking pioneer Friendster and even Yahoo! Messenger), and even vices, more than the typical studying and eat-all-day-long habits. Yeah, I may love wearing preppy suits but that’s only for a photoshoot and I never wanted to have a lifestyle like that.

And please don’t give me that fucking excuse of the so-called YOLO. Yeah, you may only live once, but being young is never (I repeat… NEVER EVER) an excuse to do anything in life that is quite stupid. And it’s not fun to go dumb at all times anyway.

But why did I opted not to go to the considered as one of the most romantic events that you’ll ever have in your lifetime?

Quite expensive. Dudes and dudettes, I don’t live at the luxurious side of life. You know, I rather spend my money which I hardly earned on my allowance savings on the combo of a bucket of beer and a meal of sizzling plate, rather than wasting (oh, sorry… allotting too much of) my time and money on suits, slacks, shoes, accessories, a new handkerchief, the account settlement and even a bouquet of roses for my partner (if any). I have a lot of tasks to filled in which I barely need my money to put on rather than preparing myself for the prom. My tuition is banking on a large amount already, so why should I spend even more on other activities like prom?

Come on, slick. This is just a once in a lifetime event. How could you afford to waste this chance? Once-in-a-lifetime your face, especially if you’re a rich kid. Do you think you cannot repeat that same moment again when you grow older and have a formal date with somebody else?

Second thing, it’s too young to focus on love. I know it’s gonna be like one of those typical sayings of a late-bloomer. But so what? I mean, so the fuck what? I used to think that romance in the eyes of young aged people was misinterpreted by the ones who were once involved into it. They think that he or she was the “one,” the partner that allegedly the one that you have been waiting for. Your prom partner whom wishes and insists that you’ll be dancing with you not just all night long, but for the rest of your respective lives. And they think that the prom night was the start of everything in a formal setting.

Until college and working career came along. So, it’s quite easy to make a promise of commitment to him or her during your teenage days and dreams, but it does not guarantee you anything anyway as either one of you (or both of you actually) are quite immature enough to understand love.

Lastly, I just don’t go with the flow. Like what I said earlier, I’m different from what my typical generation-mates are doing. It’s like comparing mainstream to underground cultures. They’re romantics, I am not. They go for too much fun; I go settle for an average good. And that may sound like I’m a hell of a weirdo in the eyes of majority.

Nah. Only stupid romantics will think like that. Just saying.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Friday, 1 February 2013

Throwback: Abangan Ang Susunod Na Kabanata

02/01/2013 09:25 PM

memorykill.tumblr.com / bebsisms.wordpress.com
Isang palabas na nagsasabi na isang malaking moro-moro ang lipunan at Pamahalaan ng bansang Pilipinas. Isa sa mga sarswela na naglalarawan ng tatlong estado ng buhay sa bansa, mula sa mga elitista, hanggang sa may-kaya hanggang sa mga dukha.

Abangan ang Susunod na Kabanata.

Una itong sumahimpapawid noong ika-6 ng Enero, taong 1991, at tumagtal ng anim na taon. Bagamat noong nagkamalay ako sa mundong ito, madalas ko ito napapanood ng kada Martes, alas-9 yata yun ng gabi (kung tama ang aking pagkaka-alala). Kasama ang mga tanyag na artista sa katauhan nila Tessie Tomas, Noel Trinidad, Nova Villa, Joji Isla, Anjo Yllana, Carmina Villaroel, Jennifer Sevilla, Roderick Paulate, Sammy Lagmay, Winnie Cordero, Carmi Martin at marami pang iba.

Isang pamilya mula sa mataas na antas ng lipunan — mga "demi-god" kung tawagin – ang erpat ay korap na pulitiko, ang asawa naman ay pangsariling luho lamang ang inaatupag, at isang saksakan ng pagkabayolenteng anak (palibhasa may sapak sa utak). Samahan mo pa ng isang bodyguard na handang makipagdahasan sa iba maprotektahan lang ang kanyang pinaglilingkuran. Ang Pamilya Tengco na mas naihahalintulad pa sa pamilya ng dating diktadurya.

Photo credits: YouTube
Ang nasa ibang katauhan naman sa nasa middle class ay isang social climber na uhaw sa pagkamit ng kayamanan. Isang baklang beautician na asawa naman ay isang tangang night club dancer. Oo, tanga dahil sa isyu ng sekswalidad ng kayang kabiyak.

At sa lipunan ng mga pobre (teka, pobre nga ba?), ay may isang mama na palpak ang diskarte sa paghahanap ng mapagkakakitaan, at samahan mo pa ng isang asawa na walang inatupag kung ngawa nang ngawa sa kanya.

http://sydrified.blogspot.com/

Akda ito ng batikang direktor, kritiko at manunulat na si Jose Javier Reyes, sa direkyon ni Johnny Manahan. Sa kabila ng pagpapatawa, ang isa sa mga adhikain ng palabas na ito ay ang maging aware ang manunood sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran. Ano talaga ang nangyayari sa bansang Pilipinas noon, maliban pa sa mga nakakaurat na masasamamang balita na laging nakikita sa mga pambalitaan tulad ng TV Patrol at The World Tonight.

Hindi man ako totally aware sa mga nagaganap noon (dahil bata pa nga ako noong pinapalabas ito sa TV), ngunit hindi ko makakaila na isa ito sa mga palabas na nagpaalala sa akin ng magandang kalidad ng programa sa telebisyon noon. Alaala pa nga ito ng masayang childhood.  Iyun pa ang panahon na nagagawa pa magbiro ng media sa mga sitwasyong pulitkal at kasalakuyang kaganapan, partikular na ang ABS-CBN noon.
Photo credits: YouTube
Minsan habang pinapanood ito sa Jeepney TV block ng Studio 23, minsan pumasok sa isipan ko na “bakit kaya wala na ang mga ganitong palabas sa primetime TV ngayon? Panay romansa espesyal at mga karahasan-sa-ngalan-ng-pagmamahal na lamang ang nakikita?”

Isa lang masasabi ko, tulad ng pamagat ng palabas na ito at ng mga eksena sa lipunan... ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!

For the meantime, heto po ang intro ng Abangan Ang Susunod na Kabnata (youtube.com/user/ProudPinoy123)






At sa kabilang banda naman, ito ang video mula sa part 1 ng Himala Episode ng Abangan Ang Susunod na Kabanata. (facebook.com/theslickmaster28)



REFERENCES:

instagram.com/slickmastertheblogger

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Monday, 28 January 2013

Mind Your Own Lovelife!



10:02 a.m. | 01/29/2013

Isa sa mga nakakabuwisit na pangyayari sa araw-araw ay ang pangingialam ng lovelife ng ibang tao sa lovelife mo. Well...

Walang sanang masama sa pakikialam sa buhay ng ibang tao. Pero maliban na lang kung ang usapan ay tungkol sa lovelife nito, at kung pribadong tao siya at isa yan sa mga paksang isinasapribado niya. Napapansin ko lang, dumarami na naman ang barabrong nilalang pagdating sa lovelife ha?


Palagiang tanong ng mga ‘to ay “Kumusta lovelife natin?” O kung alam na inlove na inlove ka, magtatanong pa rin ng mga “pa-obvious” (Gusto mo birahin kita ng snappy answer dyan?).

Ito pa ang hirap dyan e. Kapag nagbitaw ka ng sagot, hahalukayin pa ang topic na yan. At mas mangungulit pa sa iyo kapag sinabi mo na “Ayaw kong pag-usapan iyan. Period.”  Minsan pa nga e nahuhusgahan ng isa ang sekswalidad ng ibang tao depende sa lovelife nito. Kung ang isang tao ay pinili na hindi magkaroon ng karelasyon, iisipin ng mga kumag na bakla siya. Punyetang lohika yan!

Hindi sa pambabasag ng trip o pagiging bitter ha (Pero supot lang ang utak ng mag-iisip nung sinabi ko sa pangalawa)? Pero bakit nga ba ang daming makukulit na nilalang ang mahihilig pumutakte ng lovelife ng ibang tao?

Una, kung sino pa ang nakikialam ng lovelife ng ibang tao e sila mismo ang wala nito. Oo, sila nga ang mga walang lovelife. Mga inggitero at inggiterang palaka. Either curious sila o gusto lang nila mamutakte. Ah, so ang sa lagay ba e inaalam nila ang feeling na magkakaroon ng lovelife mula sa karanasan ng ibang tao? Maaring oo, at maari ring hindi.

Pwede rin ang pinakadahilan ay dahil gusto lang sila makaramdam ng kilig. Aba, kapal ng mga ‘to ha! Kayo ang kasintahan, mga ate’t kuya? Pwede naming umihi na lang sila diyan sa CR e.

Pangalawa, “concern” lang sila. Okay, given. Pero ang pagiging concern ay tulad din ng ibang bagay – dapat nilulugar. Hindi pwede sa lahat ng oras ay lagi dapat pupunahin ang mga kaganapan sa lovelife. Anong excuse? Dapat raw maging “open” ang tao pagdating sa usapang iyun?

Weh! Open mo yang mukha mo. Ang pagiging “open” ay may kaakibat na pagrespeto sa pananaw ng iba na isapribado ang mga bagay na tulad nito. Kung hindi mo ma-take yun, get off from him/her.

Pangatlo, wala lang silang mapag-usapan. Ang boring ng mga bagay na tulad ng asignatura sa klase, o mga nagbabagang balita para sa kanila, (at parte na rin ng pagiging demokratikong lipunan natin ang mga taong pinili na maghing parte ng mga salot na kung tawagin ay “walang pakialam.”) Mas interesado pa silang makialam sa lovelife ng iba kesa sa kung ano ang gagawin nilang diskarte para magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan. Tsismis, ika nga. Para may makwento lang ang mga mokong at loka sa iba. Sarap lang sabihan ng mga katagang “Pwes! Hindi ako sikat na tao para putaktehin ang lovelife niyo.” Baka showbiz pa yang sagot na iyan ha? Pektusan kita diyan e.

At oo nga pala, kung lovelife ang usapan e parte rin ako ng mga salot sa lipunan sa mata ng mga apaw-apaw-na-emosyonal at sobrang-romantiko. Oo, mga “walang pakialam” nga ang tinutukoy ko.
Pang-apat. Hindi sila marunong maghintay. Hindi lang sa paghihintay na dumarating ang lovelife sa kanila, kundi ang maghintay rin na ang pagkakataon na mag-open ang tao mismo sa usapan na iyun. Gusto nila, sila mismo ang mauuna na makikialam nang makikiaalam (kahit sa totoo lang e hindi naman talaga dapat ito pinapakialaman). Ke may nabasa lang sila na patamang status sa Facebook o sobrang nakakapagdamdaming mga kataga na tweet... hala sige, open forum na yan!

Ang pakikialam sa lovelife ay may tamang lugar at panahon. Hindi porket ayaw niyang i-open yun e sarado na ang utak niya. May mga taong likas na hindi binubuklat ang mga iyun sa publiko, lalo naman kung hindi naman kailangan talaga. At huli, dapat iginagalang din. Kung hindi niya trip na pag-usapan ang lovelife niya, irespeto niyo yun.

Kaya utang-sa-boundary naman, pwede ba... MIND YOUR OWN LOVELIFE!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 22 January 2013

ROMANTIC EH!


09:49 AM | 01/23/2012

Isang maikling patutsada lamang. Ayon sa isang pahayagan sa China, ang Pilipinas ay ginawaran nila bilang “The Most Romantic Destination.”

Ganun? Oo, binase ito sa isang consumer survey na ginawa ng Shanghai post. Binigay ng nasabing pahayagan ang parangal na ito sa Pilipinas noong Enero a-15, sa posh Shanghai Peninsula Hotel by the bund, ayon ito sa press relaease ng Department of Foreign Affairs.

Hmmm... sabagay, hindi na kataka-taka ito. Pa’no ba naman? E likas sa pagiging romantiko naman ang lahi ng Pinoy e, (oo, parte na ito ng ating kultura) at makikita ito sa panahon ngayon.


Lumabas ka ng bahay,  mapapakinggan mo ang tsismis ng kapitbahay, at ang isa sa mga paksang pinag-uusapan ng mga ‘to ay ang lovelife ng kung sinu-sino na kilala nila. Parang ganito...

“Uy, alam mo ba si Pareng Tonyo, nahuli sila sa kwarto ng kabit niya!”
“Si Mareng Virgie, hindi na siya virgin kasi binahay niya ang boylet niya kagabi!”
“Nagbreak sila Jona at Milo. Umiiyak nga ang lola mo dito sa amin kahapon e.”

Hay, naku. Mind your own lovelife na lang kaya, mga echuserang palaka?

Lumabas ka ulit, gumala ka sa isang parke, mall o saan mang mga pampbulikong lugar at kahit sa mga sasakayang pampubliko tulad ng jeepney, bus at tren, isa sa sampung beses at least makakakita ka ng isang magsyotang magla-akbay, nakaholding-hands o pagkamalas-malas mo pa... naglalaplapan. Wow, isn’t it romantic? Kulang na lang gawing motel ng mga hinayupak na ‘to ang kinalulugaran nila ha.

Pero kidding aside, maraming lugar kasi ang nagsisilbing dating place ng mga magsing-irog e. At hindi ito usapin ng date sa kama ha? Iba yun. I mean yung mga tulad lang ng parke, amusement park, mall, o ultimo ang simpleng kainan na ginagawa ring tambayan. Kung gusto mo ng mas astig, yung naglalako ng fishball. Mas sweet kaya ang nagkasama kayong  magkasama habang kumakain ng tusok-tusok na fishball.

At kung sadyang introvert ka at tamad kang gumala, e sit back, relax (?) and enjoy (“?” again?), dahil hindi mo kailangang lumayo para lang makakita ng romantisismo. Subukan lang manood ng TV andayn na ang telenovela na talagang nagpapakilig sa halos sinuman. Well, at least yung matinong type lang na palabas ha? Uso kasi ang selosan, nag-aalab na love scene, patayan sa ngalan ng pag-ibig at kung anu-ano pang “twist kuno” pero kung tutuusin ay mas magandang tawagin na “bullshit.”

Oo nga pala. Pansinin ang mga pumapatok na palabas sa takilya o kahit sa mga naglabasang mga piniratang DVD kung local na sinehan ang usapan. Kung hindi puppy love na love story, e mga affair. Halos tulad lang ng aking naunang nabanggit.

Sa mga libro... maliban pa sa mga tulad ng Twilight series (oh, please?! Not this type.) pahayagang tabloid at showbiz magazines, ang pinakapatok na babasahin ay ang mga pocketbook na naglalaman ng isang nagbabagang-pag-ibig ang tema ng nobela.

Kung nasusuraan ka sa sobrang kilig, making ka ng radio, yung masa type ha? Maririnig mo ang mga walang kupas na love songs. Ayos lang yan pag siesta, pero kung sadyang nakakabato na ang musika ng pag-ibig sa panahon ngayon...

Maglog-in ka sa iyong Facebook at Twitter account (kung meron man) at ano ang madalas mong nakikita na post maliban sa mga masasamang balita at jokes? Mga quotes, mula sa pick-up lines hanggang sa emo quotes (oo, romantic pa rin yan), hanggang sa mga patamang sumbat.

Kung di ka pa maging romantiko niyan, e di sa cellphone. Almost the same things sa inbox, either GM na iyan o PM lang mula sa iyong ka-text.

Pero seryoso ha? Marami naman mkasi talagang magagandang lugar sa Pinas na may romantic atmosphere. At hindi ito makikita sa motel, mall o kahit sa tagong parke. Ano ang tinutukoy ko? Tuklasin mo ang bansang kinatitirikan mo. Maraming mga magagandang tourist spots ba na akmang-akma para sa mga lovers. Ganun kasimple.

Ayan, romance is not just in the air... but everywhere!

Pero... ‘di ba ang romance ay ang shallowest type of love? So it means na “mababaw” talaga tayo? Hmmm... *sabay himas sa baba*

At pahabol na question. Hindi naman kaya binobola lang tayo ng China dahil ang init na kasi ng tensyon sa West Philippine Sea/South China Sea territory? Kumbaga, pampalubag-loob? Hmm, pero hindi nmaman tumalab ito kay Albert Del Rosario ng DFA e. In fact, inakyat na sa korte ang usapin ukol sa sigalot sa teritoryo sa pagitan natin at ng mga Intsik.

Ahh, ewan. Basta romantic tayo no?

(source: http://www.interaksyon.com/article/53195/philippines-wins-most-romantic-destination-award-in-shanghai)

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Monday, 21 January 2013

MAGBASA KASI!


12:21 A.M. 01/22/2013

Isa sa mga nakakaurat na tanong sa realidad at panahon ngayon ay ang bakit ba ang hihilig magreact kaagad ng ilang mga tao kahit hindi pa man nila naiintihindhan o ni nabasa man lang ang kwentong pinuputakte nila?

Anak-ng-puta. Ang tatanga lang nila ha? Ayos na sana e.

“Don’t judge a book by its cover,” ika nga ng isang lumang kasabihan. Pero uso pa ba ito sa modernong panahon na halos kahit sino na lang e instant critic na, lalo na kung nakapagbasa ito ng isang artikulo na may matinding nilalaman? Ito lang naman ang napapansin ko sa halos isang buong taon na pagmamasid sa isang community blog page sa Facebook. Basta either isang kontrobersyal, napapanahon o minsan ay matinding pagtaliwas sa nakararami ang nakapaskil, pinuputakte ng sari-saring reaksyon. Okay lang sana e, halimbawa:

Nagpaskil ka ng isang anti-romantikong blog, “bitter” ang ibabato kagad sa iyo. Minsan pa nga ang sasabihin sa’yo e “Pakamatay ka na! Wala ka palang lovelife e.” E kung ikaw na lang gumawa niyan tutal ikaw rin naman ang nakaisip e.

Nagsulat ka lang ng opinyon mo ukol sa isang napapanahong isyu, at kontra naman ang mayorya sa mga pinunto mo, sige pa rin ang pagbibitaw ng kanilang kuro-kuro. Sabagay, sabi nga naman sa isang noontime show, “It’s a free country, you can do what you want!”

Kung matinding rant pa ang binitawan mo, expect a bunch of superficial fools ahead for you to react. Oo, maraming magrereact. Yun nga lang, karamihan pa sa mga ‘di sasang-ayon diyan e pustahan, hindi binasa ang kabuuan ng write-up mo. Parang mga gago na “may masabi lang” sila.

At kung kontrobersyal na paksa naman ang usapan tulad ng sex, prostitusyon at iba pang may kahalintulad sa mga nabanggit? Tahasang magrereact na ang mga ‘to.

Oo, lahat niyan, may masasabi na kaagad sila KAHIT HINDI PA NGA NILA NABUBUKLAT KUNG ANO TALAGA ANG NILALAMAN NG BLOG MO.

Maliban pa diyan, sa mga Facebook page din ng mga balita. Usong-uso din ang breed nila.
Hindi ko alam kung sila ba ang tinutukoy ni Mga-Sulat-Kamay sa kanyang “Anong Klaseng Blog Reader Ka?” na mga title-holder o  may pagka-sadyang epaloids lang talaga.

As in grabe lang ang paglipana ng mga ito. Kala ko ba ginagamit ng mga ‘to ang internet para kahit papano e mahimasmasan naman ang utak at kamalayan nila? At hindi sa pagiging elitista ang dating ha? Pero... bakit naman ganun?

Ang excuse ng ilan ayon sa isa sa aking kaibigan sa pagba-blog, mobile users kasi sila e. Kaya minsan, nanghihingi sila ng buong artikulo na ilahad sa fb.

Ganun? Okay, considered excuse na iyan maliban na lang kung sandamukal naman ang load mo para makapagbrowse outside sa mga social networking account mo at may time ka naman makapag-internet talaga.

Ayos lang din sana kung ang kumento nila ay tulad ng “Teka, di ko pa nababasa ng buo ito (o di naman kaya ay “mamaya, babasahin ko ito...”). Pero ang masasabi ko ay...”  Yan talaga kelangan pa ng kunsiderasyon.  At least, responsable sila.

Yung iba, sadyang tamad lang talaga. Ugali na nga ng ilan yan e. Pucha, ano ba naman ang mahirap sa i-click lang ang artikulong babasahin para maintindihan mo ang lahat at hindi yung mga paunang salita, pangungusap o talata lang ang iyong nakikita sa halip? Mamamatay ka ba kung hindi mo ikahihiya ang pagpindot ng link o ng “read more?” Hindi naman siguro, ‘di ba?

Iba-iba kasi ang lebel ng pag-unawa ng tao e. May malalim at meron ding mga “skin-deep.” Sa madaling sabi, mabababaw. Superficial. At sad to say, karamihan yata ng sa ngayon ay nagpo-fall sa nabanggit na  huling kategorya. Yun lang.

Kaya ano ang pinupunto ko dito? Magbasa kasi bago magreact. Intindihin ang kwentong binabasa o puputaktehin (oo, anudn rin lang naman kayo e sagarin niyo na). Minsan nga binibigay na sa inyo ng buong artikulo para lang makaintindi kayo e (Pasalamat pa kayo dahil hindi kayo sinisingil ng mga yan pero ‘wag din kasi aabuso o “asa sa libre” na attitude). Natuto naman siguro kayo sa mga comprehensive exams niyo noong nag-aaral pa kayo ‘di ba? O aminin niyo... natutulog kayo sa pansitan nun?

Ang paglalahad ay parte ng ating demokrasya. Karapatan natin ito bilang tao. Pero ang lahat ng kalayaan natin ay may kaakibat na responsibilidad na dapat maliban pa sa naipapakita natin kung sino tayo bilang isang indibidwal, ay ang pagkakaroon ng saktong lawak ng komprehensyon sa mga bagay na binibigyan natin ng kuro-kuro at pansin.

Kung ako lang ay magiging isang mambabatas, magpapanukala ako na dapat sikilin ang karapatan ng mga taong “may masabi lang.” Oo, wala silang karapatang magsalita hanga’t hindi nila naiintindihan ang mga bagay na pinupuna nila.

Masyado bang mapagmataas at malupit? Dapat lang. Hindi na dapat uso ang pagiging tamad no?

Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions

Friday, 18 January 2013

Brainless TV.

01/19/2013 10:55 AM

 http://paulignatius.files.wordpress.com
Minsan ko lang nasubaybayan ang ilang mga programa tulad ng Digital LG Quiz at Battle of The Brains noong bata pa ako. At maliban pa sa eskwelahan, dito ako madalas nagpapakanerdo para lang matuto kahit ang majority sa mga napapanood ko nun ay akma sa mga nakakatandang mga estudyante. Naalala ko lang ang panunood sa Battle Of The Brains ng Channel 9 na ang host ay hindi ko kilala (hanggang sa nalaman ko na isang David Celdran pala iyun) habang nalatambay sa opisina nila nanay at tatay nun. Ang Digital LG Quiz (na naging Digital LG Challenge) ay tuwing Linggo ng umaga sa GMA at host nun ay sila Paolo Bediones at Regine Tolentino, pero madalas naman e sa bahay ko lang pinapanood ito n’on.

http://logothailand.tarad.com
Pero sa mga nakalipas na taon e unti-unti na ring nage-evolve ang programming ng television sa Pilipinas, partikular na sa primetime slot. Siguro dala na rin ito ng paglipana ng mga cable services at kung anu-ano pang nakapagpabago sa taste ng tao.


superhangin.tumblr.com
Pero ang mas masaklap ay tila bumabaw at dumausdos pa yata ito. Magmula na rin noong pinaunlakan ng media outlet ang lubos na kagustuhan ng tao. Siyempre, entertainment for audiences’ satisfaction’s sake. Wala sanang masama dun, maliban na lang sa katotohanan na ito na rin ang naging dahilan kung bakit dumarami ang mga tamad mag-aral at mga nagpapanggap na mangmang sa lipunang ito (yan, nasobrahan sa kaka-Facebook at pagdo-DoTA). Nagkaroon na yata tayo ng imbalance sa pagpo-produce ng mga palabas sa TV magmula siguro noong nag-fold ang mga palabas na tulad ng nabanggit ko sa itaas. Ewan ko lang kung may ganito pa ngayon.

reality-tv.findthebest.com
Sabagay, sa kabilang banda kasi hindi mo rin masisisi ang mga tao na nasa itaas na nagpapatakbo ng mga istasyon ng telebisyon. Hindi naman sila gagawa ng mga palabas na hindi sila magbebenefit in the end. Sa madaling sabi, it’s business. Sa madaling sabi, kelangan rin nilang kumita at ang mga palabas na nakikita mo ngayon (kahit nakakatanga na kung ikaw ay may parehong sentimyento tulad ng inyong lingkod) ay may sandamukal na ad placement (sa madaling sabi, commercials) kaya mabenta siya sa totoo lang.

Yun nga lang, ang labis na pagiging mabenta ay nakakasama din. At hindi naman lahat ng mabenta ay maganda. Lalo na sa panahon ngayon, ang mga maappeal sa mata ng tao? Asus, asa. Lumabis na yata sila sa mga bagay na tulad ng commercial value at entertaining factor to the extent na kulang na lang e yung tahasang ipagmukhang tanga ang mga manonood sa mga nakikita nila na sandamukal na segment na nagpapakita kung gaano ka magpapakatanga para lang sumikat sa TV tulad ng mga nasa variety at game shows. Isama mo na rin ang jeskeng telenovela na naging ugat ng pagiging sobrang emosyonal ng masa at maling pananaw nila sa pag-ibig.

At ang mga game show ngayon? May kwela factor nga, (which is good) pero hindi lahat ay may kakayahan na pakainin ang utak ng tao. Madalas lang d’yan ay parang pampagana ng kapraningan. (Buti pa ang Pinoy Henyo kahit papano e saka yung Pilipinas, GAME KNB?) Merong pang-tanga lang talaga, pero mas masaklap ay mas marami ang mga tulad niyan. Anong idadahilan? Ke dahil hindi naman lahat ng mga magagalingna tao ay nakatapos ng pag-aaral? Given, pero doon nga dapat pumapasok ang role ng media e – ang maliban sa mag-entertain, ang mag-inform (at hindi pagbabalita lang ang tinutukoy ko ditto ha? Isa pa yun e).

 khantotantra.blogspot.com
Tama si Jayson Benedicto noong binaggit niya sa kanyang unang libro (na may pagkahaba-haba ng title, at sa sobrang haba e nakalimutan ko na kung ano pamagat nito. ‘de ito pala...Top of Form) na may pinamagatang Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AKOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat,” na... “Less Drama. More informative segments. Less Drama. More time for news programs. Less Drama. More Batibot and Sineskwela. Less lang naman. Hindi none**”

Oo nga naman, ika nga ng isang slogan ng Net25 nun… “feed your mind.” Ang sama na nga ng reputasyon ng TV (ayon na rin sa ilang mga tao, “idiot box” kasi ang isa sa mga kilalang termino na inaassociate palag sa telebisyon) e pasasamain pa lalo ng mga programming ngayon? Kelangan na ulit ng mga ganitong palabas sa ngayon. Hindi excuse ang dahilan na “may internet naman e.” Oo nga, may internet nga pero tulad din ng mga nangyayari sa radio at TV, naglipana rin ang mga gunggong at ginagamit din ang internet sa katangahan at kababawan nila.
en.wikipedia.org

Baduy naman nun.

** http://definitelyfilipino.com/blog/2011/10/01/teleche-novelas-and-soap-choleras/

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 16 January 2013

Silang Mga "Baduy"

01/06/2013 08:51 AM 

Matagal nang nasa sirkulasyon ang JEJEMON. Pero 2013 na, at ang mga tanong ay: (1) bakit pa rin ba tayo naiinis sa kanila?; at (2) bakit kasi ang ba-baduy naman nila?

O sadyang mapanghusga lang tayo?


Nagmula sa Friendster at text, ang jejemon ay ang isa sa mga kinaiinisang bagay sa lipunan ngayon. Pa'no? Ang labo mag-text, ang init-init naka-varsity jacket, kung anu-anong kabaduyan at kababawan ang tinatangkilik mula sa mga "hip-hop" kuno na music hanggang sa ghetto fashion. Mga feelingero at feelingera na may "swag" daw sila. Ang tanong, e kaya ka bang isalba ng pagkakaroon mo ng swag sa panahon nakailangan mong magbayad ng bill ng kuryente ng bahay mo?

May kasabihan 'di ba? Having swag won't help you pay your bills. Teka, being cool yun 'di ba? Pero maituturing ba sila na "cool" in the first place?

Noong nagsimula pa na lalong umusbong ang populasyon ng mga Pinoy users sa Facebook noong 2010 e unti-unti ring lumipat sa naturang social networking site ang breed nila. Ang problema nga lang e tahasan silang itinatakwil ng mga "elitista." Hmm... bakit? Dahil mahahaluan na naman ang mga tipo ng tao sa fb? Parang diskriminasyon naman yata yun?

At kung hindi ako nagkakamali, dapat ay isa ito sa mga unang kaso ng cyber bullying sa Facebook sa Pinas. Oo nga naman ano? Kawawa naman 'tong mga to. Inaano ba kayo ng mga salita nila? Masakit ba sa mata? O talagang trip niyo sabihin na nababaduyan lang ako? Hmm...

Kunsabagay, wala naman na kasi sa hulog ang pinagagawa ng mga 'to e. Ang init-init na nga, naka-varisty jacket ka pa. Ano ka, rumorondang baranggay tanod? At iba ang tunay na gangster sa wannabe. Ang graffiti, mas maganda kung nilalahad sa blangkong pader, hindi sa screen ng cellphone. At oo, blangkong pader hindi sa pader ng katabing bakery o kung anong bahay o establisyamento pa iyan.

Pero, mabalik tayo sa mga tanong sa unang talata. Naiinis ba talaga tayo sa kanila o sadya lang tayo mapanghusga?

Oo nga naman, ano? Bakit, magiging angat ba tayo sa kanila sa pagpuna ng mga kabaduyang ginagawa nila. Aminin natin, lahat tayo ay minsan naging jejemon - o sabihin natin na mas matinong term - baduy, sa ating mga sariling karapatan at pagkakataon. Huwag tayo maging hipokrito. Mas baduy yun.

Kung alam naman natin na mas okay tayo sa kanila e 'di 'wag na lang natin masyadong pansin. Siguro minsan mo lang sila punahin na "tsong, pasensya na pero hindi ko talaga maintindihan tong text mo e, pakiayos naman oh." Baka sakaling matauhan.

At sa mga jejemon naman, maliban pa sa ayusin niyo ang porma niyo, e sa mga kapwa niyo na lang na jejemon din kayo magtext ng jeje-type. Kung matinong tao ang kausap niyo sa chat o text, mag-adjust kayo. Dahil wala nga tayong academia para maglagay ng pamantayan pagdating sa salita, pero dapat kasi e nasa sarili na natin kung paano tayo makikipag-talastan sa ating kapwa. Oo, disiplina lang, dre.

Sa bandang huli, Kanya-kanyang trip at istilo lang yan. Kung baduy man sila para sa atin, ang kaso ba e may magagawa pa tayo? 

Walang basagan ng trip na lang sa kanila kahit sa mata ko e may pagkabaduy na nga.

author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions