5/13/2014 3:29:16 AM
Isa sa mga racist na bansa ang mga Pilipinas.
Weh? Talaga lang ha?
Pero sa kaibilang banda… ano naman? As in, may bago ba sa mga ganitong balita?
Ngunit sa totoo lang kasi, may pagkatotoo lang din na least tolerant tayo sa pagiging racist. Mapapnsin mo lang yan mula sa paligid mo hanggang sa mga napapanood mo. As in, ang isang simpleng akto lang ng panlalalit ay posibleng maging racist statement kung lalaliman mo, o kung masyado kang seryoso sa buhay, o masyadong sensitive.
Katulad ng sinabi ko sa isa sa mga naunang post, lahat tayo ay maypagka-racist; the same thing na lang parang ang bawat tao ay maypagka-astig o malupit, sikat, gawpo, maganda, o pangit, nakakagwa ng mirakulo, o gumumughit ng sariling tadhana at utlimong gumagawa ng sariling demonyo (bagay na natutunan ko sa pelikulang Iron Man 3).
Wala itong pinipiling lahi o pinaggalingan, pati na rin kung anong klase ka pagdating sa kasarian, itsura, ugali, kundisyon ng vital signs, statistics ng pagkakakilanlan, lebel ng pinag-aralan, pinagtrabahuan at ultimong relasyon, at kung anu-ano pa.
Pero ito ang problema, masyado tayong prone sa racism. Yug tipong malakas din tayong mang-alaska pagdating sa ibang lahi… parang ganito:
Pag nakakati tayo ng puti, “Hey, Joe!” kagad ang sinsabi natin sa likod niya; at kahit hindi siya Kano, napapagkamalan natin.
At kung maitim naman, ang simpleng back-stab natin sa kanya ay “Yo, what’s up, ma nigga?” Kahit actually, hindi naman siya gangster. O minsan, nilalait natin ang kulay niya sa if taga-Africa siya.
At kung may balbunin ang itsura pero hindi kaya-aya ang amoy, pustahan, hindi mo (o kung ikaw, yang mga tao sa paligid mo) sila tinatatantanan, assuming na either bumbayin nga o dun sa mga bansang hinaharian ng mga pundamentalista.
Pero, kapag may mga tao rin naman mula sa banyaga na pumuna sa atin, mula pa sa mga aftermath ng mga resulta ng beauty contest hanggang sa mga simpleng pagfeature ng pagkain sa mga tinatawag na “foodie,” hanggang sa mga video na nagpapakita ng “dislike” sa ating bansa, masyado tayong nagngingitngit!
Porket ba dominante natin ang social media? Ganun?
Ito na lang siguro, no? Ang simpleng akto ng racism, tulad din ng basic form ng komunikasyon, relasyon at ultimong business transaction, ay two-way process. Parang nang-alipusta ka sa isang tao, asahan mo na rin na may mang-aalipusta pa sa iyo in return. In other words, bawal ang pikon.
Pero ito rin ang mas masaklap: human nature na rin kasi natin ang ganyan eh. Sabihin man ng mga ‘diplomatikong’ nilalang na “don’t judge a book by its cover,” may gagawa at gagawa pa rin niyan. Bakit? Eh simple lang: nature natin yan bilang mga tao, partikular na kung wala kang disiplina, o dili naman kaya ay ang hilig mong mang-mata at lagi kang may nasasabi regardless kung ano pa man ang gawain o istura ng bawat tao.
Kung isang racist na country man tayo, kasalanan ba ito ng mga comedy bars na palaging nagbabato ng slapstick gags sa atin? Ng mga pambalitaan na minsan ay maypagka-libellous na rin talaga? Ng mga palabas sa TV na nagpapakita kung gaano natin minamaliit ang iba? May pagkakasala rin bang ating mapagpunang kamag-anak/kaibigan/boss/o sinumang tao na nakapaligid sa atin?
Ganun?
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment