Friday, 21 September 2012

40 YEARS AFTER MARTIAL LAW…


September 21, 1972, araw ng Huwebes… sa bisa ng Proclamation #1081, idineklara ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinad Edralin Marcos ang Martial Law. Ang pinakapangunahing dahilan sa pagdeklara nito ay ang labis na karahasang nagaganap sa kanyang panunungkulan. Ayon naman sa ilang mga kritiko niya, ito ay naisabatas para magtagal siya sa kanyang kapangyarihan. Tuluyang naimplementa ang batas-militar nang alas-9 ng gabi ng Setyembre 22, araw ng Biyernes; at inanunsiyo niya ito sa lahat ng istasyon ng radio at telebisyon na umeere sa buong bansa sa oras na alas-7:30 ng gabi noong Sabado, a-23 ng Setyembre, 1972.

Nagtagal ang Martial Law ng 8 taon at halos 4 na buwan. Sa panahon na naging isang panibagong republika ang Pilipinas, nagkaroon na maraming mga pangyayari, ke masama man o maganda, tulad ng: **
  • Nakontrol ng gobyerno ang laranagan ng pamamahayag sa pamamagitan ng Oplan Saguitarrius,
  • Ipinagbawal ang pagkakaroon nga mga anumang uri ng kilos protesta,
  • Pati ang ilang mga pampulikong utilidad at industriya tulad ng Meralco, Iligan Inntegrated Steel Mining at PLDT ay napasakamay ng pamahalaan,
  • Nagkaroon ng curfew na nagbabawal sa sinumang mga mamamayan na lumabas mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga,
  • Na-amyendahan ang saligang-batas  (1973 constitution), at ilang beses na inamiyendahan ito,
  • Binuwag ang mga private army
  • Naitatagag ang ilang mga ahensya tulad ng National Economic for Development Authority, Metropolitan Manila Development Authority, at iba pa.
  • Nagkaroon ng travel ban sa lahat ng mga mamamayan, maliban na lang kung mahalaga ang pupuntahan abroad.
  • Nagkaroon ng mas malawak na relasyon diplomatika ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asya,
  • Nagkaroon ng mga reporma sa aspeto ng edukasyon, sa lupa, sa pakikipag-ugnayan sa mga kababayan na Muslim, atbp.
  • Nagkaroon ng mga bagong imprastraktura ang Pilipinas tulad ng Pan-Philippine Highway, San Juanico Bridge, mga geothermal energy plants, at iba pa…
  • Special mention: nagkaroon ng unang professional basketball league sa Asya ayt yan ay ang Philippine Basketball Association.
  • Special mention (ulit) nagkaroon ng kabuluhan ang ibang mga palabas, mulas a mga pelikula ni Lino Brocka hanggang sa John En MAsrsha series na tinaguriang all-time longest running situational comedy (sitcom) show sa ating bansa.
  • Special mention for the third time. Nauso pa rin naman ang mga patawa e. Tulad ng mga parody ng triumvirate nila Tito, Vic and Joey, ang Student Canteen, Champoy, Goin’ Bananas, at iba pa.
  • At kung anu-ano pa na… hindi ko naibanggit o nang mga libro nila Teodoro Agoncillo at Gregorio Zaide at sa iba pang mga historians.

Naging maganda raw ang epekto ng Martial Law sa unang 5 taon na pagkakaimplementa nito. Aniya, naging mas progresibo ang bansa. Ngunit matapos ang Proclamation No. 2045 na nilagdaan din ni Pangulong Marcos noong Enero 17, 1981… ano na nga ba ang nangyari?

4 na dekada na ang nakalipas at ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko…nakalaya nga ang bansa mula sa diktadurya, pero ano naman pagkatapos? Naging mabuti ba ang mga sumunod na namuno sa bansa? Naiwaksi ba talaga natin ang korapsyon sa lipunan? Naging mas progresibo ba ang ating bansa? Tumino ba ang mga mamamayan? Ang daming tanong no? Pero mahirap hanapan ang sagot sa kahit isa man lang diyan.

Sa totoo lang, ito pa ang mahirap dyan e. Kung papansin pala at titimbangin ang mga bagay na dapat timbangin, e kahit papano may mabubuti pala na nagawa si Marcos. Pero bakit ganun na lang kasukdulan ang galit ng karamihan sa kanya? Bakit pawing mga taga Ilocos region na lang yata ang nakakaalala ng birthday niya? Bakit hindi siya pwedeng ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani kung maituturing din pala na nagsilbi sa bayan ang dating diktador?

Marami daw kasi ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao e. pero kung ganun na lang ang usapan, mapa-noon hanggang ngayon (at huwag naman po sana hanggang bukas), e lagi na lang ba magkakontrapelo ang ngipin ng batas sa mga taga-human rights? Matagal ko na napapansin iyan e.

Kung dati isa ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa pinakamalaking kontinente sa mundo… ngayon, sila pa rin naman ang isa sa mga nangunguna e… sa downside categories tulad ng pinak-corrupt, pinaka-traffic, at iba pa. Teka, ang sa lagay ba e, nag-turn up-side-down ba ang mga pangyayari para sa atin? Ganun na lang ba? Ang dating tinitingala sa Asya, ngayon binubully na lang? Binubugbog ng kaliwa’t kanang mga travel ban? Sinisindak ng mga Intsik sa isyu ng Spratly group of Islands?

O masyado lang tayo nasobrahan sa pagpapakain sa atin ng media ng mga masasamang balita? Ang labo.

Sigurado naman ako na marami pang mga magagandang bagay ang nangyari sa ngayon e. Kaya lang, kung tayo ay magpapakabitter sa nagdaang kontrobersyal na rehimen, e sa tingin mo ba magiging malaya ba talaga tayo? Isipin mo na lang kung hanggang ngayon ay batas-militar pa rin ang pinapairal at ganung alintuntunin pa rin ang mga iniimplementa. Baka hindi ka makapag-Facebook ngayon dahil sa malamang ipagbabawal, kung hindi ireregulate ang internet (pero tingin ko sobra na iyun). Baka wala kang mapag-gimikan na singdami ng mga lugar na mga ‘to ngayon. Baka nga hindi ka pa maka-order ng buy 1 take 1 sa pinakamalapit na Angel’s Burger sa dis oras ng gabi (siyempre, may curfew e, at baka magsara din ang mga iyun sa ganung oras), baka nga hindi ka makabasa o kami mismo ay hindi makakapagsulat ng mga ganitong-tema na blog. At kung anu-ano pa.

Dapat nga matuto tayo sa kasaysayan, pero tulad ng usaping relasyon, matuto din sana tayo mag-accept, let go and move on.... parang mas magandang term dun ay mag-move forward.
Additional sources:
** The Philippines: A Unique Nation Second Editon by Sonia M. Zaide
1999, All Nations Publishing
Author: slickmaster | Date: 09/21/202 | Time: 12:27 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment