Thursday, 23 January 2014

Ibalik Ang Death Penalty?

1/24/2014 3:30:04 PM

Kailangan ba talagang magka-Death Penalty muli sa ating bansa? Kung pagbabasehan ang mga pangyayari sa ating lipunan – na lagi na lang yata nagkakaroon ng marahas na kriment – siguro. Yan ay mas solido pa kung ikaw mismo ay biktima ng mga kaganapan na gawa ng mga halang na bituka.


Pero ayaw kasi ng Simbahan yan e. Ayon sa isa sa mga opisyales nilang si Fr. Melvin Castro na ang simbahan ay naniniwala sa restorative justice – isang hustisya na nakakamit sa pamamaraan ng paghilom sa mga sugat. Ito ang problema – ang paghilom ay mas matagal, at kung sakali man na dumating sa punto na gumaling ang mga sakit ay hindi na ito makakagalaw pa tulad ng dati (tignan mo na lgn sa malaim na perspektibo ang mga salitang ito).

In short, hindi siya naniniwala sa pamamaraan na kailangan pang dumaan ng dahas. Parang kasabihan ba na “hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali” ba? Depende kasi yan eh. Siguro tahasan itong kinokontra ang mga istilo ng pamamaraan ng pagparusa sa pamamagitan ng mga salita sa code ni Hammurabi, na “fight fire with fire.”

Tingin ko, ganun din ang pananaw ng Commission of Human Rights dyan. Tulad ng sinabi ni Etta Rosales sa programang “Wasak,” ang may problema dito ay ang sistema.

Naku, talaga lang ha? Sabagay, talaga naman may problema ang sistema allo na kung hustisya ang usapan dahil lgui ang mga mahihirap eh.

Pero ito pa ang isang suliranin dyan: kung hindi maiimplementa ang death penalty, paano masisisguro ang seguridad natin? Lalo na sa panahon na may mga kawatn sa lipunan? Ano ‘to? Kasalanan ba ng media na lagging palaman ng kanilang pangbalitaan ay ang mga crime beat report?

Naalala ko si Erap bigla. Isa siya sa mga tumawag ng atensyon ng CBCP ukol dito. May kaso kasi sa Paco na namatay at nagahasa pa ang isang musmos na bata. At kung maalala ko, maliban sa downside na katiwalian, ay isa rin siyang crimebuster. Sino ba ang makakaalala sa mga huling pag-implementa ng death penalty, tulad noong nangyari kay Leo Echegaray?

Hindi ito usapin ng lumalaki ang populasyon (anak ng, anong konek?). Pero ang tama ay hindi sa lahat ng oras ay nadadaan sa matiwasay na pamamaraan. Parang sermon ng magulang sa pasaway na anak, o ultimo ang ‘sampal.’

Sa totoo lang, mas okay ngang irevive ang death penalty. Yun nga lang, dapat ay mas salain pa ang mga taong masasakdal kung sakali man. Marami nang kriminal sa ating lugar. Kung hindi sila madaan sa santong paspasan, e baka pwede pang maidaan sa maladelubyong hampasan!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment