Babala: maaring hindi lahat ng mga bagay na nangyari noon ay mailalahad sa blog na ito. Kung may kulang man, pwede niyong idagdag sa pamamagitan ng pagkumento sa blog post na ito. Salamat.
Kweeeeeestiyun! Este, Ang tanong… paano kapag ang batas militar ay umiiral pa rin hanggang ngayon?
Oo nga naman. Sa panahon na sinusulat ko ito, eksaktong 40 taon na o 4 na dekada ang nakalilipas mula nung idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos sa bisa ng proclamation No. 1081 ang batas military sa ating bansa?
Pero actually, mataas pa rin tayong mga sibilyan ‘pag nagkataon. Dahil sino ba ang commander-in-chief ng Sandatahang Lakas? Isang civil officer na ang titulo ay “presidente.” Sa malamang, marami ang mababago sa takbo ng panahon kapag nananatili ang Martial Law sa ating bansa sa panahon ngayon. Ang mga tanong nga lang ay…
May mga tao pa ba na tahasang mambabatikos sa pamahalaan, ke sa pulitka man o sa mula sa hanay ng mamamayan? E bawal ang kilos protesta nun e.
May mga bus pa ba na bi-biyaheng Escolta? Yung LOVE BUS na tinatawag nila na naging MMDA Prison Bus na yata ngayon. At wala na yata akong nakikita na ganun e.
May magre-raid pa ba sa tinatawag nila na Maalikaya? Sabagay, meron namang Yes at Jaca na malapit sa mga paaralan sa Maynila.
Baka magiging boring ba ang nightlife natin niyan? Dahil tutumal ang bentahan ng mga “open 24-hours daily” na business tulad ng mga convenient store, fastfood chain, ultimo ang mga franchise na burger stand, at kahit ang mga gimikan sa Tomas Morato, Malate, at kung saan pa. Teka, kawawa naman yung mga nagtatrabaho sa graveyard shift, lalo na dumarami ang mga ganito sa BPO industry.
Magiging numero uno ba ang Pilipinas sa basketball niyan? Dahil tayo ang nagtatag ng pinakaunang pay-for-play na liga sa Asya e. Hindi na ba tayo mahihigitan ng mga tulad ng CBA, at ABL na taliwas a mga nangyayari ngayon?
Kikita pa ba ang Pilipinas ba sa boxing events, maliban pa sa mga laban ni Manny Pacquiao? Dahil sa Thrilla In Manila noong Oct. 1, 1975, nagkaroon ng matinding marka sa mundo ang the Big Dome. Nakilala ito.
Magiging mababa pa ang presyo ng mga bilihin sa atin? Mantakin mo ha, ang magasin na Liwayway, parang nasa piso lang ata. At ang halagang kaya mong mapanalunan sa Eat Bulaga na nagkakahalagang sampung libong piso noon? Aba , magkano kaya ang katumbas na iyun ngayon?
May Flavor of the Month pa ba kaya tayo na matitikman? E ang pinakagusto yata ng karamihan na ice cream, ay Magnum at 50 piso pa ang benta. Cheapest alternative: Sorbetes at Cornetto.
Baka ‘di kaya ma-censorized ang ating pakikipag-text nito? A la non-verbal version ng “wiretapping” sa call? At oo nga pala, magakaka-curfew din ba kaya ang mga unlimited services?
Makakapag-Facebook, Twitter pa ba tayo kung may Martial Law? Makakabira ka pa ba ng TANGINA THIS! Kapag nauurat tayo sa mga mapapel na pulitikotulad ni… ops, ‘wag, RA 10175. Pero sa malamang kung mangyayari yun, regulated na kasi ang internet.
Makakapanalo ba tayo ng award sa Cannes Film festival at kung saan pa sa sulok ng mundo? (in words of Jun Sabayton, PUNYETA! Pa’no tayo mananalo sa cannes niyan?) Kasi kung mapapansin niyo, maraming magagandang mga obra na gawa ng ating mga kababayan noon. Dati, tinitingala sa pinilakang tabing ang mga gawa ng isang Lino Brocka. Inaabangan ang pelikula ni FPJ sa sinehan at John En Marsha naman sa channel 9. Ang “walang himala” ni Nora Aunor, may English at Japanese subtitles pa. ngayon, saan mo makikita yan, sa mga pirated DVD ng mga banyagang pelikula muna? May mga tao ba na hahanga sa mga akda ni Ricky Lee na ginagamit sa mga pelikula?
Magkakaroon ba tayo ng mga makabayan na tema ng musika sa mainstream?Kung dati, patok na patok ang folk pop music nila Joey Ayala, ASIN, Ka Freddie Aguilar… ngayon, anyare? Pipitsuging pop na yata ang nauuso. Ang mga Macho Gwapito ng Rico J. Puno, ipangtatapat ng mga bata ngayon sa kanilang mga iniidolo na hindi pa naman ganap na hasa sa pagkanta? Loko ha. Ang “rock and roll” swagger ni Pepe Smith, hindi kaya itapat sa mga jejemon na feelingerong hip-hop. Pero hindi po patay ang OPM ha?
Magkakaroon pa ba kaya ng mga late night event tulad ng after party at ultimo ang rap battle na inaabot palagi ng madaling araw ang pagtatapos ng isang event? Alalahanin mo, may curfew nun. At ang KJ naman ng dating kung effective 10 minutes before 12 midnight e pack up na no. Pero actually umeron din namang ganyan dati e.
May mga tao ba na titira sa mga cloverleaf? Kung hindi mo alam ang terminong yan, isipin mo… flyover o overpass yun.
Mababawasan ba ang traffic sa EDSA, C5 at sa kung saan pang kalsadadahil sa maraming mga balasubas na motorista, ke pribado man o pampublikong sasakyan ang minamaneho.
Masasampulan ba ng dahas ang mga road rager tulad ni Roebrt Carabuena? At magkakaarmas kaya ang mga MMDA enforcer na tulad ni Saturnino Fabros?
May travel ban pa ba kaya? O mauuso pa ba ang It’s More Fun in The Philippines kung masyado naman tayong stirkto? Pero kungsabagay, epektibo nga ang disiplina sa turismo ng bansang Singapore . Tignan mo sila.
Mahuhuli ba ang mga mas mautak na kawatan at tampalasan sa kalye niyan?Lalo na sa gawing Kalookan, Commonwealth, Cubao, Tondo, Guadalupe at Pasay Rotonda at kung saan-saan pa? At may mga mala-ghost rider ba tayo na makikita na hahabol sa mga bwakananginang riding-in-tandem niyan?
Ang mga imprastraktura ba, masasabing pinagkagastuan o pinahalagahan ang buwis ng mamamayan? Dahil tignan mo ang ilang mga proyekto diyan ngayon, alam mo kung ano na lang ang kaaya-ayang tignan? Yung billboard… kaso minus the politican’s name and face nga lang. Kala mo pera nila ang pinambayad diyan oh. Pero yung billboard lang, anyare sa talagang proyekto?
Dadami din ba ang tao sa Metro Manila ?Alam ko na talagang dadagdag ang populasyon natin e, pero hindi tulad ng ganito na imbes na mas maging urbanisadong lugar ang Kamynilaan, e… asan na nga ba? Mas humirap lang yata tayo imbes na mas maging progresibo.
Magiging mas handa ba tayo sa mga kalamidad na tulad ni Habagat, Queenie, Reming, Milenyo, Ondoy, Pepeng, Pedring at Sendong? At isama mo na diyan ang lindol sa Luzon, Samar at Negros , pati ang pagsabog ng bulking Pinatubo. Mawawala ba ang mga nag-iskwat sa Manggahan Floodway na isa sa mga dahilan kung bakit uncontrollable na ang bahas a Kamaynilaan?
Dadami ba lalo ang kaso ng human rights violations niyan? Usapang writ of habeas corpus o writ of amparo ba.
Marami bang magaganap na lawless violence? Aba , possible kung masyado mahina ang numero ng police-to-citizen ratio.
Kung may Martial Law pa rin ngayon, teka, automatically sign off ang radyo at TV sa alas-dose niyan? (tama ba?) Ay, boring yata nun ha. Walang tututkan na In The Loop o Wild Confessions?!
Masusugpo ba natin ang corruption? Hmm… hirap niyan. Actually, madali magsalita, pero mahirap panindigan.
Magiging dispilinadong mamamayan ba tayo? Yan ang talagang tanong ko. E sa sobrang laya kasi natin e tila wala na sa ating mga bokabularyo ang salitang DISIPLINA.
Ang dami kong tanong ‘no? Pasensya, sadyang curious lang po. Hindi kasi ako maituturing na Lartial Law baby e. Na-curious lang ako bilang bata sa mga nangyayari sa mga nakalipas.
At oo nga pala, kung may martial law ba ngayon, magba-blog pa ba si slickmaster? Baka nga hindi pa magkakilala nun ang mga magulang ko at kung mabuhay man ako, sa ibang katauhan naman.
Walang makakapagsabi.
Author: slickmaster | Date: 09/21/2012 | Time: 3:30 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment