5/15/2014 7:11:36 AM
Isa sa mga kalbaryo na kadalasan nating pinapasan ay ang klima. O kung hindi mo ma-gets, temperatura.
Aminin man natin o hindi, lagi tayong nagrereklamo pagdating sa mga panahon. Hindi tayo nasa-satisfy. Pag dumatin ang malalamig na buwan, katulad na lamang ng Disyembre, Enero at ultimong Pebrero, nagrereklamo tayo sa paglamig.
Samantala naman pag dumating ang mga buwan ng Marso, Abril, Mayo at ultimong Hunyo, nagrereklamo naman tayo sa pagiging “mainit.”
At di lang yan, sa mga natitirang buwan, sa pagdaongng mga bagyo, nagrereklamo pa rin tayo. Either dahil umuulan, o sa aftermath nito: matapos ang ulan ay mainit pa rin, o maari rin na sa sobrang lakas ng ulan ay malamig na.
At yan ang problema: sala tayo sa init at sala tayo sa lamig. Delikado kung mas prone ka pa sa sakit.
Kamakailanlang, ayon sa PAGASA ay naranasan natinang pinakamalaimpyernong init sa Kamaynilaan sa 36.4 degrees Celsius. Halos apat na buwan lang ‘to matapos nating maranasan ang pinakamalamig na temperatura sa 15.8
Kung sa Maynila ay ganito kainit, what more pa sa mga lugar sa hilagang Luzon tulad na lamang ng Isabela at Cagayan, at ultmo ang lungsod ng Cabanatuan?
At kung noong Enero ay para tayong nasa freezer sa lamig, what more pang ang mga nasa probinsya tulad ng sa Benguet, partikular na ang nasa Baguio?
Pero may magagawa pa ba ang reklamo natin, lalo na kung nasa panahon na talaga tayo na nagbabago na ang klima, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo?
Hindi na bago ang ganito, maliban sa isang bagay: mas umiinit ang paligid, mas tirik ang araw, mas delikado magbabad (maliban na lang kung sobrang tibay ng SPF power ng sunblock lotion mo). Tignan mo nga, sa sobrang init ay may nagaganap pag forest fire as ilang bundok at lalawigan.
Mas masaklap ang maranasan ang init nanagiging mas mainit. Dahil dito, ay siyempre, apektado ang ating behavior bilang tao. Kaya nga pag nagagalit tayo ay sinasabing “mainit ang ulo,” ‘di ba?
Wala na tayong magagawa. Nagbabago na ang panahon eh.Yun nga lang,ang masaklpa dyan ay sa mga susunod na buwan ay kailangan nating harapin ang katotohanan na palagi tayong masasala sa init at masasala din sa lamig. At obvious na ito kung isa kang nagtatrabahong nlalang na nasa field palagi. Susuong ka sa naglalagablab na init para makabiyahe tapos papasukan mo ay isa namang napakalamig na opisina.
Aba, ano ‘to, parang “training ground” lang ah.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment