Saturday, 29 September 2012

TV, Y U NO MO GOOD? (TV, WHY YOU NO MORE GOOD?)


Nag-iiba na ang panahon, pati na rin ang programming ng telebisyon. Kung dati ang titino ng mga palatuntunan, e ang tanong: meron pa ba kayang mga ganito ngayon? Hmmm… meron naman siguro. Hindi nga lang singtulad ng dati. Ito kasi ang panahon na mas pinaunlakan natin ang mga kagustuhan natin. Kasi mabenta e, lalo na sa mga advertisers. The more na nag-rerate ang isang programa, the more na kikita.

Dati ang primetime ay madalas umeere pag patak sa oras ng ala-6:30 ng gabi. At ang mga teledrama noon ay may mapupulot na aral ka pa kahit papa’no. ang mga cartoon, ang titino pa kung ilarawan. Tuwing hapon ito madalas kapag Lunes hanggang Biyernes, at kapag Sabado at Linggo naman ay umaga ito sumasahimpapawid. Sakto lang pala para sa estudyanteng tulad ko na ang panahon na maglibang ay sa mga oras na iyun kapag weekend.

Ang variety at agme shows? Sakto lang. pero aminado ako, mas trip ko pa ang mga tulad ng Battle of the Brains ng RPN 9 kesa sa mga segment ng Eat Bulaga, maliban na lang kung Tee Vee Babe.

Comedy? Actually, noon pa man uso ang slapstick e. Since time in memorial nga e. erpo may mga palabas na may hapyaw sa mga isyung pampulitika noon. Bagay na patok na rin tulad ng Abangan Ang Mga susunod Na Kabanata.

Ang mga edukadong palabas, may Matanglawin kung Kapamilya fan ka. Maliban pa dun, sa ibang network alam ko meron din e. pero otherwise, anyare? Asaan? Kung naghahanap ka pa ng ibang mga tulad ng Sineskwela, Math Tinik, sa Cable na lang yata ito makikita.

Ang mga cartoons na sobrang abstract ng itsura ngayon? Aba, dati kahit 4 na daliri lang ang mga tulad ni Dexter e kahit papano mukhang tao pa rin. Mabuti pa ang mga tulad ng Anime kahit hindi ko mai-pronounce ng maayos ang mga lyrics ng mga theme song nila.

Child-friendly pa rin naman yata ang cartoons e. Pero ang tanong, may matutunan pa ba sila? Maliban pa sa palawakin ang imahinasyon nila? O maging bayolente, mag a la superhero at sindkin ang mga bumu-bully sa kanila na kontrabida na sa mata nila. Ewan. Buti na lang ang Happy Tree Friends ay umeere sa dis oras ng madaling araw.

Ang mga palabas na pang-romansa. (Ops, hindi yung akto ng pagroromansa mismo ha?) yung mga dating game, naalala ko dati sa channel 9 meron nun e. Pero yun pa ang panahon na ang pag-ibig ay ginagamit sa katinuan. E ngayon? Pucha, sa sobrang daming mapupusok na romatiko sa lipunan, asa!

Ang mga variety shows ngayon ay posibleng naglalarawan kung gaano kaliberated ang isang lipunan sa ngayon. Andyan ang mga dancer na may mga maalindog naman. Aba, sino ba naman ang hindi mag-iinit niyan sa init ng tanghali, lalo na sa mga tulad ko na nasa puberty stage pa lang nun? Yan ay kung magpapaimpluwesnya ka sa mga nakikita mo.

Pero “easy money” nga ba maituturing ang mga ilang pakulo nila? Hindi rin e. Parang tumaya ka rin sa lotto… may pag-asa ka nga maka-jackpot, pero yan ay kung magaling ka tsumamba. E kung makailang text ka para lang manalo ng cellphone load. Baka hindi mo pa mabawi ang ginastos mo pag nagkataon.

Siguro on the brighter side, kaya nilalarawan ang mga game shows na ganung pamamaraan ay dahil gusto nito maipakita kung anu-ano ang mga posibleng diskarte ng tao makakuha lang ng limpak-limpak na premyo. Kung gaano to kasedido. Hanggang saan ang kaya mo? At least, sa paraang legal sa mata n gating mga mata. At siguro, ang mga negatibong implikasyon nito ay ang nagmumukha na ganun na lang kadali ang magkapera. Parang ipinamimigay lang ba. Pero hindi rin e. Kasi para lang magkaroon ng pakulo sa TV, aakit ka ng mga sponsor. Siyempre, business e, at dapat pareho kayo na magbebenefit diyan.

Bibihira na lang yata ang mga talent shows nun sa TV. Madalas sila na mapansin sa mga segment ng variety shows, yung tipong may 60-seconds of fame ka. O kung fan ka ni Mr. Walang Tulugan, ayun, maraming mga may potensyal dun. Literal, pang-entertainment talaga. Ang kalakaran ngayon? Nakukuha sa mga reality shows, at may mga talent search din an reality based ang dating. Mas okay naman yun kesa sa nauna kong nabanggit no. At ang mas sikat na kalakaran pa para sumikat ka? Gumawa ka ng katangahan. Oo, magpakatanga ka. Gawin mong pain sa aktingan ang sariling kapalpakan para mapansin ka.


At para mapatawa mo ang sambayanan, dalawang bagay lang: either mamahiya ka ng tao, o pahiyain mo ang sarili mo. Literal na slapstick, pre. Pamimilosopo? Counted. Pati ang mga linyang walang ka-kunek-konek? Counted pa rin. Kaya tignan mo ang mga pangyayari ngayon? Ang lulupit manghusga at mang-alipusta kahit hindi naman kagandahan o nanggaling sa isang Academia.

Matapos kong kontrahin ang sinabi sa akin ng lola ko, tama rin pala ako? Sabi niya kasi sa akin na masyado akong seryoso, manood naman daw ako ng teledrama at nang matuto daw ako umibig. Asus. Mawalang galang lang po, ‘la. Kaya lang ang nakikita ko na drama sa TV e taliwas na po. Umiral ang sobrang romantisismo na dumarating sa punto na magiging sakim ang isa sa ngalan ng pag-ibig. Naku, tama ba naman yun? La kwents. Ang mga bata na dapat nag-aaral ang madalas ginagawa sanae nagiging mapusok na rin. Dahil ba walang pinipiling edad ang pag-ibig? Siguro, kaya nga ang daming nagiging batang ama at ina sa panahon na ito e.

Walang halagang moral, panay sobrang romansa espesyal at karahasan ang nilalalaman. Kaya hindi na ko mapapataka na maraming nagpapatayang tao sa ngalan ng pag-ibig o dahil lamang sa selos. Kasi akala ng mga ‘to, tama lang ang nakikita nila. Tsk.

Naging mala-Tabloid na ang programming ng mga pambalitaang palatuntunan sa telebisyon. Hindi dahil sa Tagalog na ang wikang ginagamit, pero dahil sa mga salitang inuulat. Yung mga tipong “naliligo sa sariling dugo.” Tila sensationalized journalism ba ang usapan? Sabagay, for the sake of ratings. E pano pala kung naligo ako sa sariling dugo? As in literal na ginawa ko yun? Ibig sabihin patay na ‘ko? Ngek. Hanep, ha.

Pero kung anuman ang nakikita natin na nakakaalibadbaran sa mga palabas, e may dahilan din e. Karamihan kasi sa atin sa Mega Maynila ay nasa gitna at mababang klasipikasyon ng social economic class. Nasa demographics ng audience ang pinakasanhi ng lahat. Kung ikaw anegosyante sa larangan ng media, kailangan mong pag-aralan kung ano ang gusto nila at mapukaw mo ang atensyon nila. Mag-aadjust ka. Paano ka bebenta kung panay public affairs ang palabas mo? Ang boring nun para sa mayorya. Sugal na siguradong talo ang posibleng kahihinatnan. Kelangan mong kumita kaya nauso diyan lalo ang mga labanan sa ratings. Siyempre, business e!

Saka iba na rin kasi ang panahon ngayon? Dumarami ang mga naninirahan sa metro, at nag-iiba din ang taste ng tao. Yun nga lang, imbes na mas umusbong, dumausdos. Aray ko po. Hindi lang ito usapin na konserbatibo at liberasyon. Maari ngang mas nagiging open tayo sa mga bagay-bagay at posibilidad ng mundo. Pero ang tanong, may nakukuha ba tayo na pwede nating pakinabangan pagdating ng panahon maliban pa sa kaalaman at katinuang ugali? Ewan. Baka naman, nakakabobo. Ika nga ng isang lumang TV commercial, “sa mata ng bata, ang maling halimbawa ay nagiging tama.:”

Author; slickmaster | Date: 09/28/2012 | Time: 03:05 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment