5/21/2014 2:22:52 PM
Usap-usapan ngayon ang planong maglaro ni Manny Pacquiao ng professional basketball.
Naging vocal nga siya rito ilang araw matapos niyang matalo si Timothy Bradley sa kanilang ikalawang pagsagupa sa lona noong nakaraang Abril sa Las Vegas.
Amiya, may plano na nga rin siya kung ano ang kanyang isusuot na jersey number at kung saang team siya lalahok sa Philippine Basketball Association – at yun ay ang number 17 sa Kia Motors, isa sa mga bagong koponan sa PBA na makikipagsagupaan na sa hardourt sa ika-40 na season nito, o sa darating na Oktubre.
Ano, si Pacquiao, maglalaro sa PBA? Ganun?
OO nga.
Ang tayog ng pangarap niya no? Well, wala namang masama dun eh. Para lang siyang ilan sa atin na nangangarap na makapaglaro ng naturang sport dun, kahit sa kasamahang palad ay hindi pinalad na matupad ang mga pangarap ng iilan din.
Tama rin naman si Rick Olivarez sa artikulong nalimbag sa website ng PBA. Sino nga ba naman tayo para iderprive siya sa kagustuhan nya sa buhay? Kung yun ang makakapagpasaya sa kanya. Sa totoo lang din kasi, hindi na bago ang basketball sa eight-time pound-for-pound king. In fact, minsan ay may koponan siya sa Liga Pilipinas nun (kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan nun ay MP GenSan Warriors). At madalas, nagiging isa sa mga cross-training sport ni Pacman ang basketball. As in part ng training regimen niya para sa mga laban niya sa boxing.
Ngunit ayon kay Commissioner Chito Salud, kung seryoso man si Pacquiao na sumali sa PBA ay dapat siyang sumama sa proseso kung paano nga ba nakakapaglaro ang mga baguhan sa liga. Sa pamamagtan ba ng pag-draft, kasama na siguro dyan ang kaliwa’t kanang pag-eentertain mula sa mga scout hanggang sa mga team executives, hanggang sa pagdetermina ng iyong kwalipikasyon.
Ito nga lang ang problema: fixed na ang plano ni MP ukol sa kung saan niya gustong maglaro. Kaya ba nagplano siya na maging “playing coach” ng team Kia? Maari, para makalusot, kung aayon sa mga spekulasyon.
Unfair ba ang sitwasyon? Sabagay, ano nga naman kasi ang pagkakaalam ni Pacquiao sa coaching sa basketball? Mahirap yata yan, dahil napakalaking mundo ang ginagalawan mo pag ganun, at hindi lang isang laro ang pinag-aaralan mo dun.
Don’t worry, may Jaworski naman eh. Mas okay siguro kung magiging head coach si The Living Legend.
Mahirap nga naman isugal ang lahat-lahat. Isipin mo, ayon sakumento ng isa sa mga pinapakinggan kong sports broadcaster na si Dennis Principe, nakakatakot ang maaring mangyari kay Pacquiao pag nagkataon. Baka kantayawan lang.
Kunsabagay, obvious din naman kasoi sa atin ang maging mapagpuna sa mga ginagawa eh. Nung pumasok si Pacquiao sa showbiz, pustahan tayo, pinagtawanan din natin siya minsan lalo na pagdating sa acting niya. Ganun din nung nasa pulitika na ang lolo mo. Ano nga ang kaalam-alam niya sa pulitika? Wag ka, congressman na ang kinakantyawan mo.
And ironically, the joke was now, on us. Maaring pinagtatawanan pa rin natin ang pagiging all-around ng mamang ito, pero sa kabilang banda, karamihan din sa atin ay nadidismaya na rin dahil sa kabila ng lahat, kabilang na ang mga bagay na hindi naman talaga siya kwalipikado in the first place, ay andun siya sa rurok na kinabibilangan niya ngayon: atleta, politician, at arista. Astig ang achievement, ‘di ba?
Maaring masisi pa ang media dahil sa sobrang hype na binigay nila kay Pacman, at maari rin ang ganoong argumento pagdating sa pulitika. Ngunit may idadgdag lang ako: eh kasi binoto niyo eh.
Ngunit sa isyu na kagustuhan ni Pacquiao na maglaro sa PBA? Nagbabalita lang naman sila eh. At malaya naman tayo para magbigay ng saloobin.
Pero sino nga ba ulit tayo para kantyawan ulit at i-deprive angkanyang mga pangarap, ‘di ba?
At kung kuro-kuro lang naman ang usapan, sige, ito lang yung akin: walang masama mangarap. Pero kung marami kang ginagawa, at kung nagextend ka pa ng kontrata sa Top Rank – at sa kaparehong pagkakataon ay sa professional boxing career mo – ay mas okay pa muna kung maghunod sili ka amt magfocus muna d’yan. Tutal sabi mo naman ay hindi pa man pinal, pero tutuparin mo naman ang pangarap mo.
Eh why not? Yun nga lang, handa mo nga lang sarili mo sa samu’t saring kritisismo, hindi galing sa mga tulad namin, at sa mga nagmaang-maangan pang iba dyan na nagkukumeto sa Facebook kahit hindi naman nababasa ang mga artikulong nirereact nila, kundi galing sa mga pinakalehitimong nilalang pagdating sa sports.
Maaring mangyari pa rin na siya ang pinakamatandang rookie sa PBA at ang isa sa mga pinakamaliit na manlalaro ito, at maging pangalawa sa mga “crossover” star mula boxing papuntang basketball. Yan ay kung susunod talaga siya sa dapat sundan.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions