2/14/2014 9:11:05 AM
Babala: Ang post na ito ay rated SPG. Bawal sa mga tanga-tanga at kapos sa pag-unawang mambabasa.
Disclaimer: ang mailalahad sa post na ito ay pawang pananaw lamang ng awtor. Kung kontra ka, wala akong pake. Kung magkukumento ka na naglalaman ng salitang “bitter,” o ng alinmang kahalintulad, huwag mo nang ituloy dahil hindi rin ako nagbabasa ng mga ganyang kumento, maliban pa sa dahilan na may sagot lang din ako dyan sa iyong saradong isipan.
Wow, akalain mo, Valentine’s Day na naman!
Weh, ano naman ngayon?!
Masyado bang espesyal ang araw na ito? Sabagay, malamig ang temperature sa kalakhang Maynila eh. Parang Pasko lang at noong naglulupasay ang karamihan dahil sa SMP sila nun.
Yun lang? Parang ang babaw naman nun. Oo, mababaw talaga dahil sa likas tayong mababaw, lalo na kapag naiinlab tayo (well, in general lang naman).
Valentine’s Day na! Aba, akalain mo... uso pa pala yun? Sa mga taong nagmamahalan kahit sobrang nag-aaway sila at workaholic at kalaban ang mga modernong bagay tulad ng drugs, alak, at gadget, ibang hobbies at kung anu-anong bisyo pa, oo, usong-uso talaga yan.
Kahit makipag-argumento ka pa na “anak ng, eh after 24 hours o after midnight e tapos na rin ang Valentine’s day eh.” Ganun talaga. Kung tutuusin, ang bawat araw at gabi na dumadaan sa ating kamalayan ay sadyang ordinaryo lang naman eh. Anong bago? At ano ang pinagkakaiba niya sa mga lehitimong holiday at mga araw na tulad ng Valentine’s Day? Ang kultura natin, kasama na rin ang hype na dala ng media. Masyado na nakundisyon ang utak natin sa mga ganito.
At alam ko, unang pumapasok sa isipan ng siyam sa sampung tao sa inyo ay “ang bitter naman nito.” Aminin!
So... Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Pustahan, lilindol na naman sa Sta. Mesa niyan. Daming... um-hmmm, alam niyo na yun (ops, bawal pa-inosente).
Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Puno na naman ang sinehan niyan. Lalo na pag romantic ang pinapalabas dyan. At pag may kissing scene na umeksena sa pinilakang tabing, sasabay dyan ang magsyotang naglalabing-labing. Pero ops, hanggang halik lang ha? Bawal yung mas malalim pa d’yan.
Valentine’s Day na! Eh Ano naman ngayon? Puno ang mga restawran nyan. Kaya wag ka nang kumain sa labas. Mas okay pa sa bahay, lalo na kung misis mo naman ang magluluto ng hapunan niyo. Tunog ordinaryo ba? Mali. Pwede naman gawing espeyal ang alinmang kainan lalo na kung pamilya nyo naman ang magsasama-sama. Hindi lang sa magsing-irog ang V-Day no?
Valentine’s Day Na! Eh Ano naman ngayon? Speaking of which... kelangan bang may syota ka twing Valentine’s Day? Di ba pwedeng date lang muna? Mas okay pa yung pangalawa na piliin kesa sa mga nauna.
And kahit wala kang date, dapat ay maging masaya ka pa rin. Actually, kahit wala kang partner, dapat ay masaya ka pa rin! Syota lang ba ang tanging bashean ng kasiyahan natin? Siraulo lang ang magsasabi na ang basehan natin kung ang tao ay isang straight o bading ay ang pagkakaroon ng romantic partner sa buhay.
Kung sa tingin mo, walang nagmamahal sa iyo, e ano ang pamilya mo? O kung hindi ang pamilya mo, eh mga tropa mo? Dahil taken sila at ikaw ay single? Marahil ay magsasabi na makakatagpo sila ng ‘the one’ nila soon, pero hindi yun ang pinupunto ko. Bottom line ay may nagmamahal pa rin sa iyo. Anong Forever alone? FOREVER ALONE your face!
Valentine’s Day Na! Eh ano naman ngayon? Usong-uso na naman ang mga concert na ang tema ay pag-ibig. Parang kanta lang ng Rivermaya (“Panahon na naman.... ng pag-ibig...”). At sobrang mainstream na nga lang ng mga labsung sa ngayon, mula masa stations hanggang hit charts ng Myx.
Actually, ang buong idea ng Valentine’s Day ay ‘so mainstream.’ Oo, sa ayaw at sa gusto mo, sobrang mainstream na niyan. Obvious naman eh, mula TV hanggang sa outside world (oh, don’t tell me, ‘di mo napapansin yan?). Nagpapadala ka sa pakulo at pautot ng mga negosyong may kinalaman sa Valentine’s day and yet di ka pa rin aware? Nagpapadala ka na nga sa ideya at konsepto ng romantisismo sa bawat araw na lumilipas and yet di ka pa rin aware?
Wow ha?!
Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Puso lang ba ang mahalaga sa araw na ito? Pa'no ang utak? Ang atay, ang balun-balunan, ang bato, at kung anu-ano pang parte? Ay, teka, may nakalimuta pala ako. Yung sex organ din pala ay mahalaga din sa araw na ito. Kapag... alam na.
Valentine’s Day na! Eh Ano naman ngayon? Masaydo bang mahaba? Tamad ka na bang magbasa?
O “eh slickmaster, ano bang bago sa sinulat mong ito ngayon? Parang wala namang pinagkaiba ‘to sa naunang dalawang bersyon ng rant mo eh.”
Exactly my point! Eh ano rin bang bago sa Valentine’s Day ngayon? Exactly the same old shit lang din naman di ba? So 2012, or so 2013. Eh kung pinaikot ko lang din naman ang mga pinagsasabi ko sa nakalipas na tatlong taon, it’s because ganyan din ang ikot ng kamalayan niyo (ops, huwag niyo kong idamay) pag sumasapit ang Valentine’s day. The world is a huge cycle, man. Same as your mind.
Valentine’s day na! E ano ngayon?
BITTER KA LANG!
Mali! TANGA KA LANG TALAGA!
P.S. 'wag nyo na lang ipangalandakan ang kabobohan niyo.
First version (2012) : http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2012/02/valentines-day-na-e-ano-ngayon.html
This entry was also posted at the community blog site Definitely Filipino. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/02/13/valentines-day-na-e-ano-ngayon-v-2014/)
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment