Friday, 20 June 2014

The Aftermath: 2014 NBA Finals

06/17/14 08:30:35 AM

As usual, hindi natatapos ang usapang NBA Finals sa pagtunong ng final buzzer o ni sa pagsabi ng broadcaster ng ESPN kung sino ang Finals MVP (na by the way, ay na-award kay Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs), o sa mga post-game press conference.

Hindi mamamatay ang isyu na ito kahit na may World Cup pa ang mundo ng football, ang kasalukuyang kasabay na malaking sporting event sa larangan ng sports.

Bakit ganun? Malamang, marami kasi dyan ay hindi makaget-over sa usapang ito. Ke ang koponan niya ay nagchampion, o siya ay nanlulumo sa pagkatalo ng kanyang manok.

At dahil tapos na ang NBA Finals... (ano ngayon?) malamang, tuloy-tuloy lang ang kantayawan. Pustahan tayo, mauuso ang tuksuhan sa mga posts na may kinalaman sa NBA Finals. Marami-rami dyan ang mag-eemote dahil sa kawawang isang libo na napiusta niya ay olats pala sila LeBron o sinupaman ang kinampihan niya nun.

Marami-rami dyan ang tahasang mangbabash sa mga haters ng koponan niya. (i.e. “O ano kayo mga Spurs haters? Anyare sa Big 3 n'yo?! Mga supot kasi kayo eh!”) Oo, magkakapersonalan talaga, bagamat for a moment ay mga hamak na internet gangster lang naman sila. Oo, pare-pareho sila. Kala mo naman marurunong mag-basketball, eh magagling lang naman mangantyaw.

Hindi matatapos ang usapang NBA Finals hangga't hindi sila nagiging instant sports analyst. Matik na yan, parang nung laban ni Pacquiao. Majority sa mga taong nakasaksi ng mga laro, partikular yung mga nakatutok talaga mula pre-game ng Game One hanggang sa total wrap-up coverage na ng Game Five, ay may say sa mga nangyari.

Kung bakit sumablay ang mga play nila Chris Bosh, Dwyane Wade, Mario Chalmers, Ray Allen, at ultimong sila Ray Allen at Rashard Lewis? Kung bakit ganun na lang katindi ang kumpiyansa ni Leonard na bantayan si LeBron sa kabila ng halos-palagiang pagkafoul out niya bawat laro? Kung bakit mas kumakana pa sila Kawhi Leonard, Tony Parker, Manu Ginobili, at ultimong si Patrick Mills kesa kila Tim Duncan at, surprisingly, si Danny Green (na ang tindi tumira mula sa labas nung 2013 NBA Finals pero ngayon ay... ewan; siya pa naman bet ko sanang manalo ng Finals MVP last year kung nanalo ang Spurs)?

Sa dami ng mga tanong (at marami-rami pa't hindi na siya kakasya sa artikulong ito), ay hindi mo na kailangan pang magtanong sa Facebook at Twitter nila Magoo Marjon, TJ Manotoc, Boom Gonzalez, Mico Halili, Quinito Henson, Sev Sarmenta, Chino Trinidad, Aaron Atayde, James Velasquez, Anton Tipan, Dennis Principe, Snow Badua, Jason Webb, Chiqui Reyes, Andy Jao, at sa kung sinu-sino pang mga lehitimong sportscaster.

Magtanong ka na lang sa mga tropa mo, at presto—may mga kanya-kanyang opinyon o kuro-kuro na yan, na mauuwi sa isang debate, ke nasa isang mabuting usapan man kayo o nasa maboteng talakayan. Ayos, 'di ba?

Pero mas mabuti pa ring malaman mula sa mga eksperto ang mga analysis nila—at yan sa pamamamgitan ng pagantabay na lamang sa kanilang mga posts as internet o artikulo sa kanilang mga kolumn.

Pero ang usapang NBA Finals na 'to? Malamang, aabutin pa bago mag-next week bago makamove on ang mga tao.

Ay, oo nga pala. Nanalo pala ako sa pustahan, boy! Asan na bayad mo?! Oy, pati ikaw! At ikaw din pala! Kala n'yo ha?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment