Showing posts with label teleserye. Show all posts
Showing posts with label teleserye. Show all posts

Wednesday, 9 April 2014

Mas Okay Pang Manood ng Wrestling Kesa sa Telenovela

4/10/2014 10:37:26 AM

Sa totoo lang, ang isang sporting event ay isang pinakaperpektong halimbawa ng reality show, o ng isang television series. At kung ganun lang naman ang usapan, aba, mas okay pang manood ng wreswtling kesa sa teleserye!

Ano?! Seryoso ka ba?!

O, ano? Napataas ba bigla kilay mo? Uminit ba ulo mo? Kumulo ba dugo mo?

Kung ganun, aba, hindi ko na problema yan.

Pano ko nasabi ‘to? Kamakailanlang, marai akong nababasang mga kumento sa kaliwa’t kanang mga Facebook page. At marami dun ay nakikipagtalo dahil diumano sa kakornihan ng World Wrestling Entertainment. Scripted daw.

Oo, scripted naman talaga yan e. Kaya nga “World Wrestling Entertainment,” ‘di ba? Kaya nga rin tinawag na ‘sports entertainment’ ang mundong ginagalawan nila.

So what can you expect pa ba?

Lately, nagiging parte na rin ng daily grind ko ang mag-isip at magsulat ng mga post na mau kinalaman sa WWE. Maliban pa yan sa mga beat ko sa UFC (though never ko pa siyang nailalahad sa sarili kong blog), NBA , PBA, at kung anu-ano pa. Siguro dala na rin ito ng pagiging fanboy ng WWF nung bata pa ako.

At noong umusbong ang ika-30 edisyon ng WrestleMania, naging matunog na naman ang pangalan ng WWE. Nagtrend sa Twitter. As in pinag-usapan na naman siya. Maraming nagsasabi (na usually naman ay mga taong nabuburat na rin sa palabas na ito), scripted daw ‘to. Ops, basahin ulit ang nasa itaas (kailangan bang paulit-ulit sa pag-eexplain ha?).

Pero kumokorni na nga ba ang WWE dahil sa kung anu-anong pautot ng mga ‘to? Mantakin mo, maraming nagbabalik na mga alamat sa kasaysayan ng professional wrestling. Bibihira lang na bigyan ng pagkakataon ang mga biglang usbong na superstar. Madalas ay inaambush.

Pero mayroon din namang mga epikong nagwawakas sa hindi mo inaasahang pagkakataon – gaya na lamang ng pagkatalo ni Undertaker. Pustahan, walo sa sampung katao nun ay hindi inaakalang matatalo si Taker ni Brock Lesnar. At kahit sinabi ko sa predisyon na yun na maari pa ring manaig ang Deadman sa labang yun, hindi ko rin kinaila at minaliit ang kapangyarihan at abilidad ng isang wrestler na tila mas nagging halimaw pa ang laro mula noong sumali sa UFC ilang taon na ang nakalilipas.

Pero, scripted nga ba ang WWE? Given nay an, mga tsong. At... hey, kung ako lang tatanungin, mas astig pa nga ito kaysa sa mga telesereye eh.

Oo, mas okay pa sa teleserye. Yung iba ngang actor sa mainstream ngayone daig pa ng mga extra kung umarte eh.

Pero, anu-ano pa nga ba ang dahilan kung bakit mas okay pang manood ng WWE kesa sa mga telenovela.
Maaring predictable ‘to, pero at least, hindi halata, ‘di tulad ng mga teaser na makikita at nakapapagpasabik nga, pero... hanggang dyan lang. Inuuto ka lang naman.

Pero, pero, pero... bakit nga ba? Sobrang generic na rin kasi ng mga teleserye sa panahon na ito eh. Kung tutuusin, mas okay pa nga ang kwentong ito kesa sa mga umuusbong na mga pelikula sa mainstream.
At... kahit papaano, may originality ang mga plot ng WWE. ‘di tulad ng mga teleserye na obvious na obvious na nga sa pagiging generic, eh halatang copycat pa ito mula sa mga nakalipas na pelikula o  teleserye. Minsan pa nga, mula pa sa mga love song ipinapangalan ang mga ito.

Ugh. Let’s get real here, please?

Kumpara mo naman ang rating ng teleserye sa overall na popularity ng world wrestling entertainment no? Duh.

Uulitin ko na lang para sa mga makukulit: Mas okay pang manood ng wrestling kesa sa telenovela.

Oo, may kasama pang mga hashtag na #RealTalk at #JustSaying pa yan.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 13 March 2014

I-Ban Ang Mga Teleserye!

3/13/2014 9:14:02 PM

May usap-usapan. Actually, hindi, naging balita na pala siya: isang mambabatas raw ay nagpapanukala na i-ban ang mga Koreanovela sa sirkulasyon ng Philippine television.

Teka, ano kamo? I-ban ang mga teleserye na mula sa Korea? Nung una tong pumutok noong nakaraang buwan ay napa-PM sa Facebook ang isang college friend ko sa kanyang pagkainis. Hindi naman siguro sa kangang pagiging K-Pop, ano, pero ano naman ang punto para i-ban ang mga teleserye na galing sa South Korea?

Unfavorable time slot daw sabi ni Buhay representative Lito Atienza. Sa paglipana raw kasi ng mga ‘to, nawawala na raw ang mga lokal na teleserye sa Pilipinas.

Ha? Weh? Di nga?


Kaya sa panukala niyang House Bill 3839, ipinagbabawal nito ang pagsasahimpapawid ng mga Koreanovela, Mexicanovela, Chinovela at iba pang mga teleserye na gawa ng mga banyaga sa pagitan ng alas-sais hanggang ika-sampu ng gabi.

Ganun? OO, ganun nga.

Patawa naman yata ‘to masyado. Di ko alam kung nasusubaybayan niya ang istilo ng programming sa primetime TV o dahil sa matumal din sa dating ang kanyang teleserye (pero still hindi ako panig sa alinmang channel). Pero kung tutuusin kasi, kung papansinin ang progam line-up ng alinman sa tatlong higanteng TV network sa Pilipinas, mas mapapansin na tila wala naman yatang umeere na foreign-based telenovela sa mga ganung oras. Kung meron man, isa lang.

In fact, outnumbered na kaya ng mga Pinoy na teleserye  ang mga foreign counterparts nito, mula umaga hanggang gabi.

Pero... anak ng puta naman. Wala naman bang mas matinong batas na dapat pang ipanukala sa panahon ngayon?

Kasi kung ibaban lang din naman ang mga Koreanovela o kung anek-anek na teleserye na gawa ng mga banyaga, might as well na i-ban na lang din ang paggawa ng mga teleserye mula sa atin mismo!

Tama. Dagok ba sa mga talent, director at writer ‘to? Maari, pero leche. Sobrang nega na ng lipunan, at ang dapat kailangan ng tao kung gusto nila maentertain ay ang mga tinatawag na sitcom. Nase-stress ka na nga sa mga nangyari sa ‘yo sa trabaho, pati na rin sa mga pangyayari sa kaliwa’t kanang kanto, and yet papatol ka pa sa stress na hatid ng telenovela?

LECHE. Lokohin mo nga ako. At least dun mas nahahasa ang tao kung paano tawanan ang problema at kung paano ito haharapin na kahit papaano ay mas magaan (kahit kaunti lang).

Oo, i-ban ang mga tekeserye dahil sa mga aral nito na naglalayon lang na turuan ang mga kabataan na lumandi na lang sa halip na mag-aral. Isama mo na rin ang katotohanan na okay lang gumawa ng marahas, basta, sa ngalan ng pag-ibig ha?

I-ban pala mga koreanovela ha? Eh kung mas okay pang i-ban nga ang mga local na teleserye eh. Isipin mo, nang dahil dito kaya mas nauuso pa ang magtalakan sa halip na magtrabaho. Kaya si Inday nakatutok na lang sa TV sa halip na magsaing o alagaan ang baby, o kung anu-anong gawaing bahay na di pa natatapos.

Pang-relax ba? Paano ka marerelax kung bigla mong masambit na “PUTANGINANG KONTRABIDANG “TO! SARAP PATAYIN EH!” matapos mo siyang mapanood na pinapahirapan ang pobreng bida? Nakakastress pa kaya yun kesa sa iniisp mo no?

Oo, i-ban ang mga teleserye, lalo na’t gaya-gaya lang din ang approach at istilo nito mula sa mga banyaga. Yung (insert name local of TV series program here)? Asus, parang fairy tale lang din na pangbata yan eh.
 I-ban ang mga teleserye nang dahil sa kanila, mas maraming tinatamad pumasok sa eskwelahan, mas maraming nalelate, natatraffic, at tanghali na kung gumising.

I-ban ang mga teleserye lalo na yung nagtretrend sa Twitter. Ang daming mas kapaki-pakinbang na bagay na dapat magtrend sa social media e napili pa ang mga bugok na to?

I-ban ang mga teleserye dahil sa buhay ng maraming nagkakandaleche-lecheng nilalang sa kasalukuyan.
Wag lang yung Koreanovela, isama mo na rin ang kabuuan.

Yan pala gusto mo ha?

Tandaan: (photo courtesy of my Instagram account)




Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions