Una kong narinig ang salitang curfew noong bata pa ako. Nasa basketball court ako nun nung napansin ko ang nakapaskil na “curfew.” Bawal daw kaming mga menor de edad ng lumabas sa oras na alas-onse ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw. Ito nga ang dahilan kung bakit takot ako na lumabas noong mga dis oras ng gabi. Kapag nagising na ako ng alas-4:30 nun, aantayin ko pa mag-5 para lang maglaro sa court. At kailangan bago mag-11 nasa bahay na ko kaya hinahapit ko ang pag-order ng pagkain nun. Masyadong masunurin, no?
Ito palang curfew na ‘to ay isa sa mga batas na ipinatupad ni Macoy noong Batas Militar. 12 midnight – 4 am naman yun. Sa ngayon, hindi ko mawari kung ipinapatupad pa rin ito. Sabagay, ang isa sa mga layon kung bakit sa kabataan lang ang tinatarget ng batas na ito ay dahil sa dumaraming mga tambay at nagiging adik. Minsan pa nga nagkakaroon ng mga away o gang war. Pero sa kabutihang palad, wala naman akong nabalitaan na ganun ditto sa lugar namin.
Kahit noong 16 anyos pa lang ako at inuutusang bumili ng mga pinsan at kapatid ko ng alak, parang andun pa rin ang takot ko e. Buti na lang ang pinagbibilhan ko nun ay yung tindahan ng mga pamangkin ko (at that time kasi, may tindahan pa sila at 24-hours a day silang bukas). Kaya lang medyo may guilt pa rin, minsan nga halos mangatog na ang katawan ko sa kada nakakakita ng mga baranggay tanod. Akala ko huhuliin ako, yun pala. Tatanungin lang. “iho, saan ka pupunta?” “Ah, bibili lang pos a tindahan, ser.” Ayun, ‘di naman nasisita. E hindi naman kasi talaga ako naglo-loiter. Yung utos lang talaga ang pakay ko.
Pero sa pagdaan ng taon, nasa legal na edad na ako, parang ewan na lang ang mga nangyayari. Bakit kanyo? Sa kada panahon na uuwi ako ng bahay o tatambay sa computer shop ng tropa ko sa hatinggabi e ang daming mga kabataan ang nakatambay lang. Though wala naman silang ginagawang masama (hindi ko na pwedeng himasukan ang pagyoyosi ng mga ‘to, tumatagay, o pakikipaglalandian), pero may curfew e. Naiisip ko na lang na “sabagay, ‘pag andayn na ang mga tanod e kakaripas ng takbo ang mga ‘to, maghihiwalay ng mga eskinita para lang makatakas.” Pero, may batas pa rin e. Parang hindi yata natatakot ang mga ‘to o ine-excuse lang ang pagiging ignorante. Pwede naman silang pumasok sa silong o barong ng mga bahay nila at doon gawin iyun. Ewan.
Sa burger stand nga lang na inoorderan ko ng buy 1 take 1 na mga pagkain e mararaming mga andun na mahahalata mo sa edad. Ayos sana , e kaso hindi naman umoorder. Pero dedma na lang, paki ko ba sa mga iyun? Buti sana kung pinagtitripan ako kaso ibang usapan na iyun.
Pero hindi ganun e. Ang ilan sa mga nakikita ko, andun lang sa bandang court nakapatrol. Sabagay, dun naman talaga ang destino ng karamihan sa ganung oras. Dahil doon, may malapit na kainan na bukas sad is oras ng gabi, isama mo na ang isa pang burger stand, tindahan ng isa sa mga kilala ko na kapitbahay, at isang open 24 horus daily na bakery.
Sa tingin ko, kahit tila wa curfew na e maayos pa naman ang nangyayari. At hindi na rin ako pwedeng huliin kung tatambay man ako (pero hindi ko naman gagawin ang mag-loiter anyway) dahil 22 na ako e. Saka sa totoo lang, ang mga nakikita ko pang mga umaakto ng pasaway kesa sa mga batas a ganung oras ay yung mga manong na tambay. Tumatagay pa ng kanyang hawak na 1 malaking bote ng isang brand ng brandy sa bandang tabi e. Yung iba pa dyan na nasa edad 30 lang nakikipag-away na sa kapwa niya na lashing. Yun lang ang mga eskandalong nagaganap.
Samanatalang yung mga mas bata pa sa akin na napapansin ko kahit alam ko na mga may grang o frat ‘tong mga ‘to? Chill lang. Nakatambay nga pero ang titino naman, hindi ganun kalakasan ang boses para maka-istorbo sa mga natutulog na kapitbahay at kung nasa shop naman, tahimik din. Tama yan, nang hindi mapahamak yung mga may-ari ng tinatambayan niyo. At hindi lang sa lugar ko mismo napapansin ito, kundi pati na rin sa ilang mga lugar na nadadaanan ko sad is oras ng gabi, commute man o naglalakad.
Isang bagay lang ang sigurado. Kung epektibo man ang curfew o hindi, ‘pag disiplinado ang tao, maayos at matiwasay ang komunidad sa gabi.
Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 12:13 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.
No comments:
Post a Comment