Unless kung sadyang malikhain ka talaga, gawain na natin ang pagkopya ever since. Sa mga singing contest, madalas ay mga kanta ng mga tanyag na mga mang-aawit ang nagiging piyesa. Sa sayaw, may mga steps na halaw mula sa choreographer o sa mga napaglumaan na. Ang ilang mga konsepto ng palabas sa telebisyon ay minsan, may pagak-halaw din sa ibang mga programa. Minsan nga, pati mga promotional materials gaya ng poster o yung pattern ng mga plot ng kwento. Hmm… may mga franchise shows nga e.
Pero kahit papaano ay may pagkakahalintulad ang mga ilan sa nabanggit. Kikinikilala nila kung kanino galing ito. Binibigyan ng due credit. Oo nga naman, hindi mo magagawa iyan kung hindi dahil sa kanila. Hindi nila ipinagyayabang na sa kanila ito ng buong buo. Minsan, mas okay pa nga yung mga aminadong nangongopya kesa sa mga tao na “original” kuno. Sinong niloko mo?
Bakit nga ba sila umaalam sa pagpe-plagiarize ‘di umano ng isang senador sa kanyang mag speech ukol sa RH Bill? At ang siste, hindi pala nito kinilala kung kanino halaw ang mga ito? Ganun, dahil sa mga simplng salita? Mukha lang mababaw iyan, pero masasabi mong malalilm na rin kung matitiuring nga, lalo na kung ikaw mismo ay nasubukan na ang magbasa ng mga artikulo o magsulat ng isa.
Yung una, talagang nagalit din ang karamihan sa mga bloggers e. “Bakit ko iko-quote ang blogger na ‘yun? Blogger lang iyun.” Naku, ang salagay po ba, mister senator e minamaliit niyo po ba ang mga blogger sa panahon ngayon? Kung ang ultimo nga ang isang simpleng tweet na may 140 characters lang ang pwedeng ilahad e kaya magpabago ng takbo ng ikot ng mundo… e ang mga blogger pa kaya?
Hindi lang isang beses na ginawa iyan, dalawa pa. At ang pangalawang pagkakataon ay halaw sa speech ng isang yumaong presidente ng Estados Unidos na… isinalin sa wikang Filipino. Ayos lang sana e. Kaya lang ang pagbira ng “Tinagalog ko na nga e baka may magreact pa d’yan ng ‘plagiarism’” at tila hindi isang lehitimong excuse para diyan. Sabihin man natin na akto ito ng pag-sasabi sa mga kritiko na manahimik kayo, pero mawalang galang po. Pero sana in-acknowledge niyo pa rin. Baka sakali na mas igalang pa kayo ng taumbayan at patawarin pa kayo sa nagawang kamalian niyo.
Pero… hindi mo rin kasi masisisi ang mga tao sa social media kahit ang ilan sa mga ito, bastardo din kung makapagsalita. Kung anu-anong pangti-trip ang pinagagawa. That’s “freedom of speech” e. Sa totoo lang, kung talagang kontra ka sa mga pag-plagiarize niya ang simpleng kataga tulad ng “A thief is a thief, Mister Senator” ay okay na e.
O masyado rin kasing emosyonal ang karamihan sa atin.
Kaya ayun, si Titosen, binully ng tao (ayon daw sa kanyang pahayag), at siya naman, ang may-akda sa electronic libel ng RA 10175. Ayun lang, parang ang dating tuloy ay nakagawa ka ng isang desisyon na ang taning base mo lamang ay ang emosyon.
Pero hindi e. Miisip din niya kung gaano karami ang mga tumuligsa sa kanya na nag-trigger na isulat ang mga libel provisions.
Pero either way, unfair pa rin. Dahil bakit walang provison sa copyright infringement? Ang mahal kaya magpa-copyright ng isang gawa, no.
Yan siguro ang mahirap sa mga modernong bagay tulad ng internet, libre nga pero prone to piracy naman. At bago tayo mangmata kay Sen. Vicente Sotto III, siguraduhin natin na hindi tayo kumokopya din sa kung sinu-sino lang. Dahil ang dami kayang mga kaso na maituturing kung illegal na kopyahan lang naman ang usapan.
Sa aking pagoobserba sa mga social networking sites, may mga halaw nga ng mga blogs, o ang buong akda mismo ay kinokopya nang hindi man lang ipinapaalam sa taong may-gawa mismo. Hindi na nga pinaalam, hindi pa kinilala kung kanino galing. At hindi na nga kinilala, inangkin pa ng tuluyan. Ang kakapal lang ng mukha.
Kung hindi kaso ng blogs, litrato naman. Naalala ko tuloy ang case study ko nun sa Media Ethics na ang isang pahayagan ay kinasuhan ng isang photographer dahil sa paggamit ng mga litrato niya nang walang pahintulot.
At kahit ultimo ang mga tweet na naglalaman ng mga balita, ninanakaw din. Ayos lang sana kung sinabi kung kanino galing. Pero, ninakaw nga e. Ibig sabihin, inangkin din niya. Ewan ko lang kung nasita siya ng isang tao na anchor at reporter sa istasyon na iyun. Baka sakalaing matauhan ang mga post-grabber na iyun.
Alam ko na ito ang panahon ngayon na sadyang nilaan ang mga bagay para i-share ang mga bagay-bagay. Pero mas okay naman siguro kung hihingi ka ng permiso o pasintabi (kung in case hindi mo maanatay ang reply niya) bago mo kopyahin ang mga iyan, ‘di ba? Basic courtesy ba. Mamatay ka ba kung magkukumento ka ng “Pa-repost po. Thanks.” sa isang Facebook status na nagustuhan mo?
At, oo nga. Pwede rin bang ayusin ang provisions ng cybercrime act at tapusin na ang debate sa isyu sa RH Bill, utang na loob?
Author: slickmaster | Date: 10/01/2012 | Time: 12:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment