3/13/2014 9:14:02 PM
May usap-usapan. Actually, hindi, naging balita na pala siya: isang mambabatas raw ay nagpapanukala na i-ban ang mga Koreanovela sa sirkulasyon ng Philippine television.
Teka, ano kamo? I-ban ang mga teleserye na mula sa Korea? Nung una tong pumutok noong nakaraang buwan ay napa-PM sa Facebook ang isang college friend ko sa kanyang pagkainis. Hindi naman siguro sa kangang pagiging K-Pop, ano, pero ano naman ang punto para i-ban ang mga teleserye na galing sa South Korea?
Unfavorable time slot daw sabi ni Buhay representative Lito Atienza. Sa paglipana raw kasi ng mga ‘to, nawawala na raw ang mga lokal na teleserye sa Pilipinas.
Ha? Weh? Di nga?
Kaya sa panukala niyang House Bill 3839, ipinagbabawal nito ang pagsasahimpapawid ng mga Koreanovela, Mexicanovela, Chinovela at iba pang mga teleserye na gawa ng mga banyaga sa pagitan ng alas-sais hanggang ika-sampu ng gabi.
Ganun? OO, ganun nga.
Patawa naman yata ‘to masyado. Di ko alam kung nasusubaybayan niya ang istilo ng programming sa primetime TV o dahil sa matumal din sa dating ang kanyang teleserye (pero still hindi ako panig sa alinmang channel). Pero kung tutuusin kasi, kung papansinin ang progam line-up ng alinman sa tatlong higanteng TV network sa Pilipinas, mas mapapansin na tila wala naman yatang umeere na foreign-based telenovela sa mga ganung oras. Kung meron man, isa lang.
In fact, outnumbered na kaya ng mga Pinoy na teleserye ang mga foreign counterparts nito, mula umaga hanggang gabi.
Pero... anak ng puta naman. Wala naman bang mas matinong batas na dapat pang ipanukala sa panahon ngayon?
Kasi kung ibaban lang din naman ang mga Koreanovela o kung anek-anek na teleserye na gawa ng mga banyaga, might as well na i-ban na lang din ang paggawa ng mga teleserye mula sa atin mismo!
Tama. Dagok ba sa mga talent, director at writer ‘to? Maari, pero leche. Sobrang nega na ng lipunan, at ang dapat kailangan ng tao kung gusto nila maentertain ay ang mga tinatawag na sitcom. Nase-stress ka na nga sa mga nangyari sa ‘yo sa trabaho, pati na rin sa mga pangyayari sa kaliwa’t kanang kanto, and yet papatol ka pa sa stress na hatid ng telenovela?
LECHE. Lokohin mo nga ako. At least dun mas nahahasa ang tao kung paano tawanan ang problema at kung paano ito haharapin na kahit papaano ay mas magaan (kahit kaunti lang).
Oo, i-ban ang mga tekeserye dahil sa mga aral nito na naglalayon lang na turuan ang mga kabataan na lumandi na lang sa halip na mag-aral. Isama mo na rin ang katotohanan na okay lang gumawa ng marahas, basta, sa ngalan ng pag-ibig ha?
I-ban pala mga koreanovela ha? Eh kung mas okay pang i-ban nga ang mga local na teleserye eh. Isipin mo, nang dahil dito kaya mas nauuso pa ang magtalakan sa halip na magtrabaho. Kaya si Inday nakatutok na lang sa TV sa halip na magsaing o alagaan ang baby, o kung anu-anong gawaing bahay na di pa natatapos.
Pang-relax ba? Paano ka marerelax kung bigla mong masambit na “PUTANGINANG KONTRABIDANG “TO! SARAP PATAYIN EH!” matapos mo siyang mapanood na pinapahirapan ang pobreng bida? Nakakastress pa kaya yun kesa sa iniisp mo no?
Oo, i-ban ang mga teleserye, lalo na’t gaya-gaya lang din ang approach at istilo nito mula sa mga banyaga. Yung (insert name local of TV series program here)? Asus, parang fairy tale lang din na pangbata yan eh.
I-ban ang mga teleserye nang dahil sa kanila, mas maraming tinatamad pumasok sa eskwelahan, mas maraming nalelate, natatraffic, at tanghali na kung gumising.
I-ban ang mga teleserye lalo na yung nagtretrend sa Twitter. Ang daming mas kapaki-pakinbang na bagay na dapat magtrend sa social media e napili pa ang mga bugok na to?
I-ban ang mga teleserye dahil sa buhay ng maraming nagkakandaleche-lecheng nilalang sa kasalukuyan.
Wag lang yung Koreanovela, isama mo na rin ang kabuuan.
Yan pala gusto mo ha?
Tandaan: (photo courtesy of my Instagram account)
Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment