06/13/14 04:29:12 PM
So, may kontrobersiyal na eksena na naman sa paboritong bahay ng lahat–ops, lilinawin ko lang: hindi ko po yan bahay kahit ganun din ang madalas na tawag sa akin ng nakararami. Oo nga, sa bahay ni Kuya (err, Big Brother House na nga lang), yun andun sa bandang Mother Ignacia, tapat ng kanilang network (where else? Ala naman magpakalayo-layo pa sila e no?).
Si Ate, ayaw maghubad, este, ayaw tanggapin ang hamon na tinatawag na “nude painting challenge.” Eh, pinilit daw ni Kuya (ops, Big Brother yan) na tanggapin ang hamon dahil maraming nakasalalay, pati ang adbokasiya ng artista raw. Napa-OO naman si ate, kaso sapilitan ang datingan. At humahagulgol.
Ayan tuloy, nahaluan ng sex ang tema ng programa kahit sa totoo lang ay may kasama silang mga batang isip na wala pang kamuwang-muwang (talaga lang ha? Kaya pala ang ilan dyan ay daig pa ang mga matrona kung makipaglandian) sa mga ganyang bagay.
Ay mali, teens pala sila. Sorry.
Naku. Simula pa lang ng pagsasahimpapawid nila ay samu't sari nang kontrobersiya at batikos ang inabot nila. Eh, ngayon? Same old shit lang din. Ugh, ang come to think that “controversy loves cash.”
Ibig sabihin, ang mga naturang episode ng Pinoy Big Brother All In noong June 4 at 5 ay tumabo na naman sa takilya sa mata ng publiko. Kahit yung mga hindi nanunood niyan (tulad ng inyong lingkod) ay napapatingin sa mga balitang may kaugnayan sa kanila. Lakas talaga makahatak ng C-word na yan, no?
Oo. Bumenta nga sila, kaso sa hindi magandang kalagayan.
Pero, ano nga ba pinaglalaban ng mga taong against sa challenge episode na yan? Ayon sa Philippine Commission on Women (PCW), okay lang daw sana kung tanggapin ni Jayme ang nude painting challenge na yun, as long as kusa ang ginawa niyang desisyon at hindi sapilitan.
Bagay na sang-ayon naman ang inyong lingkod. Oo nga naman. Kung trip nya mag-nude, go. As long as hindi ka pinilit, na parang napilitan kang makipagtalik sa boyfriend mo dahil sa gusto niya at hindi mo.
Alam ko, siguro hindi dapat ganun ang dapat na magiging outcome sa parte naman ng mga production staff ng PBB. Pero ang problema kasi ay nangyari na eh. Kaya nga ang mga Senadorang Pia Cayetano at Nancy Binay ay tinawag ang attensyon ng pamunuan ng parehong programa at ang network nito.
At ang MTRCB ay umakto na rin. Para raw sa matalinong panunood nila Juan. As in gender-sensitivity lang naman ang naging puno't dulo niyan. Nag-violate raw ang PBB ng isang provision sa Magna Carta na may kinalaman sa karapatan ng mga babae at paglaban sa sexual exploitation.
Kung titignan din kasi sa konteksto na may kalapitan rin sa luma't konserbatibong pananaw, nagmumukhang object for sex ang mga kababaihan, bagay naman na hindi naman dapat mangyari at all kahit pa sa panahon ngayon, unless may freewill o pagkukusa sila na magshoot sa mga magazine na tulad ng FHM.
At kaya nga naman naging “all out” ang parusa sa PBB All In na yan. For three months, katakut-takot na measures ang pinakawalan ng regulatory agency para sa kanila. Eh, teka, di ba for three months (or maybe four) sasahimpapawid ang PBB? Yun ay kung susunod nga sila sa sinasabi nilang 100 days. Pero, I doubt na nasusunod yun at all.
Either way... wala lang, E ano ngayon kung may ganitong kontrobersiya ang isang reality show gaya ng PBB?
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment