Friday, 2 May 2014

Blockbuster Daw

5/3/2014 12:56:45 PM

Masyado na namang tumaas ang dugo ng marami nung may nasabi ang aleng ito sa kanyang panayam sa bidang aktor ng the Amazing Spiderman 2.

Ayon sa  panayam ni Kris Aquino kay Andrew Garfield, tinalo ng pelikulang My Little Bossings, na pinagbibidahan rin ng kanayang anak na si Bimby, ang pelkulang The Amazing Spiderman.

Wehh, teka nga!  Tama ba 'tong nabasa ko? Tinalo ng MLB ang Spiderman?

Yan ay kung sa highest first-day gross box office ang usapan. Ibig sabihin, kung pataasan lang naman ng kita ang usapan.

Ganun? Oo, ganun na ganun nga.

Ang statement na ito ay luamabs sa artikulo ng ABS-CBN News mismo, at pinuck-up na rin ng samu’t saring mga news portal at mga blog site na may kinalaman sa showbiz at ultimong national news. "Actually he (Bimby) was supposed to say 'that the first-day gross of his movie in the Philippines actually beats Spider-Man. Our movie holds the record for the highest first-day gross. It's called 'My Little Bossings.' In English, 'My Little Bosses.' It's a comedy, it was shown on Christmas Day'." 

At isang tanong ang pumasok sa isipan ko bigla: “EH ANO NGAYON?”

Pero isa ba itong balidong bagay para ipagmayabang? Sa tingin ko ang pagkumpara ng MLB para sa isang amazing na pelikulang gaya ng Spiderman ay isang malaking kagaguhan. Este, sorry, unfair pala.

At kahit sabihin ni Garfield (wala siyang kinalaman sa isang pusanggalang, este, pusa na comic character) na “Fantastic. Well, congratulations,” parang nakakaoffend naman yata yun sa part nila. As in napaka-humiliating lang. Hindi dahil sa parang natamaan ang ego ng international film scene, pero sa iba pang malalaim na dahilan.

Parang, isang comedy film na ampaw naman sa kwento at halatang ginawa for the sake na kumita lang (base sa piling mga movie reviewer), tinalo ang isang comic-based na pelikula na may mabentang visual effects at plot twist?

Siguro, kung ikaw yung ininterview na artista, baka ito lang ang masabi mo:

Photo credits: Facebook

Tama, who cares? Or should I say who the fuck cares?

Ay, “Pinoy pride” ba ang rebuttal sa ganyan? Lokohin n’yo nga ako, oy. Ano naman ang ikapi-Pinoy Pride sa ganitong usapan?  Na isang pipitsuging pelikula na pinalabas lanag naman dito sa archipelago ng republika ng Pilipinas, ay tinalo ang isang pelikula na worldwide ang distribution, pagdating sa kita?

At teka, may anggulo bang gawa ito ng mga tinatawag na “spin doctors?” Yung mga tao na pini-PR ang mga sikat sa balita para lang mapag-usapan sila? So ang sa lagay ba ay attention-seeker ang lola mo? Ganun?

At sa totoo lang, unfair talaga. Parang masasabi mo na lang ay “how dare you?!” Oo, how dare na i-compare ang isang pelikula na clearly ay may purpose para magpatawa kesa sa isang pelikula na may kwento at tema na angkop para sa lahat? As in tama bang ikumpara ang dalawang ‘to?

Ugh. Tangina naman. Give me a break!

Sinabi ko na ito ilang araw ang nakalilipas, kaya kumita ang MLB sa unang araw nito ay dahil sa kalahok ito sa Metro Manila Film Festival. At ang patimpalak na yun ay ginaganap twing araw ng Pasko, which barely means na technically ay walang pasok ang karamihan kaya madalas na posibleng mangyari ay puno talaga ang mga mall at sinehan noong araw na mga yun.

At ayon na rin sa isang batikang director na si Jose Javier Reyes, ang MMFF ay pang-komersyo na lamang. Sa madaling sabi, kung naghahanap ka ng pelikula na sa tingin mo ay ikaangat ng Philippine cinema sa pamamagitan ng sining at literaturang nakapaloob rito, aba’y wag ka nang umasa pa.

Ikumpara mo ang outcome ng MLB sa isang pelikulang gaya ng The Amazing Spiderman, na una ay international na palabas; pangalawa, halaw sa franchise ng Marvel comics; pangatlo, hindi naman sumasali sa mga film competitions; at pang-apat, hindi tinatakda ang showing sa isang napakadefinite na panahon na siguradong papatok sa marami?

Ang sinasabi ko: pag Pasko, most likely ay kikita ang mga commercially-driven films. Whereas kung ikumpara mo yan sa mga ordinaryng araw, kahit makipagtalo ka pa at sabihin na naglalabas naman sila ng petsa eh. Hindi garantiya yun. Dahil may iba dyan na same tactic nga ang ginawa pero hindi naman naggo-gross o hindi kumikita.

At kung ganun pa rin ang argumento na tinalo pa rin ng Pinoy ang banyaga sa box office, isa lang ibig sabihin nito: masyado na tayong gumagastos sa mga bagay na nagbibigay lang sa atin ng pansamantalang ligaya kesa sa mag-invest para sa mga bagay na ikauunlad ng buhay natin.

Panahon na yata para either lumevel-up ang Philippine cinema o ilagay sa katinuan ang panlasa natin.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment