Thursday, 23 January 2014

Ibalik Ang Death Penalty?

1/24/2014 3:30:04 PM

Kailangan ba talagang magka-Death Penalty muli sa ating bansa? Kung pagbabasehan ang mga pangyayari sa ating lipunan – na lagi na lang yata nagkakaroon ng marahas na kriment – siguro. Yan ay mas solido pa kung ikaw mismo ay biktima ng mga kaganapan na gawa ng mga halang na bituka.


Pero ayaw kasi ng Simbahan yan e. Ayon sa isa sa mga opisyales nilang si Fr. Melvin Castro na ang simbahan ay naniniwala sa restorative justice – isang hustisya na nakakamit sa pamamaraan ng paghilom sa mga sugat. Ito ang problema – ang paghilom ay mas matagal, at kung sakali man na dumating sa punto na gumaling ang mga sakit ay hindi na ito makakagalaw pa tulad ng dati (tignan mo na lgn sa malaim na perspektibo ang mga salitang ito).

In short, hindi siya naniniwala sa pamamaraan na kailangan pang dumaan ng dahas. Parang kasabihan ba na “hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali” ba? Depende kasi yan eh. Siguro tahasan itong kinokontra ang mga istilo ng pamamaraan ng pagparusa sa pamamagitan ng mga salita sa code ni Hammurabi, na “fight fire with fire.”

Tingin ko, ganun din ang pananaw ng Commission of Human Rights dyan. Tulad ng sinabi ni Etta Rosales sa programang “Wasak,” ang may problema dito ay ang sistema.

Naku, talaga lang ha? Sabagay, talaga naman may problema ang sistema allo na kung hustisya ang usapan dahil lgui ang mga mahihirap eh.

Pero ito pa ang isang suliranin dyan: kung hindi maiimplementa ang death penalty, paano masisisguro ang seguridad natin? Lalo na sa panahon na may mga kawatn sa lipunan? Ano ‘to? Kasalanan ba ng media na lagging palaman ng kanilang pangbalitaan ay ang mga crime beat report?

Naalala ko si Erap bigla. Isa siya sa mga tumawag ng atensyon ng CBCP ukol dito. May kaso kasi sa Paco na namatay at nagahasa pa ang isang musmos na bata. At kung maalala ko, maliban sa downside na katiwalian, ay isa rin siyang crimebuster. Sino ba ang makakaalala sa mga huling pag-implementa ng death penalty, tulad noong nangyari kay Leo Echegaray?

Hindi ito usapin ng lumalaki ang populasyon (anak ng, anong konek?). Pero ang tama ay hindi sa lahat ng oras ay nadadaan sa matiwasay na pamamaraan. Parang sermon ng magulang sa pasaway na anak, o ultimo ang ‘sampal.’

Sa totoo lang, mas okay ngang irevive ang death penalty. Yun nga lang, dapat ay mas salain pa ang mga taong masasakdal kung sakali man. Marami nang kriminal sa ating lugar. Kung hindi sila madaan sa santong paspasan, e baka pwede pang maidaan sa maladelubyong hampasan!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 22 January 2014

When The Philippines Need "The Punisher."

1/23/2014 3:17:29 PM

Siguro, kung may isang tao na kailangan sa Pilipinas ngayon – ito ay ang mga katulad ni Davao City Mayopr Rodrigo Duterte. Oo, seryoso.

Tinaguriang “The Punisher” ng Time Magazine, pero isa sa mga pinakatauhan sa likod ng pagbabago diumano sa pinakasikat na lungsod sa Katimugang Pilipinas. Mula noong umupo siya, bumaba ang crime rate nila, bagay na mapapansin mo lang kapag may laban si Pacquiao (noong nananalo pa siya via knock out).

Alam ko, aalma ka – “e sobrang haras ng ginagawa niyan eh.” Alam ko rin. Napakarahas. Sa mata ng natural na kamalayan natin – baka barbaric pa ngang maituturing. Pero tignan mo naman – epektib ang ginawa niya at halata na ito sa statistika at kasaysayan.

Kung may nabubulabog sa kanila, siya mismo ang magsasalita at kikilos. Eh dito, kaya bang gawin ba ng mga alkalde natin?


Marahas na kung sa marahas. Pero ito ang problema eh. Masaydo nang kampante, kalmado, at diplomatiko ang lugar natin. Okay sanang gamitin ‘to kung ganun din naman ang mga criminal (and aasahan mo bang mangyayari ang mga ganyan? Eh di sana at peace na sana tayo).

Alam ko, masaydo na siyang matapang. Pero may binuga naman ang tapang niya kahit papaano. At actually, sa tingin ko, hindi naman siya ang dapat kalabanin ng CHR eh. Kung hindi ang sistemang ginagalawan natin mismo, lalo na kapag sa usapin ng krimen. Bagay na sinabi naman ni Commission of Human Rights chairman Etta Rosales sa kanyang panayam sa programang Wasak last year.

Tignan mo, sa ganung kinalalabasan, mas napoprotektahan pa yata ng mga ‘to ang mga nasasakdal kesa sa mga nabibiktima. Kawawa naman tayong mga tao pag ganun, kaya tuloy hindi maalis-alis sa ating kaisipan ang ‘victim mentality.’ OO,  palagi na lang tayo nagpapaapi. Baka kulang na lang ipasunggab na lang natin ang mga kawatan natin sa mga mananamantala kung harap-harapan ay tahasan na tayong masasaksak. Wag naman ganun. Idagdag mo pa ang pagsupalpal sa atin ng mga basurang teleserye na nagpapakita ng ganung kaisipan.

At hindi siguro pangbe-brainwash yun. Dahil kahit napakalaya naman natin ay kailangan din naman natin ng “security.” Oo, seguridad – assurance na safe tayo sa tirahan natin mismo. E tayo nga sa Kamaynilaan e inaatake ng mga halang ang bituka in broad daylight pag minsan eh. May gana pang umastang siga sa territory na dapat ay tayo ang mas umaasata na ganun.

Ang tanong – is he acting like a mayor? ‘Hindi raw’ sabi ng CHR. Siguro ang kinatatakot lang ng CHR dito ay yung sinabi sa mga guideling ng PNP sa Human Rights based policing, na ang sinumang mamamatay sa sitwasyon na nag-intervene ang mga pulis ay maituturing na malaking kapalpakan sa hanay ng operasyon nila.

Pero ulit, paano mo maitatama yan kung titignan mo ang sitwasyon ng lipunan sa ngayon – na tila mga criminal lang ang mas may higit na karapatan at mapoporotektahan kesa sa mga naabusong tao? You tell me. Hindi nga natin mapabalik ang death penalty eh. Samahan mo pa ng 1:700+ police-citizen ratio. Ouch!

Sa totoo lang, maaring mas higit pa sa pwesto nya ang inaakto niya. Pero kailangan din yan eh. Ganyan siya magtrabaho – at dahil nga dyan, hindi ‘lawless’ ang Davao e, unlike sa... ehem, kelangan pa bang magbanggit?

Kaya, Mayor, saludo ako!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Monday, 20 January 2014

10 Worthless Stories of 2013

1/21/2014 12:55:26 PM

Sa dinami-dami ng mga balita noong nakaraang taon, hindi rin makakaila na mayroon ding naglipanang mga walang kwentang kwento na nauso pa sa sirkulasyon ng ating media.

Una kong inanusyo sa Facebook ang mga nakalistang ‘wa kents’ na balita bago pa matapos ang 2013. Pero dahil sa pabago-bago ang listahan, may mga pagbabagao akong sinuri nbago ako mag-come up sa pag-paskil nito (kaya actually, yun din ang dahilan kung bakit na-late ako ng matindi sa paggagawa nito).

Bakit nga ba sila nakakairita sa mata ng publiko? At bakit pa naging parte sila ng kasaysayan ng mga newscast at news feed sa Facebook at Twitter? Ayon sa aking propesor sa isang major subject, ang balita ay dapat naglalaman ng “prominence.” Kaya kahit magtaka at magreklamo ka pa ng bonggang-bongga, hindi kasi makakaila na ang karamihan sa listahn na ito ay naglalaman ng mga prominenteng pangalan, personalidad man o material na bagay.

Pero kung hindi mo mapigilan ang emosyon mo… problema mo na ‘yun (wag kasing pairalin yan na parang nagrereact ka sa Facebook kahit hindi mo pa nababasa ng buo ang isang post). Anyway, narito ang sampung over-rated-pero wala naman talagang substansiyang balita noong 2013.


1. Barretto Family Feud – wala nang mas nakakairita pa kesa sa isang awayang pamilya na iboino-broadcast pa sa showbiz portion ng mga balita. Aba, ano sila? National news item? Mula sa sumbatan ng mag-ate hanggang  sa nakisali ang mga magulang hanggang sa pakikipagpatutsadahan sa kani-kanilang mga statement sa mga reporter. Naknampota naman.

2. Sex Scandal Videos from Wally Bayola and Chito Miranda – oo, may sex scandal sila. Eh pucha, ano naman ngayon? Ano ‘to? Nabubuhay pa rin tayo sa medieval ages? O renaissance? O naglalabasan na naman ba ang mga hipokritong konserbatibo at magsasabing “tangina naman. Nakakahiya naman ang dalawang ‘to!” Huwag nga tayong mag gaguhan dito. Parang wala kayong alam sa salitang ‘sex’ ah (at sinuman ang magdedeny ay karapat-dapat na i-gangbang dito),k and as if na “Christmas gift” ang datingan sa inyo ng mga balitang yan. OO, may sex scandal nga si Kalbo at Chito – E ANO NAMAN NGAYON?

3. Kris-Aquino-James Yap feud –  Sobra-sobra na ang publicity ng media ukol dito. Malamang, tuwang-tuwa ang PR ng magkabilang kampo na nagte-trend sila sa kamalayan ng masa. Pero anak ng pating naman, nagmumukhang Drama Queen si Kris habang sinusumbatan ang asawa sa kaniyang kamalian; samantalang si James naman, parang action star na umiiyak sa press con. Ano, yan ba gusto n’yo? Mag-aaway nang bonggang-bongga sa harap ng publiko na hindi alintana ang pakiramdam ng pagkahiya?

4. Senate hearing re: Pork Barrel Scam – ito ang patunay na isang malaking JOKE ang ating pulitika sa Pilipinas. Mantakin mo, ang Senado, mag-iimbestiga sa kaso na kinasasangkutan ng mga kabaro nila? Ano ‘to? Sarswela o moro-moro ng mga hipokrito? Pustahan, baka mamaya niyan ay makakalimutan rin nila ang isyung yan dahil ang ilans a kanila, tropa si Napoles. Plus, masyado pang over-rated pa ang kanyang pagsuko.

5. 2013 Midterm Election Results – actually, maliban sa #4, ito ang mas hiit na magpapatunay kung anong klaseng laro ang pulitika sa ating bansa. Kaso, may magagawa pa ba tayo kung marmaing botanteng tatanga-tanga eh. Huwag ka nang mag-rant d’yan. Move on-move on din pag may time.

6. Harlem Shake and Gwiyomi Worldwide Craze – nauso lang mula sa isang blog post, ayan na, nagsisinuruan na. Sa kaso natin sa Pilipinas, pinauso lang ng ilang personalidad at pati na rin yung nasa isang noontime TV show, ayan na, nagsisnuruan na rin sila. Kaso noong pinanood ng mundo ang kanilang sarili, aba’y parang tanga lang pala.

7. Clash at the Senate: Miriam Defensor Santiago versus Juan Ponce Enrile (plus Panfilo Lacson) – may kaugnay to sa sinulat ko sa #4. Pero anak ng pating naman, ang tatanda niyo na, pero umaasal kayo na parang batang nagkikipagharutan sa playground? Let’s get real here – wala kaming pakialam sa political o personal na drama niyo. Mabuti pa, MAGTRABAHO NGA KAYO!

8. Pugad Baboy's Termination – nang dahil sa alburoto ng isang eskwelahan, ayan, natsugi sa dyaryo ang komiks ni Pol Medina. Kinalimutan yata ng mga ‘to ang sandamukal na effort, reputasyon, at kita nila nang dahil sa isang katiting na pagkakamali. Pagkakamali na dapat ay napunta sa parte ng mga roofreader. Sila pa ang may sala kung bakit nalimbag ang kontrobersyal na strip eh. Kaya ang daming OA na nagreact laban sa Pugad Baboy. ‘di bale, baka maglalaway sila sa kanilang pagsisisi dahil ang PB, nanaig pa rin kahit sa Rappler nga lang; habang sila, andyan pa rin.

9. Break-up on air – nang dahil sa pagkahumaling sa isang bumisitang bokalista, nahalungkata ng kanilang away sa ere. At ay naku naman, kelangan bang malaman ng mundo na break na sila, samantalang kahit public figure ang babae, e private person pa rin naman g amituturing ang boyfriend? Kung ako sa ex ni Janine, ito ang isasagot ko kay Kris nung tinanong n’ya ito: Masakit ba? HINDI, PUTANNGINA – MASARAP KAYA! TRY MO!  Sa madaling sabi, there’s a thin line between “expressing your love” and being a “show-off.”

10. Miley’s twerking – o ang dating Disney star ay nagtwerk sa isang kanta ni Robin Thicke sa MTV awards. Alam ko, hindi siya cool. Pero ano naman ngayon? Kailangan bang iblow to out of proportion? Kagaguhan talaga ng mga netizens oh. Alam ko hindi natin tanggap ang nagawa niya. Pero look – Miley Cyrus today is not the same as Miley Cyrus we saw in our screens yesterday.


Author: slickmaster | © 2013, 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 19 January 2014

Wanted: Job Description Blues

7/24/2013 4:10:17 PM

Sa halos lahat ng bagay sa lipuan mo makikita ang tinatawag na “diskriminasyon.” Isa sa mga ito ay pag naghahanap ka ng trabaho.

Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin ang mga ito.


“Graduate from any reputable university.” Meron pa nga d’yan ay “must be top 10/consisten dean’s lister/etc.” E paano na lang kung hindi kilala ang pamntasang pinag-aralan mo? Kung hindi ka graduate mula sa mga eskwelahan na tulad ng Ateneo, La Salle, Assumption, UP o kung saan pa yan, basta reputable. Kahit obob ka, o talamak sa transcript of records mo na tumataginging na tres, tres-singko, kwatro o singko (kung 1 ang pinakamataas na marka), basta graduate ka ng mga ganitong klaseng eskewlahan, pasok ka pa rin. Kawawa naman yung mga suma cum laude mula sa hindi kilalalng unibersidad. Matalino nga pero hindi kilala ang eskwelahan, patay kang bata ka.

Pag secretary ang post na open, madalas ay “female.” Gender discriminatory bamng maituturing? Sabagay ang awkward naman kasi kung lalake ang boss mo, tapos lalake din ang secretary mo. Kung racist pa ang titignin… “bro, awkward!” ang madalas na irereact. “I smell bromance,” o kung anu-ano pa. Pero sa kabilang banda pa rin kasi, karamihan sa mga unemployed ay ang mga babae.

Ang hindi mawawala sa halos kada job classified ad. “With pleasing personality.” Okay sanan, kaso superficial kasi ang concept ng tinatawag na “pleasing personality.” Sa itsura kasi ang pinakabasehan. Pag pangit ka, hindi ka pleasing sa mata ng tao, particular sa employer mo. Meron pa ngang tinatawag na “height requirement” e. Echapwera ang kabuaan ng medical. Ibig sabhin, kahit singtangkad mo pala ang giraffe kahit lalampa-lampa ka, mataas ang tiyansa mo na pumasa? Sa malamang daw.  Pero kawawa pa rin ang mga hindi ganun kapleasing ang itsura.

Kung ganun man pala ang mga dahilan, naku, kaya naman pala maraming walang trabaho sa bansa e. Maliban pa sa tamad ang iilan, o hindi akma ang kursong pinag-aralan sa trabahong inaasam na pasukan… itong mga ‘to pala ang iilan sa mga pinakadahilan.

Kung tutuusin, kahit ako ay nawawalan rin ng gana mag-apply ng trabaho kung ang mga ganitong salita ang tumutumbad sa kada classified ad na nakikita ko, ke dyaryo man o internet.
Diskriminasyon nga ito. Tsk!


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Saturday, 18 January 2014

Playback: 7Lions - Born 2 Run

1/19/2014 2:00:00 PM

Since late 2013, I suffered another sign of an eargasmic person after listening to this track. Well, this time around, I just want to feature this on my blog for now since I have been a fan of rap-and-rock mixture. Talk about the single "Born 2 Run" from the band called 7Lions.



At first, I only heard this thing on World Wrestling Entertainment’s top weekend offering Friday Night Smackdown as part of their opening billboard. Until I do my research on the popular video streaming site YouTube.

Well, their music video version actually sounded better than their original recording eh? The live version seemed suck though. 

And... yeah, deeper but kinda uplifting lyrics.

It may be one of those “so 2012” tracks, but hey, this actually makes sense more than anything that the industry had then.

Indeed a classy shit! 

The lesson here is that: make sure next time you tune in to your favorite programs (regardless if it's sports, entertainment or a mixed content), try to dig deeper on their soundtracks. 

Believe me, you will appreciate that more, especially if you are more of a fanboy or fangirl than I do.

And at the depressing times like I had been undergoing through right now, I barely need some kind of music like this.

I just imagine though, looping the track on my playlist should I hit any running event. Seriously.

Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Mabuti Pa Ang Lugawan, May CCTV!

1/18/2014 4:00:34 PM

Tama. “MABUTI PA ANG LUGAWAN, MAY CCTV. ANG NAIA… WALA!”


Tama naman si Manong Ted Failon noong sinabi niya ang mga salitang ito: “MABUTI PA ANG LUGAWAN, MAY CCTV. ANG NAIA… WALA!”


Oo nga naman. Nakakaalarma na ang panahon ngayon. Kaliwa’t kanan na ang mga krimen tulad ng pagnanakaw at pagpatay ng tao. Kaya bilang pain nila sa mga kawatan, naging accessible na para sa marami ang paglipana ng mga Closed Circuit Television (CCTV) Camera.

Sa sobrang mainstream nito, napadali na yata ang mga video researcher at news reporter at editor para mas mailahad ng maayos ang mga crime stories nila.

At di lang lugawan ang merong CCTV. Pati na rin ang mga ibang establisyamento tulad ng tindahan, computer shop, karinderya, gusali, at ultimo ang mga kalye, istasyon at terminal ng public transport. Wapakels na kahit low-class o mababa ang quality, basta may CCTV lang.

Baka nga ultimo ang liblib na bahagi ng kwarto e may CCTV din. O yung sa mga tinatago sa salamin. Pati yung ibang programa sa mainstream, mala-surveillance din ang camera na ginagamit. Concealed man yan, or CCTV talaga.

Oo nga e no? Buti pa ang lugawan (at yung mga nabanggit na lugar), may surveillance camera. Eh ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3? Anyare?

Isa raw sa mga modernong airport? Weh, di nga? Bagamat mas matino-tino naman ito kesa sa isa sa mga world’s worst na NAIA terminal 1, yan naman ang papatay sa kumpyansa ng mga pasahero ng Terminal 3 – ang kawalan ng serbisyo ng kanilang CCTV.

Tignan mo na lang ang nangyari sa ambush sa isang alkalde noong nakaraang Disyembre. Yun na lamang sana ang nakakapagpabigay-solusyoin sana sa krimen. Kaso… wala eh. Hindi ba sila natuto?

Tignan mo ang kaso nila Raymart, Claudine at Mon Tulfo noong 2012. Sa isang video na lang na kuha mula sa isang netizen umasa ang dikta ng kaso. Maaring pabor yun sa batikang commentator at crime-buster. Pero ang problema, may CCTV pala sa area nay un. Pero hindi gumagana.

Anak ng tipaklong naman oh.

Sinasabi raw sa mga ulat na ipalalagyan naman ang NAIA 3 ng CCTV. Kaso, kelan naman ito mangyayari? Sa 2015 daw, sakto para sa APEC Summit.

Ano, sa 2015 pa? OO NGA daw!

Teka, bakit sa 2015 pa, hindi pa pwedeng agad? Tutal ilang linggo lang naman dapat mapag-aralan ang sistema ng paglalagay ng CCTV sa airport ah. Saka ang dating nito, parang masaydo tayong pa-impress sa ibang bansa dahil sa ngayon lang tayo nagka-CCTV. Hanep, third world problem nga naman ano?

Ganun? So mako-kompromiso pa rin ba ang kaligtasan ng mga pasahero nito? Ganon? Aasa na lang ba tayo sa checkpoint? Eh nakalusot ang mga killer eh. Patay tayo d’yan!

Kung krimen at teknolohiya na ang usapan, indeed, nakapanlulumo nga – na mabuti pa ang lugawan, may CCTV! Ang NAIA – WALA!

Sana lang mas maghigpit sila ng seguridad hindi dahil sa may nangyaring hindi maganda, kundi dahil para sa ikapapanatag ng mga tao d’yan.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 16 January 2014

Video: Studio 23's Final Sign-Off

1/17/2014 11:57:33 AM

As several of us witnessed the sudden departure of an old favorite, all I can have is a video recording. Well, just to clear things up – I do not own this. It’s just a recording. I saw this along with my camera phone at exactly 2 in the morning of Friday, January 17, 2014. Those were the very last moments of the 17-year old UHF channel Studio 23. Last five minutes, in fact, though programming wise-speaking it will still fall on their schedule dated January 16.




Anyway, like I said on one of my previous entries, 17 years is a very long serious run. No joke. Maybe it may be short compared to the two huge networks, but believe me – it is indeed a very long. I mean, long enough to establish their share of legacy in the Philippine TV.

And considering the fact that most of the mainstream networks have been producing garbage-like content at present? Indeed, Studio 23 is way too different than them. In fact, they’re a “total package” in my opinion, from NBA to old school sitcoms and action-comedy movies, to WWE Raw to selected Myx programs. What more can you lose (unless they do so)?

Studio 23, thanks a lot! (salute)

Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions