3/28/2014 10:41:04 AM
Yan na naman tayo eh. Lumabas na naman ang pagiging balat-sibuyas nating mga Pinoy eh. Parang two years ago, nagngingit tayo sa galit sa isang foreigner na nagsabi ng mga bagay na ayaw niya sa Pilipinas.
Tapos, taong dos-mil-katorse na, may blogger lang na inayawan ang pagkain natin eh nagngitngit naman tayo sa galit.
Oo, nagalit tayo sa aleng ito.
Si Agness Walewinder, ang Polish na awtor ng isang travel blogger na pinamagatang “eTramping.” At para sa mga angaw-angaw na magagaling na mambabasa, ang blog nila na yun ay naglalayon na makapagtravel sa alinmang bansa at mamuhay sa lugar na yun sa halagang $25 sa loob ng isang araw (or less pa).
Eh ngayon, bakit nga ba ayaw niya sa pagkain ng Pinoy? Dahil raw sa napakababang numero ng mga kaininan na nanghahain ng tradisyunal na Filipino cusine; isama mo na rin dyan yung mababang kalidad diumano ng mga kasangkapan at pagkain mismo.
Sa totoo lang, kung nagbabasa lang kasi naman ang mga Pinoy mula start to finish, may mga ilang parte ng entry niya na naglarawan naman ng pagkagusto niya sa mga piling pagkain sa Pilipinas.
Yan ang napapala ng mga tao na pamagat lang ang binasa, tapos magrereact na kagad. Yan ang tipikal na Pinoy, na lagi kong naoobserbahan sa isang site na pinagsusulatan ko din (galit ka? Bakit, tinamaan ka ba?).
React nang react pero hindi naman naiintindihan. Kaya kayo nalulunod sa kumunoy ng kaignorantehan eh.
Kunsabagay, napakabihira lang yata ang mga kainan na naghahain ng mga pinakahinahain ng mga Pinoy. Kung lechon gusto mo, wag kang umasang makakakita ka sa kung saan-saan lang, dahiul madalas nyan ay nasa La Loma, Cebu, Batangas, o kung nasaan pa man yan.
Pero may adobo naman ‘di ba? At madali lang siyang ihain? Kunsabagay, kaya nga may nagpanukala na gawin siyang “national food,” di ba?
Pero paano nga naman ang iba pang pagkaing Pinoy? Ano ‘to, sa mga tulad na lamang ng Barrio Fiesta, Adobo Connection, Sinigang Express, at ultimong Mang Inasal lang tayo aasa?
Ito pa ang problema, kung hindi trip nila Agnes at Cez ang pagkain sa Pilipinas, e mas gusto naman nila ang tila Stunning Scenery ng Banaue.
Ngayon, ano ang ibig sabihin nito? Masyado tayong picky sa mga negatibong bagay? Yan kasi ang napapala na mga taong hindi marunong magmahal sa sariling bansa. Parang inaantay pa yata natin na batikusin pa tayo ng mga taga-ibang lahi. Sa madaling sabi, para tayong mga gago.
Hindi mo ito napansin? May gana kang manumbat at mangistalk sa mga post niya sa site niya and yet hindi mo mismo naappereciate kung gaano niya ipinagmalaki ang bansa natin kahit sa ganito lang?
Eh mga gago pala kayo eh.
Pero ano pa nga ba ang ikinagagalit natin?
Ahh, alam ko na – yung pag-generalize niya sa pagkain natin. Ayaw nya ng Filipino food as a whole. Sabagay, kalian pa nga ba nating magandang practice pagdating sa journalism at ultimo sa mga impormal na pamamaraan tulad ng blogging ang tinatawag na “generalization?”
Pero sa kabilang banda kasi, marami na rin siyang triny e.
Tama siguro yung isang banyaga na gumawa ng response letter para kay Agness (Hindi yung dahil sa nagkataon na may PMS siya ha?) – na maaring di pa sapat ang panahon na nagstay siya sa Pilipinas. Pero kunsabagay, katulad ng agenda ng blog nila, less than $25 a day, so sa malamang ay nasa tight budget lang din sila. Anyway, kanya-kanyang pananw na rin nila yan.
Pero alam mo, wala na dapat pang pagtalunan pa eh. Masyado lang tayong OA mag-react, akala mo naman mga tunay na Pilipino kayo talaga.
Sa madaling sabi, para kayong mga gago.
Hindi na talaga tayo natuto, parang two years ago lang, may lumabas na video na “20 Things I dislike about the Philippines,” eh nagngingitngit na tayo sa galit kahit hindi pa natin napapanood ang mga ito.
At parang last year lang, sinabi lang ni Dan Brown na Gates of Hell ang Manila, ito na naman tayo.
At isa pa, maliban sa Pilipinas ay sinabi niya na hindi rin trip ni Agness ang Sri Lankan food. Pero may narinig ka ba mula sa mga tao dun? Malamang wala, dahil hindi naman natin naiintindihan ang anumang lengwahe nila e.
A piece of unsolicited advice for all of you: ang pagiging nasyonalismo, hindi sinasalita, kundi... isainasagawa. At hindi kailanman nagging parte ng isipirtung yan ang pagiging balat-sibuyas, tagahanap ng butas at ang akto ng pangangalandakan ang kabobohan.
“Pinoy Pride?” Pinoy Pride your face!
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment